Chapter 7

2983 Words
GUMALAW, nagtampisaw ang mga paa ni Oliver sa tubig kaya nagulo ang payapang ibabaw ng tubig. Nagkaroon ng ripples at maliliit na alon. Ang mga iyon ang bumura sa eksenang nakikita roon ni Michelle. “First kiss. That was your first kiss. That was our first kiss,” ani ni Oliver na nagpasinghap kay Michelle. Napabaling siya rito. How could he possibly know that she was walking down memory lane? On that particular memory lane for that matter? “It was the sweetest. I was blown away,” anito at nginitian siya ng matamis. Napangiti na rin siya. “Hindi rin naman tayo nakatulog noong gabing iyon. Nag-usap tayo ng nag-usap, nagkuwentuhan magdamag…” “Kinantahan kita…” dagdag nito, nakangiti at kumikislap ang mga mata sa kasiyahan. “Gumawa ako ng mga on the spot poems. Ah! I can’t believe I did that,” umiling-iling si Oliver. Humagikhik siya. “Pinakanta mo rin naman ako eh,” aniya sabay pindot sa ilong nito. Oliver laughs. Niyaya siya nitong mahiga. Ang mga paa nila ay nananatili pa ring nakalublob sa tubig. Magkahawak ang mga palad nila. They both stared at the cloudy sky. “Pagkatapos kapag wala akong maikuwento, kapag naubusan ka na ng maidadaldal, mahihiga uli tayo. Doing nothing but staring at each others face, caressing each others face…”  Marahan siyang napatango. “You hold me like, like you had no intention of letting me go,” pag-alala pa niya. “At gusto ko iyon. Gustong-gusto ko iyon. I like the warmth of your body…it felt home. Tahanan ng puso ko.” Dinala ni Oliver sa tapat ng labi nito ang magkaugpong na mga palad nila at dinampian ng halik ang sa kanya. “We also laughed a lot that night. Laughed at every little things…You cried, I cried.” A nostalgic smile appeared on her lips. Ah, napakaraming alaala ng gabing iyon. Siya naman ang humalik sa palad ng binata. As if on cue, pareho silang bumaling sa isa’t-isa. “Then we kissed again. And again… kissing you became addiction. Every kiss was different. Mas masarap, mas matamis. Because that was my first kiss, tinanong kita kung ganoon ba talaga iyon, kung ganoon ba talaga ang pakiramdam, ang lasa. Inakusahan pa kita na expert ka na doon kaya alam mo dapat ang sagot sa tanong ko.” Natawa si Oliver. “But I told you, ‘Michelle, love, you’re right. I won’t deny it. I’ve kissed a lot of women, tasted a lot of lips but it was the first time I’ve tasted a lips so sweet and so drugging I think I’m losing my sanity. Your lips felt heaven.’” Umawang ang labi ni Michelle sa pagkamangha. “You remembered every word!” aniya. Iyon mismo ang mga katagang isinagot sa kanya ni Oliver noon. “Naaalala ko ang bawat sandali sa piling mo, Michelle. I kept them in my heart and treasured them.” reasured them."art and ga katagang isinagot sa kanya ni Oliver noon. yon, kung ganoon ba ta Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ng binata. “Pareho tayong ayaw matapos ang gabing iyon. Na kung puwede nga lang patigilin ang kamay ng orasan sa pagpitada ay ginawa na natin.” “Pero hindi natin kayang patigilin ang oras. Dumating ang umaga,” aniya. Bumangon si Michelle. “Let’s get going?” pagyaya niya sa binata. Inilinga niya ang paningin sa paligid. Hanggang sa naaabot ng tanaw niya ay bulaklak pa rin ang nakikita niya. “Mukhang marami pa akong