Chapter 21
“Hello, Stefanie me balita na ba kayo kay Isabella? tanong nito sa kanya. Natahimik sa kabilang linya.
‘Wala pa, hindi pa nag re-report yung binayaran ni Papa na imbestigador” anito
“Ganon ba” sabi nito alam niya hindi interesado ang pamilya ni Isabella hanapin ito. Nababasakali me balita sila tungkol sa asawa. Wala pa isang minute nag paalam na siya kay Stefanie
****
Maaga pa kinabukasan nasa harap na ng De Ayala building si Isabella. Nag dadalawang isip ito kung tutuloy siya or hindi. Mabuti na lang napakiusapan niya si Felipe bantayan ang kanyang anak na si Remuz. Huminga muna siya ng malalim bago pumasok.
“Good morning” bati niya sa receptionist
‘Where I can find the office of Mr.Renzo De Ayala? Tanong niya dito
Nagkatinginan ang receptionist at telephone operator. Ganoon din ang ibang mga bisita naroon sa receptionist marahil ay may hinihintay na mga executive.
“Im afraid Mr.De Ayala doesn’t arrive yet,Miss.”magalang na sagot ng receptionist.
“He is usually in by 9.wika nito
“But I saw his Bugatti in the parking area.”giit niya. Kilala kilala niya ang mga sasakyan ng asawa. Kaya alam niya sa kanya iyon dahil nakaparada sa paraking lot na laan para sa kanya. One of his expensive car collections.
Nagkatinginan ang dalawang babae, ang receptionist ay dumayal at ilang sandali pa ay may kausap na ito sa kabilang linya.
“Rose, ke aga-aga eh me nag hahanap sa boss mo rito sa ibaba. Papanhikin ko ba? Wika nito pasulyap-sulyap sa kanya.”As usual babae,ano pa ba? Mukhang Italyana,ang isang ito day, magandang lahi” hininaan nito ang huling sinabi bagaman nakakatiyak sa sarili hindi nakakaindi ng tagalog si Isabella.”Ok,” Ibinaba nito ang -telephone-intercom.
“Do you have an appointment miss? Baling nito sa kanya
Umiling siya”N-no but Im sure Renzo will see me…. Alanganing sagot niya. Hindi matiyak kung kakausapin nga ba siya ng asawa. Kung ang pagbabasehan ang galit nito sa kanya.
Sukat doon ay sabay na makahulugang ngumiti ang dalawang babae.
I’m sorry miss, but Mr.De Ayala won’t see you unless you you have an appointment to him today.He’s kinda busy and his meeting with his staff will start soon.
Itinuwid ni Isabella ang sarili at natitiyak niyang sa determinasyong nasa mukha ang dawalang babae ay hindi siya papayagang makapanhik man lang.Sinikap niyang pigilin ang pagkairata sa dalawang babaeng ito at itinaas ang mukha.
“I don’t think I need an appointment to see my husband! Miss dial his secretary and tell her Mrs.Isabella De Ayala would like to see her boss!! Nangagalaiti nito sabi sa dalawang babae nasa receptionist.
Sabay na napasinghap ang dalawang babae at bago pa naintindihan ni Isabella ang nangyari ay kumislap na ang mga camera sa kanyang mukha na sinundan pa ng isa. Ang receptionist ay nagmamadali ng dumayal sa itaas, habang mabilis na nakapaikot kay Isabella ang mga reporter.
“Rose, makinig kang mabuti, “ Ang receptionist habang nakatingin kay Isabella iniiwas ang mukha sa camera.”Ang Italyanang narito sa baab ay sinasabing asawa siya ni Mr.De Ayala…. Yes! Ilang minto nag hintay sa interphone-ang receptionist.
Si Isabella ay inulan ng tanong ang mga reporters.
“Excuse me miss...what did you say your name again? Ang isang lalaki na kanina ay alam niyang nakaupo sa mahabang sofa para sa bisita.
‘And did you say you are Mrs.Renzo De Ayala…? Itinaas nito muli ang camera at kinunan siya ng larawan na biglang nagpalito sa kanya.
“Oh, please leave me alone” natataranta na nito sabi.
“Me bali balita noong nakaraang taon na nag paakasal si Mr.Renzo De Ayala secretly, sa anak ng business associate.Is it True? Tanong naman ng isang kasama nito
‘Miss… Mr Renzo want to know your full name…
Inis na humakbang si Isabella palapit sa receptionist.At kinuha ang telepono sa nabiglang babae.”Hello…”
‘hello..the deep and husky voice sa kabilang linya.
‘R-renzo…..sunod sunod ang kabang bumangon sa dibdib niya. Ksabay ng pagkalito sa mga nagkislapan camera at tanong ng mga reporter.”….its…...Isabella she answered worriedly
She was expecting Renzo to hang up dahil mahabang sandali ang namagitang katahimikan. At baka hindi siya gusto kausapin.
“Give the phone to the guard.” Utos nito makalipas ang mahabang sandali. She sighed her relief at sinulyapan ang guwardiya at ibinigay ang telepono. Mabilis ito lumapit.
“Yes...Sir...Right …Away sir...ibinalik nito ang tekepono sa nakatangang receptionist.”This way pleased Mrs.De Ayala. Sinenyasan nito ang dawala lalaki sa tangkang pagsunod.
Nakahinga ng maluwag si Isabella ng sumara ang elevator. Isinadal ang ulo sa elevator wall at pumikit. Hindi niya alam kung alin ang nakabigla sa kanya. Ang dalawang reporter o yung boses ni Renzo.
Bago niya nasagot ang sarili ay muling bumukas ang elevator. At iginiya siya palabas ng guard palabas ng lift. Isang silid ang binuksan nito.
Nakatayo na ang secretarya at tila inaabangan sila. Nasa mukha nito ang matinding pagkamangha.
Please have a sit Ma’m. Itinuro nito ng settee sa malapit. ‘May kausap lang si sir sa kabilang linya.
‘Salamat, aniya sa security guard na umalis na rin. Hindi pa siya nakakahakbang nang tumunog na ang intercom. Narinig nito ang boses ni Renzo.
“Send my wife in, Rose”
“Yes, sir.”tumingala ito “Pumasok na kayo Ma’m
‘Send my wife in..” paulit ulit nito naririnig
“Mrs.De Ayala?ulit ng secretarya ng makitang natitigilan siya sa pagkakatitig sa intercom.
She took a deep calming breath bago humakbang patungo sa pinto.
Gusto ayusin ang sarili pero hindi magawa dahil sinusundan siya ng tingin ng secretarya.
She took time choosing the right dress for this meeting, tinatawanan nga siya ni Felipe dahil daig ko pa daw makikipag date sa tagal ng pagpili ng isoot.
Pero hindi niya gusto isipin ni Renzo kaya siya nagpapaganda dahil dito.
Isa pa ano ang magiging silbi nun, so she prefers floral dress and plat shoes. Nag mukha siya simple but elegand . Sabi ng ani Felipe motherhood suit her. She looks blooming yet sexy. With her dark blonde hair hanging down.
Binuksan ni Rose ang pinto at pinapasok siya. Nakita niya si Renzo nakaupo sa may gilid ng mesa.
Para tumanda ito ng ilang taon, he looks older and handsomer.
Hold all my calls,Rose” Pahabol ni Renzo sa secretarya bago kinabig ng empleyado pasara ang pinto.
Bago pa nakapag salita si Isabella, tumunog ang kanyang celphone.” Tiningnan nito kung sino tumatawag, ng silipin nito.Narinig na nito baritonong boses nito.
“Boyfriend?” wika nito sa matigas na boses
Nang makita nito si Felipe, agad nito sinagot,
Hello.” Sagot nito
Hello” Isabella, sabi nito sa kabilang linya. “Kanina pa nag loloko si Remuz, Iyak ng iyak ayaw huminto.”
Sige, sige babalik na ako diyan.” Nag mamadali nito sabi sabay patay ng kanyang celphone.
Nakanoot-noo pinapanood siya ni Renzo.
Nagmamadali na ito umalis, hindi na nagawa pang mag paalam.
Naguguluhan sinundan siya ng tingin ng asawa.
Sakto naman me dumaan na taxi, kaya agad siya nakasakay.
Nag pahatid siya sa apartment ni Felipe.Nagmamadali siya bumaba sa taxi. At pumasok ito sa loob
‘Nadatnan niya umiiyak, ang anak, nag alala ito kinuha kay Felipe ang bata, at hinele-hele.
Sa isang iglap bigla ito huminto. “Tumatawa si Felipe nakatingin sa kanila mag ina.”Namiss niya ang mommy niya.
“Nag tatawanan sila ng bigla may magsalita sa kanyang likod.
“Kanino anak iyan”? matigas nito tanong
Bigla natulos sa kinatatayuan si Isabella ng marinig ang tinig. Parang namanhid ang kanyang boong katawan. Paano ito nakarating sa Apartment ni Felipe.? Sinundan ba siya nito? Naguguluhan nito tanong sa isip. Huminga siya ng malalim saka pa lamang iya nagawang lingunin ang panauhin nasa kanyang likuran.
‘Anak ko, “ Iyon lang ang nagawang isatinig ni Isabella. Dahil kung muli pa siyang magsasalita, alam niyang mahahalata ng lalaki ang pangingig niya.
Mahigit isa taon na ang nakaraan mula ng huli niyang makita ito, At natuklasan ni Isabella.Noon, at ngayon walang nabago sa damdamin niya para rito. Sa kabila ng pagluluksa ng kanyang puso, damamg dama niya ang paglukso ng pananabik sa puso niya para sa lalaking kaharap.
Ngunit hindi niya hinayaang makita sa anyo niya ang damdaming iyon.Pinakatimpi-timpi ni Isabella ang emosyon.
Naudlot si Renzo ng makita ang batang hawak-hawak niya. Titig na titig si Renzo sa mukha ng bata. May kuryosidad at panggigilalas na unti-unting bumadha sa anyo nito. Napansin iyon ni Isabella. Ikinubli niya sa pagyuko sa anak ang bigla pamumutla. Ibinigay nito kay Felipe ang bata at sinabihan pasok sa loob ng kuwarto. Nang muli ito bumaling kay Renzo,rumehistro sa mga mata nito ang piping pag-uusisa... at pang uusig.
Hindi iyon natagalan ni Isabella. “P-please help yourself sabi niya. Natutuliro si Isabella, Kanina, alam niyang hjindi naligtas sa pansin ni Renzo ang kabuuan ng mukha ng kanyang anak. Kung nagkaroon ito ng kutob, hindi niya alam. Pero sa nakikita niya ngayon sa mukha ng lalaki, waring nag-iisip ito nang malalim.At sa tuwina’y umiikot ang mga mata.Halatang may hinahanap.
Ang lakas-lakas ng kabog mg dibdib ni Isabella. Hindi siya nakatiis. Iniwan niya ito sa salas at pinuntahan si Felipe at ang kanyang anak. Napansin ni Felipe ang pamumutla niya.” Is there something wrong? Tanong nito
‘Huwag mo munang ilalabas ang bata.”Sabi niya.
“Dahil ba kay Renzo.” Paniniyak niya.
Marahang tumango si Isabella.
“Kamukha-kamukha siya ni Remuz.Hindi mo maikakailang hindi siya ang ama ng anak mo? Sabi nito kay Isabella.
Hindi niya ikailangang ikaila kay Felipe ang kinatatakutan niya. “Natatakot ako,Felipe.Nakita niya ang anak ko.Baka malaman niya totoo at kunin niya sa akin ang anak ko.”Nag aalalang turan sa kaibigan.
“Kung mahal mo pa siya.wala akong nakikitang problema.” Wika ni Felipe.
“No! mabilis na tanggi ni Isabella.’Hindi ko na siya mahal.”Kaya nga andito tayo para kunin ko divorce paper sa kanya.”turan nito
Hindi kumibo si Felipe. Hindi ganoon ang nasinag niya sa mga mata ni Isabella kaninang kaharap nito ang ama ni Remuz.
Hindi matahimik ang kalooban ni Isabella. Alam niya, kakausapin siya nito upang mag usisa tungkol kay Remuz. Hindi na niya ibig na mangyari iyon.
Hindi lang ang pagkuha nito sa kanyang anak kapag nalaman nito ang totoo ang labis niyang pinangangambahan.
Mas natatakot siya sa idudulot ng damdamin niya sa muli nilang paghaharap.Baka hindi na niya mapigil ang damdamin.
“A,ayaw na niyang mahalin si Renzo.Tama na ang pagdurusang naranasan niya noon.Ayaw na niya nang umasa para lang muling mabigo at masaktan.
Kaya nagpasiya si Isabella.Kailangang bumalik sila ng kanyang anak sa America sa lalong madaling panahon.
“Akala ko ba, you plan to stay here for good. Pag makuha mo na ang divorce niyo ni Renzo.? Si Felipe.
‘Nagbago na ang isip ko. Sa America na lang uli kami magsisimulang mag-ina.”
“Why the sudden change of mind?” Nanunuri ang tinging ipinukol sa kanya ni Felipe. Kilala nito ang kaibigan hindi ito basta basta nagbabago ng pasiya.
Iniwasan ni Isabella ang mga mata ng lalaki. “Hindi ako magkakaroon ng katahimikan dito’
“Dahil kay Renzo?’ tanong ng kaibigan.
Hindi sumagot si Isabella. Tumayo siya at pahalukipkip na sumandal sa barandilya ng beranda kung saan sila nag uusap ni Felipe.
‘Sa palagay mo ba, hindi niya kayo kayang sundan doon kung sadyang gusto niyang alamin ang katotohanan sa likod ng pagiging magkamukha nil ani Remuz? Isabella, if I were you, haharapin ko na lamang siya.”Payo ng kaibigan
“No, ayoko nang makipag usap sa kanya.”Matigas nito sabi.
“You still love him, don’t you? Tahasang pakli ni Felipe sa kanya.”Kahit hindi mo aminin, I can see the truth in your eyes.”
Napayuko si Isabella.Hindi nagawang itanggi ang katotohanan.”He doesn’t love me, Felipe.” He never loves me.”Isa lang ako Substittue sa kanya.” He belongs to my half-sister. Nalaglag ang mga luha ni Isabella sa bahaging iyon.
Awang-awa si Felipe kay Isabella.Dama niya kung gaano kasakit ang nararamdaman ng kaibigan.
Hindi nito matatangap na nakikta nagdurusa si Isabella.Kaya siya na ang nagpasiya para sa kaligayahan ng kaibigan.
Hindi na kailangan problemahin ni Felipe kung papaano makausap si Renzo, dahil ito mismo ang nagsadiya sa kanya para siya kausapin. Matagal na nag usap ang dalawang lalaki, pasilip silip lang si Isabella, kagkunwa nagpaalam na si Renzo. Gusto sana tanungin ang kaibigan kung ano pinag usapan nila. Pero alam niya hindi magkwekwento ang kaibigan.
Nag aayos ng mga gamit nila si Isabella, para sa pag alis nila madali na lang buhatin ang kanilang dalahin. Nang pumasok sa kuwarto at bigyan sana ng gatas ang anak, wala ang kanyang baby sa crib. Nagpanic at halos mag hysterical na si Isabella. Nawawala si Remuz. Hinanap si Felipe baka pinaarawan lang ang kanyang anak, Natagpuan ang kaibigan sa likod bahay, ngunit nag iisa lamang ito.
“Anong nangyari, Felipe? Nasaan ang anak ko?’ humihiyaw na siya sa harapan ni Felipe. Magkahalong galit at pag aalala.
Hindi makatingin nang diretso sa kanya ang kaibigan. Yukung-yuko ang ulo nito.”Oh,God ano ginawa mo,Felipe! Sabi nito sa kaibigan. Oh!God, At napahagulgul na sa mga palad niya si Isabella.Tiningnan niya nang matiim ang lalaki at tuloy-tuloy nang tumalikod. Pabalik na siya sa loob ng biglang nag ring ang telepono. Agad iyong sinagot ni Felipe.
Si Isabella ay napatigil at agad na lumingon kay Felipe. ‘Para sa iyo.”Sabi ni Felipe.
“Hello,sino ‘to? Pormal niyang sabi.
“It’s me,Isabella”
Dagling nairita si Isabella.”Kung sino ka man,wala akong panahong makipag-guessing game sa iyo.Kapag hindi mo pa sinabi kung sino ka,ibaba ko na itong telepono.
“Kung gusto mog malaman kung nasaan ang anak natin, hindi mo tatangkain man lang na ibaba ang telepono.”
Anak natin? Biglang pinanlakihan ng mga mata si Isabella.Binundol ng kaba ang dibdib niya.
“R-renzo?” hindi alam ni Isabella na sa ginawa niyang iyon ay ipinagkanulo na niya ang katotohanan.Binanggit lang ang mga salitang “anak natin” nahulaan na niya agad kung sino ang nasa kabilang linya. Sa subra pag iisip, at pagkabahala sa anak hindi agad nabosesan si Renzo sa kabilang linya.
Ngunit hindi na kailangan ni Renzo ang kumpirmasyon ni Isabella.Dail nakatitiyak na ito sa hawak na katotohanan.
Sa halip,maaliwalas ito nangusap.Mas maganda tala ang tunog ng pangalan ko kapag ikaw ang bumigkas.”
“Wala akong panahong makipagbolahan sa iyo.Sabihin mo sa akin kung nasaan ang anak ko!!
“Anak natin, Isabella.”Pagtatama ng lalaki.
“Hindi mo siya anak!! Maigting na tanggi ni Isabella.
Tumigas ang tono ng lalaki.”Hindi ko kailangang pagalawin ang pera ko o ang pagkumpira mo o nimuman para matiyak ko ang katotohanan.Sa mukha pa lang ng bata, alam ko na na anak ko siya.”
Napaiyak na si Isabella.” Please,Renzo…huwag mong kunin sa akin ang bata.Ibalik mpo sa akin ang anak ko.”
“I can’t.Pero…kung gusto mo siyang makita, alam kung alam mo pa rin ang daan pabalik sa Villa.Hihintayin ka naming ng ating anak, Isabella.