Chapter 2

2266 Words
Isaiah Montgomery With a pen in my hand staring at the blank paper in front of me I let out a frustrated groan and crumple the paper. It's been five years. Limang taon ko nang sinusubukang makabuo ng isang kanta na ako mismo ang gumawa pero sa tuwing susubukan ko ay hindi ako makabuo. Laging nauuwi sa isang basurahang puno ng nilukot na papel. Bawat pagsubok ay itinatanong ko sa sarili ko kung ano ba ang mali o kulang sa akin? Bakit hindi ako makagawa ng isang kanta? It's a simple song! Bakit hindi ko magawa?  People praised me for my talent but they didn't know that I can't even write a damn song! For five years, ang iba't-ibang composer ang gumagawa ng mga kanta ko at ako lang ang gumagawa ng tunog pero hindi ako kuntento. Gusto kong makagawa ng sarili kong kanta.  "Alam mo, hindi maganda ang pag-aaksaya ng papel. Hindi pinuputol ang mga puno para lang aksayahin mo ng ganiyan."  I rolled my eyes when I heard Godric's annoying voice. Sa mga pinsan ko ay siya ang ikalawa sa paborito ko pero minsan ay hindi ko maiwasang mainis sa pagiging mayabang niya. "Shut up, Ric. You're not helping." tumayo na ako mula sa study table at nahiga sa kama ko.  Simula nang magkaroon ng anak si Devlin ay hindi na kami madalas na magkausap. True to his words, he barely left his son's side since the day he was born. I understand him though. Kaya naman kami ni Godric ang madalas na magkasama.  "Alam mo ba kung bakit hindi ka makabuo ng isang kanta?" pagkuwa'y tanong ni Godric matapos ang ilang segundong katahimikan. "Bakit?" matamlay kong tanong habang nakatitig lang sa puting kisame ng condo ko. "Because you don't have an inspiration. Seriously Zay, kailan ba mula nang huli kitang nakitang nakipag-date sa isang babae? It's been what, five years? Masyado kang naka-focus sa career mo. Subukan mong makipag-date at baka magkaroon ka ng inspirasyon." pangbubuska niya sa akin. I sat up and glared at him. "Just because you f**k anything with a skirt doesn't mean I have to do that, too." "Hey, now. I'm not the topic here. Consider it, Zay." he said with a chuckle and took a sip of his wine.  I sighed . "You know that I am picky. I'm really not into beauties and brain kind of girl. I want someone who will not like me because of my status, money and looks. I want someone who will like me for what I am and not for who I am." "Paano mo siya makikita kung hindi ka naghahanap?" tanong niya sa akin. "Huwag mong sabihin na naniniwala ka sa 'destiny'?" he snorted and laughed. "No, asshole. You know exactly why."  "Ahh, your angel. Still not giving up?" he said with a nod of his head. I nodded. "Yep. Umaasa akong makikita ko siya ulit." "Yeah, yeah you hopeless bastard. I have to go now. See you... whenever." inilapag niya ang kopita sa mesa at kinuha ang helmet niya sa upuan. "Saan ka naman pupunta?"  "Oh, you know the usual. I gotta bang some hot ass today before I lost my sanity too." biro niya sa akin. Pakaway na siyang naglakad palabas habang napailing na lang ako. I decided to take a shower. Maybe I should visit my nephew before my mini concert later. "WHAT brought you here, Zay?" salubong sa akin ni Devlin nang pumasok ako sa mansion. Binuhat ko ang humahagikgik na si Calvin. "Hi, Vin. Uncle Zay missed you. I brought something for you." Dahil hindi pa gaanong nakakaintindi at nakakapagsalita ay tanging ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Pinisil ko siya sa ilong na muli niyang ikinahagikgik. "What else? Syempre binibisita ko ang paborito kong pamangkin. Where's Marga?" tumingin ako sa likuran niya at nakita ko ang hilera ng tagapag-alaga ni Calvin at ang mga personal bodyguard ng bata. "Nagdagdag ka pa ng isang yaya at isang bodyguard?" naiiling na pansin ko. Mula nang ipinanganak si Calvin ay iba't-iba ang naging tagapag-alaga niya. Sa edad na dalawa ay mayroon na siyang limang yaya at tatlong bodyguard. I don't know if I should be happy or irritated with Devlin. I mean, Calvin is only two yeas old. Paano kung masakal ang bata? "Marga is working and yes, you know I want my son's safety."  "Devlin, hindi kaya masyado ka nang nagiging mahigpit? Paano kung masakal ang bata hanggang sa paglaki niya?" mahinahon kong tanong sa kaniya at ibinaba ang gumagalaw na si Calvin. Pagbaba niya ay nagtatakbo na ito at agad namang sinundan ng mga yaya niya. "It's my kid, Zay. You have no right to dictate me. All I want is what's best for my son." he said angrily and turned his back to me. He furiously walk inside the house and I quickly followed behind him.  "I know, Devlin. Nag-aalala lang naman ako para sa pamangkin ko." pagpapaliwanag ko sa kaniya. Naupo siya sa mahabang sofa at nanatili naman akong nakatayo lang.  Bumuntong-hininga siya at inihilamos ang mga kamay sa mukha. "Alam mo naman kung bakit doble na ang pag-iingat ko. Ayoko nang mangyari ang nangyari noon. Ayokong masaktan ni isa man sa kanila ni Marga. Don't worry, Zay. If everything's too much, I will stop it. Alam ko naman kung ano ang gagawin ko." I decided to just drop the topic. Tumingin ako sa may pinto kung saan nakatayo ang Bodyguard ko. "John, pakibigay sa akin ang mga regalo."  Lumapit siya sa akin at iniabot ang mga paper bag na naglalaman ng mga regalo ko kay Calvin. Nagpasalamat ako kay John at bumalik na siya sa pwesto niya. "Here." inilapag ko sa mesa ang mga regalo. "I swear, Calvin only loves you because of your gifts." biro ni Devlin habang tinitignan ang mga laman ng paper bag. "That's not for you old man." saway ko sa kaniya at nang makita ko ang tumatakbong si Calvin ay umupo siya sa kandungan ni Devlin. "Hey, Vin. These are my gifts for you. Sana ay magustuhan mo sila." nakangiti kong sabi sa kaniya at kumuha ng isang dragon na laruan na alam kong paborito niya at ipinakita ito sa kaniya. Napapalakpak siya sa tuwa at agad itong pinaglaruan. Naputol ang pakikipaglaro ko sa kaniya ng biglang tumunog ang cell phone ko. I fished it out of my pocket and saw my Manager's name on it. Mabilis ko naman itong isinagot at nagpaalam sandali sa mag-ama.  "Hello?"  "Where are you? Isang oras na lang bago ang event mo dito sa mall. Dapat half an hour before ay nandito ka na." iritableng sagot ni Sam sa kabilang linya. Naiintindihan ko ang mood swings niya dahil nagdadalang-tao siya. "Oh, shoot. Alright. Nandito ako sa bahay ni Devlin pero aalis na kami. See you there."  "You better hurry up." "Yeah, yeah. Bye." ibinalik ko na ang phone ko sa bulsa at muling bumalik sa loob. Ang laruang kotse naman ang pinaglalaruan ni Calvin na ikinangiti ko. "Devlin, I have to go. The mini concert is in an hour."  "Sure. Thanks for the gifts and come back anytime, Zay." "I'd love to. Say hi to Marga for me." lumapit ako kay Calvin at niyakap siya. "I have to go baby boy, enjoy your gifts. You Uncle Isaiah loves you." I kissed his chubby cheeks. "Babay."  Ngumiti ako sa kaniya at tumayo na. Kumaway ako sa kanila at tuluyan nang lumabas. "Let's go, John." aya ko sa bodyguard ko at sumakay na sa van.  Pagpasok pa lang sa mall ay nahirapan na ang mga security na makapasok dahil sa dami ng taong gustong makalapit sa akin. I politely smiled at them and wave a little. I ignored my Manager's warning to not touch anyone's hand. Dahil sa dami ng tao ay hindi maiwasang magtulakan hanggang sa mahagip ng tingin ko ang isang babae na natumba at muntik nang maapakan pero naging maagap ako sa paglapit at agad siyang itinayo. "Ayos ka lang ba, Miss?" alala kong tanong sa kaniya dahil mukhang hihimatayin na siya. "O-Oo." Hindi makapaniwalang sabi niya at natulala.  "Alright, then. Take care of yourself." nakangiti kong sabi sa kaniya na lalo niyang ikinatunganga. Nang akmang aalis na ako ay may bigla siyang ibinigay sa akin. Isa itong nakabalot na regalo. "P-para sa'yo. G-ginawa ko talaga 'yan para lang s-sa'yo."  "Sweet. Thank you!" tinanggap ko ito at ibinigay sa PA ko para itabi. Muli na kaming naglakad hanggang sa makapunta sa backstage. "What was that, Isaiah? I told you. Don't touch their hands dahil baka mamaya ay may sakit sila at mahawa ka pa." galit na sabi ni Sam. "Hey, calm down, will you? Baka makasama sa'yo 'yan and besides, hindi naman siguro ako magkakasakit sa simpleng hawak ng kamay. Bakit ko ipagkakait iyon sa kanila? Hindi naman ako santo na hindi pwedeng hawakan basta-basta." kalmadong sabi ko sa kaniya. She just huffed and gave me an alcohol. I sighed but use it anyway. Alam ko naman kasing hindi siya titigil hangga't hindi ko siya sinusunod. "Happy now?" nakangiti kong tanong sa kaniya. She just rolled her eyes at me at sinabihan akong maghanda na. Nang magsisimula na ay hinintay kong tawagin ang pangalan ko at nang umakyat na ako sa stage ay nangibabaw ang sigawan at tilian ng mga tao. Ibinigay sa akin ng host ang mic at hinintay kong tumahimik ang lahat bago nagsalita. "Magandang hapon ho sa inyong lahat at gusto kong magpasalamat sa inyo dahil makita ko lang kayo ay masaya na ako." ngumiti ako sa kanilang lahat na sinundan nila ng sigawan bago ko ibinalik sa host ang mic at naupo na sa harap ng piano. "This song is for all of you. Moonlight Over Paris."  Sinimulan ko nang igalaw ang aking mga daliri at bahagyang inilibot ang aking paningin.  You say you've been overseas I say over where You say just a holiday My Alsatian heir I say I've been working late, working overtime Haven't seen that sun since sixty-nine My eyes are close as I sing ang play, blocking out the sound of the people watching me. Kapag tumutugtog ako ay sinisiguro kong nasa ginagawa ko lang ang atensyon ko para hindi magkamali.  Does the moonlight shine on Paris After the sun goes down If the London Bridge is falling Would anybody hear a sound If you follow that sunset will it ever end Oh Does the moonlight shine on Paris Du ru rum du ru rum du du Will it ever end I opened my eyes and smile at the people. Nangibabaw ang tilian at palakpakan nila. Tumayo na ako at yumukod sa harapan ng mga nanuod ng aking mini concert sa isang kilalang mall at kumaway. Isang oras ang binigay na oras para pumirma ako sa mga bumili ng album ko at masaya ko naman silang pinaunlakan, Nakangiti akong sumasagot sa mga tanong nila at nagpa-picture. Ilang sandali pa ay natapos na rin ang signing at pilit na gumagawa ng daan ang security team para makalabas kami at makapaunta sa parking lot.  "Where's the nearest comfort room?" balihg ko sa security guard nang sa wakas ay makalabas na kami. "Sa loob pa po, Sir." napakamot sa ulong sabi niya. Bumaling ako sa manager ko at sa personal bodyguard ko. "I need to use it. Ako na lang mag-isa ang papasok para hindi agaw atensyon. Oh, John. Hihiramin ko muna itong cap at salamin mo." nakangising sabi ko sa kanila sabay kuha ng cap at salamin ni John at agad na itong isinuot. Tututol pa sana sila pero pinigilan ko sila at kaswal naglakad na papasok ulit sa mall. Mabilis ko nang hinanap ang C.R at nakita ko ito sa dulong pasilyo. Diretso akong naglakad at pilit na iniyuyuko ang ulo para masigurong walang makakilala sa akin.  Pero mukhang minamalalas ako dahil may kung sinong bumunggo sa akin. Dahil sa lakas ng pagbunggo niya ay nalaglag ang suot kong salamin. Napamura na lang ako ng mahina at muli itong isinuot at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. "Si Isaiah ba 'yon?" rinig kong sabi ng isang babae kaya mas binilisan ko ang paglalakad ko. "Oo nga eh, parang kamukha!"  "Nakita ko ang mukha niya, siya nga si Isaiah Montgomery! Omg! Tara magpa-picture tayo!"  "Si Isaiah! Kyaah!"  Dahil sa pagsigaw nila ay naagaw na ang atensyon ng karamihan. Tumakbo na ako para iwasan ang mga nagtitiling fan girls. Siniguro kong hindi nila ako nakitang lumiko papuntang C.R bago agad na pumasok sa unang pintong nakita ko at mabilis iyong isinara.  "God dammit." mahinang mura ko at isinandal ang ulo sa pinto. Kinapa ang cell phone sa bulsa para lang muling mapamura ng maalala kong ibinigay ko ito kay Sam.  "Hoy! SIno ka? Ano'ng ginagawa mo sa storage room?"  Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang babaeng mukhang tomboy base na rin sa pananamit at pananalita. Pero ang tinitigan ko ay ang nangungusap niyang mga mata at ang mapupula niyang mga labi.  "Magnanakaw ka ano?" pang-aakusa niya kasabay ng paglalakad papalapit sa akin. Pinaliit niya ang mapupungay niyang mga mata. "Hell no! Look Miss, hindi ako magnanakaw. Kailangan ko lang magtago dahil--" "Aha! Shop lifter ka?" "f**k sake. Miss, let me just hide here for a whi--" Natigil ako sa pagsasalita ng marinig ko ang tilian sa labas at ang mga pagtatanong kung nasaan ako. Narinig ko ring may reporter sa labas na naghahanap din. Muli akong napamura ng mahina. Hindi na dapat ako umalis pang mag-isa. Now I'm freaking trapped with a... dangerous girl. "Lalabas ka ba o sisigaw ako?" pagbabanta niya. "No! You can't do that! Ilang minuto lang plea-" "May magnanak-" I cut her off by putting my hand on her mouth. Isinandal ko siya sa pinto at sumenyas na tumahimik lang siya. Nanlalaki ang mga mata niya at maya-maya pa ay napasigaw na lang ako dahil sa pagkagat niya sa kamay ko. Tinignan ko ang kamay ko at nakita kong namumula ito at may bakas pa ng ngipin. "Ano ka, aso?! God damn it. Paano ako tutugtog nito mamaya?" inis na tanong ko sa sarili ko. Ngumisi lang siya at muling nag-ambang sisigaw kaya naman ginawa ko na kung ano ang tingin ko'y makakapagpatahimik sa kaniya. I kissed her. And surprisingly.... I liked it. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD