NATHAN'S CONFUSION ON HIS MOTHER'S MOOD

626 Words
Pagkatapos kumain ng meryenda ay biglang nagpaalam si Theresa, ang ina ng binata, na pupunta sa kanilang silid ng asawa dahil umano ay biglang sumama ang pakiramdam nito na ikinabahala naman ni Thomas, ang ama naman ng binata. "Please excuse us iha. Son, ikaw na muna ang bahala sa girlfriend mo at sasamahan ko muna ang mama mo sa silid." Paalam ng ginoo na tinanguan ng binata at inalalayan na nito ang kabiyak na tahimik lang na lumakad palayo sa kanila. Napabuntung-hininga naman ang binata dahil sa biglang pagbabago ng mood ng ina. Tinanong niya ito kaninang umaga tungkol sa kondisyon nito dahil simula pa kahapon ay matamlay na ito ngunit ang tanging sagot lang nito ay okay naman daw ito. Naniniwala siyang maayos naman ang kalusugan nito dahil kapapa check-up lang nito noong isang araw sa kanilang family doctor. Sa katunayan ay sobrang excited pa nga nito nung ibinalita niyang dadalhin niya sa resthouse ang dalaga at ipapakilala sa mga ito. Ito paman din ang naghanda ng mga kakainin nila ng araw na iyon dahil sa tingin niya ay espesyal para dito ang araw na ito. Ngunit hindi niya malaman sa anong dahilan at bigla itong naging tahimik at seryoso simula ng makita nito si Mari. "Love, okay ka lang ba?" Untag ni Mari sa kanya. "Oh, I'm sorry love at di na kita naasikaso. Napalalim yata ang pag-iisip ko. Pasensya na sa Mama ha at di na kayo tuloy-tuloy na nakapag-kwentuhan. Maybe she's not really feeling well di ko lang talaga maisip for what reason at sumama ang pakiramdam niya. Is it the food? The weather? I can't really tell love." Hinging-paumanhin niya sa kasintahan. "No worries love. Naiintidihan ko naman ang mama mo. Masaya ako at naipakilala mo ako sa kanya at sa papa mo. I feel in my heart that they are as good as you. Sana bumuti na ang pakiramdam ng mama mo soon." "Napaka understanding talaga ng mahal ko and I love you more and more for that attitude. Halika at ipapasyal kita sa loob ng bahay para hindi ka ma bore." Anyaya niya kay Mari at hinawakan niya ang mga kamay nito upang itayo at inakay papuntang loob ng bahay. "Ang lawak ng resthouse niyo love. Sobrang laki nito para sa tatlong tao lamang." Nasabi ng dalaga habang nakatingala at inililibot ang tingin sa buong bahay. "This house won't be so spacious anymore once we'll have our kids, love.". Tugon niya na nakangiti. "Huh? What do you mean?" Takang tanong nito. "We'll have dozens of kids love. That's what I mean." Pilyo niyang sabi. "Ikaw talaga puro ka biro." Natatawang sabi ng dalaga. "Well, to start with one of the dozens, let's get inside in my room." Hinila niya ang dalaga papasok sa isang kwarto ng makatuntong sila sa ikalawang palapag. "Love, biro lang yun di ba?" Biglang kinabahan ang dalaga ng tuluyan niyang isara pinto ng kwarto. Malaki at maganda ang kwarto ng binata. Angkop ang kulay puti na pintura dahil napakalinis tingnan ng silid. "I can be serious too love." Kinindatan pa niya ang dalaga at hinawakan ang mukha nito upang ma focus ang tingin nito sa kanya. Gusto niya lang talaga itong mapatawa ngunit nadala na naman siya sa karismang dulot nito. "Magtigil ka nga diyan Nathan!" Kunwari'y galit ang dalaga ngunit nahihimigan parin niya ang lambing sa tono nito. "Hmm...don't you miss my kisses love?" Pang-aakit niya dito at ikinulong ang dalaga sa kanyang mga bisig. Ramdam niya agad ang pagkabuhay ng kanyang laman sa init ng katawan ng dalaga. "I miss you always love at alam mo yan." Nahihiyang bulong ng dalaga. "And I miss you more and more love." Tugon niya habang dahan-dahang yumuko upang abutin ang naghihintay na mga labi ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD