Brill’s POV Six years later… “Love is a fairytale. At ang fairytale ay palaging nagtatapos sa kasal at sa happily ever after. Pero ito…hindi ito fairytale. They lived happily ever separately.” Kuwento ko sa mga teenagers na gustong matuto kung paano maging isang writer. Partime job ko ito. Nagpo-post lang ako sa online kung sinong gustong matuto at pag-aralan ang guiding writing. Marami na rin ang nag-pm sa akin na gustong matuto kaya naman iniimbitahan ko sila rito sa maliit kong bookstore. Sa wakas, pagkatapos ng anim na taon ay nakapagpatayo na rin ako ng sariling bookstore. Na-published na rin ang mga ginawa kong kuwento noon. Sa tulong ng mga kaibigan ko at pamilya. Heto nag-succeed na rin ako. “Ay, ang bitin naman po iyon Ate Brill. Saan po ba pumunta ang dating asawa ni Awa?”

