Aurelia
Ang lahat ay naging maayos. Napagdisisyonan ng mga magulang namin na ipakasal kami ng mas maaga. Si Tita Laila pa ay nangangamba na baka raw mabuntis ako kaya mas maigi na lang na magpakasal na kami ni Logan. Namula pa ang mga pisngi ko dahil sa sinabi ni Tita. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako magbubuntis dahil walang namagitan sa amin ng anak niya sa gabing 'yon.
Each day I feared. Akala ko ay mas magiging masaya ako dahil nakuha ko na siya pero...pero hindi eh. Hindi ko alam kung bakit? Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman.
Bumuntonghininga ako at tinapos ang binabalatan kong gulay. Si Mama ay abala sa harapan ng kalan dahil nagpapreto ng esda. Si Papa naman ay nasa sala na nanonood ng TV. Si Ate ay nasa loob ng kuwarto namin dahil tinatapos ang homework. Pero napapansin ko ang pagka-stress ni Papa simula kahapon. Para bang may dinadala itong problema sa loob niya na hindi niya kayang sabihin sa amin at aminin. Ayaw ko naman magtanong dahil baka mas madagdagan ko pa ito.
Abala ma rin si Ate sa kaniyang reviewer dahil mag-exam na siya sa susunod na buwan. At kapag nakapasa ay mag-uumpisa na siyang magtrabaho sa Treveno’s Corporation.
Naisip ko lang, ano kayang magiging buhay ko kapag nagpakasal na kami? Kapag asawa na niya ako? Tratuhin kaya niya akong maayos kapag nalaman niyang buo pa ako at walang nangyari sa amin? Nanginig bigla ang mga kamay ko. Muntik ko ng mabitawan ang kutsilyong hawak.
"s**t!" I murmured to myself.
Mama looked back at me. Tumaas ang kilay, siguro ay narinig ang mahina kong pagmumura.
"Au, tapos kana ba diyan? Bilisan mo na nga 'yan balatan at ako'y mangigisa na ng gulay dito," ani niya.
"Malapit na po 'Ma," sagot ko. Binilisan ko ang paghiwa at dinala ito sa sink para hugasan.
"Here po, 'Ma."
Pinanliitan niya ako ng mga mata bago inabot ang hawak kong bowl na may gulay.
"Ang bagal mong kumilos Aurelia, naku simula ngayon ay mag-aral kana kung paano magluluto ng iba't ibang putahe para hindi umuwi sa ibang kandungan ang magiging asawa mo," sabi nito. Napangiwi ako. Ano bang pinagsasabi ni Mama? Hindi ko siya maintindihan.
I pouted my lips to my mom and ignored what she said.
"Hindi naman importante 'yon Mama sa tulad ni Logan. Atsaka matututo rin ako." Namula ang mukha ko ng banggitin ko ang pangalan ni Logan. Siguro ay masasanay na rin ako na tawagin siya sa pangalan niya habang hindi pa kami kasal.
He will be my husband soon at pangit naman kung tatawagin ko pa siyang Kuya Logan. Kinagat ko ang ibabang labi at bumalik sa sink. Para makalimutan ang pinag-uusapan namin ni Mama tungkol sa buhay may asawa ay ginugol ko ang oras ko sa paghuhugas ng mga ginamit namin sa pagluluto. Pinunasan ko na rin ang ibabaw ng lamesa at nagsimulang maghain.
Sumilip ako sa pintuan ng kusina at tinawag si Papa.
"Papa, kakain na po tayo."
Tinawag ko rin si Ate dahil naihanda na ni Mama ang pagkain sa mesa. Gaya ng dati ay palagi pa rin kaming masaya sa hapag. Simple lang ang buhay namin pero masaya kahit na masungit minsan ang Ate ko sa akin.
Ito rin ang pangarap kong buhay kapag ikinasal na ako. Pero malabong mangyari iyon dahil hindi simpling lalaki si Logan. Maaring kilala ko siya sa anyo pero ang katangian ay hindi. Alam kong hindi madali itong pinasok kong sitwasyon pero gaya nga ng sinabi ni Mama ay kailangan ko itong panindigan at huwag tatakbuhan.
Kinabukasan ay sinundo ako ni Logan sa bahay. Ipinaalam niya ako sa mga magulang ko dahil may dinner raw sa kanilang mansyon. At ipapakilala na rin niya ako sa iba pa nilang kamag anak. Lihim akong natuwa. Importante rin pala ako sa kaniya at hindi lang basta pakakasalan.
"Are you okay? You look stressed." Binalingan niya ako saglit habang nagmamaneho. Napansin siguro ang panginginig ng mga kamay ko. Kumapit pa ako ng maigi sa dala kong sling bag. Nakasuot lang ako ng maong na palda hanggang tuhod at puting fitted long sleeve.
Nagmukha akong twelve years old sa ayos ko ngayon lalo na at maliit lang ako. Inayos naman kanina ni Ate ang buhok ko at nilagyan ako ng kaunting make up para daw hindi ako magmukhang kaawa awa.
Binalingan ko si Logan. Kaagad kong napansin ang matangos niyang ilong dahil nakatutok ang mga mata sa kalsada.
He is so handsome! Hundred times ko na yata itong sinabi sa sarili ko. At baka million times ko na siyang pinuri sa isipan ko.
"Okay lang po ako," mahina kong sagot.
Ngumisi siya. "Don't be afraid of me Au, act like before. Kung anong nakasanayan kong ugali mo ay huwag mong babaguhin. There's nothing changed even we get married."
Napalunok ako. Paano ba naman ako hindi stressed gayong hanggang ngayon ay hinahabol ako ng mga kasinungaling ko?
Tumango ako sa kaniya. Ayaw kong iparamdam ang kaba dito sa puso ko.
Tumikhim siya bago nagsalita. "Would you like to live in my apartment or I will bought house for us?" seryoso niyang tanong.
Bahagya akong nagulat. Nagbara ang lalamunan ko at tila hindi ako makasagot. He really mean it. Paano ko ito sasagutin? Paano kung binibiro lang pala niya ako? Napapikit ako. Aurelia, mag-isip ka ng maayos!
"Ku-kung nasaan ka...a-ayos na ako doon," nauutal kong sagot.
He chuckled. "Okay."
Muling namayani sa aming pagitan ang katahimikan hanggang sa makarating kami sa kanilang mansyon. Pinagbukasan niya ako ng pinto at kaagad na ginanap ang palad ko upang pagsiklupin sa palad niya.
Mukhang may iba pa silang bisita dahil may mga sasakyan sa labas ng bahay.
"Relax. I'm here. I'm right here," bulong niya. Pinisil ang palad kong hawak niya.
Ngumiti ako sa kaniya. Hinila na niya ako papasok sa loob. Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay nagulat ako sa mga bisita nila.
Si Liliana. Siya ang una kong nakita habang nakaupo ito sa coach katabi ni Tita Laila. Sina Kuya Rio at Kuya Ethan ay narito rin sa mansyon.
Para akong nanlumo. Nahiya at hindi na halos makagalaw.
Tumayo sina Kuya Rio at Kuya Ethan. Sinalubong nila kami na may mga tukso sa mga labi.
"Congratulations to my brother and little Au," bulong ni Kuya Ethan. Hinablot niya ang kamay kong hawak ni Logan at niyakap ako.
"You're the perfect woman for Logan." Nilakasan pa ang boses upang marinig ng iba. Nagtawanan sila maliban kay Liliana.
Nilapitan rin ako ni Kuya Rio at inagaw kay Kuya Ethan.
"Congrats little fly!" Mahigpit niya akong niyakap.
Sa ganitong paraan ay nabawasan ang pangamba ko kanina. Hinila ako ni Logan para umupo sa sofa. Uncle Creek greeted us but Liliana just smiled.
"Congratulations the both of you. Medyo napaaaga ang pag-aasawa ni Logan pero mas maigi na rin iyon." Halata sa boses ni Uncle Creek ang pagka-bitter. May galit ba ito kay Logan at ganito ang pananalita niya?
Tumawa si Tito Connor. "Gusto ko ang manugang ko Creek. She's suitable for my son. Alam kong bata pa lang si Aurelia pero nakikita ko na sa kaniya na magiging mabuti siyang asawa...and of course, ina."
Napalunok ako sa huling salita ni Tito. Namula ang mukha ko ng magtawanan sa may gilid ko ang mga kuya ni Logan. Nang tumingin ako kay Tita Laila ay nakangiti na rin ito ngunit ng ibaling ko ang mga mata kay Liliana ay matalim itong nakatingin sa akin.
Kaagad akong nagbawi ng tingin. Ayaw kong gumawa ng connection sa pagitan namin. This woman is...dangerous! She was hiding something inside herself.
"Mabuti naman kuya. Successful na rin ang mga negosyo ni Logan, lalo na ang Bar niya sa Taguig. Balita ko ay naging popular na ito. Gusto ko nga iyon bisitahin kasama si Liliana." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay matamis na ngumiti sa katabi niyang asawa.
Binalingan rin siya ni Liliana at hinaplos sa balikat.
"This will be a grand weeding since my last born was the first getting married." Masayang sabi ni Tita Laila. Tiningnan pa niya sina Kuya Ethan at Kuya Rio.
"Ang babagal kasi ng mga kuya. Matagal na akong humihingi ng apo pero walang nangyari." Dagdag ni Tita sa sinabi.
Wala na rin akong idea kung may mga girlfriend na ba ito. Basta ang alam ko lang ay abala si Kuya Ethan sa kaniyang kompaniya habang si Kuya Rio naman ay nagtatrabaho bilang personal bodyguard.
Masaya kaming nagsalo salo sa hapag. Nagpatuloy ang kuwentuhan. Nang matapos kaming kumain ay nagpaiwan ako sa kusina kasama sina Lola at Tita.
"Aurelia, maging matatag ka." Paalala sa akin ni Lola Elena.
Tumawa si Tita Laila. "Para mo naman tinatakot si Au, Mama. Hindi naman po monster ang apo ninyo," ani nito. Tiningan ako ni Tita at kinindatan.
Ngumiti lang ako saka tumango.
Muling nagsalita si Lola. "Gusto lang kitang maging open minded apo. Masyado kapang bata at napaaga ang kasal. Kaya naman paalala ko sa'yo ay sana maunawaan mo ang buhay may asawa."
Sa bahay pa lang kanina ay namumula na ako dahil sa sinabi ni Mama sa akin. At pagdating ko naman dito ay gano'n rin ang mangyayari. They always makes me blushed.
"Lola--" I pouted my lips to her. Mahinang tumawa si Tita Laila.
"Masanay kana Au, and one more thing. Call me Mama from now on," sabi nito.
Malalapnos na yata ang magkabilang pisngi ko kapag hinawakan ito sa sobrang init nito.
"Mama--" Sumimangot ako para mapagtakpan ang hiyang nararamdaman ko.
Pinagtawanan nila ako. Pati na rin ang mga kasambahay nila ay nakisabay na rin.
Pagkatapos namin magligpit ay nagpaalam na ako sa kanila. Malalim na rin ang gabi at hinihintay rin ako nina Mama at Papa.
Hinanap ko si Logan pero wala ito sa sala. Sina Kuya lang ang nag-uusap roon.
"Are you looking for Logan. Nasa labas siya ng bahay Au," sabi ni Kuya Ethan.
Ngumiti ako at nagpasalamat.
Sina Tito Connor at Uncle Creek ay nasa library raw ito. Bigla akong nagtaka. Nasaan sina Logan at Liliana? Ngumiti lang ako kila kuya at lumabas na ng bahay.
Palinga linga ako habang hinahanap si Logan. Nang hindi ko siya makita sa front door ay umusod pa ako sa kabilang gilid ng garden.
Para akong matulaw ng ahas nang makita si Logan at...si Liliana. Nakasandal si Liliana sa pader ng mansyon habang mapusok siyang hinahalikan ni Logan. Nakahawak pa si Logan sa kaniyang isang hita at nakapaikot iyon sa may baywang niya. Ang kamay naman ni Liliana ay nakasuot sa kili-kili ni Logan at nakayakap ito ng mahigpit. Mga walang hiyang nilalang sa mundo! Minura ko sila sa isip ng maraming beses.
Ang lakas ng loob nilang maghalikan rito sa labas ng mansyon habang nasa loob lang ang asawa ni Liliana. I swallowed the lump of my throat and my own saliva. I slowly step backward...slowly and slowly. I don't want to created a noise! Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko ng nasa harapan na ako ng bahay. Natameme ako at hindi makapaniwala sa nakita.