“M-MICHELLE, I’m dying.”
Narinig ni Michelle ang mga salitang iyon at para iyong bomba na inihagis sa paanan niya. She felt numb. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Dahil sa isang kisap-mata ay alam niyang sasabog ang bombang iyon. “A-ano?” walang boses na tanong niya.
Sinapo ni Oliver sa mga palad nito ang natutulala niyang mukha. His lips were trembling. The tears were overflowing. “M-mamamatay ako, Michelle. Iiwan kita,” hirap na hirap na usal ng binata.
The bomb had a thunderous explosion. Its sharpnels pierced though every fiber of her being. And it pierced her soul. Pakiramdam ni Michelle ay nagkalasog-lasog din ang katawan niya. Pero, hindi. Hindi totoo ang narinig niya. Hindi makapaniwalang tumayo siya, iiling-iling. “Ano bang sinasabi mo, Oliver. Ano’ng sinasabi mo?!” hiyaw niya. “D-don’t do this to me. D-don’t do this to me…”
“M-Michelle, Michelle, listen to me, love…” pakiusap ng binata. Maging ang mga palad nito ay magkasalikop sa pakikiusap. “Kaunting oras na lang ang natitira sa akin. Please listen to me, please, please…” nanginginig ang labi na pakiusap ng binata.
Pandalas na umiling siya. Itinaas niya ang isang palad, pinipigilan ito sa tangkang paglapit. “A-ayoko ng makarinig ng kahit na ano pa. I wanna go home. Umuwi na tayo please. P-please?”
“Oh, Michelle…” he cried. “I’m sorry, I’m sorry!”
“H-hindi, hindi, hindi!” hiyaw niya. Paano nangyari na ang magandang araw na ito ay mauuwi sa ganitong eksena? Mamamatay daw si Oliver at hindi ito nagbibiro? Oo, ang ekspresyon at emosyon nga nito ay malayong-malayo sa isang taong nagbibiro lamang, o gumagawa ng prank. Kinikilabutan siya. Ayaw niyang tanggapin iyon, ayaw niyang maniwala. Tumalikod siya at nagsimulang tumakbo. Pero may pumigil sa kanya. There in front of her floats an enormous cloud. Ang ulap na iyon ay tila isang sinehan, isang malaking monitor. At sa monitor na iyon, ipinapakita ang isang tumatakbong sasakyan. Sasakyang pamilyar na pamilyar sa kanya. Then the camera zoomed, ipinakita ang mga sakay ng sasakyang iyon. Sila ni Oliver iyon.
“O-Ollie, ano ito? Ano ito?” Helpless niyang tanong. Naramdaman niya ang presensiya ng binata sa likod niya. Inabot niya ang binata, humawak siya ng mahigpit sa braso nito. Hindi na niya magawang magsalita, ang mga mata niya ay nakapako na sa ulap na monitor.
Sa eksenang iyon ay natutulog siya, si Oliver na nagmamaneho ay pasulyap-sulyap sa kanya. Nakangiti ito. There was so much love lurking in his eyes, it was unmistakeable. Tila ba sa sandaling iyon ay may tumatakbo sa isipan ng binata. Pagkatapos itinabi ni Oliver ang sasakyan at inihinto iyon. Tinanggal nito ang seatbelt at umabante sa upuan ng natutulog na si Michelle. Nangingiti at maingat na pinalis nito ang mga hibla ng buhok sa mukha ng dalaga. He stared at her. He stared at her so lovingly. Na para bang siya ang pinakaimportante sa buhay nito. “Michelle, love…” usal nito, halos walang tinig. Tipong ayaw nitong magising ang dalaga pero hindi naman mapigilan ang sarili na magsalita. “I will propose to you later and you would say ‘yes’, right? Matagal na akong naghihintay sa oras na ito kaya don’t break my heart later, eh? Magiging asawa na kita, Michelle. Malapit na, malapit na malapit na.” Nawala sa pagkaka-zoom ang eksena. There was suddenly an aerial view of them. Sa eksenang iyon ay may isang rumaragasang kotse ilang metro ang layo mula sa kotse nila.
