Aurelia Magkasunod-sunod akong lumunok. Nanatili akong nakatingala at nakatitig sa mukha niya. Tama ba ang narinig ko? Totoo ba ang sinabi niya? Nang hindi ako nagbigay ng reaksyon ay tumalikod ito sa akin. Inilapag niya sa mesa ang hawak niyang isang pirasong papel. "Maghiwalay na tayo. I already signed the divorce paper. Pirma mo na lang ang hinihintay ko." Umupo siyang muli sa sofa. Ngayon ay nakatingala na siya sa akin. Umiling ako sa kaniya. Nag-init ang dulo ng mga mata ko at tuluyang bumulong ang mga namuong luha roon. Hanggang sa magkasunod-sunod akong umiling sa kaniya. Anong gagawin ko. Tatakbo ba ako sa manyon nila at makiusap sa kaniyang mga magulang na pigilan ang divorce namin. Hindi! Hindi ko puwedeng gawin iyon. Noong i-threatened ko siya ay nagalit siya sa akin. Ba

