Chapter 22
“You can use my car” Alok ni Felipe nang malaman nito ang balak niyang pagtungo sa Villa ni Renzo upang kunin ang anaka.
Akala niy’y sasamahan siya ni Felipe hangang sa Villa.”Hindi mo ba ako sasamahan?” takang pakli ng dalaga.
“Alam kong hindi ka mapapahamak sa pupuntahan mo, Isabella.” Makahulugang tugon ng lalaki
“How did you know?” natitigilang saad ni Isabella.Kanina pa siya nahihiwagaan sa mga ikinikilos at mga sinasabi ni Felipe.
“I just know.” Maikling sagot nito.
Hindi na napigil ni Isabella ang kanina pa gumigiit sa isip.”Tell me, Felipe.paanong napunta kay Renzo ang bata.?’
Nagkibit ng balikat ang lalaki.Ngunit halatang bahagya itong nataranta.
Naguguluhan man hindi na lang niya pinansin .Dahil wala nang panahon para pigain niya si Felipe na mag sabi ng totoo.Ibig na niyang makarating sa kinaroroonan ng kanyang anak.
“Goodbye, Isabella” masaya na malungkot na sabi ni Felipe sa kanya.
Hindi napigil ni Isabella na muling lingunin ang kaibigan. Bakit ang dinig niya sa tono nito ay nag papaalam na ito sa kanya nang pang habambuhay.Na para bang hindi na sila muli pang magkikita.
Pinili ni Jayne na ipagkibit-balikat na lamang ang pakiramdam.
Inihatid ng tananw ni Felipe ang pag -alis ni Isabella.Hindi ito umalis hangga’t hindi nawawala sa paningin ang sinasakyan ng kanyang kaibigan.Alam niya hindi na siya kakailanganin pa ni Isabella.Dahil nakatakda na itong lumigaya sa piling ng lalaking tunay na iniibig.
“A,panahon na rin marahil upang bigyan niya ng tsansa ang sarili na hanapin ang kanyang kaligayahan.
May ngiti sa mga labi ni Felipe nang ihakbang ang mga paa palayo sa lugar na iyon..palayo kay Isabella.
Mahigit isang taon na nag nakaraan pero walang nag bago ang Villa. Maganda pa rin iyon,tulad noon.
Nang tumuntong ang mga pa ani Isabella sa Villa hindi niya napgil ang pagbabalik sa isip kung paano naging Paraiso ang lugar na iyon sa kanila ni Renzo.
Saglit pa siyang napapikit upang namnamin ang mga alala ng nakaraan sa lugar na iyon.
Nang muli siya nagmulat nasalubong ng kanyang mga mata ang papalapit na lalaki.
“Reminiscing the good times we had in this house?’ tudyo ni Renzo na waring nahalata ang saglit na pagnanakaw niya sa mga alaala.
Namula si Isabella.”Hindi ko alam ang sinasabi mo.”matigas niyang tanggi.”Nasaan ang anak ko? Ibigay mo ang bata nang makauwi na kami.”
“Bakit, sino ang maysabi sa iyo na uuwi pa kayong mag ina?Fron now on, you will stay here with me.”
‘Ano’ng sinasabi mo? Ibigay mon a sa akin ang bata at naghihintay ang sasakyan ni Felipe.”
“Iyon lang ba ang inalala mo? Sandali.’ Iniwan siya ni Renzo at tinungo ang sasakayan ni Felipe.
May sinabi ito sa driver ni Felipe na naroroon.Pagkatapos, Nakita ni Isabella na paalis na ang sasakyan ni Felipe.
Napatakbong palapit si Isabella.”Hey, what are you doing? Huwag nyo akoiwan dito.” Sigaw niya
Pinigilan siya sa braso ni Renzo
Anong ginawa mo? Bakit mo pinaalis ang sasakyan ko? Galit nag alit na usig niya sa lalaki.
“This is your house Mi Amor.” Pag apak mo dito alam mo hindi ka na makaalis pa.” wika ni Renzo sa kanya
“Naloloko ka na ba?”
“Oo, naloloko na ako, naloloko na ako’t nababaliw sa pangungulila sa iyo.” Pagkasabi niyo’y bigla siyang pinagko ng lalaki.
“Hey.’ Gulat na bulalas ni Isabella.”Anong ginagawa mo” Ibaba moa ko! Ibaba mo ako!
“Shhhh… huwag kang maingay.Baka magising ang anak natin.”
‘Hindi ako nakikipaglokohan sa iyo,Renzo!!
“Neither do I”
Walang nagawa ang pagpupumiglas ni Isabella sa lakas ng lalaki.Nagawa siya nitong iakyat sa bahay at ipasok sa silid nito.Pagkuwa’y ibinagsak siya sa kamang naroon.
‘Now,babayaran mo ang mga kasalanan mo sa akin.” Sabi ng lalaki.
‘Wala akong kasalanan sa iyo!’ Singhal ni Isabella
Ngunit parang walang narinig si Renzo. Hinubad ang pang-itaas na damit.
Kinabahan si Isabella.Kaba na may kaakibat na antisipasyon at pananabik.
“A-ano ang gagawin mo sa akin?’ Rereypin mo ako?”
“Correction. I will not r**e you. You will give me yourself to me on your own free will.”
Pinamulahan ng mukha si Isabella.
Umupo sa gilid ng kama si Renzo.Masuyo siya nitong hinawakan sa baba.
Iniiwas ni Isabella ang mukha. Ngunit muli iyong ibinaling ni Renzo dito. “Look at me, Isabella. Basahin mo sa mga mata ko kung gaano kalaki ang paghihirap ng loob na ibininigay mo sa akin when you run away from me”
“Hindi ko alam ang sinasabi mo!! Kailangang pairalin niya ang galit,naisaloob ni Isabella.Dahil kung hindi baka bumigay ang tinitimpi niyang damdamin.
‘Will stop pretentding?’Singhal ni Renzo . Alam kong alam mo ang sinasabi ko. Bakit itinago mo sa akin ang katotohanan, bakit itinago mo sa akin ang ating anak.?”
“Dahil ayokong paglaki niya malaman niya siya ay bunga lamang ng isang pagkakamali, na ang kanyang ina ay isa lamang Substitute sa kasal. Na siya ay bunga ng walang pagmamahalan. Puno ng pait ang tuno ni Isabella.
Natigilan si Renzo. Unti-unting lumambot ang anyo. Mayamaya’y malalim na napabuntunghininga.
Hindi kita masisi kung ganyan ang isipin mo.
“Oo hindi mo ako masisi, hindi mo rin ako masisi kung gusto ko ilayo ang anak ko. Ayaw ko maranasan niya ang naranasan ko lumaki hindi nakaramdam ng pagmamahal ng magulang, na kahit kailan hindi binigyan ng Karapatan piliin kung sino mamahalin, na walang Karapatan mag mahal. Palagi nag durusa. Wala Karapatan lumigaya. Walang Kalayaan.! Mapait nito sabi
“Sana hindi mo na lang ako pinaibig pa, pagkatapus sasaktan din lang.
“Alam mong hindi totoo yan.Hindi kita tinutuang ibigin ako. And for your information, love is something that cannot be taught to one’s heart. Kusa iyong tumutubo sa puso. Na kahit pigilin mo, uusbong kahit pra sa maling tao. Tulad ng nangyari sa ating dalawa.
Natitilihang napatitig si Isabella sa mga mata ng asawa, gusto arukin mula sa mga iyon ang katotohanan ng mga sinabi nito. Parang hindi makapaniwala si Isabella sa mga tinuran ng asawa. Dahil hindi ito ang Renzo kilala niya. Ang Renzo matigas ang puso at hindi marunong mag mahal. Gustong arukin mula sa mga iyon ang katotohanan ng huli nitong ipinahayag.”Sa ating dalawa?” Are you trying to say na minahal mo rin ako?”
“No, iling ng lalaki. Ngunit bago pa umalsa ang kalooban ni Isabella, kagyat itong nagpaiwanag.”Minahal is not the right word.Dahil hangang ngayon, mahal pa rin kita.”
Ilang saglit na hindi nakahuma si Isabella. Tama ang kanyang narinig?’ Pero kung tama man, hindi niya iyon pwede paniwaalan.
“Sinungaling! Galit na bulalas niya nang makabawi sa pagkabigla at malakas na itinulak ang lalaki.
Naalala ang nasaksihan na paglalambingan ni Renzo at ng babaing hinihinala niya girlfriend or isa sa mga babaeng naugnay sa kanya.
Tumulo ang luha ni Isabella sa mapait na alaalang iyon.
Hindi ko itinago ang anak ko, Renzo. Dahil noon malaman kung buntis ako, pinuntahan kita sa resort na pinapatayuan mo ng beach hotels. Pero kung alam ko lang ang eksenang maabutan ko noon, hindi na sana ako nag balik pa.
Kumunot ang noo ni Renzo.”Anong eksena ang tinutukoy mo?
“Ang paglalambingan niyo ng babaing iyon...”
Napamaang ang lalaki.Halatangf naguguluhan ito. Lumapit ito sa kinatatayuan ni Isabella at pinilit na maiharap sa kanya ang asawa.”Linawin mo ang sinasabi mo.Hindi ko maintindihan. Sino babae ang…”
“Don’t try to deny it!! Dahil nasaksihan mismo ng dalawang mata ko ang paglalambingan niyong dalawa ng iyon babae sa tabing-dagat.
“But I don’t have any serious relationship. Never had one. “
Dahil sa inihayag na iyon ni Rowel, biglang nag alinlangan si Isabella sa mga bagay na naglalaro sa isip. ‘Pero Nakita kita at ang babaing iyon.” Wala nang ganoong puwersa sa tono niya.
“Are you sure it’s me?
Hindi ko nga Nakita ang mukha pero alam kong ikaw iyon.”
Saglit na nag isip si Renzo.”Tell me,kialan ka pumunta sa resort.” Mayamaya’y untag nito.
“A month after I found out im pregnant.” Tiyak na sagot nito.
Napangit si Renzo. “Kung ganon, papaano mangyayaring ako ang lalaking sinasabi mo gayong tweeks after you left, naging busy na ako sa pahahanap sa iyo.”
“Si Isabella naman ang napamaang.”Pero sino mga taong Nakita ko sa resort.?
‘Mga bisita siguro,minsan mga friend na gusto makita ang resort.
“Paano ako makakasiguro na totoo ang nmga sinasabi mo?’ Alam ni Isabella pinipilit niya lang sa sarili ang galit at pag -aalinlangan.
Hinawakan siya sa baba ni Renzo at masuyong itinangala sa mukha nito.”Let go of your feelings, Isabella. At mararamdaman mo sa iyong puso ang katutuhanan na wala akong ibang babaing minahal at patuloy na minamahal kundi ikaw.”
Matapos malinawan ang lahat, tuuyan nang hululagpos sa dibdib ni Isabella ang tinitimping damdamin. God Kailanma’y hindi rin siya tumigil sa pamamahal sa lalaking ito.
“Oh Renzo.” Siya na ang kusang yumakap sa lalaki. Umiyak siya ng umiyak sa dibdib nito. Sari-saring damdamin ang sumambulat sa dibdib niya sa mga sandkaing iyon. Panghihinayang sa mahabang panahon nagdaan. Pagsisi sa kanyang naging pagkakamali. Galak na sa wakas ay muli silang nag tagpo. Pananabik at wagas nap ag ibig para sa lalaking ito.
Walang sawan tinuyo ng mga labi ni Renzo ang mga luhang gumugulong sa mga pisngi ni Isabella.
“God, how I missed you! Paulit ulit nitong anas habang pinupupog ng halik ang mukha niya.Akala ko, hindi na kita makikita pang muli.”
Hindi makapag sakita si Isabella.Parang sasabog ang dibdib niya sa labis na kaligahan. Maya-maya ang mga labi na niya ang inaangkin ni Renzo. Kapwa sila nangangatal sa labis na pananabik sa isat-isa.’
Pinangko siya ni Renzo nang hindi inaalis ang pagkakahinang ng kanilang mga labi.At marahan siyang inilapag sa kama.
Sumunod sa katawan ang katawan ng asawa.
“Marami kang kasalanan an dapat bayaran sa akin.” Sabi nito nang saglit na lagyan ng puwang ang kanilang mga labi. Ipinanganagako ko na hindi kita patatayuin s akamang ito hangga’t hindi mo nababayarang lahat.
Malapad na napangiti si Isabella.”Handa kong bayaran lahat, kahit isama mo pati ang interes” Nanunudyong tugon niya.
Na lalo lang nag paigting sa pananabik ng lalaki. Sinibasib siya nito ng halik sa buong katawan. Napahagikgik si Isabella.
Nang walang anu-ano’y pumunit sa katahimikan ng paligid ang malakas na iyak ng isang baby.
“Si Remuz!” gulat na bulalas ni Isabela.
Natapik ni Renzo ang noo.”Oh son, ang sama naman ng tiyempo mo!
“Hindi bale,mahaba pa naman ang panahon para maisagawa mo ang iyong paniningil.” Natatawang sabi ni Isabella bago sila magkasunud na tinungo ang kabilang silid kung saan nanggagaling ang iyak ng bata.
:”Isabella, noon umalis ka dimo ba kinontak ang father mo? Tanong nito habang kinakarga ni Isabella ang kanilang anak.
Napakonot-noo ito sa tanung ng asawa.” Hindi bakit? Tanong nito
“Kasi noon hinahanap kita, tumawag ako sa kanila, and guess who answered the phone?’ sabi nito.
“Your half-sister Stefanie.”
“Nagulat si Isabella sa tinuran ng asawa,”
“Bumalik na si Stefanie” bulong nito. Bumalik na ang tunay na nag mamay ari sa kanyang asawa.”
Hindi niya inaasahan ang balitang ito ni Renzo.