Chapter 1

2017 Words
Andrea Samonte And I won't let you go, Now you know, I've been crazy for you all this time. I've kept it close Always hoping With a heart on fire, A heart on fire. With a heart on fire, A heart on fire. Marahan kong iniyuyugyog ang ulo ko kasabay ng tugtugin na hindi ko man ginustong pakinggan ay madalas itong patugtugin sa mga radyo. Kung tutuusin ay dapat akong mainis, sirain ang radyo o ihagis ito dahil maging ang matalik kong kaibigan na si Lena ay madalas itong pagtugtugin. Nakakabaliw at masarap daw kasing pakinggan gaya ng sabi niya. Hindi ko kailanman aaminin na nagustuhan ko na rin ito. "Para lang sa tabi!" Tumingin muna ako sa likuran at gilid bago ko itinabi ang jeep para makababa ang huling pasahero para sa Umagang ito. binagtas ko na ang daan pauwi sa amin nang bigla akong harangan ng isang traffic enforcer. Pinigilan ko ang sarili kong mainis at napaikot na lang ng mata dahil kilalang-kilala ko siya. Inihinto ko na ang jeep at hinintay siyang makalapit sa akin. "Sir, ano ho bang problema?" Magalang kong tanong sa kaniya habang nagpupunas ng pawis at bahagyang inayos ang cap ko kung saan nakatago ang mahaba kong buhok. Sabi ng iba ay asal tomboy at hitsurang tomboy ako pero alam ko sa sarili ko na hindi kapwa babae ang gusto ko. Ngunit kailanman ay hindi rin ako magkakagusto sa lahi ni Adan. matagal ko nang isinumps ang lahi nila, simula ng pagtaksilan ng tatay namin ang nanay ko at mula nang pagtangkain akong gahasain ng sarili kong mga pinsan noon. isinumpa ko na sa sarili kong hindi ako magmamahal ng lalaki. Hindi ako magpapaloko sa kanila. "Hi, Andeng." nakangising bati sa akin ni Mang Carpio. Bahagya akong napangiwi dahil hindi naman lingid sa kaalaman ko na may gusto siya sa akin. Kaedad lang siya ng tatay at may asawang tao. Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko sa mga lahi ni Adan. Hindi nila kayang magmahal ng isang babae lamang. Masyado silang babaero. "Kamusta ho, Mang Carpio? May problema ho ba?" "Wala naman, Andeng. Ilang beses ko bang sasabihin na Carpio na lang ang itawag mo sa akin? Gusto ko lang sanang itanong kung mapagbibigyan mo na ako ng isang date na matagal ko nang hinihiling sa iyo." Pa-cute na turan niya na ikinainis kong lalo. "Sige ho... Kapag bumata kayo ng dalawangpung taon at kapag wala na kayong asawa at mga anak. O pa'no ho, mauna na ako. Uuwi pa ho ako para makapagpahinga." Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa nasorpresa niyang mukha at muling pinaandar ang jeep pauwi sa bahay namin. Ilang minuto lang ay inihinto ko na ang pampasaherong jeep na pag-aari ng tiyo kong pumanaw. Ang tiyo kong kaisa-isang hinayaan kong mapalapit sa akin dahil sa kabaitan niya. Pabuntong-hininga akong bumaba sa jeep at muling nagpunas ng pawis. Inalis ko ang cap ko at hinayaang bumagsak ang mahaba kong buhok. Hanggang baywang ito at itim na itim. Madalas sabihin ni Lena sa akin na inggit na inggit siya sa buhok ko at dapat daw ay ipinagmamayabang ko ito pero hindi ko siya sinunod. "Annnnnnn!" Napailing na lang ako ng marinig ko ang matinis na boses ni Lena. Tumingin ako sa kaniya at nakita kong excited siyang tumatakbo habang may hawak na isang magazine. "Bakit ba nagmamadali ka?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad na papasok sa loob ng maliit naming bahay. Si Inay, ako at ang bunso Kong kapatid na si Rayane na lang ang nakatira dito mula nang mamatay ang itay. "Mano ho, Inay." nagmano ako kay Inay at ginulo ang buhok ng kapatid kong kasalukuyan ng nakaupo sa harap ng hapag-Kainan. "Hello, bunso. Kamusta sa school?" "Magandang tanghali po, Tita Clarice." Rinig kong bati ni Lena kay Inay at nagmano rin. "Ayos lang po, Ate! Marami kaming pinag-aralan!" Tuwang-tuwang sagot ni Rayane at nagsimula ng kumain. "Halina't makisalo ka na, Lena." Aya ni Inay kay Lena at naupo na rin sa upuan. Maliit lang ang mesa namin at kasyang-kasya lang sa aming pamilya pero para sa amin ay malaki na ito lalo na kapag kumpleto ang pamilya. "Ay, hindi na ho, Tita. May sasabihin lang ako kay Ann Kaya ako napadaan." Magalang niyang sabi kay Inay bago ako hinila at naupo sa maliit naming sala. Dalawang sofa na gawa sa kahoy ang gamit namin at isang maliit na t.v na nabili ko ng second hand. "Ano ba 'yon, Lena? Ikaw talaga oo, kakain pa ako eh." Reklamo ko sa kaniya at inilapag na ang wallet na pinaglagyan ko ng kita ko ngayong umaga at ang sumbrero ko sa mesa. Napatakip ako ng tainga ng bigla siyang tumili sabay pakita sa akin ng isang magazine kung saan nasa litrato ang mga lalaki. Ang nakalagay sa headline ay: Who can resist the Montgomery men? Napaikot na lang ako ng mata at napailing. Matagal nang baliw na baliw si Lena sa mga Montgomery na isang angkan ng isa sa pinakamayang pamilya sa bansa. "O, ano ngayon?" bored kong sabi sa kaniya. "Hay naku! Babae ka ba talaga, Ann? Sino bang hindi pagnanasaan ang naggwagwapuhan, nagkikisigan at nagyayamanang angkan na ito? Isa lang sana sa kanila ay mapansin ako. pwede na akong mamata kapag nagkataon." Nangangarap na sabi niya sabay yakap sa magazine. "O.a nito. Mga tao lang din naman sila, ano ngayon kung mayaman sila? Pustahan tayo, puro masasama ang ugali niyan at mamaliitin lang tayong mahihirap. Sigurado din akong babaero sila." Hindi ako sigurado kung ilang beses ko na itong sinasabi sa kaniya pero hindi naman siya nakikinig. "Hindi sila ganiyan! Updated ako sa mga ginagawa nila at alam kong hindi sila kagaya ng sinasabi mo. Mababait sila at mapagkumbaba pero habulin talaga ng mga kababaihan. Si Devon Montgomery at Devlin Montgomery na isa sa pinakasikat na kambal sa bansa. Si Devon, isang babae lang ang minahal niya at alam kong naghihintay pa rin siyang bumalik ito. Si Devlin naman ay kasal na at may anak na. Si Isaiah naman... Haay. Kailan ko kaya siya makikita?" "Tapos ka na? Pwede na akong kumain?" Matabang kong sabi sa kaniya. Sumimangot siya pero tumango naman. Tumayo na ako at iniwan siyang hinahalikan ang magazine at sumabay na sa pagkain . "KUNG AKO sa'yo ay papatusin ko na 'yang si Mang Carpio para kahit mahuli ka ay hindi ka na nila mumultahan. Alam mo kasi, Andeng, ang mga babae dapat sa bahay na lang. Maglalaba, maglulu--" "Subukan mong ituloy 'yan at ipapakita ko sa'yo na pwede ring manakit ang mga babae." banta ko kay Gardo na kagaya ko ring nagmamaneho ng jeep. itinaas niya ang mga kamay niya at pabuntong-hininga na lang akong sumandal sa jeep. "Bakit naman kasi pinagbabawalan ang mga babae sa pamamasada? Kung kaya niyong mga lalaki, kaya rin naming mga babae!" reklamo ko sa kaniya. Kaninang hapon habang namamasada ay pinahinto ako at kinumpiska ang lisensya ko. Sigurado akong si Mang Carpio ang nagpahuli sa akin dahil binasted ko siya. "Hindi lahat ng baga ay kayang gawin ng mga babae. Minsan kailangan mong tanggapin na hindi kayo mabubuhay na wala kaming mga lalaki." "Patutunayan ko sa'yo na mabubuhay ako na hindi hinihingi ang tulong niyong mga lalaki." Matigas kong sabi sa kaniya at muli nang sumakay sa jeep ko para maiparada na ito sa garahe namin. "O, bakit parang nalugi ka, anak?" Pansin ni Inay nang maupo ako sa sofa namin. "Eh, hindi na ho ako makakapasada sa mga susunod na buwan, nakumpiska ho ang lisensya ko at alam kong mahihirapan akong kunin iyon ulit dahil hindi ito ang unang beses. Kailangan kong maghanap ng ibang trabaho inay." Pabuntong-hininga kong sabi sa kaniya. "Nabanggit ng kapitbahay natin na naghahanap daw ang mall ng isang janitor." "Talaga ho? Susubukan ko na hong pumunta ngayon." pupunta na sana ako sa kwarto pero pinigilan ako sa braso ni Inay. "Anak, malakas pa naman ako, kaya ko psng magtrabaho. Sana nama ay payagan mo ako." "Inay, ayaw ko ho kayong napapagod. Baka ho magkasakit kayo. Ako na ho ang bahalang kumayod dahil kaya ko naman. Huwag ho kayong mag-alala. Balang-araw ay giginhawa rin ang buhay natin." Pumasok na ako sa kwarto at naupo sa maliit at makipot kong kama. Pinigilan ko ang sarili kong maiyak. Pinipilit kong magpakatatag para sa pamilya ko, ayaw kong isipin nila na mahina ako. Ipinangako ko sa sarili ko na ako ang magtataguyod sa pamilyang ito, ipinangako ko na gagawin ko ang lahat para lang guminhawa ang buhay namin. Kaya gagawin ko ang lahat para matupad ito. "HIJA, lalaki ang hinahanap namin at hindi babae. Malaki ang mall na ito at hindi kakayanin ng isang babae na maglinis dito. Pasensya ka na pero hindi pwede, try mo sa department store at baka naghahanap sila ng sales lady." Pinigilan ko ang sarili kong sumagot sa sinabi niya. "Ma'am, hindi man ho ako lalaki ay kayang-kaya kong gawin ang ginagawa nila. Malakas ho ako at masipag. Katunayan nga ho niyan ay driver ako ng jeep. Sige na naman ho, kailangan ko lang talaga ng trabaho ngayon." Pakiusap ko sa kaniya at hinawakan pa siya sa kamay. Unti-unting naiiba an ekspresyon ng mukha niya habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa lapag. Ilang segundo pa ay napabuntong hininga na lang siya. "O siya sige, pero kapag nakita kong tatamad-tamad ka ay hindi ako mangingiming tanggalin ka." "Yes! Maraming salamat ho! Hindi po kayo magsisisi." tuwang-tuwang sabi ko sa kaniya. "Kailan po ako pwedeng magsimula?" "Kung pwede sana ay bukas na bukas din dahil may guest na isang sikat na singer kaya siguradong maraming tao." "Sige ho, wala hong problema! Salamat po ulit! Gagawin ko po ang best ko!" Halos mapatalon na ako sa labis na saya pero pinigilan ko ang sarili ko at agad ding lumabas. "INAY! May trabaho na ho ako!" masaya kong balita kay Inay pagpasok pa lang ng bahay. "Naku, magandang balita iyan anak! Saan ang trabaho mo?" masaya ring sabi ni Inay. "Natanggap ho ako sa mall." nakangiti kong sabi sa kaniya. "Annnnn!" Humahangos na sigaw ni Lena nag makapasok sa bahay. "Ano bang problema at sumisigaw kang baliw ka?" "Omg! May concert si Isaiah bukas diyan sa mall! Manunuod ako! Samahan mo ako please!" Pagmamakaawa niya sabay alog sa akin. Naiiling na lang si Inay na tumalikod at bumalik sa ginagawa. "Hindi pwede! May trabaho na ako bukas bilang janitor sa mall kaya hindi kita masasamahan." Pagtanggi ko sa kaniya. Napanguso siya pero muling nanlaki ang mga mata sa sinabI ko. "Wow, friend. may bago kang trabaho, nice! Congrats!" "Salamat." Nakangiti kong sabi sa kaniya. ANG DAMING tao ngayon sa mall gaya ng sabi ni Ma'am Angelica kahapon. Umaga pa lang ay marami ng tao pero hapon pa ang mini concert nung Isaiah Montgomery na kinababaliwan ni Lena. Ano kayang hitsura niya? Teka! Ano bang pakialam ko! Ibinalik ko ang pansin ko sa paglalampaso. Tama nga ang sinabi ni Ma'am na napakahirap ng trabahong ito. Masakit sa likod, paa, kamay at leeg pero kailangan kong magtiis. Para naman ito sa pamilya ko. Kinahapunan ay isa ako sa mga natokang maglinis sa paligid ng venue dahil sigurado raw na dudumi ito. Pagdating doon ay marami nang tao ang nakaupo at marami na rin ang nakatayo a paligid ng harang, para makita ang idol nila. pinagmasdan ko ang picture ni Isaiah sa stage. Gwapo siya at mukhang mabait Pero alam kong hindi ka dapat magtiwala sa hitsura ng isang tao. Marami nang naloko ang panlabas na hitsura ng isang tao. Kalahating oras bago magsimula ang concert ay nagtilian ang mga tao. Sinubukan kong tignan ang tinitilian nila pero agad din itong nakapasok sa back stage sa tulong na rin ng security team. Pinilit ko na lang ituon ang sarili ko sa ginagawa ko dahil nangangamba akong baka makita akong hindi gumagawa at tanggalin ako. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho dahil isa lang akong high school graduate. Sa panahon ngayon ay alam kong mahirap ang buhay. Hindi ko pinansin ang malakas na sigawan ng mga tao at ang pagsasalita ng host. Natigilan lang ako ng marinig ko ang isang pamilyar na tugtugin. You say you've been overseas, I say over where? You say just a holiday, my Alsatian heir I say I've been working late, working overtime Haven't seen the sun since eighty-nine Napaangat ako ng tingin at pinagmasdan si Isaiah. Parang nawala ang mga nagsisigawang tao sa paligid at parang wala akong naririnig na iba bukod sa boses niya. Nang mag-angat siya ng mukha at tumingin sa gawi ko ay sumabay ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ano'ng nagyayari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD