MHICA IN THE MIDDLE OF TRAUMA

1421 Words

Chapter 24 -Gemmalyn- Naririto ko ngayon sa likod ng isang puno at pinagmamasdan ang anak kong si Mhica, mula ng malaman kong nasa kamay na ito ng kaibigan kong si Mira at palagi ko na itong pinagmamasdan mula sa malayo. Wala akong lakas ng loob na lapitan ito lalo na kalagayan nito ngayon, nakatulala ito sa kawalan at may benda ang kaliwang braso na sa tingin ko ay natamo nito sa nangyaring pagsabog. Alam kong malaking ang nagawa ko ditong kasalanan kaya ngayon at nagkaroon ito ng trauma, masakit bilang ina na makita ito sa ganitong kalagayan at wala akong magawa para mapagaan ang kalooban nito. Gusto ko man itong lapitan at yakapin ay hindi ko magawa dahil sa nilalamon ako ng konsensya dahil sa lahat ng pinagdaanan nito sa murang edad. Natatakot rin akong masumbatan nito o marinig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD