bc

SAVE MY HEART ALIVE

book_age18+
269
FOLLOW
2.3K
READ
HE
arranged marriage
gangster
like
intro-logo
Blurb

"I love you" tatlong salita na ang sarap pakinggan mula sa taong mahal mo.

"I Hate you" tatlong salita na ayaw mong marinig sa taong mahalaga sa buhay mo.

"I miss you" tatlong salita na ang sarap pakinggan galing sa isang taong labis mong gustong makita.

Pero paano kung ang lahat ng yan ay narinig mo na sa nakaraan mo? Gugustuhin mo pa bang marinig ulit yan mula sa isang taong kinamumuhian ka na ngayon, dahil sa isang pangyayari na hindi mo rin alam kung nagawa mo ba talaga sa kanya.

Ito ang kuwento nila Jamil De Lana at Gemmalyn Nicolas Ramirez ang dalawang taong napaglaruan ng sarili nilang tadhana.

chap-preview
Free preview
MISSION AGREE
Chapter 1 -Gemmalyn- Papasok ako ngayon sa condo ko ng makita kong bukas ang pinto, alam kong inilock ito bago ako umalis kaya naman mabilis ang aking pagkilos. Hinawakan ko agad ang baril ko para kung magkakaroon ng gulo ay handa akong lumaban. Dahan-dahan akong pumasok para makita kung sino ang nasa loob hanggang sa mapunta ako sa kusina at nakita kong merong nakaupo roon at napabuga na lang ako ng hangin ng makita ang dalawang kaibigan kong sina Michelle at Nicole. Pero dahil naiinis ako sa dalawang ito at binaril ko pa rin ang isang prutas na nasa ibabaw ng mesa para naman mailabas ko ang inis ko sa mga ito. Napatalon pa si Mich sa kanyang pagkakaupo, habang si Nicole naman ay naibagsak ang kalderong hawak para sana magluto ng kanilang makakain. “T***g-**a ka, ikaw lang pala yan Gemmalyn bakit ka ba naggugulat ha?” Galit na mura pa sa akin ni Nicole. “Mga g*go kayo wala ba kayong sariling condo at di n’yo pa talaga naisipang manggulo ha." Sigaw ko sa mga ito dahil talagang kinabahan ako kanina mung sino ang pumasok sa condo ko ng walang paalam. “Relax ka lang kakain lang kami at pagkatapos ay aalis na rin.” Simpleng sagot lang sakin ni Mich at saka kinagatan ang hawak nitong mansanas. Napapailing na lang ako sa dalawang ito kahit kaylan talaga hindi ko magawang makapagpahinga ng maayos kapag kasama ko ang mga ito. Naupo na lang ako sa sala dahil sa pagod talaga ako ngayong araw. Marami akong inaayos at aayusin pa. “San ka ba galing at ngayon ka lang umuwi, alam mo bang hinahanap ka na ni Jamil?” Tanong sa akin ni Mich at naupo sa isang bangko na malapit lang din naman sa akin. “Alam ko at wala akong pakialam sa kanya.” Sagot ko dito at saka nahiga dahil sa sumasakit na rin ang ulo ko. “Akala ko ba mahal mo? Bakit mo nilayasan?” Ulit na tanong pa nito sa akin. “Akala ko lang pala yon, akala ko mahal ko siya at mahal niya ako, nagkamali ako at hindi niya ako kayang patawarin hindi rin niya ko pinakinggan o inalam man lang ang totoo sa kung ano ang nangyari sa akin ng gabing yon.” Simpleng sagot ko dito. Pero wala na akong narinig mula dito. Alam ng mga kaibigan ko kung anong pinagdadaanan ko noo at maging sa ngayon. Apat kaming magkakaibigan pero kahit kaylan ay hindi nila ako hinusgahan sa kung ano man ang nagyari sa nakaraan ko. Kaya naman nagpatuloy na lang ako sa buhay kahit na nangungulila ang aking puso dahil sa anak kong nilayo sa akin na halos dalawang taon na rin. “Tuwag si Boss mother kung pwde ka raw makausap mamayang gabi sa dating lugar.?” Singit ni Nicole sa aming dalawa ni Mich. “Sige darating ako.” Sagot ko dito at saka ako pumasok sa kuwarto ko para ituloy ang pagtulog ko. Bahala na ang dalawang ito kung ano ang gusto nilang gawin sa loob ng bahay ko. Halos apat na oras din ang naitulog ko bago ako bumangon at lumabas ng kuwarto. Tahimik na ang paligid at malinis na rina ng kusina ko at alam kong umalis na rin ang mga ito. Mabuti na lang at nag-iwan pa ang mga ito ng pagkain dahil sa talagang wala akong ganang magluto kaya palaging sa labas lang ako nagluluto. Nag-ayos na ako at makikipag-usap ako ngayon kay Boss mother ang isa sa mga kaibigan ko. Asawa ito ng isang mafia lord kaya naman maging ang sariling asawa nito ay nagiging kaaway nito sa tuwing mali ang nagiging desisyon nito. Nag suot lang ako ng all black isa ito sa paborito ko damit kaya naman bihira lang ako bumili ng damit. At isa pa hindi naman ako ganoon kayaman kagaya ng mga kaibigan ko kaya hindi ako nagiging maluho pagdating sa aking sarili. Nang maayos ko na ang lahat ay luambas na ako ng condo at tahimik na naglakad sa hallway at saka ako sumakat ng elevator papuntang basement kung saan nakaparada ang motor ko. Waal akong hilig sa kotse at nababagalan akong gamitin yun kaya naman mas gusto ko ang motor ang gamitin lalo na king may hahabulin alkong criminal. Saktong alas nuwebe ng gabi ng marating ko ang dating hide out namin, pumasok na ako at nakulat pa ako ng makitang narito na ang halos lahat na tauhan ni Boss mother. At mukhang ako na lang ang inaantay nito. “Salamat naman at nagising ka na ang buong akala namin ay hindi ka na talaga gigising pa.” Sambit ni Nicole sa akin habang may tinignan sa kanyang cellphone. “Sinabi kong pupunta ako kaya wala kang pakialam kung gigising pa ako o hindi na.” Sagot ko dito na walang imosyon at saka ako naupo sa isang coach na wala pang nakaupo. “You two stop.” Sambit sa amin ni Boss mother at masama rin ang tingin nito sa aming dalawa. Nasa ganoon kaming pag-uusap ng bumukas ang pinto at makita ang isang taong matagal ko ng hindi nakikita. Isang taong pilit kong inaalis sa isip at puso ko. Ang lalaking hanggang ngayon ay nagpapahirap sa aking kalooban. Umiwas na lang ako ng tingin at saka siniksik ang sarili sa dulo ng upuan. “Let's start this meeting” Salita ng isang babaeng mukhang sundalo. At nagpatuloy na ito sa kanyang gustong sabihin at isa pang laptop ang nilapag nito sa mesa habang nag eexplain sa kung anong mission meron kami ngayon. “He is Malik Ali an Arabian who makes drugs and sells them in their country. And that drug is already here in our country. From the intelligence that his drug is really here, that's why our government wants to prevent its spread because it's not just a drug.” Paliwanag nito, pero wala doon ang pokus ko kung di sa lalaking katapat ko na ngayon. “If so, how would you like to see that animal's head here on the table.” Lakas kong sagot dito, at hindi ko inisip kung ano man ang magiging reaksyon ng lahat sa akin ng dahil sa sinabi ko. Nakita ko pang nagtaka ang lahat, kaya naman napatingin na rin ako sa mga ito ng walang imosyon. “You will not walk alone in this mission. I will form your teammates and then you plan what to do. That person is dangerous so you should have someone with you.” Simpleng sambit naman ni Lord Jax ang asawa ni Boss mother. “Give me this mission, I can handle that man alone. There is a more dangerous man than that animal. Then life doesn't matter anymore, I'm tired too, so it's better if we see death.” Sagot ko dito at saka tumayo at kinuha ang folder na nasa ibabaw ng mesa na naglalaman ng mga information ng lalaking papatayin ko. Nagulat man ang lahat pero buo na ang loob ko, wala akong panahon na sumama sa ibang grupo dahil sanay na akong mag-isa ngayon. Mula ng maranasan ko ang pagkaitan ng kaligayahan ay mas pinili ko na rin ang magsolo sa buhay. Maging ang mga kaibigan ko ay lumayo ako, ayokong makita nila na labis kong nasasaktan sa tuwing naaalala ko lang ang nakaraan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
104.7K
bc

Angel's Evil Husband

read
268.8K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
150.8K
bc

Dangerous Spy

read
322.4K
bc

Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)

read
97.6K
bc

MY MASTER: MAFIA LORD SERIES 11

read
57.9K
bc

Denver Mondragon

read
68.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook