Aurelia
Nanginginig ang mga kamay ko habang dahan-dahan kong hinuhubaran si Kuya Logan. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan na kalasin ang boxer niya? Natanggalan ko na siya ng pang-itaas at ang kaniyang suot na pajama. Ang boxer lang niya ang tanging natira, I don't know how move my hand and pulled it down! God, Forgive me for being desperate woman. I love him. I love him so much and this is the only way to get him.
Nagbara ang lalamunan ko. Pumikit ako at pinilit ang sarili. Nang makalas ko sa kaniya ang boxer ay kaagad kong tinakpan ng kumot ang ibabang parte ng kaniyang katawan.
Doon pa ako nakahinga ng maluwang nang magtagumpay ako sa ginagawa. Humawak ako sa tapat ng dibdib at lumanghap ng hangin. Pagbaba niya kanina sa hapunan ay kaagad siyang binigyan ni Lola ng wine.
Halos maningig ako sa takot ng sumimsim siya sa baso dahil alam kong ilang minuto lang ay makakatulog siya. Guilt? Ito ang nararamdam ko ngayon pero huli na para pagsisihan ko.
Isa-isa kong kinalas ang suot ko. Wala akong iniwan na kahit isang saplot sa katawan. Inangat ko ang kumot at tumabi sa kaniya.
'Aurelia, stayed like a corpse,' bulong ko sa sarili.
Umusod ako sa kaniya. Para akong napapaso nang magdikit ang mga hubad naming katawan. Tiningala ko siya. Payapang-payapa na natutulog si Kuya Logan. Dala ng nerbyos ko at takot ay nakatulog rin ako.
***
Isang malakas na boses ang nagpagising sa akin. Kinusot ko ang mga mata at sinanay iyon hanggang sa maaninag ko ang liwanag. Napabalikwas ako ng bangon nang makita sina Tita Laila at Tito Connor sa paanan namin. Kaagad akong tinakpan ni Kuya Logan.
"How can you do this Logan?!" Nagagalit ang boses ni Tita Laila.
Pumikit ako at nagtago sa likod ni Kuya Logan. I am ashamed. Nakakahiya ako at hindi ko na alam kung paano ko ito sasabihin sa mga magulang ko.
"Calm down Laila," narinig kong sabi ni Tito Connor.
"Magbihis na kayo at ipaliwanag ang nangyari." Pagkatapos iyon sabihin ni Tita Laila ay nagmartsa na ito palabas sa kuwarto ni Kuya Logan.
Malalalim na nagpakawala ng buntong-hininga si Tito Connor. Sumunod na rin ito sa kaniyang nagagalit na asawa.
Doon ko pa napakawalan ang buntong-hininga. Biglang tumulo ang luha sa aking mga mata at nanginig ang labi ko.
"I'm...s-sorry...po.." Hindi ko alam kung bakit ako humihingi ng tawad. Para saan ba ang sorry ko? Para ba sa ginawa kong kasalanan o para sa sarili ko?
Nilingon ako ni Kuya Logan. Walang ekspresyon sa kaniyang mukha. Hindi naman galit pero hindi rin masaya. Pinahid niya ang luha ko.
"Don't cry," ani niya. Umusod sa akin at pinagdugtong ang mga noo namin. "What happened last night is my fault. I got drunk. Don't worry about it, I take responsibility for everything." Pangako niya.
Nahimasmasan ang takot na nararamdan ko. Akala ko ay magagalit siya sa akin at pagsasabihan ako ng masasakit na salita. Pero iba ang narinig ko ngayon. Iba ang sinabi niya kaysa expectation ko.
Tumango ako sa kan'ya. Nanatakot pa rin ako pero dahil nandiyan siya para panagutan ako ay nawalan ako ng takot. Hindi na ako natatakot.
"Let's go change," bulong niya.
Napapikit ako ulit ng tumayo ito mula sa kama ng wala man lang suot sa katawan. Namula ang mukha ko at hindi siya matingnan. Narinig kong sinusuot niya ang mga damit na hinubad ko sa kaniya kagabi dahil ramdam na ramdam ko ang kaniyang kaluskos kahit nakapikit ang aking mga mata.
"Here's your clothes, wear it?" pautos niyang sabi. Inabot ko iyon ng isang kamay at isa isang isinuot kahit nasa loob pa rin siya.
Sabay na kaming bumaba pagkatapos kong magbihis. Naabutan namin ang kaniyang mga magulang na nakaupo sa sala. Si Tita Laila ay may ice pack na nakalagay sa tapat ng kaniyang dibdib. Tiningnan ako ni Lola Elena ng pailalim. Kabilin bilin niya sa akin kahapon na huwag na huwag akong magsasalita dahil baka mabunyag ko ang ginawa namin.
Hinawakan ako sa pulsuhan ni Kuya Logan at hinila paupo sa sofa kung saan paharap sa kaniyang mga magulang. Masama siyang tiningnan ni Tita Laila. Si Tito Connor naman ay sumandal sa sofa sabay di-kwatro.
"Now, explain yourself." Panimula ni Tito Connor. Ang mga mata niya ay seryosong nakatingin sa anak.
Maraming beses akong lumunok. Para akong namumutla sa kabang nararamdaman.
Tumikhim si Kuya Logan. "Whatever happens, it's happens," sagot niya sa ama.
Lahat kami ay nagulat nang ibato ni Tita Laila ang hawak na ice pack kay Kuya Logan. Tumama iyon sa binti niya bago gumulong sa paanan namin. Nanginig ako at yumuko. Parang tutulo na ang luha sa aking mga mata. I can't hold it anymore. I'm so scared! Nagpakawala ng buntong-hininga si Kuya Logan.
"Mama, calm down. Aurelia is shaking," mababang boses niyang sabi.
Hindi ako nag-angat ng tingin at nanatiling nakayuko.
"How can I calm down, Logan? Paano namin ipapaliwang kina kumpare ang ginawa mo kay Aurelia. She just graduated!" asik ni Tita Laila. I understand her, as a mother she knows the right things.
Hindi ko na magawang iangat ang mukha ko sa sobrang pagkapahiya at takot. Paano ko na ngayon titingnan ng deretso sina Tita at Tito? Wala na akong mukhang ihaharap sa kanila pagkatapos nitong gulong pinasok ko.
Nagulat ako ng hawakan ni Kuya Logan ang nanginginig kong palad. Tiningala ko siya. Hindi siya nakatingin sa akin kung hindi sa mga magulang niya.
"Aurelia is eighteen years old 'Ma. She's not a minnor anymore. I will marry her. I will take responsibility for what I done." Matapang niyang amin.
Lahat kami ay nagulat. Hindi na muling makapagsalita si Tita Laila dahil sa sinabi niya ni Kuya Logan. Nang tingnan ko si Lola Elena ay nakangiti ito sa akin. Muli akong yumuko.
Tumikhim si Tito Connor. "Okay. Everything is settled. Ang tanging gagawin natin ay harapin si Kumpare and asked Aurelia's hand."
***
Napagdisisyonan nilang lahat ang makakabuting gagawin para sa amin ni Kuya Logan. Nanginginig akong muli nang pag-uwi ko sa bahay ay kasama ko na ang buong pamilya ni Kuya Logan.
Dumeretso ako sa kuwarto namin ni Ate at nagkulong sa loob upang hindi marinig ang pag-uusapan nila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon talaga ang nangyari. Na nagtagumpay ako sa ginawa ko.
Humiga ako sa kama. Ipinikit ko ang mga mata at pinilit na umidlip. Kahit ngayon lang, sana makisama ang ang utak ko at katawan. Napagod ako sa sobrang pagkatakot dahil sa pangyayari.
Nagising ako nang hablutin ni Ate ang kumot na nakatakip sa mukha ko.
"Stop pretending! Get up and explain yourself!" sigaw ni Ate.
Namaywang ito sa harapan ko habang nagkukusot ako ng mga mata. Bumangon ako sa kama at umupo.
"Ate, nakikita mong tulog ako," sagot ko sa sinabi niya.
Namaywang ito at pinanliitan ako ng mga mata habang titig na titig sa akin.
"Magaling! Nagawa mo na rin ang pakay mo at ngayon ay nagtagumpay ka." Napapailing ito habang nagsasalita. Halata sa boses niya ang pagkadismaya sa akin.
"Aurelia, wala kana bang pangarap sa buhay? Anong pumusok sa kukuti mo at pumasok sa maagang relasyon hah? Hindi mo ba naisip sina Mama at Papa? They done everything just to raise as well, pero anong itong ginawa mo? Matanong ko lang, handa kana bang maging asawa at ina?"
Napalunok ako. Nawalan ako ng antok at biglang naisip ang sinabi ni Ate. Yumuko ako dahil hindi ko alam ang isasagot kay Ate.
"Ano? Ayaw mong magsalita? Mahal mo siya pero mahal kaba niya?" Patuya nitong tanong.
Aminado naman ako na hindi ako mahal ni Kaya Logan pero nandito na ito. Hindi ko na maibabalik ang lahat dahil nakagawa na ako ng kasalanan.
Natahimik si Ate nang biglang pumasok si Mama. Siguro ay naririnig sa labas ang bunganga ng Ate ko. Kay lakas ba naman at hindi nag-aalala na may makarinig sa amin. Seryoso ang mukha ni Mama na lumapit sa akin. Ang akala ko na ay dadapo ang kaniyang palad sa may pisngi ko. Pumikit na ako at hinanda ang sarili.
"Aurelia," bulong ni Mama sa pangalan ko. Tumabi siya ng upo sa akin at ginanap ang palad ko. Tiningnan niya ako. Si Ate ay naglakad sa upuan niya at padabog na umupo.
Tiningnan ko si Mama. Makakaya kong pagsalitaan niya ako ng masama dahil kasalanan ko rin naman.
"Ma-mama..." biglang nanginig ang labi ko kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata. "Patawarin mo po...ako."
Malalim na bumuntonghininga si Mama. Hinaplos ulit ang likod ng palad ko bago nagsalita.
"Panindigan mo ang naging disisyon mo anak. Kapag may mga problema na dumating sa in'yo ay kailangan mong maging matatag at hindi tatakbuhan ang lahat. Mas marami ang sulusyon kaysa problema. Ang pagpasok sa seryosong relasyon ay napakahirap na disisyon. Sana ay hindi mo ito pagsisihan." Paalala ni Mama sa akin.
Wala akong nararamdaman na galit sa kaniyang pananalita pero nakakatakot ang mga salita niya. Kung magpapakasal kami ni Kuya Logan ay hindi ko pa alam kung anong haharapin kong kinabukasan na kasama siya. Pinahid ko ang luha at tumango kay Mama.
"Ayan kasi bobo! Hindi nag-iisip sa mga gagawin!" asik ni Ate.
Yayakapin ko na sana si Mama upang magpasalamat nang biglang bumukas ulit ang pinto.
Napaupo ako ng maayos nang makita si Kuya Logan na kasunod ni Papa. Anong ginagawa nila rito sa kuwarto namin ni Ate? Hindi ko magawang sulyapan si Kuya Logan. Ngayon pa ako nakaramdam ng hiya mula sa kaniya.
Tumikhim si Papa. "Uuwi na raw si Logan," sabi nito.
Napaangat ako ng tingin. Biglang nagtama ang mga mata namin at parang ayaw ko ng magbaba ng paningin.
"I'm leaving honey, I'll be back tomorrow," saad niya. Ang mga mata ay nasa akin.
Namula ang pisngi ko dahil sa endearment niya. Ang kapal niyang tawagin ako no'n habang nasa harap ang mga magulang ko.