CHAPTER 25 “Simulan mo nang maghubad.” Pagkalabas pa lamang ni Eiji ng banyo sa loob ng kaniyang kuwarto ay iyon na ang binungad ko. Napaawang ang labi niya at napatingin sa suot niyang pyjama. “Sana pala hindi na lang ako nagbihis…” Basa pa ang buhok niya, kagagaling lamang sa pagligo—fresh na fresh. Halos ganoon din ako na nakasuot lamang ng bathrobe pagkatapos maligo. Isang oras pa lamang ang lumipas matapos kaming umuwi sa mansyon ni Eiji, pagkatapos kong tapusin ang aking trabaho. Kumpara sa mga nakaraang araw, pinili kong mag-overtime kanina nang sa gayon ay hindi ako matambakan. Isa pa, mas tumagal lamang ako sa ginagawa kanina dahil kay Eiji. Sa tuwing maglalapat ang mga paningin namin at maging ang mga balat namin sa katawan ay nauuwi sa maliyab na pagtatalo. Napailing-i

