Aurelia
Ang binuo kong desisyon at plano sa loob ng isang linggo ay hindi ko pa naisasatupad dahil hindi ko pa rin nahahagilap ang bulto ni Kuya Logan. I was mad! I was mad to myself for being desperate woman. Desperada na talaga akong makuha ang lalaking pangarap ko. Susupurtahan naman ako ni Lola kahit anong mangyari.
Malapit na ang araw ng graduation day ko pero hindi ko pa rin nakikita ang anino ni Kuya Logan. Parang nawawalan na ako ng pag-asa at ayaw ko ng ituloy ang mga binabalak ko. Saan kaya siya nagpunta? Pati si Lola ay dismaya na rin dahil hindi na raw ito umuuwi ng mansyon.
"Bakit ganiyang ang magandang mukha? Anong ganap Aurelia?" tanong sa akin ni Brill. Sinundot pa ang aking noo. Nasa loob kami ng Campus habang kinakain ang binili naming kwek-kwek.
"Hindi ba masarap? Nilalaro mo lang 'yang pagkain mo? Akin na nga dahil durog na durog na diyan sa mga kamay mo," ulit niyang sabi sa akin.
Matamlay ko siyang tiningnan. "Brill, sabihin mo nga. Pasado na ba ako sa wife material?"
Inubo siya bigla. Natatawang tiningnan niya ako. "Ano bang klasing tanog 'yan Aurelia? Huwag mong sabihin na gusto mo ng mag-asawa." Hindi makapaniwalang sabi niya sa akin. Napapailing pa ito bago sinipsip ang coke niya.
I let out a deep sigh. Kahit si Brill ay hindi na rin siniseryoso ang nararamdaman ko.
"I love him you know." Pabulong kong salita.
Naging seryoso ang kaniyang mukha. Pinagkatitigan ako bago ibinuka ang bibig upang magsalita.
"I know what you feel about him, but he doesn't like you. Ikaw pa mismo ang nagsabi na nakakabatang kapatid lang ang turing niya sa iyo. Au, you are a perfect woman, maganda ka, mabait, at higit sa lahat ay masununurin. Hindi mo deserve na ikaw lang ang nagmamahal. Why you don't find someone who loved you back like you do. Huwag mong paikutin ang mundo sa isang lalaki na kahit sa panaginip ay hindi ka niya pinangarap." Paalala sa akin ni Brill.
Napayuko ako. Bigla akong nahiya sa mga advice sa akin ni Brill. Her opinions was like my Mother and sister. Useless lang pala ang mga ginagawa ko. Ayaw ko na ngang ipagpilitan. Basta ayaw ko na.
***
Dumating ang araw ng graduation namin. Naging abala ako at nakalimutan ang inutos sa akin ni Lola Elena. Wala na rin naman si Kuya Logan kaya paano ko gagawin? Ginugol ko ang oras sa preparation para sa graduation ko. Ang pamilya ko ay masaya kahit hindi ako honor student. Dumating na rin sina Tita Laila at Lola Elena. Of course they showered me their expensive gifts. May mga regalo na rin akong natanggap kina Kuya Ethan at Kuya Rio, kahit hindi sila nakapunta ay may pabaon naman.
"Congratulations little, Au." Masayang bati sa akin ni Tita Laila. She likes me so much.
Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit. "Salamat po, Tita. Salamat na rin po sa mga mamahalin ninyong regalo."
"Congratulations, apo." Niyakap rin ako ni Lola Elena at hinalikan sa pisngi.
I got a brand new loptop from Kuya Ethan. Mamahaling accessoires naman galing kay Kuya Rio. At syempre mas bongga magbigay si Tito Connor dahil cash. Tuwang-tuwa ako. Alam kong nahihiya ang mga magulang ko dahil sa sobra-sobrang blessing na natatanggap ko mula sa mga Treveno. I just hug my parents and tell them that we have to be gretful.
Naging masaya ang graduation day ko kahit na hindi dumating si Kuya Logan. Kahit greetings sa mensahe ay hindi ko man lang natanggap mula sa kaniya. But it's fine, I have a loving family who never leaves me.
Lumipas pa ang mga araw na palagi akong balisa. Paano kasi, hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita si Kuya Logan. Bakasyon na nga sa paaralan ay napaka-boring pa rin. Si Brill ay umuwi sa kanilang probinsya kaya wala na akong nakakausap. Si Ate Aurora naman ay nagta-training na rin sa Treveno’s Corporation. Dinadala na siya ni Papa para pag-graduate niya raw next year ay makapag-apply na ito ng trabaho.
Naging busy na rin si Mama sa kaniyang online business. Samantalang ako ay naging taong bahay, kung minsan ay niyaya ako nina Lola at Tita Laila sa kanilang mansyon.
"Mama?"
Nasa kusina kami ng tawagin ko ang mama ko. Nasa sink ito at naghuhugas ng gulay.
"Hmm.."
Hindi niya ako nilingon at pinagpatuloy ang ginagawa.
"In-invite ako ni Lola ngayon gabi na doon raw matulog sa kanila. Puwede po ba akong mag-sleep over 'Ma?" malambing kong tanong.
Hindi nag-isip ang mama ko at sumagot kaagad ng oo. Alam naman nila na mahal na mahal ako ni Lola Elena kaya panatag ang mga magulang ko.
"Salamat po." Tumayo ako at niyapos siya.
"Huwag ka lang pasaway doon, kung 'di tuktukan ko 'yang ulo mo." Pagbabanta niya.
Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi.
"I promise."
Balak ko ng lumabas ng kusina para pumasok sa kuwarto namin ni Ate ng tawagin ako ulit ni Mama.
"Au, avoid Logan if you see him, okay?"
Alanganin akong napangiti. Wala naman si Kuya Logan doon eh. Balita ko nga ay nasa ibang bansa. Tumango ako sa mama ko upang mapanatag ito. Pagkatapos niya akong pagsabihan ay kumaripas na ako ng takbo sa kuwarto at inipon ang mga dadalhin ko. I'm so excited to sleep over. Manonood raw kami ni Lola ng teleserye.
Nagmensahe ako kay papa habang naglalakad papunta sa mansyon. Mas maigi na ang nagpapaalam para iwas gulo. Malapit na ako sa gate ng may sasakyan akong makasabay. Bigla akong napahinto nang makilala iyon.
Si Kuya Logan.
Lumundag ang puso ko sa tuwa. Naging magkasunod-sunod ang aking paglunok. Palagi na lang akong nenerbyos sa tuwing nakikita ko siya. Mahigit isang buwan ko na siyang hindi nakikita. Huminto siya tapat ng gate kahit pinagbukasan na siya ng kanilang guwardiya. Bumaba sa sasakyan at tiningnan niya ako.
Wala na yata akong malulunok na laway dahil naubos ko na ito. Bakit kung kailan pa ako mag-sleep over ay saka siya dumating? Umuwi na lang kaya ako sa bahay at huwag na makitulog. Nakakahiya kasi dahil hindi naman niya ako pinapansin simula no'ng kasal ng Uncle niya.
"Come here. I want to see you closer."
Tumalon ulit ang puso ko nang marinig ang boses niya. Nilikod ko ang isang kamay at kinurot-kurot iyon. I am so nervous! Para akong matutumba sa sobrang kaba.
Pinilit kong inihakbang ang mga paa. Nakatingin lang siya sa akin habang nakatayo sa gilid ng kotse niya. Hindi ngumingiti ngunit hindi rin masungit ang mukha.
Nang nasa tapat na niya ako ay bigla niya akong hinablot. Napasinghap ako ng hawakan niya ako sa baywang at binuhat.
"I miss you, sweethoney,"
Hinigpitan niya ang pagkakayapos sa baywang ko. Nabitawan ko ang dala kong bag upang gamitin ang mga kamay ko na ikapit sa balikat niya.
"I-ibaba mo nga ak-ako," dahan-dahan kong sabi. Nakakahiya sa guwardiya nila dahil nakatingin ito sa amin.
"I'm sorry for not attending your graduation. Nasa ibang bansa ako para sa business transactions." Paliwanag niya. Ibinaba niya ako at hinaplos ang ibabaw ng ulo ko.
I pouted my lips to him. He smirked and caress my cheeks.
"Ayaw ko na nga sa'yo." Nagtatampo kong salita sa kaniya. Pinulot ko ang bag na nalaglag at pumasok na sa loob.
"Little fly!" sigaw niya. Hindi ko siya nilingon at nagderederetso sa loob.
Sa kusina ako dumaan at hindi sa main door. Malayo pa ang inikot ko. Nang makapasok ako sa loob ng malawak nilang kusina ay naabutan ko si Lola kasama si Manang Rosa.
"Mano po, Lola." Kinuha ko ang kamay niya at nagmano.
Nginitian niya ako at inutusang umupo sa kaniyang tabi.
"Niyaya kita rito dahil wala sina Laila at Connor. Nalulungkot ako dahil wala akong makausap malibang kina Rosa. Salamat apo dahil pinagbigyan mo ako." Itinigil niya ang ginagawang pagkain at nakipagkuwentuhan sa akin.
Gusto kong ibalita sa kaniya si Kuya Logan pero bigla akong nahiya. Muli siyang ngumiti sa akin. Si Aling Rosa naman ay abala na sa pagluluto.
"Manonood tayo magdamag," nakangiti niyang sabi.
I giggled. Tumango ako sa kaniya.
"Gusto ko ang heavy drama Lola."
"Pareho talaga tayo ng panlasa Aurelia," natatawang sagot niya.
Sabay kaming napalingon ng may tumikhim sa pintuan. Nagulat si Lola sabay baba ng kaniyang salamin banda sa ilong.
Nakangiti si Kuya Logan habang nakatingin sa amin. Kumunot ang noo ni Lola. Nilingon ako saglit bago binalik ang mata sa apo.
"Buhay kapa pala. Akala ko ininum kana ng alak sa bar mo," sabi ni Lola. Halata sa boses ang dismaya.
Natahimik ako. Lumapit sa amin si Kuya Logan at hinalikan si Lola.
"Ang harsh ninyo magsalita Madam Elena," biro niyang sabi. Hinila na ang upuan sa gilid ni Lola at umupo na rin ito.
"Matagal kong hindi nakita ang nakakairita mong pagmumukha. Saan kaba nagpunta? Nambabae?" Magkasunod-sunod na tanong ni Lola sa kaniya.
Mahina siyang tumawa. Ako naman ay nananatiling tahimik na nakaupo habang nakikinig sa kanila.
"I went abroad. Mama didn't tell you," sagot niya. Kumuha ng cucumber na hinihiwa kanina ni Lola at kinagat iyon.
Napalunok ako ng madako sa akin ang kaniyang mga mata. Titig na titig sa akin habang ngumunguya. Binaba ko ang tingin. Muling nagsalita si Lola Elena.
"Okay whatever. I don't care where the hell have you been. Alam kong puro troubles na naman iyang pinaggagawa mo." Sermon ni Lola.
Pinigilan ko ang tumawa. You deserves that Logan Treveno. Serves your right! Damn you and I cursed you in my head.
"Nagbago na ako Lola," sabi niya.
Muling umangat ang tingin ko sa kaniya. Muntik na akong ubuhin dahil nakatingin pa rin ito sa akin.
"In my ass!" bulyaw sa kaniya ni Lola.
Kinuha niya ang kamay ni Lola Elena at hinalikan iyon nang hinalikan. Sa huli ay natatawa na lang si Lola dahil hindi naman ito nakikinig sa mga sermon niya.
"Saan ka magka-collage, honey?"
Nagbara ang lalamunan ko. Bakit na naman niya itinawag sa akin ang endearment na iyan? Tiningnan ko si Lola. Makahulugan ang mga ngiti niya sa akin.
"Sa UP University po," nahihiya kong sagot.
"Anong kurso ang gusto mo?" Umayos siya ng upo at seryoso akong tinanong.
"Hmm...either social worker or nursing. Wala pa akong napili sa dalawa," sagot ko.
Tumango siya. Biglang tumayo. Pareho kaming napatingala ni Lola sa kaniya.
"I'm going shower." Paalam nito.
"Aalis kaba mamaya?" tanong ni Lola sa kaniya.
"Nope. I'll stay tonight," sagot niya sabay kindat kay Lola.
Nang mawala na si Kuya Logan sa paningin namin ay seryoso akong binalingan ni Lola. Napatingin rin ako sa kaniya.
"Are you ready to take a move?"
Kinabahan ako bigla at nagblangko ang isipan ko. Kaya ko bang isatupad ang mga plano ko? Handa na ba akong tanggapin ang consequences kung magkataon na makaya kong gawin ang mga plano ko? Matagal akong nakasagot. Marami akong naging tanong sa isip bago ako dahan-dahan na tumango kay Lola Elena.