Chapter 34 “Sinesermonan mo ba ako, Willow?” nakataas-tanong na kilay niya sa akin. Bigla tuloy akong napatahimik at parang nahimasmasan dahil sa kanyang sinabi. Umiwas ako ng tingin sa kanya at saka dali-daling umiling bilang sagot. “H-Hindi naman sir. Iniisip ko lang talaga na hindi proper iyong pagreject mo kay Ms. Queenie. Sa tingin ko ay lalo lang magkakagulo sa ginawa mo…” tuloy-tuloy kong wika sa kanya. “Okay,” sagot naman niya sa akin na ikinalingon ko. Okay? Anong ibig-sabihin niya sa okay? “Bakit?” tanong niya nang mapansin niya na nakatitig ako sa kanya. Nakaangat na naman ang kilay niya sa akin at nakakunot ang noo. “W-Wala sir,” sagot ko sa kanya at saka tumawa-tawa. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na ang weird ng inaakto niya ngayon dahil lalo lamang siyang magtatak

