Aurelia
Kumaripas ako ng takbo pagkatapos kong hablutin kay Mama ang cellphone. Namumula pa rin ang pisngi ko hanggang ngayon at hindi ko malaman kung paano na ako magpapaliwanag kay Mama. Dinaanan ko si Papa sa sala kanina na may pagtataka rin at heto si Ate na naabutan ko sa kuwarto namin na magkasalubong ang mga kilay sa akin.
"Para kang tanga Aurelia! Ano bang nangyayari sa iyo?" nagtatakang tanong ng Ate ko.
Binalot ko ang sarili sa kumot. Hindi ko siya sinagot at humiga na ako sa munti kong kama.
"Au, naririnig mo ba ako?" ulit ni Ate.
Pinaikot ko ang mga mata at nagkumot ng maayos hanggang ulo upang hindi na niya ako mausisa. Hay naku naman Logan! Ano bang ginagawa mo sa akin? Anong iisipin ng Mama ko sa mensahe mo? Baka pagbawalan na ako noon na pumunta sa bahay nila.
Hindi na ako muling kinulit ni Ate kaya bahagya akong pumikit. Hindi pa nag-iilang minuto ang aking pagpikit ay may naramdaman akong tumapik sa pwetan ko. Napabangon ako bigla. Napalunok ako nang makita ang mama kong salubong ulit ang mga kilay na nakatingin sa akin. Si Ate ay itinigil na rin ang studies at nakimarites!
Hinawakan ni Mama ang chin ko at pinatingin ako sa kaniya.
"Huwag kang bababa ng tingin! Tumingin ka sa akin ng deretso Aurelia? Anong relasyon mo kay Logan?" seryoso niyang tanong.
Napasinghap si Ate sa may gilid namin. Lumapit na rin sa kama ko at nakiupo. Umiling ako kay Mama. Gusto kong matawa dahil sa reaksyon ng kaniyang mukha pero kapag ginawa ko iyon ay baka batukan niya ako.
"Mama naman eh! Niloloko lang ako ni Kuya Logan. Huwag mong masyadong seryosohin ang nabasa mong message niya. Atsaka may girlfriend na siya!" nakasimangot kong sabi.
Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Honey? Honey ang tinatawag niya sa iyo? Ipaliwanag mo nga sa akin iyan kung wala kayong malalim na relasyon!"
Muli akong umiling kay Mama. Si Ate ay lumapit sa akin.
"Ah! Kaya pala palagi kang nasa kanila dahil may gusto ka kay Logan. Susme Aurelia! Bilyonaryo ang angkan nila at tauhan lang nila si Papa. Sa tingin mo ba ay magugustuhan ka nilang daughter in law. Naku! Naku! Mag-isip ka nga! Ahead pa sa iyo si Logan. Mag-move on kana! Hindi ka no'n papansinin girl!" Ngumuso si Ate pagkatapos iyon sabihin.
Napayuko ako. Parang tinarakan ng kutsiyo ang likod ko sa sinabi ni Ate. Ang brutal niya magsalita. Malalim na huminga si Mama. Hinawakan ang kamay ko at bahagyang hinaplos.
"Anak, bata kapa. Marami ka pang mararating sa buhay kaya kung ano man ang nararamdaman mo kay Logan sa ngayon ay huwag mo ng ipagpatuloy. Tama ang Ate mo. Ang layo ng agwat ninyo sa buhay." Paalala ni Mama.
Sumimangot ako at hinampas ang mga kamay sa may hita ko.
"Masama bang mangarap, 'Ma? Pare-pareho lang tayong mga tao dito sa Mundo. Bakit, kapag ba namatay siya ay kabaong niya ay ginto? tapos ako ay gawa lang sa kahoy. Gano'n ba ang ibig ninyong sabihin?" Ibinaling ko ang paningin sa gilid dahil para akong maiiyak.
In the morning, I saw Logan with other woman. Masakit sa akin syempre at ngayon naman ay winawalaan ako ng pag-asa ng pamilya ko para sa kaniya. Mas domoble ang sakit. Ang sarap magbigti at nang sa ganoon ay maglaho na lang ako ng tuluyan.
"Ambisyosa!" bulyaw ni Ate.
Tinakpan ni Mama ang bibig ni Ate. Muli akong nalungkot. Sakim talaga itong Ate ko!
"Tumigil kana, Aurora." Banta ni Mama. Binalingan niya ako at nginitian.
"Mag-aral ka muna bago mo isipin ang mga bagay na iyan. Kapag makapagtapos kana ay may ipagmamalaki ka." Hinaplos ni Mama ang buhok ko.
"Putulin mo ang daliri ko kung magugutuhan ka nga ni Logan!" ulit na bulyaw ni Ate.
Biglang bumukas ang pinto. Lahat kami ay napatingin doon ng pumasok si Papa. Salubong ang kilay na nakatingin sa amin.
"Anong nangyayari dito? Bakit ka sumisigaw, Aurora?" tanong ni Papa.
Muling umismid si Ate at hinarap niya si Papa.
"Itong paborito mong anak, pinapangarap si Logan Treveno. Sa tingin mo ba Papa magugustuhan siya ni Logan?" patuyang tanong ni Ate.
Tumikhim si Papa. Lumapit sa amin.
"Bakit hindi. Maganda naman ang kapatid mo at nakakatuwa raw sabi ni Logan. He really likes her. Natatandaan ko pa ang salitang iyan na sinabi ni Logan kanina." Umupo si Papa sa tabi ko.
Malalalim na huminga si Ate. Naiinis dahil kinampihan na naman ako ni Papa.
"My youngest daughter was my joy. Tanga lang ang lalaking hindi magkakagusto sa kaniya. Hindi ba anak?" Niyakap ako ni Papa.
Napangiti ako. He's giving me hope to pursue my feelings for Logan Treveno.
Tumayo si Ate at bumalik sa upuan niya.
"Sige pa, Papa. Tolerate her until she become useless. Tingnan natin kung anong kahihinatnan niyan kapag hindi mapasakaniya si Logan." Babala ni Ate. Tinawanan lang iyon ni Papa at muli akong niyakap.
Dalagang dalaga na ako pero minsan ay bini-baby pa rin ako ng mga magulang ko. At ngayong suportado pala si Papa sa nararamdaman ko ay bakit hindi ako magpursige. Hindi naman masamang sumubok. Walang bayad ang mangarap at hindi tumutubo ang mag-ilusyon.
Kinabukasan ay masaya akong pumasok sa eskuwela. Ikinuwento ko pa kay Brill ang mga nangyari.
"Au, mukhang makatotohanan na talaga iyang nararamdaman mo sa kaniya?" napapailing nitong tanong.
Ngumisi ako. "Mahal na mahal ko na nga siya Brillaña." Matapat kong pag-amin.
Mahina siyang tumawa. "Hindi kaba kinakabahan na maging girlfriend no'n. Mukhang habulin iyon ng mga babae. I'm sure marami kang kaagaw," natatawa nitong sabi.
Namaywang ako sa harapan niya. Pauwi na rin kami maya-maya dahil tapos na ang klasi.
"Nobody can snatch him away from me! His mine!" I declared.
Muling tumawa si Brill. "Gawaan ko kaya kayo ng libro. Tamang tama dahil magpapasa ako ng synopsis next week at isasabay ko na kapag nakabuo ako ng magandang plot ng istorya ninyo."
Napatitig ako sa kaniya. Tinaas taas pa niya ang kilay sa akin. Napangiwi ako nang maalala ang mga sinusulat niya. Tiningnan ko siya at umiling.
"Don't ever dare made it an erotic novel. Papatayin kita kapag ginagawa mo iyon!" Banta ko sa kaniya.
"Aurelia Benoist. Hindi intense ang isang istorya na tungkol sa nagmamahalan kung hindi gawing erotika!" Tinakpan ko kaagad ang bunganga niya. Ang laswa ng sinabi at pasigaw pa ito.
Nandiri ako bigla. Parang ayaw ko ng magpagawa ng nobela sa kaniya. Nagkamot siya ng batok.
"Baka mawalan na lang ako ng readers kapag nagsulat ako ng pambatang kuwento."
Inirapan ko siya. "Hindi lahat ng nagbabasa ay steamy ang gusto. The flow of the story ang basihan hindi ang sexy scenes." Paliwanag ko. Gano'n kasi ako magbasa. Naka-focus ako sa development, conflict ng story atsaka sa climax.
Humalakhak si Brill. Inirapan ko siya ulit at hindi na muling pinansin. Balak na namin umuwi ng may isang magarang sasakyan ang huminto sa may tapat namin. Kumunot pa ang noo ni Brill na sinilip ang nasa loob. Ang sasakyan ay hindi pamilyar sa akin pero ito yata ang mga latest model na sasakyan ngayon.
Ang ibang estudyante ay nakitingin na rin. Hindi pa kasi bumababa ang may-ari nito kaya naman kuryoso ang bawat isa. Hinawakan ko sa siko si Brill upang hilain na para makasakay na kami ng tricycle nang bumaba ang tao sa loob. Nanlalaki ang aking mga mata na napatitig sa may-ari.
"Logan.." pabulong kong sabi. What he's doing here? Muli na naman akong napalunok nang masilayan ang lalaking pangarap ko.
Siniko ako ni Brill. Muntik na akong ubuhin dahil sa ginawa niya. Binalingan ko siya saglit pagkatapos ay ibinalik ulit ang paningin kay Kuya Logan. He was wearing a white shirt and maong short. God! He is dashingly handsome in my eyes. Tinanggal niya ang suot niyang shades at nginitian niya ako.
"Hi, honey."
Namilipit ang tiyan ko sa magkahalong kilig at kaba dahil sa itinawag niya sa akin. Naramdaman ko ang kamay ni Brill na kinurot ako sa tagiliran. Hindi ko siya binalingan dahil parang naging magnet ang mga mata ko sa katitig lang kay Kuya Logan.
Ang mga estudyante sa paligid ay nagbubulungan na rin. Muli siyang nagsalita kaya doon pa ako natauhan.
"Tapos na ba ang klasi mo? Gusto kitang isama mag-malling. Free kaba?" seryoso niyang tanong. Tumingin siya kay Brill at tinanguan rin ito.
Siniko ako ulit ni Brill. "Mauuna na ako sa inyo. Kita na lang tayo bukas Au," sabi nito.
Hindi ako makasagot. Basta ang buong atensyon ko ay nasa kay Kuya Logan lang. Muling nagpaalam si Brill at umalis na ito.
Nginitian ako ulit ni Kuya Logan at niyaya ng pumasok sa kaniyang magarang sasakyan. Bago yata ito dahil ngayon ko pa nakita. Nagkakabit na siya ng seatbelt ng tanungin ko.
"Ang gara ng sasakyan mo Kuya. Bago ba 'to?"
Ngumisi siya. "Do you want? Mag-aral ka magmaneho at bibilihin kita ng sasakyan."
Napatitig ako sa kaniya. "Huwag mo 'kong biruin. Hindi ako tatanggi sa grasya Kuya," sagot ko.
Tumawa siya. "Be practical Au, that makes sense."
Naguluhan ako sa sinabi niya. Masyadong malalim ang kaniyang English kaya hindi ko iyon naintindihan ng maayos.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko ulit.
"As I told, we're going to mall. Nakalimutan muna ba na kasal ni Uncle Creek sa sabado. Ikaw ang gusto kong partner kaya bibilihan na kita ngayon ng damit mo dahil baka ma-busy ako bukas." Paliwanag niya.
Muntik na akong mapasinghap sa tuwa. Partner? Tama ang narinig kong siya ang makakapareha ko. Ay gusto kong ipagdasal na sana sabado ba bukas. I can't wait that day.
Dumating kami sa malapit na mall. Hinanapan niya ako ng casual dress na kapareha ng sa kaniya. He choose a black shiny tuxedo. Ang akin naman ay black dress na V-shape sa likod. Bagay na bagay sa balingkinitan kong katawan. Nang isuot ko ang high heels na napili niya sa akin ay para akong nagtatalon sa saya dahil nadagdagan ang tangkad ko.
"Sir, what do you think?" tanong ng saleslady na nag-assist sa akin.
Nakaupo na si Kuya Logan sa sofa at hinihintay ako. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Kumunot pa ang noo ko dahil hindi ko mawari kung anong nasa isip niya.
Itinaas niya ang kamay sa akin.
"Honey, can you turn?" utos niya.
Sinunod ko siya at tumalikod sa kaniya. Tumayo siya at nilapitan ako.
"Thank you for assisting her." Pasalamat niya sa saleslady.
Ngumiti ang saleslady at iniwan muna kami. Hinapit niya ako sa baywang. Napasinghap ako ng mahina sabay tingin sa paligid namin. Bumaba ang mukha niya sa aking tainga
"You look beautiful. Hindi ko nagustuhan ang bukas niya sa likuran pero dahil ako ang makakasama mo ay secured ka sa akin." Tinitigan niya ako ulit bago kinindatan.
Nanlumo bigla ang mga tuhod ko. Paano ba naman gayong nanuot sa ilong ko ang mabango niyang amoy. Hinawakan niya ako sa balikat at pinatingin sa harapan naming salamin. Nawalan ako ng sasabihin. Para akong tauhan lang niya na naging sunod-sunuran.
We faced the mirror. Pinagmasdan ko ulit ng tingin ang aking sarili. Lihim ko siyang tinitigan. Bagay naman kami ah! Sinong magsasabing hindi ako nababagay sa kaniya? Ang ate ko lang yata ang palaging kontra pero dahil napagmasdan ko ngayon ang aming sarili sa salamin ay masasabi kong nababagay rin ako sa kaniya.
Inalis ko sa katawan ang hiya. Hinarap ko siya at nginitian.
"Do I look pretty?" tanong ko.
Gumalaw ang adams apple niya. Naningkit ang mga mata sa akin. Kinagat niya ang ibabang labi bago dahan-dahan na tumango.
"You are always beautiful in my eyes."
Nagtitigan kami. Ayaw kong bumitaw sa mga mata niyang mapang-akit. Kung nakakabuntis itong mga titig niya ay malamang magkakaanak na kami.
Isang tikhim ang nagpahinto sa aming titigan at sabay kaming napalingon. Bigla akong nahiya ng makita ang isang may kaedaran na lalaki na may kasamang babae. Maganda at mukhang bata pa ang babae. Baka kaedad lang ito ni Kuya Logan. Napakaganda niya. Costumer rin ba ito? Hinawakan ako ni Kuya Logan sa siko kaya naman naputol ang paghanga ko sa kagandahan ng babaeng nasa harapan ko.
"Uncle."
Napatingin ako ulit sa lalaki na tinawag na Uncle ni Kuya Logan. Binalingan ako ni Kuya Logan at nginitian.
"Au, he's Uncle Creek." Pakilala niya sa akin.
Nginitian ko ang tinawag niyang Uncle bago tinanguan.
"Hi. I'm Creek Treveno." Pakilala nito sa sarili. Binalingan niya ang magandang babae na katabi niya. "She's my fiancee, Liliana Agustin." Pakilala niya sa magandang babae.
Muntik na akong mapanganga. Ang tanda ni Uncle Creek para rito sa fiancee niya. Sabagay love conquers all. Ngumiti ako ulit kay Liliana.
"Aurelia po." Pakilala ko rin sa sarili ko.
Mahinang tumawa si Uncle Creek.
"Oh, she's the daughter of my brother’s kumpare, right Logan?" tanong nito. Kilala rin pala niya ang Papa ko.
Tumango si Logan bago sumagot. "Yes Uncle." Binalingan niya ako. "My favorite person." He added.
Nahihiya akong tumingin ulit sa harap. Napansin ko ang matatalim na tingin ni Liliana sa amin ni Logan. Tumaas ang mga kilay at hindi ngumingiti. Ano kayang problema nito sa amin? Her aura suddenly changed. Kung kanina ay nakangiti ngayon ay galit na!
"By the way Uncle. I have to go. Ihahatid ko pa sa bahay nila itong ka-date ko." Paalam niya.
Ngumiti lang sa amin ang Uncle niya. Si Liliana naman ay nananatiling nakatayo na parang bato. Hinawakan ako ni Kuya Logan sa kamay at pinagbihis na. Pagkatapos kong magbihis ay umalis na kami. Nasa sasakyan na kami ng maglakas loob akong magtanong.
"Ang bata no'ng magiging asawa ng Uncle mo. Lovers ba talaga 'yon?" wala sa sariling tanong ko. Nilingon ko pa si Kuya Logan na tahimik na nagmamaneho. Dumilim ang mukha niya. Parang may kasalanan sa kaniya ang kalsada at tutok na tutok roon ang kaniyang paningin.
Natahimik ako at natakot. Ang bibig ko kasi ay parang sirang plaka. Did I offend him? Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa apartment namin. Binilinan niya akong mag-iingat pagkatapos ay umalis na rin kaagad.
Habang tinatanaw ko ang sasakyan niyang papalayo ay bumulong ako sa sarili.
"Mahal kita, Logan."