Chapter 5

2579 Words
“WE’VE been friends since then.” Tiningala ni Michelle si Oliver. Ollie pout in agreement. “Right. Ang bait ko kaya sa ‘yo!” nagmamalaking tugon nito, kinindatan siya. “Mabait?!” gagad niya. “Sumpungin ka pa rin. Bossy, arrogant, rude…” biro niya. S’yempre ay hindi iyon totoo. Well, konti. Oliver became sweet, nice, and thoughtful. Parang bigla siyang nagkaroon ng guy bestfriend sa katauhan nito. Ang lahat ay natuwa sa pagkakasundo nila, lalo na ang mommy nito. “Ouch,” ani ni Oliver. Kinalas nito ang mga brasong nakayakap sa kanya. Ang baba nito na nakapatong sa kanang balikat niya ay nawala. Naupo si Oliver sa pasimano ng chalet, paharap sa kanya. Pagkuwa’y inabot siya nito. Kusang pumaloob naman siya sa nakabukang mga hita nito at naglalambing na tumingala rito. Oliver then cupped her face with his hands. He stared at her, lovingly stared at her. “Hindi mo ako tinatawag sa palayaw kong Mich o kaya Chelle,” nakangusong reklamo niya. Gumuhit ang ngiti sa labi ng binata. Kumislap ang mga mata nito na para bang may sekreto itong itinatago. “Alam mo kung bakit? Because I like your name… Michelle. Ang sarap bigkasin.” Muli nitong binigkas ang pangalan niya. “I love how sweetly it rolled in my tongue.”                     “MICHELLE?” Narinig ni Michelle na pagtawag sa kanya ni Oliver. Sabado niyon. Nasa may sampayan siya noon at tumutulong sa pagbibilad sa araw ng mga nilabhang bed sheets at comforter ng isang katulong. “Sa wakas natagpuan din kita,” anito nang makita siya.             “Bakit?” walang ganang tanong niya. Dinampot niya ang isang bed sheet na isasampay.             Si Ollie ay agad nakapunta sa harapan niya, tinitigan siya nito, kunot ang noo. “Something wrong?” Hindi niya ito sinagot. Isinampay niya ang bed sheet kaya nagkaroon ng harang sa pagitan nila. “Michelle…” Sumuot ito sa laylayan ng bed sheet.             “Bakit ba? Ano ba ang kailangan mo? Nakita mo ng ngang may ginagawa ang tao eh,” inis niyang wika.             “Ang sungit mo. PMS?” nakangisi nitong tanong. Nawala ang ngising iyon nang titigan niya ito ng masama. Tinalikuran niya ito. Muli siyang kumuha ng isasampay.             “Tulungan na kita,” anito. Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang nagsasampay na rin ito. Hindi niya ito pinapansin at itinuloy ang pagsasampay. Nang muli siyang kumuha sa basket, kumuha rin si Oliver. “Hoy, Michelle…”             “Bakit nga? Kung wala ka rin lang sasabihin, umalis ka na. Nakakaabala ka.”             “Bakit bad mood ka?” balik-tanong ni Ollie.             “Ano ngayon, sa ‘yo? Ikaw lang ba, Oliver de Castro, ang may karapatang mawala sa mood?”             Tumaas ang isang kilay ni Ollie. Pagkatapos ay tumawa ito. Napipikon na dinampot ni Michelle ang basket para kumuha uli ng isasampay sa laundry area. Sumunod sa kanya si Ollie. “Si Michelle ay may sumpong…” pakantang wika nito bago sumipol-sipol. Halatang inaasar pa siya lalo. “May sumpong si Michelle. Lalala lala. Bilog ang buwan kagabi kaya may topak ngayon ang amasona. Lalala…”             Hinarap niya ito, naniningkit ang mga mata niya sa inis. Agad namang itinikom ni Ollie ang bibig. But, damn, kumikinang pa rin sa panunukso ang mga mata nito. Nawala lang iyon nang makitang masama talaga ang timpla niya.             “Michelle! Ang Tiya mo!” anang tinig ni Ate July, isa pang katulong, na nagpakabog sa dibdib niya. May bahid ng hindi matatawarang takot at pag-aalala ang tinig nito.             Nabitiwan niya ang basket at tinakbo ang kinaroroonan nito. Si Ollie ay agad ding nakaagapay sa kanya. “Bakit, Ate July? Ano ho ang nangyari kay Tiyang?” natatarantang tanong niya habang halos takbuhin ang pagpasok sa mansiyon.             “N-natagpuang nakahandusay sa kusina.”             Binalot ng lamig ang katawan ni Michelle. “H-ho?”               “MICHELLE,” anang malumanay na tinig ni Oliver. “Tayo ng umuwi. Kanina pa nakauwi ang mga nakipaglibing. Dumidilim ang paligid. Mukhang uulan. I promised mom na susunod na rin agad tayo sa kanya sa pag-uwi.”             “M-Mauna ka na,” paos ang boses na tugon niya. She bit her lower lip hard. Pero muling namalibis ang mga luha niya. Iniwan na rin siya ni Tiya Marcela, nag-iisang kamag-anak na kilala niya. Inatake ito sa puso at hindi nakaligtas sa atakeng iyon. She was now six feet under the ground. She felt lost. Ngayon ay talagang nag-iisa na siya, ulila.             Naramdaman niya ang pagpatong ng mga palad ni Oliver sa mga balikat niya. Bahagyang pumisil iyon. Doon na siya tuluyang hindi nakapagpigil, bumulalas siya ng iyak. Oliver comforted her. Niyakap siya nito, kinakalma. “N-nag-iisa na ako, Ollie. Iniwan na nila akong lahat,” pagtangis niya, naninikip ang dibdib sa sobrang pagdadalamhati. “Iniwan na nila ako. Paano na ako ngayon?”             “Hey, hey…” Humiwalay ito sa yakap. Sinapo sa mga palad ang kanyang mukha. Oliver wiped away her tears. Hinuli nito ang mga mata niya. “You’re not alone, you hear me? Hindi ka nag-iisa. You still got me, mom, and every single person in the house. I will always be there for you,” pagkatapos niyon ay muli siya nitong niyakap. Mahigpit na niyakap. “Oh, Mich—Michelle!” Iyon ang huling rumihistro sa kamalayan ni Michelle bago siya nawalan ng malay.             Nang balikan ng malay ay isang nakasabit na dextrose ang unang namulatan niya. Hindi pamilyar sa kanya ang silid na kinaroroonan pero mukhang nasa isang hospital siya. Pumikit si Michelle, inaalala ang huling nangyari. And just like that muli na namang namalibis ang mga luha niya. Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Bago pa niya mapunasan ang mga luha ay bumungad na si Oliver. “Michelle,” agad itong nakalapit sa kinahihigaan niya. He held her hand. “Oh, thank God. Thank God you’re awake now,” anitong hindi maipagkakaila ang pag-aalala.             “B-bakit ako naka-dextrose?”             “You need it Michelle. Ilang araw ka ng hindi kumakain at mahina na ang katawan mo. Bukod sa lagi ka pang puyat at—” bumuntonghininga ito. “Dahil doon ay bumigay na ang katawan mo. Hinimatay ka kanina. Tinawagan ko na si mommy. She’s on the way now.” Nag-iwas siya ng paningin. Kasabay niyon ay ang muling pagtulo ng mga luha niya. “Michelle…” usal nitong tila hindi alam ang gagawin kapag ganoong tumutulo ang mga luha niya.             Ibinalik niya ang paningin kay Oliver. “A-ayoko dito… s-sa hospital,” nananakit ang lalamunan at garalgal na wika niya. “A-ayoko ko dito, Ollie.” Nagtangka siyang bumangon at pilit hinahablot ang dextrose.             Maagap na niyakap siya ni Ollie. “Okay, okay, calm down. Iuuwi na kita. Sshh…You’ll be all right, Michelle. I promise.”             Tahimik siyang umiyak sa balikat nito.   “PAPASOK ka na?” gulat na bulalas ni Oliver nang makita nitong handa na siyang pumasok sa eskuwela kinabukasan. Nakasuot na siya ng uniporme, nakasukbit na ang bag sa balikat, at kipkip na ang dalawang libro sa kanyang dibdib. Ito ay kabababa lamang ng hagdan. Nakaligo na, bagaman hindi pa ito naka-uniporme. Knowing him, mukhang wala itong balak pumasok. Normal kasi na sa ganitong oras ay handa na rin ito sa pagpasok. Si Ma’am Olivia naman ay sadyang tanghali na kung gumising.             She pressed her lips and nodded. Bumakas ang pagtutol sa mukha ni Ollie pero inunahan na niya ito. “Mukhang hindi ka papasok. Mauuna na ako. Magko-commute na lang ako.”             “Michelle, I think you should—”             “What?” putol niya rito. “Rest? Magluksa, magmukmok? H-hindi b-ba…” pumiyok ang boses niya kaya nag-iwas siya ng paningin. “H-hindi ba d-dapat ay sinasanay ko na ang sarili ko na bumalik sa normal na buhay?” Gusto ni Ma’am Olivia na doon na okupahin na niya ang isa sa mga silid sa mansiyon pero tumutol siya. Pagkagaling sa hospital ay doon pa rin siya tumuloy sa quarters nila ng kanyang Tiya.             Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. “Hintayin mo ako. Ten minutes,” anito bago nagmadaling umakyat ng hagdan at bumalik sa silid nito.             Hindi niya alam kung sampung minuto nga ba ang ginugol ni Oliver para magpalit ng kasuotan pero ilang sandali lang ay nakabalik agad ito. They were on their way now. Tahimik silang bumibiyahe. Or, sadyang ayaw niyang makipag-usap dahil ipinikit niya ang kanyang mga mata. Kahit naman nakapikit siya ay hindi rin siya makakatulog, tulad kagabi. Nakapikit siya pero buhay na buhay ang diwa niya. Until she just cried and cried all night. Pero maya-maya lang ay nakaramdam siya ng antok. Ah, iidlip muna siya kahit sampung minuto lang. Hindi na kasi niya mapaglabanan ang pagbigat ng talukap ng kanyang mga mata.   NAPABALIKWAS ng bangon si Michelle. Agad niyang sinulyapan ang kanyang wristwatch para tingnan ang oras. Alas dos?! bulalas niya sa isipan. Ibinaling niya ang paningin sa driver’s seat, bakante iyon. Tsaka rin lang niya napansin na nakakumot sa kanya ang jacket ni Ollie. Ang kanyang upuan ay naka-recline. Bukas ang pinto, at sariwang hangin ang mahinang humahampas sa kanyang balat. Tumingin siya sa labas, at napansing hindi pamilyar sa kanya ang lugar. And then she saw Ollie. Malalaki ang hakbang na tinutungo nito ang sasakyan.             “Gising ka na,” malumanay nitong wika.             Ngumiwi siya. “I… H-hindi ko sinadyang—”             “It’s okay. Mas mabuti ngang nakatulog ka. I know you didn’t sleep last night.” How did you know? gusto sana niyang itanong pero hindi niya magawang usalin ang mga salita. “Halika,” hinawakan nito ang braso niya at inalalayan siyang makababa ng sasakyan.             “Nasaan na tayo?”             “Sa isang burol,” he said. Dahil hindi nito binibitiwan ang braso niya ay napapasunod na lang siya rito. “Wait here,” anito bago binitiwan ang braso niya. Umabante pa ng si Ollie ng ilang hakbang.             “O-Ollie, c-careful. Baka mahulog ka,” nag-aalala niyang wika nang mapagtanto na napakataas pala ng kinatatayuan nila at mukhang nasa gilid na si Oliver.             Nilingon siya ng binata, nginitian bago muling ibinaling sa harapan ang paningin. And then to her shock, sumigaw ito ng pagkalakas-lakas. “Aaa—h! Aaahhh!”             Nag-init ang mga mata Michelle. Muling nanikip ang kanyang dibdib. Humakbang siya papalapit rito. Nang nasa tabi na siya ni Ollie ay buong lakas na sumigaw rin siya. “Aaa—h! Aaahhh!” She shouted her lungs out. Sumigaw siya ng sumigaw habang umaagos ang luha sa mga mata niya. Nang maubos ang boses kasisigaw ay nilingon niya ang binata. “Feeling better?” tanong nito. There was so much hope and tenderness in his eyes. Tumango siya bago sinugod ng yakap si Ollie. Pakiramdam niya ay nawala ang pamimigat ng dibdib niya sa ginawang pagsigaw. “Thank you.” She felt Oliver’s lips on her head. Napapikit siya. She felt cherished. Tama, hindi siya nag-iisa. May Ma’am Olivia pa siya. Higit sa lahat, may Oliver pa siya. Hindi siya nito iniwan sa pinakamababa at pinakamahinang parte ng buhay niya. From this moment on, she knew she could always count on him. “Masarap ding sumigaw sa dagat, lalo na kung medyo maalon at mahangin. That’s what I did when I lost dad. Feeling ko tinatangay ng alon at hangin palayo ang mga alalahanin ko. We’ll try that together next time.” Michelle reluctantly withdraw herself from his embrace. Tinitigan niya ito pagkuwa’y nangingiting napailing-iling siya. “What?” anito. “Wala,” tugon niya sabay kibit ng balikat. “Meron,” he insisted. “Alam kong may iniisip ka,” anito bago bahagyang sinuntok ang ulo niya ng kamao nito sa pabirong paraan. “Aba-t—Ollie!” angal niya sa ginawa nito. Tumatawang lumayo sa kanya si Oliver. “Huh!” Pinaningkitan niya ito ng mga mata bago hinabol. “Humanda ka ‘pag nahuli kitang kumag ka.” “Well, catch me if you can,” nang-aasar pang wika habang panay ang layo sa kanya. Hinabol nga niya ito. He was laughing. At nakakahawa ang masiglang pagtawa na iyon. Natawa na rin siya. “Ollie, pagod na ako!” nakalabing reklamo niya. Tumigil siya sa paghabol rito. Hinihingal na itinuon niya ang mga palad sa kanyang mga tuhod. “Ahhh,” he murmured. Nilapitan siya nito para i-comfort. When he was near enough, dinamba niya ito. Naisahan niya ito. “Huli ka!” nakangising wika niya. Inatake niya ito. “Cheater,” humahalakhak na bulalas ng binata habang panay ang ilag sa mga atake niya. Hanggang sa mawalan sila pareho ng balanse at bumagsak sa lupa. Well, si Ollie ang bumagsak sa lupa at siya ay nasalo nito. Nag-ugnay ang mga mata nila. Ang ngiti sa kanilang mga labi ay unti-unting napawi habang sumusungaw sa mga mata ang emosyong hindi nila mapangalanan. They just stared at each other. Kung gaano katagal ay hindi nila alam dahil hindi mapaglaban ang puwersa. Hindi nila magawang magbawi ng paningin. Michelle could hear the rush of her blood at the back of her ear. Pero, hindi kaya t***k ng puso niya ang kanyang naririnig? Dahil aminin man niya o hindi, mula ng magkasundo sila ay naging aware na siya rito. Her senses became so much aware of him. Bawat kilos, bawat detalye, bawat mannerism ay napapansin niya. She likes being near him. Gustong-gusto niyang nag-uusap sila, o nag-aasaran. She likes how gentle and protective he is towards her. She likes how arrogant he is. Gustong-gusto niya ang atensiyon ni Ollie na ibinibigay sa kanya. Gusto niya ang— gusto niya ito. Dumagundong sa isipan ni Michelle ang huling naisip. What the hell. Desimuladong ibinagsak niya ang sariling katawan sa tabi ni Ollie. Lumunok siya. Napatitig sa makulimlim na kalangitan. “Did you hear that?” ani ni Ollie maya-maya. Ang mukha nito ay humarang sa tinitingnan niyang mga ulap. “A-ang alin?” tanong niya, iniiwasang sulyapan ang labi nito dahil… oh, God, pumapasok sa isipan niya ang tungkol sa isang halik. “Ang mga alaga ko sa tiyan, nagwawala na,” he said chuckling. “Kumain na tayo, Michelle.” Tumayo si Ollie, iniabot sa kanya ang mga palad nito. Michelle collected herself. Inabot niya ang mga palad ni Ollie at kumapit roon nang hilahin siya nito patayo. “Andami mong damo sa buhok,” tumatawang sabi nito bago isa-isang inaalis ang mga damong kumapit sa buhok niya. “Kunsabagay, bagay naman sa ‘yo. Amasona ka, ‘di ba?” Iningusan niya ito. “Inaasar mo na naman ako.” He laughs. Inakbayan siya nito. Nang mapatingala siya rito ay nakita niyang nakatitig ito sa kanya. “Gutom na gutom na talaga ako, maganda ka na sa paningin ko eh,” buska nito. “What? Pangit ako, ganoon?” kunwa ay naaasar na itinulak niya ito. Pero ang totoo ay tila may mga paru-parong nagliparan sa sikmura niya. Maganda daw siya. Iyon ang unang pagkakataon na lumabas iyon sa labi ni Ollie. Ang kislap ng mga mata ng binata ay nagpapalakas ng t***k ng puso niya. It was as if he wasn’t really teasing her. Bagaman, oo, marami ring pagkakataon na nababasa niya ang paghanga sa mga mata nito. At sa tuwina ay nakakadama siya ng kasiyahan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD