Chapter 5- Logan Treveno

1525 Words
Aurelia Dumating ang araw ng kasal ni Uncle Creek. Lahat kami ay imbetado dahil kakilala rin pala siya ni Papa. Hindi pumunta si Ate Aurora dahil may importanteng research ito na kailangan niyang tapusin. I was so happy and excited. Si Kuya Logan ang kasama ko mamaya kaya paano ba naman ako hindi magiging ganito kasaya. Nagmensahe siya sa akin kaninang umaga na magkita na lang kami sa reception. Gaganapin raw ang kasal ng Uncle niya sa Luxury hotel ng mga Feorenza. Kagaya ng napag-usapan namin ni Kuya Logan. Isinuot ko ang casual dress na binili niya sa akin. Napapailing si Mama sa akin nang mapuna niya ang aking pagkatuwa. Kahit napipilitan si Ate kanina ay inayusan pa rin niya ako upang hindi raw ako magmukhang kaawa-awa. Masungit lang ang ate ko pero alam kong mahal na mahal niya ako. Nang makarating kami sa Feorenza's hotel ay marami na ang tao. Naglatag pa ng red carpet simula sa labas. Ang mga guwardiya ay tahimik na naka-stand by sa bawat sulok ng hotel. It's like a fairytale wedding. Ito ang pangarap ng mga kababaihan, ang maikasal sa ganitong kagarbo. I was amazed. Napapasinghap na lang ako nang makita ang mga magagandang dekorasyon. Siguro ay baka milyon ang ginastos nila sa kasal na ito. I imagined how it's look when me and Logan got married too. Nakagat ko ang ibabang labi ng mawala na naman ako sa katinuan. Masyado lang akong nababaliw sa kaniya kaya ako nagkakaganito. "Okay ka lang ba Aurelia?" nagtatakang tanong ni Mama. Napuna siguro ang nawiwindang kong diwa nang papasok na kami. Nasa unahan namin si Papa at kami ang magkasabay ng mama ko. Tumango ako sa kaniya at nginitian. Ayaw kong mag-alala naman sa akin si Mama at baka maging problema pa ako. Nang tumingin ako sa harapan ay parang tumigil ang mundo ko. There, I saw Kuya Logan standing on the middle and waiting for me. Ngumiti sa akin at kinawayan ako. Napakagat labi ako nang sikuhin ako ni Mama sa braso. Pinilit kong ngumiti. Ang guwapo niya talaga. Biglang nanlumo ang mga tuhod ko at gusto ng bumigay. Why I became so nervous? Kinain ako ng excitement kaya ngayon ay hindi na ako makapagsalita. Nang marating namin ang kinatatayuan niya ay nginitian muna niya si Papa at binati, pagkatapos ay muling ibinalik ang paningin sa akin. "I need your permission, Tita. I want Aurelia to be my partner." magalang niyang salita sa mama ko. Tumango sa kaniya si Mama at binalingan ako. Hindi ako makatingin sa mga mata ni Mama. Nakangiti nga ito ngunit may pagbabanta. "Okay lang hijo. You have my permission," sagot ni Mama. I swear, halata sa boses niya ang kaplastikan. Nilapitan ako ni Kuya Logan. Si Mama naman ay hinila ni Papa. Tumingala ako sa kaniya at matamis siyang nginitian. "Hindi ako makapaniwalang may igaganda pa pala ang maliit na langaw." Natatawa niyang biro sa akin. Nanlalaki ang mga butas ng aking ilong. Masama ko siyang tiningnan. Mahina siyang tumawa at magaan na kinurot ang tungki ng ilong ko. "Hey, I'm kidding. You're gorgeous my sweethoney," He said. Yumuko ako at pinigilan ang ngiti. Pinagsiklop niya ang mga kamay namin at pinatingin ako sa kaniya. "Ang ganda mo. Napakaganda mo sa paningin ko Aurelia." Gusto kong tumalon sa tuwa sa mga oras na ito. Nanalangin ako na sana ay huwag ng matapos ang moments na ito upang hindi ko makalimutan ang mga katagang binibigkas niya. Kay sarap pakinggan at paghawakan. "You're making fun of me," mahina kong sabi. He chuckled. Pinisil niya ang palad ko. "No. I'm not!" Inirapan ko siya. Muli siyang tumawa. "Let's go." Aya niya. Hindi na ako nakasagot nang hilain niya ako papasok. Marami ang bisita sa loob, kung magara ang dekorasyon sa labas ay mas domoble sa loob. Nahagilap ng mga mata ko si Uncle Creek sa stage na kausap na ang mga magulang ni Kuya Logan at ang mga magulang ko. Hindi binibitawan ni Kuya Logan ang kabila kong kamay habang akay niya ako. May mga nakatingin na kababaihan sa dinadaanan namin. Nagbubulungan pa ang iba pero hindi iyon binigyan ng pansin ni Kuya Logan. Nang makalapit kami kay Uncle Creek niya ay saka pa niya ako binitawan. "Congratulations, Uncle." Niyakap siya si Kuya Logan. Nakangiti itong tinapik si Kuya Logan sa kaniyang balikat. "Thank you so much, son." Pasalamat nito. Lumapit na rin ako sa kaniya at binati. "Salamat iha. Napakaganda mo." Pagpuri niya. Binalingan ang mga magulang ko at nginitian. Kaagad akong nilapitan ni Tita Laila at biniso. Binulungan pa niya ako. "Bagay kayo ng Anak ko," nakangiti niyang bulong. I secretly smiled. Nagustuhan ko ang sinabi ni Tita. Nagbiruan pa sila ng ilang sandali bago kami bumalik sa aming mga upuan dahil magsisimula na ang seremonya. Ilang sandali pa ay dumating na ang bride. Tahimik kaming nakaupo ni Kuya Logan at napalingon na rin ng marinig na papalapit ang bride to be ni Uncle Creek. She was so beautiful with her white gown. Baka milyon-milyon na rin itong halaga ng kaniyang magarang gown. Kumikinang pa ang mga diyamanteng desinyo no'n. Nagpalakpakan ang lahat. Ang malamyos na musika ay nakikisabay na rin sa ingay ng paligid. I just noticed now that Kuya Ethan and Kuya Rio wasn't present in thier Uncle's wedding. Nasaan kaya iyong dalawa? Nang mapantayan ni Liliana ang kinauupuan namin ay isang beses niya kaming sinulyapan at nang tumingin ako kay Kuya Logan ay madilim na naman ang kaniyang mukha. Para siyang nagagalit at gustong manakit. Ganito ang itsura niya noong magkita-kita kami sa loob ng mall. He has that dark aura while looking to Liliana. Naglakas loob akong hawakan ang kamay niya. Malamig at pinagpapawisan. What's wrong with him? He doesn't like Liliana to be his Uncle's wife? Napailing ako dahil sa mga naiisip na negatibo mula kay Kuya Logan. Pinisil ko ang kamay niya. His jaws clenched, hanggang sa unti-unting nagbago ang madilim niyang mukha. Binalingan niya ako. Nginitian ko siya pero hindi ito nag-response. Natapos ang kasal na hindi ako mapalagay. Ang tanging tumatak sa aking isipan ay nang sumagot ng 'I do' si Liliana na siyang kinadiin ng mga kamay ni Kuya Logan sa akin. Para niyang dinudurog ang kamay kong hawak niya. Lumipas ang maraming araw. Naging malamig na rin siya sa akin ulit. Wala na akong natatanggap na text o tawag mula sa kaniya. Minsan ay pumupunta ako sa mansyon nila pero palagi itong wala. Ngayon ko pa talaga napagtanto ang mga advices sa akin nina Ate at Mama. It's impossible that he will fall in love with me. Tama talaga si Ate. She win this time dahil maraming araw na akong balisa. "Why are you so sad my darling?" Napaingtad ako nang marinig ang boses ni Lola Elena. Nasa kusina ako at nagmumuni-muni. Tinutulungan ko na rin si Lola habang nagluluto kasama ang isa nilang kasambahay. Kinapalan ko na naman ang pagmumukha ko na pumunta rito ulit dahil nagbabakasakali akong makita si Kuya Logan. Malalim akong huminga. Tiningala ko si Lola. "Kailan po ang uwi ni Kuya Logan?" seryoso kong tanong. Hindi man lang ako nailang sa kung anong isipin ni Lola. Ngumiti siya at umupo sa aking tabi. Pinagkatitigan niya ako na may gumuguhit na ngiti sa kaniyang mga labi. "May gusto kaba kay Logan?" Balik tanong niya sa akin. Napalunok ako, bahagya pang nanlalaki ang aking mga mata. Masyado na ba akong obvious upang mahulaan ni Lola ang nararamdaman ko? Yumuko ako. Nilagay ko sa kandungan ang mga kamay at pinagkukurot iyon. Aaminin ko ba kay Lola ang damadamin ko para sa apo niya? Paano kung siya mismo ang hindi tumanggap sa akin katulad ng sinabi ni Ate? Nadismaya ang mukha ko. Itinaas ni Lola Elena ang kamay at hinawi ang aking buhok. "Walang masama apo kung sasabihin mo sa akin ang nararamdaman mo. Mas gagaan ang loob mo kapag nagsalita ka." Mainahon niyang salita sa akin. Nahihiya akong tiningnan si Lola bago tumango. Mahina siyang tumawa. "Ito talagang batang 'to! Kung ikaw ang magiging asawa ni Logan ay magiging panatag ako. Akala mo ba ay hindi ko napupuna ang malalim mong pagtingin sa aking apo. Aurelia, huwag mong isipan na hindi ka namin magugustuhan para kay Logan. Kahit saang angulo tingnan ay nababagay ka sa kaniya." Mainahon pa rin niyang salita sa akin. Nagkaroon ako ng lakas dahil sa sinabi ni Lola. Naluluha akong tumingin sa kaniya. Muli niya akong nginitian at hinaplos ang aking ulo. "Malabo naman po na magustuhan niya ako. Para sa kaniya Lola ay isa lang akong nakakabatang kapatid niya," sagot ko. Muli siyang ngumiti. "Kung talagang mahal mo siya ay gawin mo ang makakaya mo para maging sa iyo siya. Paano mo malalaman kung hindi mo subukan." Napatingin ako kay Lola Elena. Susupurtahan ba niya ako kung sakali na magtapat ako ng nararamdaman kay Kuya Logan. I'm turning eighteen next week. At sa susunod na buwan ay graduation ko na. Kung hindi sana ako late na nag-aral ay baka second year collage na ako ngayon. "Anong gagawin ko Lola?" naguguluhan kong tanong. Tipid niya akong nginitian. Inilapit niya ang mukha sa akin upang ibulong ang isasagot. "Pikutin mo siya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD