“MICHELLE, I will be just right there, in your heart. Narinig mo? Nandiyan lang ako sa puso mo. K-kung gusto mo akong makita, ang kailangan mo lang gawin ay ipikit ang iyong mga mata, ha? Ipikit mo lang ang iyong mga mata at alalahanin ang mga pinagdaanan natin. All the memories, Michelle, was all there, in you heart…”
“P-please, d-don’t. Huwag kang umalis. H-huwag mo akong iwan. N-noooo!”
“You have to let me go…I love you, Michelle. Always. I love you… Goodbye…”
Suminghap si Michelle, kasabay niyon ang pagmulat niya ng kanya. Nakatulog na pala siya sa single settee na malapit sa kama ni Oliver. Malabo ang kanyang paningin. Tsaka lamang niya napagtanto na umiiyak siya. Umiiyak sa kanyang pagtulog. Naniginip ba siya?
“You have to let me go…I love you, Michelle. Always. I love you… Goodbye…” umalingawngaw sa tainga niya ang mga salitang iyon. Kinilabutan siya. Nanayo ang mga balahibo niya sa katawan. Lalo na noong tila echo na nagpapabalik-balik sa pandinig niya ang mga salitang, You have to let me go…
Mabilis na tumayo siya mula sa settee at naupo sa gilid ng kama ng binata. “W-what was that, Ollie?” garalgal niyang tanong. Tears stung her eyes. Naninikip ang kanyang dibdib. Nananakita ang kanyang lalamunan. Sa muling pagbuka ng bibig niya ay tuluyan nang naglandas ang maiinit na luha sa mga pisngi niya. “A-ayaw mo na bang lumaban? G-gusto mo na talaga akong iwan? Oliver, why are you doing this to me? Why?!”
“Oliver?! Ollie!” Malakas ang tinig na pagtawag ng humahangos na bagong dating na si Tita Olivia. Mabilis na pinahid ni Michelle ang mga luha niya at nagbigay daan sa matanda. Nagtataka sa inaasal nito. The old lady was crying so hard. “Y-you can’t do this to me, s-son, no. You can’t do this to me!” palahaw nito.
“T-Tita, Tita,” pagdalo niya sa matanda. Mabilis naman itong yumakap sa kanya. “Tita, kalma po. Tita…” aniya habang hinahaplos ang likod nito. Napakahirap na pigilin ang sarili niyang luha. The next thing she knew ay hilam na uli ng luha ang mukha niya. Inabot niya ang baso ng tubig sa mesita para mapainom ang matanda. Ano kaya ang nangyayari rito? Did she had a bad dream, too?
“M-Michelle,” sumisigok na sabi nito. “D-dinalaw ako ni Ollie sa panaginip. He said… he said he wants us to let him go! He wants us to let him go!”
Bumuka ang labi ni Michelle sa pagkagulat pero walang singhap na lumabas roon. Hindi siya makagalaw. Binabalot ng lamig ang katawan niya. Ang hawak niyang baso ng tubig ay hindi na niya namalayang nabitiwan na niya. She felt so eerie.iya ang mga salitang iyon. yak sa kanyang pagtulog.
“You have to let me go…I love you, Michelle. Always. I love you… Goodbye…”
Marahas na umiling siya. “H-hindi, hindi!” Pagkuwa’y nagmamadali at halos takbuhin niya ang paglabas ng silid.
NARATING ni Michelle ang burol na pinagdalhan sa kanya noon ni Oliver. Ang lugar kung saan pinasigaw siya ng pinasigaw nito hanggang sa gumaan ang dibdib niya. Mabilis na bumaba siya ng kotse at tinakbo ang gilid ng bangin. Walang inaksayang sandali ang dalaga, she cried and shouted.
“Olli—ver!” buong lakas na hiyaw ni Michelle. “Olliver! Why are you doing this to me?! Don’t ask me to let you go. Hindi ko kaya, hindi ko kayang mawala ka!” sigaw niya habang walang patid ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Umiihip ang hangin. Lumalamig ang panahon pero wala siyang pakialam kung umulan man o bumagyo sa sandaling iyon. Iiyak siya hanggang sa wala na siyang mailuha. Sisigaw siya hanggang sa mawalan na siya ng boses. She will sob like a child. Kailangan niyang ilabas ang mga mabibigat na alalahanin sa dibdib niya dahil pakiramdam niya ay puputok na ang dibdib niya.
“Aaaahhh! Aaaa—hhh!” hiyaw niya, walang pakialam kung lumabas ang mga baga niya. Nang sumakit ang lalamunan kakasigaw ay tila kandila na napasalampak siya ng upo sa lupa. Yumuko siya. Itinuon ang mga palad sa lupa. “Paano ako mabubuhay ng wala ka?! Paano na ang mga pangarap natin, Oliver?” halos pabulong na niyang usal. Patuloy na pumapatak ang mga luha. “H-hindi ko kaya. Hindi ko makita ang hinaharap na wala k—a. Pleaseee!”
Naramdaman na lang ni Michelle ang mga patak ng tubig na bumabasa sa kanyang katawan. Umuulan. Na para bang nakikiisa ang langit sa bigat ng kalooban niya. Walang pakialam si Michelle kung mabasa man siya, o kung kumapit sa kasuutan niya ang lupang pinalalambot ng ulan. Wala siyang pakialam sa ginaw na unti-unting sumisigid sa kanyang kalamnan. Mas may pakialam siya sa tila isang milyong karayon na tumutusok sa bawat himaymay ng kayang pagkatao. Masakit. Napakasakit. How could he asked her to let him go? Paano na ang mga pangarap nila?
“P-paano na ako, Ollie? Paano ang mabuhay ng wala ka?” Mariing pumikit siya. “P-paano ang mag-isa?”
NAKAHIGA SI Michelle sa kanyang kama. She was in a fetal position. Tulala ngunit patuloy na naglalandas ang mga luha sa mga mata. Hindi na siya bumalik sa hospital simula noon. And it’s been four days. Wala siyang ibang ginagawa kundi ang magkulong sa kanyang silid at umiyak ng umiyak. Si Ate Gela, na marahil ay pinakiusapan ni Tita Olivia na samahan siya ay hindi rin siya magawang mapakain.
Ipinikit ni Michelle ang kanyang mga mata, laman ng puso at isipan si Oliver. Sa isang iglap ay nasa balintataw na niya ang isang alaala;
MICHELLE closed her eyes. Kalalabas lamang niya sa panggabing trabaho niya at pagod na pagod siya. Ni hindi niya iniinda ang pagkalam ng sikmura. Ang gusto lang niyang gawin ay ilapat ang kanyang likod sa kanyang kama at matulog agad. She only had a few hours to sleep. Bukas ay maaga rin siyang gigising para sa isa pa niyang sideline na trabaho, pagkatapos deretso siya sa eskuwelahan. And then after school, deretso na uli siya sa hotel kung saan nagtatrabaho siya bilang waitress. Malakas na bumuga siya ng hangin. Kaya mo ‘yan, Michelle. Fighting!
Mabilis na tinungo niya ang sakayan ng jeep. Sa gulat niya ay nakita niya si Oliver na nakatayo ilang hakbang ang layo sa tinutumbok niyang daan. Nakatingin ito sa kanya. He was all smile. Ipinilig ni Michelle ang kanyang ulo at kinusot-kusot ang kanyang mga mata. Ah, produkto lamang ng imahinasyon niya ang imahen ng binata. Nasa US ito at— bakit naglalakad ang imahen papalapit sa akin?
Tumigil ito isang dipa ang layo sa kanya. “Aren’t you glad to see me?” he asked grinning.
“Oliver?” mahinang tinapik niya ang kanang pisngi. Oliver chuckled. That was when she realized that he’s really there. “Ollie!” tili niya bago sinugod ito ng yakap.
Oliver welcomed her in his arms. Bahagya pa nga siya nitong binuhat. Ang nadaramang pagod at antok ay tila bula na pumutok sa kawalan. “OMG. Ano’ng ginagawa mo dito?”
Tumawa si Oliver. “What kind of question is that? Hmm, well, let me see… Dahil sem-break namin at dahil miss na miss ko na ang girlfriend ko, umuwi ako. At dahil birthday ko bukas at ang nag-iisang amasona ng buhay ko ang gusto kong makasama.”
“I miss you,” usal niya, isinubsob sa dibdib nito ang kanyang mukha habang patuloy ntila mga sawa na nakalingkis sa katawan nito ang kanyang mga braso. Wala siyang pakialam sa mga taong paroo’t-parito, sa mga tumitingin sa kanila. Wala siyang pakialam sa paligid.
“And, I’m here to say… I love you.”
“I love you, too, Ollie. I love you so much,” paos at gumagaralgal ang tinig na usal niya. Binuksan niya ang mga mata bago iniangat at tinitigan ang naka-frame na picture nila ng binata. Picture iyon noong debut niya. Walang magarbong handaan, sa halip ay nag-outing lang sila kasama ang mga tauhan sa mansiyon. They were so sweet on that picture. So in love with each other. “I’m selfish. S-sakim ako, Ollie, kaya hindi kita mapapayagang umalis. I only care about myself… at ang gusto ko, ang gusto ko narito ka sa tabi ko. G-gusto ko kasama kita sa hinaharap. G-gusto kong mabuo ang pamilyang pinapangarap natin, Oliver.”
She spread her fingers in front of her. Naroon sa palasinsingan niya ang singsing na dapat ay iaalay sa kanya ng binata sa pagpo-prose nito. Nakita iyon sa bulsa ni Oliver. And Tita Olivia gave it to her. Muli siyang napahagulhol. “I-if I could only turn back time, hindi ako sasama sa ‘yo sa biyaheng iyon,” paghihinagpis niya.
Nakarinig siya ng katok sa pintuan. “Michelle…?” si Ate Gel iyon. Marahil ay para pilitin siyang kumain. “Michelle, t-tumatawag si Ma’am O-Olivia,” pumiyok ang boses nito. “H-hindi ka daw ba pupunta sa ospital? P-para…p-para m-magpaalam? S-sa huling sandali?”
Napabangon si Michelle. Her gaze flew to the calendar on the bedside table. “I’m sorry, Michelle, I’ve already signed the papers,” sabi sa kanya ni Tita Olivia. Dahil hindi na siya bumalik sa hospital ay pinuntahan siya nito sa apartment niya.
“A-ano’ng… ano’ng papel po ang pinirmahan n’yo ‘kamo?” tanong niya, paos at namamaga ang kanyang mga mata. Her nose were also swollen.
“H-hindi ko na kayang makitang nahihirapan si Ollie,” she said sobbing. “I… I w-will let him go like he asked us to.”
“T-Tita, Tita, ano po ang ibig ninyong sabihin?”
Kinuha nito ang nanginginig niyang palad at hinawakan iyon. “H-hindi siya makapagpahinga d-dahil hindi natin siya pinapayagang magpahinga. N-Nahihirapan na si Oliver, Michelle… P-pumayag na akong tanggalin ang life support na anak ko. I’ve signed the papers, Michelle.”
“W-what? No, no…”
“…n-ngayon na daw t-tatanggalan ng… ng life support si S-Sir Oliver,” dagdag pa ni Ate Gel.
“H-hindi, hindi…” Hilam ang luha na mabilis na bumaba ng kama si Michelle. She grabbed her car keys. Walang pakialam sa hitsura at sa kasuutan na tuloy-tuloy siyang lumabas ng silid niya. “I… I c-couldn’t leave without saying g-goodbye,” pag-echo ng tinig ni Oliver
WALANG babalang binuksan ni Michelle ang pinto ng silid ni Oliver. She knew she looks like a mess. Ni wala siyang sapin sa paa! But who the hell cares?
“M-Michelle,” ani ni Tita Olivia. Luhaan pero nasa mukha ang kagalakan na makita siya. Dalawang doctor ang kasama nito roon. Nilapitan siya ng matanda, niyakap. “A-akala ko ay hindi ka darating.” Michelle couldn’t respond. Para siyang tuod na niyayakap ng matanda. Nang pakawalan siya ng matanda ay parang robot na nilapitan niya ang kinahihigaan ni Oliver. The doctors gave way.
Michelle swallowed hard. Looking at him, all thin and deteriorating, parang noon lamang napagtanto ng dalaga na mukha ngang nahihirapan ang binata. Hindi ito mukhang natutulog lang. Mukha itong hindi payapa. “O-Ollie…” umiiyak na usal niya. Kinuha niya ang palad nito, ang palad na halos buto at balat na lang. Hinawakan niya iyon. “H-hindi ko alam kung papaano mabuhay ng wala ka. Hindi ko alam kung kakayanin ko…” aniya, hilam ang luha. Nagpipigil na humagulhol. Tumutulo rin yata ang uhog niya pero wala siyang pakialam. “… p-pero kasakiman na kung… k-kung ipagpipilitan ko ang gusto ko. L-lalo ka lamang mahihirapan. Oliver, m-mahal na mahal kita. S-sobrang mahal na mahal kit—a,” she sobbed. Si Tita Olivia ay panay rin ang iyak.
“M-Michelle, anak, oras na…” ani ni Tita Olivia, naramdaman niya ang mga palad nito sa balikat niya.
Mariin siyang pumikit. Gusto na namang mag-breakdown ni Michelle. Gusto na naman niyang maglupasay at humagulhol nang humagulhol. Kinalma niya ang sarili. Pilit pinagluluwag ang nagsisikip na dibdib. “I w-will…” mariin niyang kinagat ang labi niya. “…I w-will let you go. Oh, God!” she cried. Dahan-dahang ibinaba niya ang kanyang ulo at idinikit ang kanyang noo sa noo ng binata. “M-mahirap… m-masakit—napakasakit pero sige palalayain kita. K-kakayanin ko para sa ‘yo. H-hindi ko alam kung papaano, pero kakayanin ko para sa ‘yo. And then… s-someday magkakasama uli tayo, right? S-someday, Oliver, we’ll have our forever.”
“R-rest now, my love,” halos walang tinig na wika niya bago dinampian ng halik ang noo nito at ang palad nito. “R-rest now. I love you…” She took one last glance, one last stare at him. “I l-love y-you, good—goodbye,” aniya bago tumayo at yumakap sa matanda. Tahimik siyang umiyak sa balikat nito. Tahimik na pinapakawalan ang mga luhang ayaw paawat sa pagtulo.
Nasa may kama na ang doctor na mag-aalis ng life support. Nang, unti-unting umiigting ang pag-iyak ni Tita Olivia, batid ni Michelle na inaalisan na ng life support ang binata. Michelle cried so hard. Hindi niya magawang tingnan ang proseso. Hindi niya iyon kayang makita. Mariin niyang kinagat ang dila niya. Umaasang mararamdaman ang pisikal na sakit kesa sa uri ng sakit na pumipilas sa pagkatao niya. The pain was blinding her, tearing her into pieces. Paalam na, mahal ko. Paalam…
“Ollie…” hagulhol niya nang tuluyan ng mawala ang tunog ng heartbeat na nagmumula sa heart monitor. “Oliver!” pag-iyak niya. Bumitiw siya sa matanda at muling lumapit sa kama.
He’s gone. Wala na si Oliver. Tanggal na ang life support. Hindi na humihinga ang binata. He was so still. Nanginginig ang katawan na nilapitan niya ito. Panay ang pag-agos ng mga luha niya. “Y-you’re not g-gone,” humihikbing usal niya. Itinuro niya ang tapat ng kanyang dibdib. “D-dahil n-narito ka lang. D-dito sa puso ko.” She held him in her arms. Held his head near her heart. “D-dito lang sa puso ko. I love you so much,” aniya bago umiyak ng umiyak.
“Oliver, anak k—o,” panaghoy ni Tita Olivia.
Michelle kissed him once more. In his lips. And then she let him go. Tumayo na siya at nagsimulang humakbang palabas. Aalis siya, pupunta sa lugar kung saan puwede siyang sumigaw. Sa isang dagat, malamang. Sabi ni Oliver ay masarap daw sumigaw sa dagat. Baka sakaling tangayin nga ng alon at hangin pabalik sa dagat ang mga sakit at pighating pumipilas sa pagkatao niya.
“OH, MY God…” sabi ng doctor, nababalaghan ang tinig. Iyon ang nagpatigil sa tuluyang paglabas ni Michelle.
Narinig din niya ang pagsinghap ni Tita Olivia. “Panginoong Mahabagin. Michelle…?”
Luminga si Michelle. Nakita niya ang dalawang doktor at si Tita Olivia na animo naengkanto habang nakatingin sa kama ni Oliver. Michelle, whose heart is dying, slowly turned her gaze to Oliver. Nanlaki ang mga mata niya. Her gasped were trapped inside her. Nang makabawi ay halos takbuhin niya ang kama.
Oliver is breathing. In his own. Tumataas, bumababa ang dibdib nito na tanda ng paghinga. Humihinga ito na walang apparatus na tumutulong rito.
“Impossible,” usal ng doctor.
Pero hindi pa tapos ang sorpresa. Bago pa silang lahat makahuma ay gumagalaw-galaw ang talukap ng mga mata ni Oliver. And then, as if witnessing a micracle, he slowly opened her eyes.
Nanindig ang mga balahibo niya. Si Tita Olivia ang unang nakabawi. Mabilis itong lumapit sa kama. “Oliver! Anak ko…”
“Mom,” usal ni Oliver, halos walang tinig.
“D-diyos ko po. Diyos ko po,” pag-iyak ni Tita Olivia. Malakas na humagulhol ito.
Si Michelle ay masyadong nagulat na hindi niya alam kung paniniwalaan ang sandaling iyon. Is it really real? Baka produkto lang iyon ng umaasang imahinasyon niya? O hindi kaya nananaginip lang siya? Ganoon pa man, marahang naglakad si Michelle palapit sa kama habang mariing kagat-kagat ang dila.
Napansin siya ni Oliver, tiningnan siya nito.
“O-Ollie…” aniya, umiiyak. Bumalik talaga si Oliver sa kanila. Milagro. Milagro ang pagbabalik nito. Kung kanina ay para siyang papanawan ng ulirat sa pighati, ngayon ay parang mababaliw naman siya sa saya. “Ollie…”
Sumulyap si Oliver kay Tita Olivia. Pagkuwa’y ibinalik din sa kanya ang paningin. “W-who are you?” bahaw, halos walang tinig na usal nito. Si Tita Olivia ay halata ring nagulat sa naging tugon ng anak.
Michelle bit her tongue. Ayaw niyang i-entertain ang ideyang pumapasok sa isip niya. “S-si Michelle… H-hindi mo ba ako nakikilala? It’s me Michelle…”
“I… I d-don’t recognize you. I d-don’t know you…” anito, wala ngang rekognisyon sa mga mata para sa kanya.
Ouch. That hurts… a lot.
“Oliver anak, siya ang—” Sinenyasan ni Michelle ang ginang, inilingan niya ito. Nasasaktan siya na hindi siya nakikilala ng binata. But, hey, he’s alive. Ang kaalamang buhay ito ay sapat na para tabunan ang sakit na dulot ng hindi nito pagkakilala sa kanya. Isang milagro iyon na dapat ipagpasalamat.
“W-what happened? A-anong nangyari sa akin?” tanong ni Oliver. Tahimik na humakbang si Michelle palabas para umalis muna. Oliver is suffering a memory loss. And she knew about amnesia. Umaasa siyang temporary amnesia lamang iyon. Na maya-maya o bukas makalawa ay babalik din dito ang lahat. Pero kung hindi ganoon ang kaso ay hindi pa rin niya ito susukuan. She will help him remember her. Tutulungan niya itong ipaalala rito kung sino siya sa buhay nito. Kung kailangang ikuwento niya rito ang lahat, simula sa simula, kung paano sila nagtagpo ay gagawin niya.
“W-wait…” sabi ng bahaw na tinig ni Oliver. Napatigil si Michelle sa paghakbang dahil pakiramdam niya ay siya ang tinatawag. Luminga siya. “I… I t-think I saw you…” animo nag-iisip si Oliver. “… sa isang garden na maraming bulaklak… y-you’re so…so a-alive. Y-you’re laughing…m-may hinahabol kang ibon…”
Heaven’s Garden, bulalas ni Michelle sa isipan. Kung ganoon ay totoo nga ang nangyari. Their souls wandered in Heaven’s Garden. Kinikilabutan siya pero naiiyak sa katotohanang totoo nga iyon. Hindi isang panaginip lamang. Hindi niya alam kung papaano ipapaliwanag ng siyensya ang nangyari kay Oliver but she knew it was all because of Him. And maybe, she knew what was happening today. Binigyan sila ng Diyos ng pangalawang pagkakataon para magkaroon ng katuparan ang kanilang pag-iibigan. Because their love was pure, too pure. And everlasting. Thank God for the second chance. Maraming-maraming salamat po sa pagbabalik sa amin kay Oliver. Sa pagkakataong ito. Oh, God, thank You!
Gumuhit ang ngiti sa labi niya kasabay ng pagtulo ng luha. “Marami akong oras para ikuwento sa ‘yo ang garden na iyon. Iyon ay kung gusto mong marinig ang kuwento,” tugon niya. Tita Olivia gave her a nod of gratefulness. For being patient with him.
“Y-yeah. Yeah. I’d like to hear the story,” ani ni Oliver. Halos mapatalon si Michelle sa tuwa nang mabanaag niya sa mga mata nito na gusto pa uli siya nitong makita. “K-kung hindi makakaabala sa ‘yo?”
“No, of course not,” aniya. “’Pano? I’ve got to go. I know I look like a mess,” tsaka lamang niya napagtuunan ang hitsura niya. Buhaghag ang kanyang buhok, namamaga ang mga mata at ilong at nakapajama. At walang tsenelas! Kung nanggigitata lang siya ay papasa na siyang taung-grasa.
“B-babalik ka?” tanong ni Oliver, para bang humihingi ng garantiya na muli siyang babalik sa ospital, na muli siya nitong makikita.
“Definitely,” she answered. Definitely. Umulan man o umaraw. Kahit bumagyo pa. kahit harangan pa ako ng sibat. “Welcome back, Oliver.” Tumango ito, may manipis na ngiti sa labi, bago muling ibainalik sa ina ang atensiyon.
Tuluyang lumabas si Michelle ng silid. Pagkuwa’y isinandal niya ang katawan sa nakasarang dahin ng pinto. Muling tumulo ang luha niya pero may ngiti naman sa kanyang labi. Sinalat niya ang singsing sa kanyang daliri. Oliver is back. Her heart, her world, her life is back.
Oliver’s memory loss is a challenge she was so willing to take. Isa pa, puno ng pagmamahal si Oliver para sa kanya. Naniniwala siya na hindi siya kakalimutan ng puso nito, na lalaban uli ito para sa kanilang dalawa. Ika nga, ‘Love moves in mysterious ways’. Maraming milagro ang ginagawa ng makapangyarihang pag-ibig. Milagrong naranasan na nila.
Ah, she will be patient. Maghihintay siya hanggang sa muling usalin ni Oliver ang mga kataga ng pagmamahal para sa kanya. Maghihintay siya hanggang sa puwede na rin niyang masabi ang mga salitang iyon. Sa ngayon, ibubulong na lang muna niya sa hangin ang mga salita. Umaasang dadalhin iyon ng hangin, ibubulong kay Oliver. I love you, Ollie. Always…