Aurelia
Huminga ako ng malalim sabay pikit ng aking mga mata. Narito pa rin ako sa park at nagmumuni-muni. I just wanted someone right now to listen my loneliness. I'm deeply hurt seing the guy I love f*****g other woman.
I bend slowly the swing while closing my eyes. Inhale and exhale. Ito ang ginagawa ko habang ako'y dumuduyan.
Ang sakit pala talaga ang makaramdam ng ganito. Mas masakit pa kaysa madapa ka sa kalsada at magkaroon ng galos.
Umihip ako ng hangin at nagpatuloy sa pagduyan. Naisip ko, ako yata ang nagpapasakit sa damdamin ko kaya ako nagkakaganito. Alam na alam ko naman sa sarili ko na isa lang akong nakakabatang kapatid para sa kaniya.
Sumimangot ako at mas binilisan ang pagduyan. Gusto kong itapon sa isipan ko ang mga nakita ko kanina. Para iyong bangungot sa akin na hina-hunting ako. Bumagal ang pagduyan ko at malalalim na bumuntonghininga.
"What are you doing here alone?"
Isang baritonong boses ang nagpadilat sa akin. Napakapit ako ng mahigpit sa hawakan ng duyan upang hindi malaglag. Bigla akong nataranta. Ang lalaking tinatakasan ko at nagtanim sa akin ng sakit ay nasa harapan ko ngayon. Paano ba niya ako rito natunton? Ayaw ko na nga makita ang pagmumukha niya ay siya pa ang nagpakita pagdilat ko ng mga mata.
Matamlay ko siyang tiningnan. Ngumisi siya at umupo na rin sa katabi kong swing. Hindi ko siya sinagot.
"Gusto mong hulaan ko kung bakit ka narito," sabi niya.
Lumingon ako sa kaniya at itinaas ang mga kamay upang pigilan siya na magsalita.
"Huwag na!" Binara ko kung anong kaniyang sasabihin. Ayaw kong ipaalala niya sa akin ang mga nasaksihan ko kanina.
Mahina siyang tumawa.
"Badtrip kaba dahil hindi ka naman nag-aral ng mabuti ano?" Pinaliitan niya ako ng mga mata.
Napahinga ako ng maluwang ng iba pala ang nasa isip niya. Pumikit ako saglit at hindi nagpahalata.
Muli siyang tumawa. Napaka-guwapo niya talaga. Kakaiba siya kina Kuya Ethan at Kuya Rio.
"Hindi kaba pumasa sa exam ninyo?" Patuya niyang tanong sa akin.
Ngumuso ako sa kaniya at mahinhin na tumango. Paraan ko ito upang maibsan ang aking pangamba.
"Bumagsak po ako sa Mathematics," sagot ko.
Nalaglag ang panga niya. Napatitig sa akin na siyang dahilan ng aking kinatawa.
"Seryoso ka-ka?" Dahan-dahan niyang tanong habang nakatitig sa akin.
Kinagat ko ang ibabang labi. Siniryoso niya ang sinagot ko. Muli ko siyang tiningnan at umaling sa kaniya.
"Hindi po, Kuya Logan. Binibiro lang kita."
Nagsalubong ang mga kilay niya sa akin. Bigla siyang tumayo at nilapitan ako. Napalunok ako ng hawakan niya ako sa kamay.
"You're playing tricks on me huh!"
Mabilis ang mga kilos niyang hinawakan ako sa baywang at binuhat. Sa liit ko ba naman ay para lang akong isang sakong bigas sa kaniya. Mahina akong tumili nang umangat ako sa ere. Ang tiyan ko ay dumikit sa mukha niya na siyang kinakiliti ng loob ng aking tiyan. Parang nagsiliparan ang mga maliliit na paro-paro sa loob no'n.
Napakapit ako sa balikat niya at bumaba ang mukha ko sa kaniyang ulo.
"Logan!" tili ko. Napalunok akong muli ng mapagtanto kong tinawag ko siya sa pangalan niya.
Nangingiti siyang pinantay ang mukha sa aking mukha. Tinitigan ako sa mga mata. Nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko kayang tumitig pabalik pagkatapos kong bigkasin ang pangalan niya.
"Logan hah?" He asked.
Sinalo niya ang pang-upo ko at inayos ako sa pagkakabuhat.
"Kailan mo pa natutunan na tawagin ako sa pangalan ko? Logan? I like how it's sound when you say it." Nginisihan niya ako.
"Would you like to say it again? I want to heared honey." He added.
Napalunok akong muli. Honey? Ang isang simpleng salita na iyan ay nagbigay ng maraming kahulugan dito sa isip ko.
"Ibaba mo po ako..." pabulong kong sabi. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Dinig na dinig na yata niya.
Ngumisi siyang muli. "Say my name, I'll put you down."
I cleared my throat. "Kuya Logan," mahina kong sabi.
Tumawa siya. Ibinaba ako at piningot ang ilong ko.
"Sa susunod na tawagin mo ako sa pangalan ko ay bubuhatin kita hanggang sa bahay ninyo." Banta niya. Akala ba naman ay masisindak niya ako. Ang hindi niya alam ay baka ipagritwal ko pa iyon para gawin niya sa akin.
Lihim akong ngumiti. Kung kanina ay galit na galit ako at nasasaktan, ngayon ay napawi niya ang lahat. Hinawakan niya ako sa siko. Muli akong napatingala sa kaniya.
"Saan ka nanggaling kanina?" tanong niya.
Sandali. Mukhang nag-iimbestiga yata ito mula sa nangyari kanina. Gusto ko sana siyang sagutin na nanggaling ako sa penthouse niya at nakita ko ang mga malalaswa nilang ginagawa ng kaniyang babae ngunit pinigilan ko ang sarili. Tama na. Limot kp na iyon at ayaw ko ng isipin pa.
"Sa school. Inutusan ako ni Tita na pumunta sa Penthouse mo pero hindi ko ginawa." Pagsisinungaling ko.
"Bakit?"
Tumingala ako ulit sa kaniya.
"Hindi ko naman alam kung saan iyon. Baka maligaw pa ako." Ulit kong pagsisinungaling.
Sinapo niya ang mukha.
"Let's go."
Hinila niya ang kamay ko. Siya na rin ang kusang nagdala ng sling bag ko na nakapatong sa gilid.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang hila niya ako.
Sinagot niya ako ng hindi nililingon.
"We are going to my Dad's Aircraft. Hindi ba ay gusto mong sumakay ng helicopter."
Napangiti ako. Kahit pagabi na ay sumama pa rin ako sa kaniya. Pagdating namin doon ay nakita ko sina Papa at Tito Connor. Minsan kasi ay tinutulungan ng papa ko si Tito Connor dito sa Aircraft niya kahit na sa Treveno Corporation nagtatrabaho si Papa.
Kumunot pa ang noo ni Papa nang makita niya ako. Alam kong masesermunan na naman ako nito pag-uwi ko ng bahay.
"Hi Tito." Nakangiti kong bati kay Tito Connor.
Mahina siyang tumawa. Pinaglipat-lipat kami ng tingin ni Kuya Logan.
"Nahila kana naman rito ng Kuya Logan mo. Idinadamay kapa niya sa mga kalukuhan niya," natatawa nitong sabi.
Tumikhim ang papa ko. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya sa braso.
"Itong anak ko ang humihila sa binata mo kumpare. Pasinsiya kana iho dahil medyo makulit itong bunso ko." Hinging paumanhin ni Papa kay Kuya Logan.
Nginitian siya ni Kuya Logan. "She's funny and cute. I really like her," sagot ni Kuya Logan.
He likes me. Para akong lumutang sa ulap at tinangay ako paitaas. Ang sarap sa pakiramdam na maririnig mo sa lalaking mahal na mahal na gusto ka rin niya.
"I wish that she is my little sister. My brothers and I will be very happy," nangingiti nitong sabi.
Sandali! Sister? Nalaglag ang mga balikat ko. Buong akala ko ay gusto niya rin ako katulad ng nararamdaman ko sa kaniya pero mali pala ako. Ang sarap niyang itulak sa bangin para maglaho na lang ng tuluyan. Nakakadismaya ang ganitong klasi ng lalaki. Pinakalig ka pero hindi pala makatotohanan.
Tumawa si Tito Connor.
"They wish to have a sister," pabulong niyang sabi kay Papa.
Tinapik rin siya sa balikat ni Papa. "I wish to have son," sagot rin ni Papa.
Tumawa ulit si Tito Connor.
"Ang swerte ng magiging manugang mo sa future kumpare. You had an adorable daughter that everyone's dream."
Malalim na huminga si Kuya Logan sa may tabi. Naglakad ito upang lampasan ang kinatatayuan naming tatlo. Binalingan niya ako.
"Au, are you coming?" He seriously asked.
Hindi ako kaagad nakasagot kaya naman tumalikod na itong muli at naglakad palapit sa helicopter. Nginitian ko sina Papa at Tito.
Tinawag ko si Kuya Logan at patakbong sumunod sa kaniya.
"Wait for me!" sigaw ko.
Nang tuluyan akong makalapit sa kaniya ay napansin kong walang piloto. Siya ba ang magpapalipad nito? Natanong ko ang sarili ng nasa tapat na niya ako.
"Pumasok kana sa loob."
"Ikaw ba ang magpapalipad nito?" kinakabahan kong tanong.
Tipid siyang ngumiti. Tumango sa akin at muling sinabi na pumasok na ako. Kahit binabalot ako ng kaba ay nagawa ko pa rin na sumunod sa kaniya. Pumasok ako sa loob at pumuwesto sa tabi ng upuan ng piloto.
He was the pilot. Wala akong nararamdaman na pagkatakot nang nasa himpapawid na kami. He was so gentle while managing the helicopter. Para lang akong nakasakay ng sasakyan. Ang cool niya habang seryosong nakatutok ang mga mata sa unahan.
May mga pagkakataon na pasimple ko siyang tinititigan at kapag mapapalingon siya sa akin ay binabaling ko ang tingin sa kabilang dereksyon at nagkukunwaring nakatingin sa baba namin.
Ilang beses kaming umikot ikot. I enjoy the fly. Ito ang unang beses na makasakay ako sa helicopter at mismong pangarap kong lalaki ang kasama ko. Ang sarap sa pakiramdam na ang piloto mo ay ang mahal na mahal mo. Sa totoo lang, kung magugutuhan sana ako ni Kuya Logan ay kahit hindi pa ako umabot ng eighteen ay magpapakasal na ako sa kaniya. Nakakabaliw isipin pero gusto ko siyang ariin.
Nadismaya ulit ako dahil sa mga naiisip. Naging tahimik ako at hindi na excited.
"Relax honey. Just calm down," bulong niya. Ang sarap talaga sa pandinig ang tinatawag niya sa akin.
Huminga ako ng malalim. Inabot niya ang palad ko at bahagya iyong pinisil. Akala niya siguro ay natatakot ako. Hindi niya alam na mas nadidismaya ako sa mga bagay na pumapasok sa aking isipan.
"Take a deep breath. Okay." Paalala niya.
Tumango ako. "O-okay." Naging pabulong na lang ang sagot ko.
Ngumisi siya. Ibinalik ang atensyon sa harap.
"Good girl," bulong niya.
Nagpatuloy kami sa pag-ikot hanggang sa ayain ko na siya na bumaba na kami. Nang maka-landing kami ay tinulungan niya akong bumaba. Nakangiti ito sa akin habang hawak ang kamay ko.
"Did you enjoy the fly?" He asked.
Ngumiti ako. "Salamat po sa pagdala mo sa akin dito," sabi ko.
Ginulo niya ang buhok ko. "You're welcome po. Mag-aral kana po ng maayos." Bilin niya.
Kinagat ko ang ibabang labi.
"Kuya Logan, mas gusto kasing mag-asawa kaysa mag-aral," sagot ko.
Nabitawan niya ang kamay ko.
"f**k!"
Tinalikuran niya ako at naglakad sa kinaroroonan nila Papa at Tito. I just want to teased him pero dinamdam niya yata. Napailing ako at tahimik na sumunod sa kaniya.
Hindi niya ako pinansin simula kanina. Nauna na rin itong umuwi dahil pupuntahan pa raw ang Bar niya sa Taguig. Sa huli ay kay Papa na lang ako napasabay. Akala ko pa naman ay siya ang maghahatid sa akin sa bahay.
Pagdating namin ni Papa sa munti naming apartment ay naabutan namin sina Mama at Ate na nagbabalot ng mga paninda ni Mama.
"Magandang gabi Mama." Bati ko kay Mama. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.
"Ang sweet talaga ng baby ko," sabi nito.
Bumungisngis ako. "Hindi na po ako baby 'Ma. I'm seventeen," sagot ko.
Inismiran ako ng masungit kong Ate. Lumapit ako sa kaniya para batiin siya pero naunahan ako.
"Magandang ako, Aurelia." Taas kilay niyang sabi sa akin. Pati sina Mama at Papa ay natawa na rin dahil kay Ate.
"Ikaw na ang maganda at matalino Ate Aurora," nakasimangot kong sabi.
Tumawa si Mama. "Hay mga batang ito." Napapailing itong inipon ang mga paninda niya. "Teka lang at maghahain ako para makakain na tayo."
"Mukhang marami kang nabenta 'Ma?" tanong ko. Nasa hapag na kami para sa hapunan.
"Nag-online selling ang ate mo kanina kaya patok ang negosyo ko," natatawa nitong sabi.
"Ang ganda talaga ng ate ko. Masungit nga lang." Komento ko.
Masama akong tiningnan ni Ate. "Gusto kong magtapos para tumigil na si Mama sa pagtatrabaho," sabi nito.
Itinaas ko rin ang kamay. "Ako rin. Kapag naging Nurse na ako ay papatigilin ko na si Papa sa work."
Sabay na tumawa ang mga magulang namin. They are both proud of us. Masungit si Ate Aurora pero napakasipag niyang mag-aral. Wala akong panama sa kaniya pagdating sa IQ.
Pagkatapos naming maghapunan ay tinulungan ko si Mama magligpit. Nauna na sila ate at papa na lumabas ng kusina. Si Ate ay mag-aaral pa raw dahil may mga homeworks. Si Papa naman ay rotten talaga niyang manood ng balita sa TV.
"Saan kaba nanggaling ngayon anak. Tumawag si Laila kanina at hinahanap ka." Panimula ni Mama.
Tumikhim muna ako. "Kasama ko po si Kuya Logan. Nagpunta kami sa Aircraft nila kanina."
Napalingon siya sa akin. Hindi makatingin ng deretso pero parang may gustong sabihin.
"Bakit po Mama? May problema kayo?" kuryoso kong tanong.
Umiling siya. Pinunasan ang kamay dahil tapos na maghugas ng mga pinagkainan namin. Deretso niya akong tiningnan.
"Anak. Ayaw kong mag-asawa ka ng maaga. Huwag ka muna magpaligaw."
Inubo ako bigla dahil sa sinabi ni Mama. Anong akala niya sa akin nililigawan ni Kuya Logan. Hinagod niya ang likod ko at binigyan ako ng tubig. Nang masaid ko ang laman ng baso ay binalik ko ang atensyon sa Mama ko.
"Mama, hindi po kami magkarelasyon." Piliwanag ko.
Pinaliitan niya ako ng mga mata. Balak ko na sanang sumagot ulit ng tumunog ang cellphone ko sa gilid ni Mama. Mabilis ang mga kilos ni Mama na dinampot iyon at tiningnan ang nagmensahe. Nakakunot pa ang aking noo at hinihintay na sabihin niya sa akin kung sino.
Kinabahan ako nang balingan niya ako na magkasalubong ang mga kilay niya. Itinapat niya sa akin ang cellphone ko at nabasa ko ng maayos ang mensahe sa akin ni Kuya Logan.
'I miss you, honey.'
Napanganga ako at parang naduling bigla.