“I LOVE YOU… Goodbye…”
Ang alingawngaw ng mga salitang iyon ang nagpabalik sa kamalayan ni Michelle. She opened her eyes. Tulala at blangko ang kanyang isipan. Parang isang bakanteng sisidlan ang kanyang utak. She was disoriented. Iginala niya ang paningin sa paligid. Puting kisame, puting dingding, isang cross sa dingding, bulaklak sa bed side table, medical apparatus. Medical apparatus? Sinuri niya ang sarili. Nakasuot siya ng isang medical gown at nakahiga sa isang hospital bed! “Oh, my God… A-anong nangyari?” Natatakot at naguguluhan niyang tanong. Why she was suddenly in a hospital? Magkasama sila ni Oliver, hindi ba? Sabi nito ay mamamasyal sila sa isang maganda umanong lugar sa bandang Pansol, Laguna. At dahil alam nito na may pinagpuyatan siyang trabaho, sabi nito ay ayos lang kung matutulog siya.
Bumukas ang pintuan, pumasok ang isang ginang na kilalang-kilala niya. Si Tita Olivia—ang mommy ni Oliver, ang babaeng naging ina rin sa kanya. Nang makita siya ay bumuka ang labi nito sa pagkagulat. At agad lumitaw ang mga luha sa mga mata. “Michelle!” Humahangos na lumapit ito sa kanya. “G-gising ka na. S-salamat sa Diyos at gising ka na,” she said crying. “T-tatawag ako ng doctor.”
“T-Tita…” pag-awat niya rito sa tangkang paglabas. “T-Tita ano hong nangyari?” Halos walang tinig na tanong niya. Her lips and throat felt so dry. “B-bakit ako nasa ospital?” Tulalang tinutop lamang ni Tita Olivia ang bibig nito. Her fears fell tremendously. Kinakabahan siya, kinakabahan ng matindi. “W-what happened? M-magkasama kami ni Ollie. P-papunta kaming Laguna…”
“N-naaksidente kayo, Michelle,” impit na sabi nito.
Natulala si Michelle. Pakiramdam niya ay biglang lumubo ang kanyang ulo. Palaki iyon ng palaki na ano mang oras ay sasabog iyon. Hanggang sa umalingawngaw sa isip niya ang tinig ni Oliver. “W-we had an accident, Michelle…”
Malakas na suminghap si Michelle. Her visions became hazy. Sa likod ng isip niya, nauulinigan niya ang malakas na tunog ng aparatu na tumitingin sa mga vital signs niya. Tumataas ang mga iyon; ang heartbeat niya, ang blood pressure…
“M-Michelle, what’s happening? Michelle! Michelle!” sabi ng natatarantang tinig ni Tita Olivia. “Doctor, doctor!”
Tuluyan ng natulala si Michelle. Ang diwa niya ay naglakbay, ang isipan niya ay ipinapaalala sa kanya ang mga nangyari doon sa Heaven’s Garden. Sila ni Oliver, namamasyal. Inaalala ang mga naging kuwento ng buhay nila. And then he said… he said… “I… I c-couldn’t leave without saying g-goodbye….Hindi ko kayang umalis na hindi nagpapaalam. So He gave me time. He gave me some more time para makasama ka, para masabi kong mahal kita, mahal na mahal. Para makapagpaalam… I love you, Goodbye.”
“How… H-how am I supposed to live after that? Paano pa ako mabubuhay kung ang lalaking kahulugan ng buhay ko ay iniwan ako ng ganoon na lang? Papaano ako, Oliver? Papaano mabuhay ng wala ka?”
Oliver… Iiwan ako ni Oliver… I couldn’t live without Oliver… He’s always there, in every ups and downs…He makes me laugh, he makes me cry… Hindi ko kayang mabuhay ng wala si Oliver… Hindi ko kaya…
Walang makita si Michelle kundi kadiliman. It was so dark. Pero naririnig niya ang mga nakapaligid sa kanya. “She’s having a heart attack!” narinig ni Michelle na sabi ng kung sino. The doctor, probably. Pagkatapos sa likod ng isip niya, nararamdaman niya ang pagkakagulo ng mga tao sa loob ng silid. Kung ganoon, inaatake siya sa puso? Kaya ba napakalakas ng tunog ng monitor ng heart beat at blood pressure niya? Good. Good, at least I can be with Ollie now.
“Oh, God,” tinig iyon ni Tita Olivia. Umiiyak ito sa takot at sa pag-aalala. “M-Michelle, anak, hold on. Please hold on…”
Ollie, magkakasama pa rin tayo…
“Michelle, please hold on! For Ollie, please—e!” pumapalahaw ang tinig ni Tita Olivia.
For Ollie? Ollie’s gone…
“Ma’am Olivia si Oliver!” sabi ng panibagong tinig, puno iyon ng takot.
“Ha?!” sabi ng tinig ni Tita Olivia. “A-ano’ng nangyayari kay Oliver?” kasunod niyon ang mga yabag na nagmamadaling lumabas. “Stay with, Michelle, please,” utos ni Tita Olivia sa kung sino.
Napasinghap si Michelle. What, what? What’s happening? Si Oliver daw…? Oliver, Oliver?
“Oh, thank God. Heart beat is back to normal,” sabi ng isang tinig.
“Nag-i-stabilize na rin ang blood pressure, Doc,” sabi ng isa pa. Iyon na ang huling namalayan ni Michelle sa paligid. Every thing else had shut down.
“SI OLIVER?” iyon agad ang inusal ni Michelle nang muli siyang balikan ng malay. Ni hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatulog.
“Michelle!” anang tinig. Nagmula iyon sa may kaliwa niya kaya ibinaling niya doon ang atensiyon. Si Ate Gel, ang isa sa mga katulong sa mansiyon. Parang ito rin ang nagsabi ng, “Ma’am Olivia si Oliver!” “Salamat sa Diyos at gising ka na.”
“O-Oliver,” usal niya. Nagtangka siyang bumangon. Naaalarmang inalalayan siya ni Ate Gel. “A-ate, si Oliver?”
“N-nasa kabilang silid, Michelle.”
Hindi matatawarang relief ang naramdaman niya. Oh, thank God! P-pero ang mga nangyari sa Heaven’s Garden? Ano iyon? Panaginip ko lang ba ang lahat ng iyon? “I-is he all right? Ligtas na ba siya? Ayos lang ba si Oliver? Nakikiusap ako, sabihin ninyong ayos lang si Ollie. Ma—”
“Michelle, kumalma ka.”
Umiling siya. Hindi siya kakalma hangga’t hindi niya nakikita si Oliver. Hindi niya alam kung panaginip lang ba o ano ang Heaven’s Garden pero sa ngayon ay gusto niyang makatiyak na ligtas din ang binata. “Gusto kong makita si Oliver.” Pagkuwa’y napalunok siya. Hindi na niya maignora ang uhaw na nadarama. Tuyong-tuyo ang lalamunan niya, maging ang mga labi. Tsaka rin lang niya naramdaman na parang hinang-hina siya. “T-tubig. Pahingi akong tubig, Ate.”
“Kaunti lang muna ha? Huwag ka daw bibiglain sa tubig eh,” anito habang inaalalayan siya sa paghawak sa baso.
“S-si Oliver?” Muli niyang tanong. “K-kumusta siya?”
“Teka nga at tatawagin ko si Ma’am Olivia,” anito. Bigla na namang napuno ng kaba ang dibdib niya. Bakit ba ayaw nitong sagutin ang tanong niya?
Hindi nagtagal at agad ng sumungaw sa pintuan si Tita Olivia. “M-Michelle,” emosyonal nitong sabi. Nilapitan siya at niyakap. “Oh, God, Michelle… K-kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa ‘yo?”
“K-kaunting panghihina lang po ng katawan, maliban doon ay maayos naman po ang lahat.”
Tumango ito. Hinaplos ang pisngi niya. “Tinakot mo kami kahapon.”
Kahapon. Tumatak iyon sa isip ng dalaga. “S-si Ollie po? Kumusta siya? Sabihin ninyong ligtas na siya. Na maayos na siya. S-si Oliver po?”
“O-Oliver is… fighting.”
“F-fighting? Wha—what fighting?” natatarantang tanong niya.
“Oh, God, why I am not calling the doctor?” sabi nito, tila umiiwas. “Dapat na matingnan ka—”
“Tita, please tell me everything,” pakiusap niya. I have this strange dream and… and… oh, hell, I’m not even sure if that was a dream or what. “H-hindi ko alam na naaksidente kami. I was…I was sleeping that time.”
Mariing pumikit si Tita Olivia. Saglit na yumuko ito at nagpakawala ng buntong-hininga. Muli nitong ibinalik sa kanya ang paningin. Kinuha nito ang palad niya at marahang pinisil iyon. “December na ngayon, Michelle.”
“Dece—” Nanlaki ang mga mata ni Michelle kasabay ng isang singhap. Pakiramdam niya ay nagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan. Lumunok siya, pinapawi ang malaking bikig sa kanyang lalamunan. “K-kung ganoon… k-kung ganoon…”
Marahang tumango si Tita Olivia. “It’s been three months… Three months since the accident.”
“A-ano po?” Masyadong nagimbal si Michelle na hindi niya alam kung nabigyan ba niya ang boses ang tanong na iyon. “T-Tita, Tita, please. Pakiusap sabihin n’yo po kung ano ang nangyari. G-gusto kong makita si Oliver.”
MICHELLE couldn’t believe it. Three months? Tatlong buwan na ang nakakaraan mula ng maaksidente sila? Ganoon na katagal? Mariin siyang napapikit. Pakiramdam niya ay kanina lang nangyari na sinundo siya ni Oliver para mamasyal sa Laguna.
“You both fell in coma,” sabi ng doctor.
“C-coma?!” nahihindik na bulalas niya. Napakapit siya ng mahigpit sa palad ni Tita Olivia, umaamot doon ng lakas.
“Pareho kayong hindi gumising ni Oliver,” ani ni Tita Olivia. “S-sa kaso mo nagtataka ang mga doctor…”
“S-sa kaso ko?” gulat niyang tanong. “A-ano po ang ibig ninyong sabihin?” Sinulyapan niya ang doctor, humihingi rito ng kasagutan.
“Because you’re just literally sleeping. Ilang gasgas lang at external injuries ang tinamo mo, Michelle. No internal damage. No internal bleeding. No head injuries. No head trauma na maaaring maging dahilan para mapailalim ka sa comatose state. Normal din ang brain activity mo. Normal ang lahat ng vital signs. Normal lahat, Michelle. Hindi namin maipaliwanag kung bakit hindi ka gumigising.”
“Sleeping Beauty na nga ang tawag sa ‘yo ng mga nurses dito,” sabi ni Tita Olivia.
“A-at si Oliver po?” hindi makapaghintay na tanong niya.
Namasa ang mga mata ni Tita Olivia. Bahagyang nangatal ang mga labi nito. “S-sabi ng unang nakaresponde sa inyo, nakayakap daw sa ‘yo si Ollie. In a protective manner. N-na para bang… para bang sa huling sandali ay nalaman niyang may sasalpok sa inyong kotse. At wala na siyang ibang magagawa kundi…kundi iharang ang katawan niya sa ‘yo.”
“W-what?” she cried in horror.
“M-Michelle, dapat mong malaman na…” Nag-iwas ng paningin si Tita Olivia. A tear fell. Pinunasan iyon ng ginang.
“N-na ano po?” kinakabahan niyang tanong. Why she was so hesitant? “A-ano po ang dapat kong malaman? Tita?”
Tita Olivia’s lips quivered. Kinalma nito ang sarili at bumuga ng hangin. “He’s… He’s not just in coma. Naka-life support din si Ollie.”
Parang kulog iyon na malakas na dumagundong sa mundo ni Michelle. Nayanig siya. Nagimbal. Life support? Nabubuhay na lang, humihinga na lang si Oliver dahil sa life support? At kapag inalis ang life support ay... Saglit siyang natulala. Umiling siya. “N-no… no…” Hindi nagpaawat ang mga luha niya. Nag-unahan iyon sa pagtakas. Michelle couldn’t breath. Parang puputok ang dibdib niya sa pag-aalala. Pakiramdam niya ay may kamay na bakal na pumipisil sa puso niya. Hindi nagpapigil na tinangka niyang bumaba ng kama. “Ollie…?” Humahagulhol na pagtawag niya rito. “Oliver? Nariyan na ako, Ollie. N-nariyan na ako—o.” But her knees were too weak she crumbled on the floor. Hindi niya ininda ang sakit ng naging pagbagsak niya. “Ollie?” patuloy na pagtawag niya.
Agad nakadalo sa kanya si Tita Olivia. “Michelle, calm down, dadalhin kita sa kay Ollie. Calm down…”
SAKAY na sa isang wheelchair si Michelle. Her heart was pounding hard against her chest. Bagaman pinipilit kalmahin ang sarili ay hindi pa rin nagpapaawat ang mga luha niya. Sino ba ang kakalma sa sitwasyong iyon?
Binuksan ni Tita Olivia ang isang pinto, katabi ng suit niya. Naramdaman niya ang sumusuportang pagpisil sa balikat niya. Huminga siya ng malalim. Pero hindi pa rin niya kinaya ang hitsura ng Oliver na nakita niya. “Diyos ko,” bulalas niya. Iniiwas niya ang paningin at umiyak ng umiyak. Hindi iyan si Oliver… Hindi niya kayang makita ang hitsura ni Oliver. Impit na humagulhol siya. Maging si Tita Olivia ay humahagulhol na rin.
All right, inaasahan na niyang makita si Oliver na naka-life support. Inihanda na niya ang sarili para doon. But, s**t, nobody had prepared her about his real condition. Si Oliver—ang Oliver na nakahiga sa kamang iyon ay malayong malayo sa hitsura ng Oliver na kilala niya. Dahil hayon, bukod sa bakas ng mga sugat ay animo literal na balat at buto na ito. Masyado itong buto’t balat na kitang-kita na ang mga nakalitaw sa hospital gown na bone structure. He’s like a skeleton.
“He’s deteriorating, Michelle,” hirap na hirap na bigkas ng ginang. She cried so hard. “P-parang lalo lang nahihirapan ang anak ko. Humihinga lang siya dahil sa life support. Look a him, look him…” tila naghihisterikal na usal nito.
No, no, no!
“Ang kaawang-awang anak ko. Sabi ng doctor, pakaisipin ko daw mabuti kung… kung… aalisin na ng life support si Oliver. His body is failing, his internal organs is failing… H-he was… h-he was brain d-dead.”
Marahas na umiling siya. “No, no, no,” palahaw niya. Hinawakan niya ang gulong ng wheelchair at pinagulong iyon papalapit sa kama. Inabot niya ang yayat na palad ng binata, dinala iyon sa pisngi niya, umaamot ng init. “L-lalaban si Oliver. Lalaban siya, Tita. Hindi natin siya susukuan. Hindi natin siya bibitawan. Hindi! Oliver, narito na ako, narito na ako…” hagulhol niya. “Please fight. Lumaban ka para sa mommy mo. L-lumaban ka para sa akin. Para sa atin. Ol—lie!”
“Michelle…”
“Oliver. Oliver wake up,” pakiusap niya habang pinapalis ang mga luha. Dinala niya sa kanyang labi ang palad ni Ollie at dinampian iyon ng halik. “G-gumising ka na. H-hindi mo kami iiwan, hindi. Nanaginip lang ako,” aniya patungkol sa Heaven’s Garden. “L-lalaban ka, g-gigising ka. Nangako ka sa akin. Nangako kang ihaharap mo ako sa altar. Oliver you promised a lot of things. Tuparin mo ang mga iyon…”
“The doctor said he was… clinically dead. Wala ni reflex ng daliri, wala kahit ano…” hirap na pagkukuwento ng ginang. “P-pero kahapon…” Pumiyok ang boses nito. “…kahapon noong kritikal ka, nakita ni Gel na may luhang lumalabas sa mga mata ni Ollie. Sabi ng doctor reflex lang daw iyon. Pero Michelle, coincidence lang ba iyon na kung kailan ka kritikal tsaka magkakaroon ng reflex?”
Kinilabutan siya. Pagkuwa’y marahas na umiling. “Hindi iyon reflex lang, Tita. Ollie’s still there.” Hanggang sa may maalala si Michelle. Come to think of it, sumusuko na siya at gusto na niyang mamatay nang marinig niya ang pagdating ni Ate Gel para ianunsiyo na may nangyayari sa binata. Ang marinig ang pangalan nito ang nagbigay ng ilaw sa madilim na kinaroroonan niya. “H-he save me. Iniligtas uli ako ni Ollie,” she cried. Bigla siyang nakasilip ng pag-asa, ng liwanag. “Ollie’s still there, Tita. Alam kong narito pa siya. Hindi tayo susuko, hindi natin siya susukuan.”
“NAAALALA mo, noong bumalik ka sa US? Pagkaraan ng isang buwan ay nakatanggap ka ng tawag sa akin. Isang ninenerbiyos at natatakot na Michelle ang nakausap mo,” natawa siya nang maalala ang sandaling iyon. “Sabi ko sa nanginginig na boses, ‘Oliver, buntis yata ako. D-delayed ako…’ Napakatahimik mo noon. Akala ko ay wala ka na sa linya. Pagkatapos narinig kitang tumawa, ‘Really, Michelle?’ It turned out na bagaman ninenerbiyos ka rin ay ikinatuwa mo pa ang sinabi ko.” Iniabante ni Michelle ang kinauupuan niya sa kama ng binata. She rested her elbow on the bed. Pagkuwa’y marahang hinaplos niya ang yayat na pisngi nito. “And then you were disappointed nang malaman ko na false alarm lang pala.”
Michelle sighed. “Oliver… sabi mo napakaguwapo mo kaya kailangang dumami ang lahi mo, sabi mo bibigyan natin ng maraming apo ang mommy mo… paano natin iyon gagawin kung nariyan ka pa?” Lumunok si Michelle, pilit pinagluluwag ang nagsisikip na naman na kalooban. It’s been a week pero wala pa ring pagbabago sa kondisyon ng binata. He’s as still as he was. Payat na payat pa rin. Samantalang siya ay discharge na, as good as new. Ni walang ano mang iniinda sa katawan. “G-gising na, mahal ko…”
Tuluyang pumatak ang mga luha niya. Isinubsob niya ang ulo sa gilid ng kama at tahimik na pinakawalan ang mga luha niya. Oh, God, please… Maawa po Kayo. Pagalingin N’yo po si Oliver. Huwag N’yo pong hayaan na mawala siya sa akin. Parang awa N’yo na. Mahal na mahal ko po ang lalaking ito. Sa amin po muna si Oliver, sa amin muna siya. Kailangan pa namin siya… Tell me, ano pong kailangan kong i-give up kapalit ng buhay ni Oliver? Kahit ano, kung para sa kaligatasan rin lang niya. Oh, please, God…