Chapter 17 (The Present) -Jamil- Dalawang taon na rin ang nagdaan ng iwan kami ni Gemmalyn at tumuloy ito sa kanyang mission, nung una ay hindi ko maintindihan na kaya n’yang iwan ang kanyang sariling anak para gawin ang inutos dito ni Queene Marie ang asawa ng kapatid kong si Jax. Naguguluhan man ako ay kinayan ko na lang ang lahat, inalagaan ko si Mhica at pinaramdam dito na siya ang pinakamahala sa buhay ko. Nakaramdam naman ako ng galit sa ina nito nguni’t alam kong sa sarili kong mahal na mahal ko pa rin ito. Naniniwala pa rin akong may dahilan ito kung bakit mas pinili nitong iwan kami at pumunta sa ibang bansa para tapusin ang dapat nitong tapusin. Papalabas na ako ng kotse ko ng makita kong tumatakbo ang aking anak papalapit sa akin at kasunod nito Jannah ang ex-fiancé ko