madidiskubre dito sa Heaven’s Garden.” “Right.” Sang-ayon ng binata. May itinuro ito sa may likod niya. “Nakikita mo ang punong iyon?” Paglinga niya sa itinuturo ni Oliver ay umawang ang bibig niya. “Oh, my God. That was so nice,”"hat was so nice Oliver ay umawang ang bibig niya. "'a paligid. Hanggang sa naaabot ng tanaw niya ay bulaklak pa rin ang nakikit bulalas niya. “Papaanong hindi ko iyan napansin kanina? I mean…” bahagya siyang nagtaka. Parang bigla na lang lumitaw ang punong iyon doon ah. Napakalaki ng puno at may nakalaylay na duyan roon. “Tara nga doon,” aniya at nauna ng humakbang. “Wait, love,” natatawang pigil sa kanya ng binata. Inginuso nito ang paa niya. Natawa rin si Michelle. Lumuhod ito at isinuot sa paa niya ang kanyang sapatos. “Thank you,” aniya, mabilis na hinagkan sa pisngi ang binata bago patakbong tinungo ang duyan. “Michelle,” tawag sa kanya ng binata. Lumingon siya. Naroon pa rin si Oliver sa kinatatayuan nito. “I love you,” he said. “Mahal na mahal kita.” Umihip ang hangin. Inilipad ang mga buhok ni Michelle at humarang iyon sa kanyang mukha. Tinipon niya iyon gamit ang kanyang palad. “I love you, Ollie,” halos pasigaw na tugon niya na para bang gusto niyang marinig ng buong mundo ang nilalaman ng kanyang puso. “So much! So much I don’t think living without you is possible. I love yo—u!” Marahang tumango si Oliver. Kitang-kita niya ang kislap ng luha na sumungaw sa mga mata nito.   “WHOA—A!” pagtili ni Michelle sa malakas na pagduyan sa kanya ni Oliver.             “Mas malakas pa?” he asked laughing.             “No, no, no,” tumatawang umiling siya. “Tama na. Nahihilo na ako.”             Pinatigil naman ni Oliver ang duyan. Tawa siya ng tawa. “You okay?”             “I’m good,” aniya. Tumayo siya. “Ikaw naman dito. Iduduyan kita ng malakas at—” Natigilan siya. Natutop ang bibig sa pagkamangha sa nakita. “Oh, my God…”             “What—” Sinundan ni Oliver ang tinitingnan niya. “Wow,” he murmured.             “Magical.” Isang bahaghari ang lumitaw. And it looks so surreal. Paano ay tila napakalapit niyon. The colors were so define. Lumapit siya kay Oliver. Humawak sa braso nito. “ROY-G-BIV,” pagbanggit niya.             “Roygibib, what?” Natawa siya. “ROY-G-BIV. No’ng elementary, sabi ng teacher namin, para daw madaling i-memorize ang pagkakasunod-sunod ng kulay na bumubuo sa isang rainbow, gawin daw naming isang salita yong mga first letters.” “Oh, I get it. ROY means Red, Orange, and Yellow. G for Green. Then BIV is for Blue Indigo, and Violet.” “Right. Ang lapit ano? Kitang-kita natin ang bawat kulay. Wait, is that real?” may pagdududa na tanong niya. “Hindi kaya may machine ang Heaven’s Garden na kayang gumawa ng artificial rainbow? Umamin ka, part of the package ‘yan ano? Isa sa mga attraction nila. I mean, look, ang lapit-lapit, oh. Wait, wait! ‘Di ba, sabi sa legend may treasure box daw sa dulo ng bahaghari? May baul na puno ng ginto, perlas, pilak…” “You’re reading too much—”  “My God, Ollie!” she screams. Dahil doon ay hindi na naituloy ni Oliver ang sinasabi. “Magkano ang arkila mo sa lugar na ito? Seriously. This place can cost a lot of money.” Natawa si Oliver. Hinapit siya nito. “Sa kabilang banda, wala akong ginastos dito kahit isang sentimo.” Tumaas ang isang kilay niya. “Oh, so let me guess. Kaibigan mo ang may-ari nito? O, hindi kaya kasosyo ka rito?” “Hmm. Sabihin na lang natin na sadyang napakabait ng may-ari nito dahil pinayagan niya akong madala ka rito. Pinayagan niya akong magamit ang garden na ito. Higit sa lahat, pinayagan niya akong bigyan ng oras para makapag…” “Para…?” Kumabog ang dibdib ni Michelle. Is he… Oh, my God. Is he going to propose to me?  s**t. Parang gusto niyang himatayin. Ang totoo, nitong mga huling araw ay may hinala siya na malapit ng magpropose sa kanya ang binata. She just shrugged the thought off. Ayaw niyang masyadong ma-excite. Ayaw niyang magkaroon ng praktisadong reaksiyon.  Napakaperpekto ng lugar na ito para pagdausan ng Valentine parties, anniversaries, proposals. Lalo na ng kasalan. Hindi malayong mangyari na ginawa nga ang lugar na ito para sa mga ganoong okasyon. Kung sino man ang gumawa nito ay sadyang napakagaling. It was so lovely. Walang puso ang hindi mai-in love sa lugar na ito. Kaya naman lalo siyang naghihinala na baka nga, baka nga tatanungin na siya ni Oliver kung…Ah, stop the thought, Michelle, saway niya sa sarili.  “Maupo tayo. Let’s enjoy the rainbow,” aniya para hindi na sagutin ni Ollie ang tanong niya. Naupo sila sa damuhan. Pagkatapos ay may naisip siyang linya ng kanta. Hinimig niya iyon. “There’s always a rainbow after the rain…”   “WE ALSO had that share of rain in our relationship,” komento ni Oliver matapos marinig ang hinimig niya. Nilinga siya nito at kinindatan.             Michelle agreed. “Hindi naman talaga naging madali ang lahat noong nagkalayo na tayo.”             “Okay noong una. Pero habang tumatagal ay masyado ka ng naging abala. Halos hindi mo mapagkasya ang oras mo sa pag-aaral at sa pagtatrabaho. Kung hindi ako ang tatawag, hindi tayo magkakausap. Minsan, hindi, hindi minsan kundi madalas na nami-miss mo ang tawag ko,” ani ni Oliver. Hindi naman nanunumbat ang tinig nito, hindi rin nagpapasimula ng away kundi tonong umaalala lang talaga. Well, tapos na sila doon. Dumating din kasi ‘yong puntong madalas na silang magtalo ni Oliver.             She pressed her lips and sighed. “Grabe ang tampo ako noong hindi ka nagparamdam noong birthday ko.”             “I purposely did that. Ilang beses kang nangako na tatawagan mo ako, na mag-uusap tayo sa Skype pero lagi akong napapanis sa paghihintay. Tapos ‘sabi ni mommy hindi ka rin daw nakakauwi sa bahay. Lagi ko siyang kinukulit na bisitahin ka niya, bantayan kung maaari. Gustong-gusto kong umuwi noon. Napaparanoid ako na baka nagbago ka na. Na kinalimutan mo na ang mga pangako mo.”             “I was just so busy then. Pag-uwi ko sa boarding house wala na akong ibang gustong gawin kundi ang matulog. Tapos feeling ko pa, mas pinabibigat mo ang dibdib ko sa pagiging demanding mo. Inaaway mo ako. Kaya minsan ayaw na rin kitang tawagan dahil siguradong aawayin mo rin lang ako. Gusto mo nakareport sa ‘yo lahat ng ginawa ko.”             “Lagi kitang inaakusahan na may iba ka na,” nangingiting sabi ni Oliver. “Pero dahil hindi mo ako pinapatulan, naasar ako. I wanted you to get jealous. Sinabi kong may kaklase akong maganda. That I think I like to date her.”             “Ah, Oliver,” pumalatak siya. “Kung alam mo lang kung gaano mo ako sinaktan noong oras na iyon. It was a total solar eclipse. Nagdilim ‘yong mundo ko. I was crushed into pieces,” umiiiling-iling na sabi niya.             “But, damn it, my plan backfired.” Malakas na tumawa si Oliver. “You were so cool then. Although medyo garalgal nga ang tinig mo. Narinig ko sa telepono ang pagbuntong-hininga mo tapos sabi mo, ‘’Di ba sabi ko naman sa ‘yo, ang kailangan mo lang gawin ay ipaalam sa akin na may iba ka na. Well, thank you for letting me know. Magsisimula na akong kalimutan ka. Malilimutan kita. Kaya ko ‘yon. Maghahanap na rin ako ng iba. Goodbye, Oliver.’”             Malakas din siyang natawa. Ang galing-galing niyang artista noong oras na iyon, naitago niya ang kanyang pagkabigo kahit na nga ba nakasalampak na siya sa sahig at naglulunoy na sa luha ang mukha niya. “Hindi ako pumasok sa trabaho noon, hindi rin ako pumasok sa eskuwela. For the frist time, uminom ako ng alak. Naglasing ako.” Humilig siya sa balikat ni Oliver. “Pakiramdam ko nawalan ako ng deriksiyon sa buhay. I don’t know what to do. Hanggang sa maisipan kong mag-empake at magbiyahe ng walang patutunguhan.” Napangiti siya ng maalala ang mga nakakasabay niya sa bawat jeep, bus, o tricycle na sinasakyan niya. Panay kasi ang tulo ng luha niya kaya nakakakuha siya ng atensiyon, lalo na ng nakakatabi niya. May mga lalaking sumubok na makuha ang atensiyon niya at maging knight in shining armor. May mga babaeng nagbigay ng simpatya at nakinig sa kuwento niya. “Agad akong nagpa-book ng biyahe pauwi ng Pilipinas.  Gustong-gusto kong tadyakan ang sarili ko sa nangyari. At nang malaman ko mula sa landlady n’yo na umalis ka, na may sumundo sa ‘yong lalaki, I was so devastated then. Nagngingitngit ako. Sabi ko, What the f**k, maghahanap pa lang ‘di ba? Meron na agad? Ganoon kabilis?’ Ah, Michelle, gustong-gusto kong magwala sa oras na iyon.” Bumungisngis siya. “Si Kirk. Nakasabay ko lang sa paglabas sa boarding house. All though may susunduin nga siya doon, eh hindi natuloy ang lakad nila,” aniya. Of course, alam na iyon ni Oliver. Lahat ng detalye ng pinagkukuwentuhan nila ay pareho na nilang alam. It was just so good to reminisce the past. It was nice reminiscing every single details of ther love story. Tunay ngang napakaraming bagay ang masarap balikan at alalahanin. Maraming bagay ang tatawanan mo na lang pagdating ng panahon. “Pagbalik ko sa boarding house, ang salubong sa akin ng mga kapwa ko tenant doon ay, ‘Michelle, buti at narito ka na. Ikaw ang hinahanap nong nanggugulong lalaki kagabi. Lasing. Gustong pumunta sa unit mo. Dahil ayaw papasukin ni Ate Nel dahil wala ka nga, nambubulahaw na. Ayun, ipinadampot sa mga tanod.’ Nandoon pa yata hanggang ngayon sa brangay hall.” Napakamot ng ulo si Oliver. Michelle teased him more. “Nang i-describe nila ang hitsura mo, napasugod ako sa barangay hall. Nasa opisina ka ni Chairman at natutulog sa isang mahabang kahoy na bangko. Poor Ollie,” buska niya. Hindi niya napigilan ang sarili at tumawa ng tumawa. Mukhang hindi naman napipikon ang binata sa pagtawa niya. Nangingiting napapailing pa nga ito. “Mom is in horror when she learnd what happened. Ni hindi niya alam na umuwi ako.” Umihip ang hangin, dahilan para muling magulo ang buhok niya. Si Oliver ang nag-ipit sa likod ng tainga niya ng mga nagulong hibla ng buhok. He stared at her. Punong-puno ng pagmamahal. “And then we talk. Pinag-usapan at nilinaw natin ang mga isyu natin.”  “Naisalba natin ang relasyon natin. Every thing seemed so fast since then. Last year, pareho tayong nakatapos ng pag-aaral. You started your own business at ako ay nagtatrabaho na sa isang international company. Yey,” cheerful niyang sabi. “At—” “Oopss, you skipped a part,” putol sa kanya ni Ollie. May panunduyo ang mga mata nito. “Isang napakaimportanteng parte. Kilala kita. Hindi ako naniniwalang nalimutan mo ang parteng iyon. I think you intentionally skipped that part.” Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya. Tumango-tango siya. Of course, she knew what he was talking about. “Okay. So, bago ka bumalik sa America, we…” “We what…?” gagad ng binata. Tumikhim siya. “We made love,” aniya bago kinagat ang pang-ibabang labi para pigilin ang malawak na ngiti. She was blushing all right. “I will never forget that. You were my first. And I, too, was your first. We shared a very wonderful memory that night, Ollie. Narito iyon, nakaimbak sa puso ko.” Lumawak ang ngiti ni Oliver. Pagkuwa’y inabot siya nito at ipinaloob sa mga bisig nito. Isiniksin naman niya ang kanyang ulo sa pagitan ng leeg at balikat nito. “We had so many wonderful memories…” usal ng binata. Humahaplos ang palad nito sa kanyang likod. “At marami pa tayong gagawin,” aniya, kinintalan ng halik ang leeg nito. “You’re my life, Oliver. You’re my home. Hindi mo ako iiwan, ‘di ba? Hindi mo sasaktan ang puso ko tulad ng pangako mo. Na ako lamang hanggang sa huli…” Ramdam niya ng matensiyon ang katawan ng binata. What? May nasabi ba siyang mali?  “Michelle…” Nag-angat siya ng ulo. Pumantay siya kay Oliver. Idinikit niya sa noo ng binata ang kanyang noo. She close her eyes. She inhaled his breath. “Sabihin mo uli, Ollie, usalin mo uli ang mga pangako mo. Gusto kong marinig…” Pareho silang napaigtad ng umalingawngaw ang tunog ng tila pagpitada ng kamay ng orasan. “Ano ‘yon?” tanong niyang luminga sa paligid. Nang ibalik niya ang paningin sa binata ay lumabas ang singhap sa mga labi niya. Si Oliver…tumutulo ang mga luha sa mga mata nito. “O-Ollie…” usal niya, naguguluhan. Why he was crying like that? “O-Oras na…Oras na para m-magpaalam, Michelle,” garalgal ang tinig nito. Umiling si Ollie. “I love you. I love you so much. And I wish, I wish puwede kong tuparin ang iba ko pang pangako. Pero hindi na, Michelle. Hindi ko na iyon matutupad pa.” Napatayo siya. “Oliver, ano ang sinasabi mo?” tanong niya. Parang binabalot ng lamig ang katawan niya. Hindi niya gusto ang sinasabi ng instinct niya na para bang may masamang balita siyang malalaman. Balitang magpapabago sa takbo ng buhay niya. “I w-wish marami pa akong pagkakataon para gumawa ng alaala kasama ka. M-mga magagandang alaala na itatago mo sa puso mo at puwedeng sariwain habang gusto mo. Pero hindi ko na iyon magagawa. Hindi na, Michelle.” Isinubsob ni Oliver ang mukha sa mga palad at doon umiyak ng umiyak. Hindi iyon makayanan ni Michelle, dinaluhan niya ang binata at niyakap. “M-Michelle, I’m dying.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD