Chapter 2

1441 Words
Reply Kalma. I told myself. Yvyron Francisco shared a post. 'Popular opinion: Bakla ang BTS'. Well, of course, the guy did it again. Bungad na bungad ang bagong hate post na shinare niya, ah. Normally, tinatawanan ko lang ang mga ganitong meme. Hindi naman dapat gano'n ka big deal ang mga ganitong bagay pero nakakainis na talaga siya. Ang hinihintay kong si Jandi ay wala pa rin hanggang ngayon. So, might as well use my time to open a dummy account? I did. Clinery the Illegirl, my dummy account's nam e. RJ in the display picture. Semi fan account, inactive, because I don't really do much social media. The good thing is hindi naka-private ang account niya kaya nahanap ko ito. Pati na ang post na talagang pakay ko. I feel like I'm being childish while I type in a reply but whatever. 'Kulang ka ba sa aruga at masyado kang affected sa buhay ng pitong lalaking 10 times na mas gwapo sa 'yo?' which I hesitated on posting because I feel like... I'm starting something with this. Something like, away? Kailangan ko bang patulan pa ito? Am I overreacting? I read my comment again and rolled my eyes. No. He needs to hear it. I posted a comment. I tried to think about what I'll say when he replies. Nag-isip na ako ng mga pambara sa kung anumang pwede niyang ibato pabalik. In all aspects, siya naman talaga ang may mali kaya ayos lang kung sagutin ko siya. 'Di ba? For the rest of the day, I did not think of what issue I had probably started. Normal lang. “Samahan mo’ko mamaya kay Sir,” ani Jandi. I shut down my laptop before I looked at her. “Bakit? Hihingi ka ng copy?” “Copy? Ng ano? Exam?” Tumawa siya. “Try mo.” It was her joke, support lang ako. “Hindi, may tatanong lang kasi ako.” “Ano?” “Basta. Nakakatamad mag explain. Samahan mo na lang ako.” Nagkibit-balikat lang ako. Sinamahan ko siya na makarating sa admin office. May iilan pang kaibigan na nakasalubong kaya medyo nagtagal. Nagtaka ako nang makita ang isang school mate sa loob ng office. I think he is my classmate in one of my subjects. Dahan-dahan lang kaming naglakad upang hindi makaabala. “Hello po, sir!” Feeling tropa naming bungad ni Jandi sa aming Professor. Sir Neil is our Programming Language subject teacher. As far as I know, he is around mid-thirties. He is by far the most approachable out of all our professors. Kaya ayos lang kahit medyo casual ang pakikitungo. Lumipat ang tingin niya sa amin. Mukha namang hindi siya busy. “Yes?” Sa akin siya nakatingin pero hindi naman ako ang may kailangan kaya tinuro ko si Jandi sa gilid ko. “Sir, mukhang busy ka, ah.” Masayang bati pa ni Jandi. Marami pa siyang paligoy-ligoy na sinabi bago dumiretso sa tanong. Hindi ko na pinakinggan ang pag-uusap nila Jandi at Sir Neil. Instead, I silently listened to the talk in the other table. Nakaka-curious kasi dahil parang seryoso ang usapan. Kinakausap ang schoolmate ko ng isa pa naming teacher. Medyo malayo sila kaya hindi ko masyadong marinig ang pinag-uusapan. All I know is that it was because of an offense. “Nakaka disappoint na sa ganito niyo ginagamit ang mga natutunan niyo. Did you choose this course for that? Easy access to everything? Madali lang ang buhay dahil naidadaan naman sa hacking…” nakakaintrigang sermon ng babaeng Professor. As an IT student, pakiramdam ko natatamaan na din ako sa naririnig ko. Kaakibat ng kurso namin ang mas malawak na kaalaman sa computer programs. So of course, we tend to know more than what we need as we practice the knowledge. Kasama na doon ang hacking. Bumalik ako ng tingin kay Jandi nang marinig siyang tumawa. At binanggit pa ang pangalan ko! “Eh, Sir, mas may alam po si Shai kumpara sa akin tungkol ‘dyan. Siya po ang pagalitan niyo.” “Huh, anong ako?” defensive kong sabi. Nananahimik ako dito, e. Wala kong kaalam-alam sa pinag-uusapan nila dahil iba naman ang pinakikinggan kong usapan. Tapos biglang idadamay ako? “Huh, si Shai?” Bumaling sa akin si Sir. “Baka siya na ang sunod na kakausapin dito sa office kung gano’n.” Biro niya pa. Tumawa ulit si Jandi. “Naku, Sir, baka magdilang-anghel ka po.” Kumunot naman ang noo ko. Parang may ideya na ako sa sinnasabi nila. “Hala, ano po ba ‘yon?” “The one on the other table, huwag kayong lumingon para hindi halatang pinag-uusapan…” Si Sir. Kahit kakasabi lang, medyo hindi pa rin namin napigilan ni Jandi na lumingon. “Sabing huwag tingnan,” Bumalik ang tingin namin kay Sir na nagsasalita. “Anyway, alam niyo ba ang ginawa niya? He tried to hack on the school’s system para sa kopya ng exam. Ayan, suspended.” “Naku, Sir, hindi po ako nang-hahack, ‘no,” depensa ko naman. “Pero sanay ka?” si Jandi. “Sanay ka din naman, ah.” sagot ko sa kanya. “Kahit itanggi niyo pa, alam naman naming sanay kayo. Kasama ‘yan sa pinag-aaralan niyo. Of course, sanay kayo. Sana lang… I just hope that you use your knowledge wisely. Ayaw kong makaharap kayo dito sa office dahil sa ganyang offense. Ako pa naman ang subject teacher niyo.” “Sir, huwag kayong mag-alala. Wala pong ganyang mangyayari sa akin.” Nanguna na akong bumida. Confident naman akong hindi ako aabot sa ganyan. “Baka po si Jandi,” Turo ko sa tabi. Ganti lang. “Huh, bakit ako?” Agad siyang dumepensa. “Mabait ako. Huwag din kayong mag-alala, Sir.” I thought about what will happen if I actually got an offense in the office. If ever lang. I’m pretty sure na hindi naman ako aabot sa gano’ng sitwasyon. But if ever nga, siguro iyon na ang simula ng pagkapariwara ng buhay ko? I’m a good student, you know. I almost forgot about what I did earlier, I was certain it’s not even a big deal. Kung hindi pa nag message si Jandi, wala akong ideya na may kaaway na pala ako. Jandi: Shai! Check Vyron’s f*******: now! Look at his latest post. Check mo bili, may army na umaaway sa kanya! Jandi: Nagreply siya HAHAHAHA. Where is my popcorn. Wait ko rebat ni Ate Girl. Jandi: Nakita mo na? Ako yata ang tinutukoy niyang army na nang-aaway. And oh, he replied? Ano kayang sinagot niya. Ako: Wait, hindi ko pa nakikita reply niya. Tingnan ko. Nakita ko agad ang notification pagbukas ko ng dummy account. He replied on my comment sa post kanina. Yvyron Francisco mentioned you in a comment. ‘Clinery the Illegirl, 10 times na mas gwapo sa akin? Ikaw yata ang kulang sa aruga, miss.’ I scoffed. Is he joking? Not being biased pero mas gwapo talaga ang lahat ng members ng BTS kaysa sa kanya. Totoo! Kahit sinong nasa tamang pag-iisip, sasang-ayon. Of course, hindi ako magpapatalo. I typed in a reply. ‘No, ikaw. Anyway, forget about being less gwapo. Can’t you mind your own business? Hindi ka ba mabubuhay ‘pag hindi nakapagshare ng hate post?!’ I saw dots appear indicating that he is replying. Parang naiinis ako! I am trying my best na huwag mainis pero hindi ko mapigilan. Bakit ako mapipikon?! ‘Kalma, parang mapapatay mo na’ko sa galit mo, ah. Hahahahaha. Can’t you mind your own business, too, though?’ Napakawalang kwenta ng reply niya. Another notification popped up. It was also in that post but it was from another account. I checked it. Kyla Alceno mentioned you in a comment. ‘Clinery the Illegirl, Hahahaha okay ka lang, girl?’ Sino ba ‘tong nakikisali na ‘to? When I looked at her icon, I realized who she is. Updated ako, unnecessarily, dahil kay Jandi. She is Vyron’s rumored girlfriend. Aba, bakit siya nakikisali? Wala akong paki sa kanya. Si Vyron ang kaaway ko. I ignored her comment. ‘I can. Kung titigil ka sa pagiging toxic. Stop spreading hate. Bakla ang BTS or Kpop, whatever. Bakit masyado kayong affected sa kanila? Kung hindi niyo gusto ang kpop, then mind your own business! Mahirap bang gawin ‘yon? Decency, please.’ I tried to filter my words as much as possible. Wala akong sinabing below the belt or anything. I might have sounded bitter or triggered or whatever. Alam kong tama naman ang sinasabi ko kaya ipaglalaban ko talaga ‘to. And guess what? He didn’t reply anymore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD