
Ang buong akala ni Amber, sa isang party sila pupunta ng kaniyang kinilalang ina at ama na bihis na bihis din katulad niya. Ngunit hindi niya alam, balak pala siyang ibenta ng mga ito sa isang matandang mayaman para maging parausan niyon sa halagang dalawang daang libong piso.
Nang aksidenteng marinig niya ang usapan ng kaniyang kinilalang mga magulang, huli na dahil napainom na siya ng mga ito ng juice na may halo palang drugs!
Kaya pala iba na ang kaniyang nararamdaman.
Ngunit hindi iyon naging dahilan para takasan niya ang mga ito. At sa kaniyang pagtakas, humantong siya sa isang silid. Sobrang nag-iinit na rin ang pakiramdam niya.
Hanggang sa may makita siyang isang lalaking nakatapis lang ng tuwalya na lumabas sa banyo. Sa nararamdamang hilo, hindi na niya makita ng malinaw ang hitsura niyon.
"Tulungan mo ako," pakiusap pa ni Amber nang lapitan niya ang lalaki.
Bago pa ito makapagsalita ay agad niyang kinabig ang batok nito pababa sa kaniya at walang paalam na siniil ng halik ang mga labi nito.
Wala na siyang kontrol sa sarili niya ng mga sandaling iyon. Ang gusto na lang niya ay ang mailabas ang init na nararamdaman sa kaniyang katawan.
Ngunit nang makilala niya ang lalaking pinagbigyan ng sarili kinabukasan, parang gusto niyang maglaho na parang isang bula!
Ang kilalang-kilala na Governor pala sa kanilang probinsiya ang napagbigyan niya ng kaniyang sarili. Sa takot, tinakasan niya ito habang natutulog pa ito.
Buong akala ni Amber, matatakasan niya ang multo ng kaniyang kahapon, ngunit muling pinagtagpo ang landas nila ni Governor Maximus 'Max' Razon.
At sa pagkakataon na iyon, mahirap ng takasan ang ubod ng guwapong Gobernador.