Napalinga si Michelle kay Oliver. Kinakabahan siya, dumadagundong ang dibdib niya. “P-parang…” Lumunok siya. “…parang walang p-preno ang kotse sa likod,” usal niya. Oliver closed his eyes in pain. Nang ibalik niya ang paningin sa monitor, pakiramdam niya ay nasa gilid siya ng bangin kung saan nakakatakot gumalaw dahil isang maling kilos lamang ay baka mahulog siya sa bangin. Para bang nanonood siya ng isang makapigil-hiningang pelikula. Nahuhulaan niya kung ano ang mangyayari; ang kotseng walang preno ay sasalpok sa nakatigil nilang sasakyan.
And when that exact scene happened, Michelle felt numb. Sumalpok ang kotseng walang preno sa gawi ng driver’s seat. Sa lakas ng impact ay yuping-yupi ang parteng iyon. Parang biglang umikot ang lahat ng nasa paligid niya. Parang gustong mag-shut down ng sistema niya. Sinabunutan niya ang sarili at mariing pumikit. Ano ba ang nangyayari?!
Niyakap siya ni Oliver. “W-we had an accident, Michelle.”
Accident. They had an accident. Nag-angat siya ng ulo. Tiningnan niya ang binata. Oliver’s face is still drench in tears. Lumunok siya, inaapuhap ang kanyang tinig. “K-kung naaksidente tayo, then… then why we’re here? Dito sa… sa Heaven’s Garden?” Nanlaki ang mga mata niya ng may mapagtanto. Heaven’s Garden? H-Heaven? “Oh, my God…” Muli niyang natutop ang bibig. Iginala niya ang paningin sa malaparaisong lugar na iyon. Sa tila puno ng mahikang lugar na iyon. Are they really in Heaven’s Garden? At sila… sila ay mga…
Tila ba alam ni Oliver ang tumatakbo sa kanyang isipan. Marahang tumango ito. “Oo, Michelle. Mga kaluluwa lang tayo.”
“W-what? What?” Parang masisiraan ng ulo na tanong niya. Hindi niya kinakaya ang mga nalalaman niya.
“Listen to me, listen to me.” Ikinulong nito sa mga palad ang mukha niya.
Umiling siya. “H-hindi, hindi… God, hindi ito totoo. Hindi ito totoo. Panaginip lang ito. This isn’t reality. No!”
“Michelle, listen to me!” Mariing sabi ni Oliver. “Please listen to me, nauubusan na ako ng oras.”
Isinubsob niya ang luhaang mukha sa dibdib ng binata. “O-Ollie, no, no…” masakit ang lalamunan na pakiusap niya. “H-huwag mo namang gawin sa akin ‘to. H-huwag…”
“Oh, God,” he cried. “Listen. M-mamamatay ako sa aksident—”
Hindi niya ito pinatapos dahil agad niyang tinakpan ng palad niya ang bibig ng binata. Nagmamakaawang umiling-iling siya. Nakikiusap na huwag itong magsalita ng ganoon. Pero mas nagmamakaawa ang mga mata ni Oliver na para bang sinasabi na; pakiusap, kaunting oras na lang ang meron ako. Let me say what I have to say. She was stunned. Inalis niya ang kamay niyang itinakip sa bibig ng binata. Pagkatapos ay tumalikod siya, parang puputok ang dibdib niya sa bigat na nagsisikan roon. Malakas na sumigaw siya. “Aahhh! Aaahhh!” Her scream echoed. Sumigaw siya ng sumigaw hanggang sa maubos ang kanyang lakas. Pagkatapos ay humahagulhol na napaluhod siya.
“I… I c-couldn’t leave without saying g-goodbye,” garalgal ang tinig ng binata sa kanyang likuran.
No, no, no! protesta ni Michelle. Pero hindi niya mabigyan ng tinig ang pagpoprotesta. Ni hindi niya magawang takpan ang mga tainga para hindi marinig ang sinasabi nito. Muli nilang narinig ang pagpitada ng kamay ng orasan. Natakot na naman siya. “N-natutulog ka ng mangyari ang aksidente. Supposedly, paggising mo, tsaka mo pa lang malalaman na naaksidente tayo. That…that I won’t make it. That I… w-will d-die.”
“Cruel! That was so cruel!” naghihimagsik na komento niya. Marahas na pinahid niya ang mga luha niya bago humarap sa binata. “How… H-how am I supposed to live after that? Paano pa ako mabubuhay kung ang lalaking kahulugan ng buhay ko ay iniwan ako ng ganoon na lang? Papaano ako, Oliver? Papaano mabuhay ng wala ka?” humahagulhol na litanya niya. “P-paano ang mag-isa?!”
Nag-iwas ito ng paningin. “T-that’s why I couldn’t leave you just like that, Michelle. Hindi ko kayang umalis na hindi nagpapaalam. So He gave me time. He gave me some more time para makasama ka, para masabi kong mahal kita, mahal na mahal. Para makapagpaalam.”
Umalingawngaw sa isip niya ang sinabi kanina ni Ollie. “Hmm. Sabihin na lang natin na sadyang napakabait ng may-ari nito dahil pinayagan niya akong madala ka rito. Pinayagan niya akong magamit ang garden na ito. Higit sa lahat, pinayagan niya akong bigyan ng oras para makapag…”
Niya? Not ‘niya’? “Kung ganoon, nasaan Siya? Where is He?!” Nilapitan niya ang binata at sa mahina at garalgal na tinig ay sinabing, “Nasaan Siya? Makikiusap din ako na huwag ka niyang kunin sa akin.” Luminga-linga siya sa paligid. “Where are You? Nasaan Ka?! Kausapin Mo ako…” she cried desperately.
“Michelle, Michelle…”
Sumubsob siya sa balikat ng binata. “H-hindi ko kayang m-mawala ka, Oliver. Hindi ko kaya…” Ano ba ang nagawa niyang kasalanan para danasin ang kaparusahang iyon?
“Michelle…” Iniangat ni Oliver ang mukha niya. Pinahid ang mga luha roon. Umiiyak rin ito pero mukhang nagpapakatatag na. “You will live your life, promise me. You will move on. Alam kong hindi madali pero kayanin mo, ha? K-kayanin mo. You’re a fighter. You’re determined. Aalagaan mo ang sarili mo. And…and open your heart. H-huwag… H-huwag mong isasara ang p-puso mo.”
“No. Oh, God, no…” Tumaas ang mga palad niya. Ipinaloob niya ang mga daliri niya sa buhok ng binata pagkatapos ay idinikit niya ang kanyang noo sa noo nito. “B-bakit kailangang mangyari sa atin ito? Bakit, Ollie? Mahal kita, mahal kit—a.”
“S-someday, Michelle, someday magkakasama uli tayo,” anito at mahigpit siyang niyakap. Pagkatapos umalingawngaw ang batingting ng kampana. “It’s time… Kailangan ko ng umalis.”
Nataranta siya. “A-ano? No, no, no. No…” Mas hinigpitan niya ang yakap sa binata. Hindi niya ito bibitiwan, hindi. “I love you, Oliver. Mahal kita. Hindi kita bibitiwan. Hind—i!”
“Michelle, I will be just right there, in your heart. Narinig mo? Nandiyan lang ako sa puso mo. K-kung gusto mo akong makita, ang kailangan mo lang gawin ay ipikit ang iyong mga mata, ha? Ipikit mo lang ang iyong mga mata at alalahanin ang mga pinagdaanan natin. All the memories, Michelle, was all there, in you heart.”
“P-please, d-don’t. Huwag kang umalis. H-huwag mo akong iwan. N-noooo!”
“You have to let me go…I love you, Michelle. Always. I love you… Goodbye…”