Chapter 35 Pagkatapos noong pag-uusap na ‘yon ay nagpatuloy ang meeting para sa system. Maraming pinabago si Sir Alaric sa system. Ramdam ko ang pressure sa team na ibinibigay sa kanila ni Sir Alaric dahil ito ay ang project ng kumpanya sa RGC. Kailangan ay hands-on para masabing maganda ang collaboration ng dalawang kumpanya. Kaya naman binilinan ni Sir Alaric sila Sir Justine na pwedeng-pwede sila magpunta sa RGC para makipagcoordinate sa IT Team ng RGC na nagngangalang Henry Valdez na siyang head ng IT nila roon. Kaya lang hindi ko naman malaman kay Sir Christian at mukhang aburido siya nang marinig niya ang pangalang ‘yon. Parang timbre pa lang ng pangalan no’n ay nagsisimula na siya mainis at maasar. Ano kayang mayroon at ganoon na lang ang reaksyon niya? Gustuhin ko man alamin ay

