Chapter 23Nagtraining ako noong gabing ‘yon katulad ng sinabi ni Sir Alaric. Syempre samu’t saring pang-aasar ang natanggap ko mula kay Sir Chris na may after session daw pala kami ni sir. Syempre hindi ko lubos maisip na lalabas ang mga ganoong salitaan kay Sir Chris kung kaya’t pulado ang mukha ko. Kung anu-ano kasing lumalabas sa bibig niya kaya kung anu-ano na rin ang naiisip ko. Syempre rin ay gumanti din ako at sinubukang alamin kung ano ang nangyari sa kanila ni Sir Trystan na umabot pa sa point na kinakailangan nitong alagaan siya. Siya naman tuloy ang namula ngayon at sumimangot sa pang-aasar na dulot ko. Inabot kami ni Sir Alaric sa pagtitraining nang umaga. Hindi na ako nakauwi kung kaya’t kinakailangan ko tawagan kaagad si Lili para ibalita ang nangyari sa akin at mabawa

