Chapter 25Isang magulong umaga ang bumungad sa amin sa office pagkatapos ng magulong interview ni Sir Alaric. Pagkatapos ng sagot niya ay hindi na kataka-taka na gagamitin ni Ms. Queenie ang kapangyarihan ng daddy niya bilang senator upang mapahamak kaming lahat lalo na si Sir Alaric. Pero mas kataka-taka ang pananahimik nilang dalawa na dahilan ng kaba naming lahat. At mukhang hindi pinoproblema ni Sir Alaric ang problemang ‘yon. Hindi ko alam kung iniisip niya ba ‘yon at gumagawa na ng hakbang sa kanyang isipan o wala talaga siyang plano at all. At dahil nga wala siyang binabanggit sa amin ni Ulysses ay iyong kay Sir Mijares ang inasikaso naming dalawa. Naghahanap pa ng karagdagang impormasyon si Ulysses para sa hacking ng system na gagawin. Kailangan kasi ay matakot sila na mawawa

