Chapter 9- Logan Treveno

1593 Words
Aurelia I wanted to cry and yet...I asked myself. Do I have a right to do that while I'm just a f*****g liar? I lied for that night kaya niya ako mapapakasalan. Pero sobra akong naguguluhan kung ano ba talaga ang relasyon nila ni Liliana? She is mysterious woman. Kakaiba ang mga tingin niya kay Logan sa tuwing nagkikita sila. Wala naman akong napuna na malalim na pagtingin sa kaniya ni Logan pero ramdam ko ang kaniya. Dama ko dito sa puso ko. Hinawakan ko ang tapat ng dibdib at malalim na huminga. Nasaktan na naman ako sa pangalawang pagkakataon. Noong una ay nakita ko siyang may kalandian sa penthouse niya. Ngayon naman ay kahalikan ang asawa ng uncle niya. Nasaan kaya ang hustisya sa mundong ito? Sadyang pinabayaan na ba ng panahon dahil napagod magdisiplina sa mga walang kuwentang nilalang. I breathed and flipped back my tears. "Honey!" Muntik na akong matiod nang marinig ko ang baritonong boses ni Logan. Bigla akong napalingon. Mag-isa lang siya at hindi kasama ang malanding talipadas. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Tipid ko siyang nginitian at nagkunwaring walang nakita. "Are you looking for me? Do you want to go home now?" tanong nito. Naglakad siya palapit sa akin. Tumango ako. "Late na po. Kailangan ko ng umuwi dahil may importante pa akong gagawin bukas," sagot ko. Pinilit kong pasiglahin ang boses. "Alright, let's go!" Hinawakan niya ako sa kamay at hinila na sa kaniyang sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago ito umikot sa driving set. Ikinabit ko ang seatbelt at sumandal sa upuan. "What you are going to do tomorrow? Is that very important?" ulit na tanong habang binubuhay ang makina ng sasakayan. Tumikhim muna ako ng mahina bago sumagot. "Pupunta kami sa UP university ni Brill bukas." Balak ko kasing mag-collage sa UP. Tumango tango siya. "Sound interesting, can I drop you there?" He asked. "Hindi!" Bigla akong napayuko at napahinto sa pagsasalita nang mapagtanto kong tumaas ang boses ko. "Huwag na po, mag-commute na lang kami ni Brill bukas. Maabala pa kita." Saglit ko siyang nilingon. Nakatingin na rin ito sa akin habang ang noo ay kunot at salubong ang mga kilay. I swallowed. He let out a deep sigh. "f**k Aurelia! Stop calling me po. You'll be my wife soon." Naghatid ng kaba sa akin ang kaniyang pananalita. Bakit siya pa ngayon ang galit habang siya ang may sala? Hindi lang naman ako pumayag na magpahatid sa kaniya kumpara sa ginawa nila kanina ni Liliana. I started to hate that name. No, I hated that woman! Saglit akong nanahimik. Gano'n rin ang ginawa niya hanggang sa makarating kami sa apartment namin. "Salamat." Tipid kong salita. Hindi ko na dinugtungan ng po dahil magagalit na naman siya. "Sandali." Hinawakan niya ako sa braso at pinahinto sa paglabas. Nilingon ko siya. Bumaba ang mata ko sa kamay niyang nasa braso ko. Napalunok ako nang ilapit niya sa akin ang mukha. Iyong isang dangkal na lang ang pagitan namin. "Goodnight, honey." Bulong niya sa akin. Dinampian ng halik ang pisngi ko bago pinakawalan ang braso kong hawak niya. Tipid akong ngumiti. "Goodnight." Pagkatapos kong sabihin iyon ay walang lingon na pumasok na ako sa loob. Nang nasa elevator na ako ay hinanap ko ang tissue sa loob ng sling bag. Nang makita ko iyon ay kaagad kong pinunas sa may pisngi ko. So disgusting! How dare him kiss my cheek after kissing Liliana. "s**t old man! Nakakadiri!" I continued rubbing my cheek by the tissue. Pagkapasok ko ng bahay ay mulat na mulat sina Mama at Papa. Ngumiti lang ako sa kanila at nagpaalam ng matutulog. Kinabukasan ay magkasabay na kaming pumasok ni Brill. Hindi ko pa naikukuwento sa kaniya ang pagpapakasal ko. Baka kapag nalaman nito ay bigla na lang himatayin. "Hoy! Hoy Aurelia! Bakit tulala ka?" Nagulat ako sabay upo ng maayos. Itinaas niya sa akin ang kamay at binabalik ang pagkawindang ng diwa ko. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Nasa loob kami ng library ng UP at nagre-research tungkol sa social worker courses. Siguro naman ay oras na ngayon para malaman ni Brill ang tungkol sa amin ni Logan. "Brill, I'm getting married soon.." pabulong kong sabi. Nabitawan niya ang hawak na bullpen. Namimilog ang mga matang tumitig sa akin. "Pa-pakiulit nga ang si-sinabi mo?" Dahan-dahan niyang tanong. Hanggang ngayon ay tameme at hindi kumukurap. Nilapit ko ang mukha sa kaniya at pabulong na nagsalita. "Magpapakasal na kami ni Logan next week. Huwag mong kalimutan na pumunta. Papadalhan kita ng invitation." Bigla niyang piningot ang ilong ko. "Aray!" hiyaw ko. Kaagad niyang tinakpan ang bibig ko at nagpalinga-linga kung wala bang nakarinig sa amin. Pinanlakihan niya ako ng mga mata at nagsinyales na tumahimik ako. Ang sakit ng tungki ng ilong ko. Mabuti na lang at hindi silicon. "Seryoso! Paano nangyari iyon ha? Pinikot mo ba?" She became overwhelmed. Natigilan ako. Aamin ko ba kay Brill ang kasinungalingan ko o mananatili akong magkukunwari? Bigla akong tumayo. Sinundan niya ako ng tingin nang ligpitin ko ang mga libro. Hinila ko ang kamay niya. "Tara sa labas sasabihin ko sa'yo ng detalye." Aya ko. Nagpatianod naman siya hanggang sa makarating kami sa ilalim ng puno kung saan walang tao. "Ano! Totoo? Pinikot mo siya?" gulat na tanong sa akin ni Brill. Nakatitig siya sa akin at hindi makapaniwala sa mga narinig. Sumimangot ako sabay yuko. Pinaglaruan ko ang mga daliri sa may kandungan. "Brill, naiintindihan mo naman ako 'di ba?" Nagpakawala ako ng buntong-hininga sabay lingon sa kaniya. "Mahal ko siya. Mahal ko siya Brill at handa kong gawin ang lahat makuha ko lang siya." Biglang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kirot dito sa puso ko. "Oh! huwag kang umiyak." Kaagad akong inakbayan ni Brill at hinaplos sa balikat. Nagtitigan kami saglit. "Naiintindihan kita Au, kahit hindi ka maintindihan na iba." Ngumiti siya sa akin sabay pahid ng mga luha kong namuo sa aking mga mata. "Be happy. Nandiyan na 'yan at hindi kana puwedeng umatras. Be strong Au, nandito lang ako palagi para sa'yo." Pinagaan ni Brill ang damdamin ko kaya naman napangiti ako. "Salamat Brill. Ikaw lang ang makakaintindi sa akin. Hindi ako maintindihan ng pamilya ko kung sakali na sabihin ko ang ginawa ko. Malamang si Ate ay baka pagmumurahin lang ako no'n." Nagtawanan kami. Mahaba haba pa ang oras na ginugol namin sa pag-uusap bago kami nagpasiyang umuwi. Pagkarating ko sa bahay ay naabutan kong nagtatalo sina Mama at Papa pero bigla silang huminto nang makapasok na ako. "Mama? Papa?" Pinaglipat-lipat ko sila ng tingin. Huminga ng malalim si Mama bago ako hinarap. "Pumasok ka sa kuwarto ninyo Aurelia?" utos niya. Kahit nagtataka ako ay sinunod ko ang utos ni Mama. Nang makapasok ako sa loob ay naabutan ko si Ate na umiiyak sa kaniyang kama. Lumapit ako sa kaniya at dahan-dahan na umupo sa kaniyang tabi. Siguro naman ay hindi na ako pagsusungitan ng ate ko ngayon. "Ate." Hinaplos ko ang balikat niya. Pinunasan niya ang luha gamit ang hawak niyang panyo. Nilingon niya ako. "You have to be strong Au. Malaking problema ang hinaharap ngayon ni Papa." Umiyak siya ulit. Nabitawan ko ang braso niya at nagulat rin sa sinabi niya. "Ate, hindi ko maintindihan," anas ko. "Ang nagkakautang kay Papa ay tinakbuhan siya. Para sana iyon sa board exam ko at sa pagpasok mo sa College. Paano na ako ngayon mag-exam kong wala na tayong pera." Niyakap ko si Ate. Ako ay puwede pang hindi mag-aral pero siya ay hindi. Hindi siya puwedeng hindi mag-exam. Pangarap ito ni Ate sa buong buhay niya. "Huwag ka ng umiyak Ate. Makakahanap rin ng paraan sina Mama at Papa." Pinatibay ko ang loob niya kahit alam kong malabo. "Au, kailangan ko makapag-exam para makapagtrabaho at matulungan sila. Pero paano na ngayon. Anong gagawin ko?" Humikbi siya ng mahina. Hinaplos ko ulit ang likod niya. "I will ask Logan to help us." Naisambulat ko. Binitiwan ako ni Ate mula sa pagkakayakap. "No Aurelia! Hindi mo puwedeng gawin iyan dahil baka isipin na pera lang ang habol mo sa kaniya." Tumalikod ito sa akin. She faced the wall. Napaisip rin ako. Pero kung magigipit ako ng ganito ay ako na ang lalapit kila Tita at Tito. Tumayo ako at pumasok sa banyo. Pinatong ko ang cellphone sa sink bago ako umihi. Nang patapos na ako ay biglang nag-ringtone. Binilisan ko maghugas at binasa ang text. Saglit kong nakalimutan ang problema namin sa buhay nang makita ang text messages ni Logan. 'Honey, I'll pick you up early tomorrow. You have to try on your wedding dress." Napangiti ako. Kaagad akong nagtipa ng sagot. Kahit masama ang loob ko sa kaniya kahapon ay parang napawi sa simpling text lang niya. 'Okay. See you.' Kinagat ko ang ibabang labi at nangingiting humarap sa salamin. Akala ko ay hindi na siya magre-reply pero biglang tumunog ulit ang phone ko. 'I think you need to call me honey too.' Sinamahan pa niya iyon ng nakangiting stickers. Lumapad ang ngiti ko. I love that too. Nagtipa ako ng sagot. Nang maisulat ko na ang tinatawag niya sa akin ay bigla akong napahinto. Kaagad kong binura at binitawan ang cellphone. Muling tumunog. 'Au, call me 'honey' Bumilis nang bumilis ang t***k ng puso ko. Nanginig pa ang kamay ko sa sobrang kaba na hatid sa akin ni Logan. Ano ba naman ito? Bakit ako natatakot at hindi na lang sumisigaw sa tuwa. Sinubukan kong magtipa ng mensahe hanggang sa maisulat ko ang sasabihin at pinadala sa kaniya. "Honey."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD