“WHOA!” biglang bulalas ni Michelle nang mula sa kinaroroonang open chalet ay mamataan niya ang isang tila maliit na man-made lake. Itinuro niya iyon kay Oliver. “Tingnan natin ‘yon, bilis.” Hindi pa ito nakakasagot ay hinila na niya ito palabas ng cottage.
“Careful, love,” natatawang wika ng binata. Para kasi siyang bata sa inaasal niya. Tumakbo siya. Humahagikhik habang inililipad ng hangin ang buhok niya. Nakakita siya ng isang makulay na ibon. Hinabol niya iyon. Nang mapagod ay natatawang naupo na lang siya sa damuhan at dahan-dahang humiga. Ipinatong niya ang mga palad niya sa kanyang tiyan at humahangang pinagmasdan ang mga kumpol ng ulap sa kalangitan. “Wow. What kind of place is this?” bulalas niya. Paano sa siwang ng mga ulap ay tumatagos ang tila sikat ng araw. Ganoon pa man, hindi naman mainit. It was so magical. So divine. Nakakita na siya ng ganoon, iyong mga kumpol ng ulap na sa bawat siwang ay tinatagusan ng sikat ng araw, na may smoke effect pa. Iyon nga lang, nakikita lang niya iyon sa mga litarato ni Mama Mary, o kaya ni Papa Jesus. Pero ngayon, heto, namamalas ng mga mata niya ang pambihirang tanawin iyon. Nakakamangha. Nakakakilabot.
Suddenly, ang mukha na ni Ollie ang kanyang nakita. Nakatunghay na pala ito sa kanya. He was smiling. Michelle sighed in contentment. Iniangat niya ang kanyang mga braso, iniabot sa binata ang mga palad niya. And it was his cue to bring her back to her feet.
“Tayo na?” anang binata. Tumango siya.
Pagkatapos,hindi niya napigilan ang sarili, umikot siya ng 360 degree. Binubusog ang mga mata sa tanawin. “Hindi ako nananaginip lang, ‘di ba? Ang lugar na ito, nag-e-exist talaga ito?”
“Totoo ang lugar na ito, Michelle. Trust me.”
Narating nila ang nasabing man-made lake. Napapaligiran ng maliliit na bato ang paligid niyon. At nakita niya na may mga steps iyon pababa. “Ang ganda! Oh, my God.” Sa sobrang galak sa nakita ay napayakap siya kay Oliver.
“Mas maganda ka pa rin,” anang binata.
“Sus!” pabirong inirapan niya ito. “Nambobola pa.”
“I wasn’t,” he said charmingly. Hinawi nito ang mga hibla ng buhok sa mukha niya. Pagkuwa’y marahang humimig. “You’re beautiful. You’re beautiful, it’s true…” Tumigil ito, nag-iisip. “Ano nga uli ang sunod na lyrics?”
Natawa siya. Humimig din siya. “I saw your face. In a crowded place. And I don’t know what to do…”
“’Cause I’ll never be with you,” halos walang tinig na usal ni Oliver sa sunod na lyrics.
“Eww,” reklamo niya. Hindi niya gusto ang linyang iyon. Nag-iiwan iyon ng pait sa lalamunan niya at bigat sa kanyang dibdib. Because they will be together, forever. And ever. Sigurado siya roon. “Huwag mo na uling kantahin iyan.” Para mabago na ang paksa ay muli niyang ibinalik ang paningin sa man-made lake. “Ang linaw. Look, Ollie. Puwede kang manalamin, oh,” natutuwang bulalas niya. She checked the water. It was surprisingly warm.
“Magtampisaw tayo saglit,” anang binata. Lumuhod ito at hinubad ang sandalyas niya. Ganoon din ang suot nitong sapatos. Napangiti siya ng maluwag. At kinilig din. He was the sweetest. He was the man she will love until eternity. Nang matapos tanggalin ang suot na sapatos ay inalalayan na siya ng binata na makaupo sa may bato. Ang kanilang mga paa ay nakalublob.
“Ah!” nasisiyahang usal niya. Masarap kasi sa pakiramdam ang pagkakalublob ng mga paa niya sa maligamgam na tubig. “After that incident, sa burol, the ‘titigan’ moment…” she chuckled. Natawa rin si Oliver. “Pagkatapos noon, napansin mo ba na… na parang nagkakagusto na ako sa ‘yo?”
“Hmm… sa simula pa lang alam ko na na may gusto ka sa akin. Kahit noon pa noong hindi pa tayo magkasundo. Alam ko na patay na patay ka na sa akin,” mayabang na sabi ni Ollie. Kinindatan pa siya nito.
Napahagalpak siya ng tawa. “Of course not! Ang yabang ng isang mama. Whew.”
Oliver laughs. Pagkuwa’y sumeryoso ito. “Napansin ko, yes. Your eyes betrayed you. And I was the happiest man on earth that time. I mean, if you love someone and the feeling is mutual, what else could have been better? Pero, honestly, I was so scared that time. Kung ano ano ang pumasok sa isip ko, like, paano kung iwasan mo ako dahil doon. Paano kung piliin mo na sikilin ang nararamdaman mo? Paano kung umatake ang self pity—you know, about our social status. Napakamapride mo pa namang tao. Ni minsan hindi ko nakita na nagtake advantage ka sa pagkagiliw sa ‘yo ni mommy. Kailangan pa niyang ipilit lahat ng maliliit na bagay na ibinibigay niya sa ‘yo. So, I thought, Paano kung mas gustuhin mo na lumayo, layuan ako...?”
Michelle stared at the crytal clear water. Parang sinehan iyon na nag-play ang nakaraan...
BITBIT ANG mga libro na tinungo ni Michelle ang library ng mansiyon para isauli ang mga iyon. Kukuha rin siya ng iba pa nang sa gayon ay may nababasa siya kapag may libreng oras siya. Pinihit niya ang seradura ng pinto. She was about to pushed it open nang maulinigan niya ang medyo mataas na boses ni Oliver. “I will not go to the US to study. Or to any other country. I will stay here. Study here. Hindi ako lalabas ng bansa, mom.”
Nag-uusap yata ang mag-ina. Well, mukhang nagtatalo. Ni hndi namalayan ng mga ito ang pagbukas niya ng pinto. Isasara na niya ang pinto nang marinig niya ang pangalan niya. Natigilan siya.
“Ollie, kung si Michelle ang inaalala mo, wala kang dapat ipag-alala, son. I will take care of her. Hindi ko pababayaan si Michelle. You know I love her.”
“No. Hindi naman kailangang sa ibang bansa ako magkolehiyo, mom. Maraming magaganda at respetadong eskuwelahan rito na hindi pahuhuli sa international standards. Marami na ngang exclusive and international school dito sa Plipinas, ‘di ba?”
Curiousity got the best of her. Hindi niya nagawang umalis. Hindi niya napaglabanan ang kagustuhang makinig sa pinag-uusapan ng mag-ina.
“You know what? Kinausap ako ni Michelle. Plano niyang mag-self supporting student pagtuntong niya ng kolehiyo. Do you know that? Magtatrabaho siya at susuportahan niya ang sarili niya. Plano niyang maging independent.”
“What?” halata ang pagkagulat sa boses ni Oliver. Napangiwi si Michelle. Hindi pa nga alam ni Oliver ang plano niyang iyon. “She can’t do that!”
“Oh, she will. Kilala mo ang batang iyon, may paninindigan. May sariling desisyon.”
“Talk to her, mom,” tila naiinis na wika ni Oliver. “Kumbinsihin mong mahihirapan siya sa pinaplano niya. Yes she can work while studying, maraming mga estudyante ang gumagawa niyon, pero mahihirapan siya, mom. Hindi iyon ganoon kadali. And… you can be her benefactor. Ikaw na lang uli ang mag-sponsor ng scholarship niya.”
“I did. I tried my best para baguhin ang pasya niya. Pero desidido na daw siya. Ah, you two are giving me headaches. Pareho kayong matigas ang ulo.”
Ilang sandali na wala siyang narinig na tugon mula kay Oliver. “Well, that’s give me a lot more reason para hindi lumabas ng bansa.” Natutop ni Michelle ang bibig sa narinig.
“Ollie!” protesta ni Ma’am Olivia. “Pupunta ka ng US at doon magkokolehiyo. Your Tita Beth is expecting you there. Handa na ang lahat, Oliver. Matagal na itong nakaplano. Para ito sa ‘yo. Sa kinabukasan mo. Alam mong ito rin ang gugustuhin ng daddy mo para sa ‘yo.”
“Mom…” Oliver’s voice trailed off. “I c-can’t. I c-can’t leave Michelle.”
Naging malikot ang mga mata ni Michelle. Her throat tightened, she experience difficulty in breathing. Ayaw umalis ni Oliver dahil sa kanya. Dahil ayaw siya nitong iwan. Nakarinig siya ng mga yabag. Bago pa siya makahuma ay bumukas na ang pinto at lumabas si Oliver. Natigilan ito ng makita siya. Then he gave her a hard look. Nag-aakusa ang tinging iyon. Nagdaramdam. Pagkuwa’y napapikit na lang si Michelle nang lampasan siya nito. She bit her lower lip and bowed her head. Pero sa gulat niya, muling bumalik si Oliver at walang sabi-sabing hinawakan ang kanyang braso at hinila siya pasunod rito. Dahil makakaladkad siya, wala siyang nagawa kundi ang umagapay rito. Ang mga bitbit niyang libro ay nalaglag sa sahig.
“OLLIE, ano ba…?” reklamo ni Michelle. Doon sila humantong sa greenhouse. Padabog na binitiwan nito ang kanyang braso. Pagkuwa’y tumalikod sa kanya. Namaywang ito. Base sa diin ng pagkakalapat ng mga palad nito sa baiwang, halatang tensiyunado ito. Tahimik na naupo si Michelle sa isang stool.
“So you’re making plans, Michelle,” mariing sabi nito bago humarap sa kanya. “Future plans. Na mukhang hindi ako kasama. Samantalang ako, samantalang ako kasama ka sa mga plano ko, Michelle,” may pagdaramdam na wika nito. “And you don’t even bother to tell me?” Nag-iwas ito ng paningin. Pero nakita na ni Michelle nang bahagyang mamula ang mga mata nito. As if he was about to cry.
“S-sasabihin ko rin naman,” aniya. “Humahanap lang ako ng tiyempo.”
“f**k,” anito.
“Oliver!”protesta niya sa inusal nito.
“Sorry,” anito. “So you planned of leaving us. Of going independent. Bakit Michelle? Are we—”
“Puwede bang huminga ka muna, Oliver?” putol niya rito. “And then, kahit isang saglit, p’wede bang ilagay mo ang sarili mo sa sitwasyon ko? Because I don’t think maiintindihan mo ako kung hindi mo naman nauunawaan ang sitwasyon ko.” Nalaman na lang ni Michelle na umiiyak siya nang manlabo ang mga mata niya at tumulo ang mga luha niya. “I wanted to make it on my own. Because I am a nobody. And a nobody like me wants to prove ourselves. Lalo na kung…” humina ang boses niya. Pilit nilulunok ang tila invisible na bikig sa kanyang lalamunan. “L-lalo na kung… forget it,” aniya at pinahid ang mga luha.
“Lalo na kung ano?”
Bumuga ng hangin si Michelle. “Hindi totoo na gumagawa ako ng plano na… na hindi ka kasama. I wanted to make it on my own dahil…” Michelle wiped away her tears. “…d-dahil… paano ko ba sasabihin? Well, let me try. I wanted to make it on my own para kahit papaano ay bumagay naman ako sa ‘yo?” ramdam niya ang pagba-blush niya. s**t. Siguradong pati leeg at tainga niya ay namumula. “There I said it.”
Bumuka ang labi ni Oliver. Happiness crosses his eyes. They do care for each other pero kailanman ay walang ganoong salita na namamagitan. Para bang nasa stage sila ng tinatawag na MU o mutual understanding. Alam lang nila na may espesyal silang nararamdaman para sa isa’t-isa. Alam nilang gusto nila ang isa’t-isa kahit pa nga ba hindi naman nila ginagawa ang mga bagay na ginagawa ng mga magboyfriends. Like kissing and being so much intimate. Halik sa ulo ang ilang beses ng nagawa sa kanya ni Ollie. And she felt so cherished every time he did that. “I… I don’t think I’ve heard you,” anito.
Napairap si Michelle, bagaman may ngiti sa kanyang labi. Lalo yatang nag-init ang mukha niya. “Hindi na ako kumportable, Ollie. Huwag mo ng ipaulit ang sinabi ko. I think you’ve heard me just fine.”
Oliver’s face softened. Naupo ito. Tumingin ng direkta sa kanyuang mga mata. Inabot ni Oliver ang palad niya at hinawakan iyon. “Nobody is belittling you,” he said, almost a whisper.
“Alam ko, alam ko…” daing niya. “Kaya lang… Oh, please understand.”
Napapikit si Oliver. Nang magmulat ito ng mga mata ay naiyak na naman siya sa emosyong nakasungaw roon. “Michelle… I love you.” Mariing kinagat ni Michelle ang nanginginig na lower lip niya. “Narinig mo ba ako? Mahal kita.” Of course she heard him, loud and clear. Para nga iyong tunog ng trumpeta ng mga anghel.
“Oh, Ollie!” pag-iyak niya. Binawi niya ang palad na hawak nito at sinapo ang mukha ni Ollie. Umabante siya at idinikit ang kanyang noo sa noo nito. “Alam kong mahirap ang daan na gusto kong tahakin, pero kung ikaw ang nasa dulo ng paglalakbay ko. It’s worth it, Ollie. You’re very much worth every humps, every trials, and every tears,” bulong niya. “Mahal din kita.”
“SO WHAT can I say…Welcome Graduates!” Masayang pagtatapos ng speaker na umani ng malakas na hiyawan sa mga estudyanteng magtatapos sa sandaling iyon.
Hinawakan ni Michelle ang toga niya at tulad ng iba pang graduates ay humihiyaw na ibinato niya iyon sa ere. She screamed in happiness. Nakapagtapos na siya ng High school, mahaba-haba pa ang lalakbayin niya pero at least paunti-unti niya iyong tutuparin. “Congratulations, Michelle!” bati sa kanya ng mga katabi niya. Na sinagot niya ng pagbati.
Pagkatapos ay dali-dali siyang humiwalay sa grupo para puntahan si Oliver sa puwesto nito, para batiin din ito. And then somebody from behind stole a kiss on her right cheek. Malawak ang ngiting humarap siya sa nagnakaw ng halik sa kanyang pisngi. “Congratulations, Ollie!” aniyang mahigpit na yumakap rito.
Gumanti ng mas mahigpit na yakap si Oliver. “Congratulations!”
“Puwede ba akong sumali sa yakapan?” sabi ng isang nagagalak na tinig.
Humiwalay siya kay Ollie. “Siyempre naman po, Ma’am Olivia,” aniya.
“Tita. Tita Olivia. Matagal ko ng inire-request sa ‘yo na tawagin mo akong Tita Olivia.”
Kinindatan siya ni Oliver. “Tita,” nahihiyang wika niya.
Tita Olivia smiled at her fondly. Masaya ito ng malamang nagkakaunawaan na sila ng anak nito. Malapit na daw siyang maging ‘official’ daughter nito. Magkakaroon na rin umano ng katuparan ang pangarap nito na magkaroon ng anak na babae. Hinaplos nito ang pisngi niya bago siya niyakap. “Congratulations.”
“Salamat po.”
“Pambihira!” palatak ni Oliver. “Hello. Narito rin po ako. At ako po ang anak ninyo, hindi si Michelle. Ako dapat ang una ninyong binabati,” pabirong litanya nito.
Pareho silang natawa ni Tita Olivia. Nilapitan nito ang anak at niyakap. “Ah, son, I love you to the moon and back. Congratulations. I’m so proud of you.” I love you, he mouthed at her. Sinagot niya iyon at walang tunog na inusal din ang mga salita. “Let’s take a picture,” anang ginang bago humiwalay kay Oliver. Inilabas mula sa bag ang cell phone.
“Akin na, mom.” Kinuha ni Oliver ang telepono at ipinakiusap sa isang kaeskuwela ang pagkuha ng litrato. Pumagitna si Oliver at pareho silang inakbayan.
MALAKAS ang buntong-hininga na pinakawalan ni Michelle habang pinagmamasdan ang mga gamit niyang nakaempake. Iyon ang mga dadalhin niya sa boarding house na hinanap nila ni Oliver at Tita Olivia. Hindi naman lahat ng gamit ay dadalhin niya dahil uuwi pa rin siya sa quarters na iyon kapag may pagkakataon. It has been her home for the past years at mananatili iyong bahay na uuwian niya sa hinaharap. Sinulyapan niya ang wall clock. Alas onse na pala ng gabi pero hindi pa rin siya makatulog. Napakaraming isipin na nagsisiksikan sa kanyang ulo; ang plano niya, si Oliver…
“Michelle?” anang mahinang tinig ni Oliver na ikinagulat niya. Nanggagaling iyon sa may bintana ng silid niya. Naaaninag nga niya ang pigura nito. “Alam kong gising ka pa. Let me in.”
Pumunta siya sa may binata at bahagyang binuksan niya ang salaming bintana. May grills iyon kaya hindi rin makakapasok roon ang sino man. Bagaman puwede iyong buksan mula sa loob in case of emergency. “Ollie! Ano’ng ginagawa mo dito sa ganitong oras?” sita niya. Pinagbawalan kasi niya ito na pumunta roon kapag gabi lalo pa at inuukupa rin ng ibang katulong ang ibang quartes. Pinangangalagaan pa rin niya ang kanyang reputasyon.
“Maria Clara, let me in,” pakiusap nito. Marahil ikinonsidera rin nito na baka may makakita rito kaya doon ito sa may dilim, sa may bintana nangatok.
Natawa siya sa itinawag nito sa kanya. Pagkuwa’y umiling siya. “Kailan ba kita pinapasok dito? Bumalik ka na sa mansiyon. Bukas na lang tayo mag-usap.”
“Please?” muling pakiusap nito, he seemed desperate. At nauunawaan niya ito, dahil bukas ay lilipat na siya sa boarding house niya habang sa isang araw naman ay aalis na ito patungong America.
“Huwag kang magtatagal,” aniya habang binubuksan ang grills.
“Hindi ko maipapangako,” anito bago naglambitin sa grills hanggang sa makapasok sa silid niya. Nang tuluyang roon ay umupo ito sa gilid ng kama. Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan habang nakatitig sa mga bagahe niya. “Bukas ay ihahatid ka namin sa boarding house na titirhan mo. Then the following day ako naman ang ihahatid ninyo sa airport,” malungkot na wika ni Oliver. We’ll be thousands of miles apart.”
Naupo si Michelle sa tabi ng binata. Hinawakan niya ang palad nito at pinisil. “Napag-usapan na natin ito, ‘di ba?”
“N-nagsisikip ang dibdib ko, Michelle.” Nag-init ang mga mata ni Michelle sa paggaralgal na iyon ng boses ng binata. She blinked the tears aways though. “You really can do this?” anito bago patihayang ibinagsak ang sarili sa kanyang kama.
“Para sa atin? Oo,” aniya bago humiga rin, patagilid, paharap dito. Iniunan niya ang kanyang mga palad. Pero kinuha ni Oliver ang ulo niya at ipinaunan sa barso nito. Hindi tumanggi si Michelle. “Kaya natin ‘to, Ollie. Tsaka sa teknolohiya ngayon, parang hindi na rin naman tayo magkakalayo. Siyempre, uuwi ka rin sa tuwing may pagkakataon. Kapag bakasyon. Hindi nga lang puwede na ako ang dadalaw sa ‘yo roon. Alam mo na, wala akong pampamasahe,” pabirong sabi niya para pagaanin ang sitwasyon.
Pero hindi tumawa si Ollie. “Lady, you’ve got a hell lot of fighting spirit.” Naramdaman niya ang marahang paghaplos ng mga daliri nito sa buhok niya.
“Faith, more like. Faith in us,” nakatitiyak niyang sabi. Sumiksik siya rito, pinuno ang kanyang baga ng amoy nito. Oliver automatically wrapped her in his arms.
“Bahala ka nga, maraming Amerikana doon,” nanantiyang sabi nito.
Pumikit siya. “Well, ang kailangan mo lang gawin ay ipaalam sa akin na may iba ka na. Para masimulan ko agad na kalimutan ka. Para makapaghanap na rin ako ng iba.” The thought was actually killing her. Paano nga ba kung makatagpo ito ng iba? Malamang na pagsisihan niya ang mga naging desisyon niya.
Pumalatak si Oliver. “Tsk, tsk. Hindi ka man lang na-threaten? You’re confident that I love you that much, huh? Samantalang ako, ‘yong isipin na baka may ibang makakuha ng atensiyon mo ang talagang pumipigil sa akin na umalis.”
Tuluyan na siyang napangiti ng maluwang. Inilayo niya ang mukha sa dibdib nito at tiningala ito. “Ikaw lang, Ollie. Dito sa puso ko. Hindi kayang burahin ng panahon ang pagmamahal ko para sa ‘yo. I will always be yours. Yours alone, Ollie. Always, always. Pagtiwalaan mo ang puso ko,” bulong niya.
Tinitigan siya ng binata. “I will. I love you.”
“I love you,” naiiyak niyang tugon.
“Oh,” Oliver cried, muli siya nitong niyakap ng mahigpit. Pumikit siya. Binubusog ang sarili sa init ng katawan nito. It was so comfortable in his arms. It felt home. “Can I hold you tonight, Love? Puwede ba akong matulog na kayakap ka? Don’t worry, maaga rin akong aalis para walang makakita sa—”
“Shut up,” usal niya at isiniksik ang sarili rito.
Pagkaraan ng ilang sandali ay kumilos si Oliver. Bumaba ang mukha nito, pumantay sa kanya. He stared at her eyes, then to her lips, then back at her eyes again. Hindi maintindihan ni Michelle kung ano ang nangyayari sa kanya pero tumaas ang palad niya at idinampi ang hintuturo sa labi ni Oliver. Hinaplos niya iyon. Napalunok si Oliver. “Michelle…”
Nginitian ni Michelle ang binata. Pagkatapos, animo nagkakaunawaan na pareho silang nananantiya na iniabante ang mukha. So close they were almost exchanging breaths. Hindi na pantay ang paghinga niya. She suddenly felt intoxicated. Hindi niya alam kung papaano ba ang ganitong bagay. But—what the heck. Magpapadala na lang siya sa agos ng nararamdaman niya. Hanggang sa maramdaman niya ang pald ni Oliver sa panga niya, kasunod niyon ang tuluyang paglalapat ng mga labi nila.