bc

It all Started with a Hate Post

book_age12+
0
FOLLOW
1K
READ
comedy
sweet
bxg
humorous
lighthearted
city
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Simple is the best word to describe Shaile Clinery Diaz. It's simple in terms of as long as you're good, she's good with you. If not, no worries, she isn't the bad type. However, he is not a particularly good type. So, expect no more, no less. Her life wasn't that complicated, but not that easy either. And as simple as she is, listening to her favorite Korean band, BTS, was her own kind of simple happiness.

Her third year of college was going fine. It was definitely going well. Until there was this one quirky guy named Jino Yvyron Francisco who managed to get on her nerves. How? Well. It all started with a hate post.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Sayonara no mae ni let go demo kokoro no meiro na naka de mayou..." Before we say goodbye, let go... but I'm lost in the maze of my heart. Probably listening to your favorite songs as you walk to school doesn't sound as calming as it actually feels. Especially in the middle of all this noise and crowd in the city but trust me, it is. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang nakikinig sa isa sa paborito kong kanta ng BTS. Let go. Aside from it being sung by one of the most genuine people I adore, their music, for some reason, just soothes and entertains me. Definitely listening to BTS is part of my favorite moment of the day. Habang naglalakad ay nakatanggap ako ng message mula kay Jandi. Tinanggal ko muna ang isang earphone sa aking kabilang tainga. Jandi: Shai, may chika ako bili. Nasaan ka na ba? Bilisan mo nga. Me: Ano 'yun? Lapit na 'ko. Wait. Medyo binilisan ko na ang lakad dahil nakakaintriga ang chismis nitong si Jandi. Nakarating agad ako sa may gate at nakita ko na siyang naghihintay roon. "Kahit kailan talaga ang bagal mo," bungad niya agad sa akin. Sabay na kaming naglakad papasok sa loob ng premises ng school. "Maaga ka lang talaga." "Ano 'yang pinapakinggan mo?" I smiled charmingly as I offered the other left side of my earphone. Tinanggap niya naman ito at ipinasak agad sa kanang tainga. "Let go," bati niya at natawa. "Kaya pala damang-dama mo paglalakad kanina." "Oo, feeling ko nga nasa music video na 'ko." I giggled. She listened too as we walk. Kumapit ako sa braso niya para magkalapit kami at hindi matanggal ang earphones sa tainga namin. It's so good to have a bestfriend who is also a kpop fan like me. Magkaiba lang kami ng slight dahil ARMY ako, siya naman ay EXO-L. But overall, we have gotten really close because of our similar love for Kpop. Magkaiba kami ng fandom but we support each other's favorite too. "Ano nga pala 'yung chika mo?" We still have time for a chitchat since our first class hasn't started yet. We are now in our third year college. Pareho kami ng course na kinuha kaya rin kami nagkakilala ni Jandi. Information Technology. "Hm!" aniya na parang naalala ang kung ano mang bagay. "Eto, naaalala mo last year?" Kumunot ang noo ko. "Si Kuyang mayabang," aniya. "Kuyang mayabang?" My mind suddenly remembered something... someone... really annoying. "Oo! 'Yung engineering student na nakabangga mo noon sa canteen? 'Di mo naaalala?" Nagkunwari pa ako saglit na hindi ko maalala. I want to lie that I have no decency to even remember such a stupid scene. Pero hindi ko na talaga maiwasan ang pag-asim ng mukha ko nang maalala. "Ahh... Oh? Anong meron?" "Well…" Inilabas niya ang kanyang phone. She started scrolling as if she's looking for a particular post. "Kagabi kasi may nakita akong post. Normally, wala naman akong pakialam pero 'di ba kasi ayaw mo sa guy na 'to..." "Huh? Ano ba kasing meron sa kanya." Hindi pa kasi diretsuhin ni Jandi. "I saw his shared post last night!" Nagpatuloy siya sa paghahanap sa kanyang phone. "I just thought na dapat mong makita," "Wait, you saw his post? You're stalking him?" mapanghusga kong tanong. Nanlaki agad ang mata niya. "The ef? Hindi 'no! Bakit ko siya ii-stalk?" Pinaningkitan ko siya ng mata. "Paano mo nakita post niya?" "Friend ko siya sa f*******:," depensa niya agad. Bakit sila friends? "At ano namang kinalaman ko sa post niya?" Wala naman akong pakialam kaya ano ang dapat kong makita sa post niya? Mukhang nahanap niya na ang post na tinutukoy dahil agad niya itong iniharap sa akin. Ako naman, tiningnan ko nalang kahit nagtataka pa. Jino Yvyron Francisco shared a post. Picture ng pinakamamahal kong BTS ang naroon sa shared posts. May caption itong 'Sila may-ari ng purple heart'. What stupid meme is this again? Namuo agad ang inis sa akin. This guy even captioned his shared post 'Lagot kayo sa mga triggered fangirls hahaha'. "Ayan! I just thought you needed to see this." Ipinagduldulan niya pa sa akin ang kung ano ang nasa post kahit na nababasa ko naman. Hindi ko alam kung gusto ba akong banasin ni Jandi kaya ipinakita ito sa akin. Madalas naman akong makakita ng ganitong memes na karaniwang shineshare ng mga feelingerong boys na ayaw sa kpop. But why do I have to see this one? If her goal is to intensify my dislike for this guy, she's definitely succeeding. Kinuha na ni Jandi ang kanyang phone mula sa akin. "Pasalamat siya at hindi Exo ang nandyan kundi!" Napairap na lang ako sa kawalan. Why is this meme so relevant? Feel na feel pa na gawing katatawanan ang purple heart ng armys. Who said purple is solely for Bts and Armys? Those trolls before na matagal nang na-call out? Army's already cleared the issue yet paulit-ulit pa ring ginagawang meme. Seriously, it's getting corny and stupid. Feel na feel naman ng mga taong 'to na hindi ko alam kung bakit galit yata sa kpop? Itinigil ko na ang pag-iisip dahil naiistress lang ako. Nagsimula na rin ang klase kaya doon ko nalang binaling ang buong atensyon. We discussed a certain bug. Apparently, the bug is most likely to occur in social medias who has a vast number of users and can easily be accessed. Uwian na nang ipasa sa akin ni Jandi ang sample ng virus na pwedeng magdulot ng bug na iyon. I don't know where she got it from. "Last na extra usb ko na 'to, e..." reklamo ko nang ipinasa niya iyon sa akin. "Ayos lang 'yan. Hindi ko dala extra ko kaya dapat isa man lang sa'tin may sample." Busy siya sa pagbubutingting sa laptop ko. "Saan ba natin gagamitin 'yan? Baka sa account ko pa mismo makapasok 'yan, hoy." "Who knows," she said nonchalantly. The good thing is my laptop is protected. Wagas 'tong si Jandi kung makapag-transfer ng kung anu-ano. Akala mo laptop niya ang gamit. Pagdating sa bahay, I doubled check if my laptop and accounts are fine. Fortunately, mukhang wala namang naapektuhan. Mabuti naman. "Tita Shai..." narinig ko ang maliit na boses ni Shana sa may gilid. "Hmm?" Bumaling ako sa pamangkin na mukhang nagising. "Umalis na si Mommy?" Yakap niya pa ang maliit na tablet na pinag-ipunan namin ni Ate para sa kanya. "Yes, baby. Nasa work na si Mommy." Lumapit ako sa kanya at inakay na dahil mukhang naalimpungatan lang. "Matulog ka na ulit, gabi na." I watched her cute little steps as she straddled on her bed. Masama yata ang gising ng bata dahil mukhang malungkot. Tinabihan ko na lang si Shana para makatulog. I kind of feel sad. She obviously misses her Mom. Nagkakasama naman sila araw-araw pero tuwing gabi ay umaalis si Ate para magtrabaho. Sa araw ay nasa school si Shana kaya hindi din matagal kung makapiling ang ina. The familiar cold of longing spread to me. I certainly knew what my niece was feeling. I hugged Shana. I will never let her feel as though her family is not there for her. As much as I can, I'll let her feel loved all the time. Kinabukasan ay dumating na si Ate Mai. Ang pamangkin ko ay tulog na tulog pa. "Uh, Ate..." I tried to start a conversation. May kung ano siyang sinusulat. I think it's part of her work. Kahit sa bahay ay iyon pa rin ang ginagawa niya. "Bakit? Ano na naman kailangan mo?" Narinig ko ang bahagyang pagkairita sa boses ni Ate. She must be really tired. Buong magdamag ang duty niya sa trabaho. Kaunting oras lang halos ang tulog niya sa tanghali dahil inaasikaso niya din si Shana. "Uh, wala naman." "Mommy!" Narinig ko na ang pamangkin ko. I sighed. Maybe I'll tell her about her daughter next time. Kapag hindi ganito kainit ang ulo niya. Something is telling me that she'll only take it the wrong way if I tell her to spend more time with her daughter. Maayos naman ang mag-ina noong umalis ako para pumasok sa klase. Polytechnic University of the Phil. is not that far from our apartment. Medyo matagal lang ang byahe dahil ang huling sasakyan sana ay nilalakad ko nalang para makatipid. I love doing it that way though. It's like hitting three birds with one stone. Una, na-e-exercise ang katawan ko. Pangalawa, nakakatipid ako. Pangatlo, nakakapag-stream at pakinig pa 'ko ng songs ng BTS habang naglalakad. It's all good. Himalang mukhang nauna yata ako kay Jandi. Naupo muna ako sa isang bench malapit sa gate habang naghihintay sa gagang 'yon. I decided to kill time while scrolling on my f*******: account. I reacted to some of my friends' post. Nakakatuwa din ang ilang memes pero hindi ko na shinare. Kalagitnaan nang may maalala ako kahapon. Out of curiosity, just pure curiosity, I searched for that guy's account. It's not that I care about him. Gusto ko lang makita kung anong laman ng account niya. Baka nag-share na naman, e. I hesitated twice while typing in 'Jino Yvyron' on f*******:. Pakiramdam ko nagkakasala ako sa sarili ko dahil ang sabi ko ay wala akong pakialam lalaking 'to. I dislike this guy so much but here I am stalking him. You're so cute, self. And not to my surprise, he did share another hate post. Lol? What is this?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook