Chapter 4

3259 Words
“AKO RIN, I started noticing you then. Your laughter got me. Para iyong chant na marahan akong hinihipnotismo,” ani ni Michelle kay Oliver. “Wala eh, hindi ako sanay. Kaya noong makita at marinig ko ng ganoon kalapit… I was mesmerized.” Tumigil sila sa pagsasayaw. Tinungo ni Michelle ang isang poste ng open chalet, kumapit roon at muling binusog ang kanyang mga mata sa tanawing iyon. Keunkenhof Garden in France is like paradise. Pero wala sa kalingkingan ng Heaven’s Garden ang Keunkenhof.             Mula sa likuran ay niyakap siya ng binata. Kusa naman niyang isinandig ang kanyang likod rito. “Noong makauwi tayo sa bahay, naghihintay na sa atin si Mommy. Apparently, gusto rin niyang malaman kung pumayag kang maging date ni Wayne sa Prom.”             Natawa siya sa alaalang iyon. Pumayag siya noon. “Masyadong excited ang mommy mo. Kesyo patatahian niya daw ako ng gown. Magsa-shopping daw kami ng sapatos, etc…”             “You were the daughter she never had,” ani ni Oliver. Dinampian nito ng halik ang ulo niya. “Kung sila ay excited, ako naman ay disappointed noon. Isang pangit na ideya para sa akin na sasama ka kay Wayne sa Prom, or aattend ka ng Prom.” Oliver chuckled. “Maybe, subconsciously, gusto kong sa akin ka lang sumama. You’re effortlessly beautiful, Michelle. I was aware of that. Always aware of that. Hindi mo alam pero maraming lalaki noon ang gustong lumapit sa ‘yo. Thank God. Nakasentro ang atensiyon mo sa pag-aaral.”             “Gusto ko talagang makatapos ng pag-aaral at mapatunayan ang sarili ko. Though, nagkakamali ka kung iniiisip mo na wala akong panahon, totally, sa boys.” She grinned. Tiningala niya ang boyfriend. “I used to have a crush on Wayne.”             Umungol si Oliver sa pagpo-protesta. “Kaya ka pala pumayag maging Prom date ni Alcantara!”             Napahagikhik naman siya dahil doon.             Prom Night. “Wow. Napakaganda mo, hija” sabi ng make up artist matapos siya nitong ayusan. Kalabisan man, nagagandahan rin si Michelle sa repleksiyong nakikita niya sa isang full-body mirror. Si Tiya Marcela ang bumili ng gown niya. Isang crimson gown na sa ganda ng desinyo at tabas ay hindi halatang binili lamang ng yari na sa Divisoria. Bagaman strapless iyon, hindi naman masyadong mababa ang uka ng neckline. Maganda ang lapat niyon sa katawan niya na para bang ginawa talaga para sa kanya. Ang sapatos ay galing kay Ma’am Olivia. Napilitan na siyang tanggapin dahil mukhang nagtampo na nga ito noong tanggihan niya ang gown na gusto nitong ipasadya pa. Naka French braid ang buhok niya. I-pin-in iyon sa likod ng kanyang ulo niya kaya kitang-kita hugis at kinis ng mga balikat at leeg niya.             Ilang sandali pa at handa ng lumabas ng silid si Michelle. Dumating na rin daw si Wayne para sunduin siya. She’ll be having that ‘grand presentation’ thing. Iyong tulad sa mga pelikula na bumababa ang babae sa hagdan, habang ang date nito at member ng family ay nasa baba. Siyempre pa, dahil iyon sa pakiusap ni Ma’am Olivia. Isa kasi umano iyon sa ini-lo-look forward nito kung nagkaroon ito ng anak na babae. Pinagbigyan na nila ng tiya niya tutal naman ay hindi naman talaga iba ang turing ng matandang de Castro sa kanya.             Nang nasa punong hagdan na siya at ii-introduce ng make up artist para kunin ang atensiyon ng nasa baba ay pinigilan niya ito. Mula sa itaas ay namataan agad ni Michelle sina Ma’am Olivia at Oliver. Inaayos ng matanda ang kuwelyo ng suit ng anak.  Ang Tiya niya ay nakaupo sa sofa. Nakakadama ng nerbiyos na tahimik siyang nagsimulang bumaba. Kumapit siya sa hawakan para siguruhing hindi siya gugulong pababa kung sakaling magkamali siya ng yapak.             Si Oliver ang unang nakadama ng presensiya niya. Tila slow motion na tumingala ito. Natulala ito. Iyon ang basa niya sa ekspresyon nito. Gusto niyang mapangiti lalo na nang sumungaw sa mga mata nito ang paghanga. She was pleased. Lahat ay nagsitingalaan na din.    “Oh, my God…” bulalas ni Ma’am Olivia nang makita ang hitsura niya. Natutop pa nga nito ang bibig. Si Tiya Marcela ay maluha-luha din. Everybody was enchanted. Maging ang dalawang katulong at si Wayne na hindi niya napagtuunan ng pansin kung saan galing. But he was suddenly in the group. “You’re so beautiful, Michelle,” sabi ni Ma’am Olivia nang tuluyan siyang makababa. Ito ang unang nakalapit sa kanya. “Salamat po.” Lumapit din si Tiya Marcela at niyakap siya. “Let’s take a picture. Para may remembrance. You know me, I like recording important events,” pahayag ni Ma’am Olivia. Nagpicture taking nga sila. Solo shot, duo shot, and group shots. Habang nagaganap ang pictorial ay hindi niya maiwasang hindi magnakaw ng sulyap kay Oliver. Good gracious, he was so gorgeous! Bagay na bagay rito ang suit na suot. Guwapong-guwapo rin naman si Wayne pero bakit mas hinihigop ni Oliver ang kanyang atensiyon? She wonder, sino kaya ang date nito? “Ollie, kayo naman ni Michelle. Wala pa kayong picture na kayo lang dalawa,” ani ni Ma’am Olivia. “Right,” usal ni Oliver. Mula pa kanina ay tinitingnan siya nito ng derekta sa mga mata. Nako-conscious tuloy siya at napapaiwas ng tingin rito. Tinabihan siya ni Oliver. Sa pagkasorpresa niya, o marahil lahat ay nasorpresa, inilagay ni Oliver ang isang palad nito sa baywang niya. Parang hinapit pa nga siya nito na muntikan ng ikabitin ng kanyang hininga.   WALANG date si Ollie, iyon ang konklusyon ni Michelle dahil sa tuwing nahahagip ng paningin niya ang binatilyo ay wala itong kasama o kasayaw na babae. He was drinking some sparkling wine. Minsan ay kausap nito ang mga kabarkada. Looking at him tonight, parang hindi na angkop ang deskripsiyong ‘binatilyo’ para rito. Parang mas angkop na ‘binata’ na ang itawag dito. Malaking bulas din kasi ito, matangkad, at... kapansin-pansin ang appeal.             Narinig niyang tumikhim si Wayne. Agad niyang ibinalik ang atensiyon rito. They were on their table now. “Hindi ako masosorpresa kung ikaw ang ideklarang Prom Queen ngayong gabi,” anito.             Nakangiting napailing siya. “Kanina mo pa ako binubusog sa mga direkta at hindi direktang papuri. Baka malunod naman ako…” Inabot niya ang kanyang inumin at dinala iyon sa kanyang bibig. Fruit punch lang iyon na kaunti lamang ang alcohol content. Habang sumisimsim ay muli siyang napasulyap kay Oliver. Hawak nito ang kopita sa isang palad. Ang isang palad ay nakapamulsa. And he was laughing together with his friends. Gusto niyang mangiti, gusto niyang mangalumababa habang pinagmamasdan ang pagtawa nito, at gusto—s**t! Lumingon sa kanya si Oliver at huli na para mag-iwas siya ng paningin. Nag-ugnay ang mga mata nila. And Michelle felt lost. Parang bigla ay naglaho ang lahat ng nasa paligid niya at ang tanging natira lamang ay sila ni Oliver at ang magkahinang na mga mata nila.             “I can’t help it,” anang tinig ni Wayne na pumasok sa pandinig niya. Iyon ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Desimuladong ibinalik niya rito ang paningin. “Lady, tandaan mo, kapag pinuri ka ng isang lalaki ay paniwalaan mo iyon dahil hindi iyon kasinungalingan.”             “Well, thanks. I’m flattered.” Hanggang sa hindi na naman niya napaglabanan ang sarili at muling sinulyapan ang kinaroroonan ni Oliver. Wala na ito roon. At hindi maintindihan ni Michelle ang sarili kung bakit nais niyang igala ang paningin para hanapin ito. Pinigilan niya ang sarili. Halos hindi na niya nae-enjoy ang gabing iyon dahil natutuon sa batang de Castro ang kanyang atensiyon.             When Wayne asked her for another dance. Pinagbigyan niya ito. Nagtungo sila sa dance floor at nagsayaw sa saliw ng isang sweet music.             “Michelle?”             “Hmm?” Hindi nagsalita si Wayne sa halip ay tinitigan lang siya nito. “Huwag mo akong titigan. You’re making me uncomfortable,” sita niya rito.             “Alam kong alam mo ang mga prayoridad mo sa buhay. And maybe boys are not included in your list. Pero… gusto kong sumugal, Michelle. Puwede ka bang ligawan?”             “A-ano?”             “Alcantara,” ani ni Oliver na biglang sumulpot sa tabi nila. Madilim ang mukha nito, matalim ang mga mata, at halos magsalubong ang mga kilay. Napatigil sila ni Wayne sa pagsasayaw. “Can I have a word with you? Now.” Mariin nitong wika. “You, too, Michelle,” dugtong pa nito bago tumalikod at humakbang paalis.             Nagkatinginan sila ni Wayne, may pagtatanong sa kanyang mga mata. Tila pareho naman silang clueless ni Wayne. Sumunod sila kay Oliver. Mabibilis at malalaki ang hakbang ni Oliver. They ended up on the school’s garden. Sa wakas ay tumigil si Oliver sa paglalakad. Namaywang ito, mariin ang pagkakakapit ng mga palad sa baywang. Nawiwirduhan na talaga siya sa ikinikilos nito.             Nang makalapit sila kay Oliver, nagsalita si Wayne, “Oliver—”             Hindi natapos ni Wayne ang nais sabihin. Siya naman ay napatili. Paano ay tila kidlat na umigkas ang kamao ni Oliver at tumama iyon sa mukha ni Wayne. Sa lakas ng impact ay sadsad ang huli sa lupa. “Oliver! Ano ba ang problema mo?” galit na sita niya rito habang dinadaluhan si Wayne. “Okay ka lang?”             “Huwag kang magalit sa akin, Michelle. Kundi sa lalaking iyan!” angil ni Oliver.             Matalim na tingin ang ipinukol niya rito. “Ikaw itong basta-basta na lamang nanununtok.” Nakatayo na si Wayne. Masama na rin ang tingin nito kay Oliver habang pinapahid ang dugong pumuslit sa nahiwang labi.             Si Oliver ay hinawakan siya sa braso at hinila patungo sa tabi nito. Dinuro nito Wayne gamit ang libreng palad. “That bastard is making a fool out of you, Michelle!”             “One on one, de Castro?” hamon ni Wayne kay Oliver.  “Huwag mong idamay si Michelle sa isyu mo sa akin.”             Naiinis na iwinasiwas niya ang kamay ni Oliver na nakakapit sa braso niya. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawang lalaki. “Gusto ninyong magsabong? Fine. Paalisin n’yo muna ako,” naiinis na wika niya bago sinamsam ang laylayan ng gown niya at umastang aalis na. Gusto na niyang makalayo mula sa dalawa. But definitely, she’s not finish yet with Oliver. Kukomprontahin niya ito. Hindi niya palalampasin ang ginawa nito.             “Nakipagpustahan si Alcantara na mapapapayag ka niyang maging date niya ngayon!” anang dumadagundong na boses ni Oliver na nagpatigil sa tangka niyang pag-alis.             Dahan-dahan siyang lumingon, nagpapanting ang kanyang tainga. “Ano uli?” Oh, but she heard him, loud and clear. Binato niya ng nagtatanong na tingin si Wayne. Hell, parang bigla itong namutla.             “Masyadong matatabil ang dila ng mga kaibigan mo, Alcantara. Narinig ko silang pinag-uusapan ang tungkol sa pustahan ninyo. Ipinangangalandakan mo daw na sisiw lang iyon sa ‘yo kahit pa nga ba may animosity sa pagitan nating dalawa. So, ano’ng premyo ang makukuha mo, ha?”             “Hindi iyan totoo!” agad na depensa ni Wayne. “Don’t believe him, Michelle.”             Binitiwan ni Michelle ang laylayan ng gown niya. Humakbang siya papalapit kay Wayne bago buong lakas na sinampal ito. Tiningnan din niya ng masama si Oliver bago tinalikuran ang mga ito.             “Michelle!” paghabol sa kanya ni Oliver.             “Sira na ang gabi ko, Oliver. Huwag mo ng mas sirain pa. I don’t deserve this,” mariin niyang sabi bago tuluyang umalis. Ni hindi siya makaiyak sa sobrang inis na nasa dibdib niya. Hell, hindi niya iiyakan ang bagay na iyon. Sa kasamaang palad, naniniwala siya kay Oliver. Kilala na kasi niya ito. Oliver de Castro can be a lot of things but he’s not a lier. So pinagpustahan lang pala siya. Mapait na napailing siya. Is this even real? Sino ba siya para bigyan ng ganoong importansiya? O, baka hindi naman talaga siya ang target ni Wayne sa pustahang iyon kundi ang rival nito na si Oliver.               HINDI na bumalik pa sa pagtitipon si Michelle. Gusto niyang mapag-isa pero wala naman siyang mapuntahan na lugar sa eskuwelahan na magbibigay sa kanya ng peace of mind. Ngayon ay nakaupo siya sa isang malawak na hagdan, nag-iisip, nalulungkot. Sinulyapan ni Michelle ang sapatos na ngayon ay wala na sa mga paa niya. It was now on the steps, katabi niya. Hinubad niya iyon kaninang pagkaupo niya dahil ramdam niyang nananakit na ang mga paa niya. Sa kalalakad marahil. “Kung gusto mo ng umuwi, tayo ng umuwi, Michelle,” anang tinig ni Oliver, malumanay iyon. May bahid ng pag-aalala. Michelle sighed. Parang spy ang lalaking ito dahil kanina pa ito sunod-sunod sa kanya. Akala siguro nito ay hindi niya ito napapansin. S’yempre nag-aalala sa ‘yo ‘yong tao, Michelle, anang isipan niya. “I’ll do the explaining. Or, huwag na lang nating sabihin sa kanila ang nangyari,” dagdag pa nito kahit hindi naman niya ito pinapansin. Hanggang sa maupo na rin ito sa hagdan. “Talk to me. Mas gusto mo bang hindi ko na lang sinabi sa ‘yo ang natuklasan ko? Di ba sabi nga nila, ‘hindi ka masasaktan ng isang bagay na hindi mo alam.’ Pero mas maganda namang malaman ang katotohanan kahit masakit pa iyon, ‘di ba?” Tinapunan lang ni Michelle ng tingin ang binata. “Sorry,” anito maya-maya. Muli siyang napabaling rito. “Para saan?” aniya. Kung magaang sitwasyon lamang iyon ay siguradong hindi niya iyon palalampasin at bubuskahin niya si Oliver na marunong pala itong mag-sorry. “Sa pagsira sa gabi mo, I guess.” Pagak siyang ngumiti. “I’m surprise, ipinagtanggol mo ako sa halip na gamitin ang natuklasan mo laban sa akin. You know, puwede mo akong asar-asarin tungkol roon. Like, ‘Hoy, Michelle, isinama ka lang naman ni Alcantara sa Prom dahil sa pustahan.’” “I’m not that bad,” bulong nito, may bahid ng pagrereklamo. “Alam ko,” sang-ayon niya. “So, I guess, kailangan kong magpasalamat?” “No need. More or less, ginawa iyon ni Wayne dahil sa akin. Anyway, nasorpresa din ako na pinaniwalaan mo ako.” Nagkibit lang siya ng balikat. Hindi niya masabi na alam niyang hindi ugali ni Oliver na humabi ng kuwento. Na kahit mas madalas silang nag-aangilan ay hindi naman nito hinahangad ang kapahamakan niya. And she can’t believe they were actually talking like this now? Hindi sila nagbabangayan, hindi nag-aangilan. Nag-uusap sila na para bang magkaibigan talaga sila. Maya-maya ay tumayo si Oliver. Lumapit ito sa kanya, naupo sa tabi niya. He gently smiled at her. Ngiting nagpabilis yata ng t***k ng puso niya. “The night is young. Hindi kailangang magmukmok, Michelle. Sumama ka sa akin. May alam akong lugar na siguradong mae-enjoy mo.” Kinuha nito ang sapatos niya bago bumaba ng dalawang steps sa hagdan. Hanggang sa bumuka na lang ang bibig niya sa gulat sa sunod nitong ginawa. Bahagya itong lumuhod, maingat na kinuha ang paa niya at akmang isusuot roon ang sapatos. Pero natigilan ito at sinuri ang paa niya. “Namumula ang paa mo.” He checked it further. “Mukhang magpapaltos.” Parang noon lang na-realize ni Michelle ang bagay na iyon. Baka kaya nga nananakit na ang mga paa niya. “Nanibago siguro ang mga paa ko sa mamahaling sapatos,” she said jokingly. Pero hindi natawa si Oliver. “Hindi ka naman kasi sanay sa sapatos na matataas ang takong, sana nag-flat shoes ka na lang, or flat sandals tulad ng lagi mong suot,” nanenermong wika ni Oliver na ikinataas ng kilay niya. Napansin pala nito ang bagay na iyon. “Sumakay ka na lang sa likod ko,” anito bago tumalikod sa kanya. “Ano?” “Mamili ka, kakargahin kita, o sasakay ka sa likod ko? Don’t worry, nasa event hall ang mga tao, walang makakapansin sa ‘yo at malapit na rin naman ito sa parking lot.” Hindi makapaniwalang napatitig siya rito, well sa likod nito. “No, thanks. Kaya ko pa namang maglakad, with or without shoes.” “Michelle,” babala nito. Iyong klase ng babala na wala ka ng ibang magagawa kundi sumunod sa nais nitong mangyari. “Fine,” nakangusong wika niya. Napalunok muna siya bago dahan-dahang sunakay sa likod nito. Oliver keep her in place. Ito na rin ang may bitbit ng sapatos niya. “s**t. Ang bigat mo,” buska ni Oliver sa kanya nang magsimula na itong maglakad. “Ginusto mo ‘yan eh, magdusa ka,” ganti naman niya. And then she realized she was all smile. Magaan ang pakiramdam niya. Hindi. Hindi lang magaan kundi masaya din siya. It was not totally a sad night afterall. Imagine, prinotektahan siya ni Oliver. Hindi siya nito iniwan. Sa puntong ito, para bang may natapos na kabanata ng buhay nila at may panibagong kabanata na magbubukas. Isang pagkakaibigan, malamang?  “Bakit nga pala may rivalry sa pagitan ninyo ni Wayne? I mean, kung okay lang itanong ang bagay na iyon. Hindi ko kasi talaga alam ang dahilan—Obviously. Kaya nga ako nagtatanong ‘di ba?” Narinig niyang tumawa si Oliver. “First year high school, nire-recruit niya ako para maging bahagi ng brotherhood nila. Tumanggi ako. Pagkatapos, napasama ako sa ibang fraternity. Ayon, pinersonal na niya. And you know me, hindi ako nagpapa-intimidate. So there…” “Ganoon lang? Ang babaw naman pala.” “Pride ang tawag doon.” Mamay-maya ay umungol si Oliver, tila ba nagdadabog. “Michelle ang bigat mo talaga. Kunsabagay, malakas ka nga palang kumain.” Ikinuyom ni Michelle ang isang kamao at ipinukpok iyon sa ulo ni Oliver. Hindi naman ganoon kalakas. “Para kang nagtatrbaho sa construction site kung kumain at—Aw! Binatukan mo ako?” Tawa ng tawa si Michelle. “I can’t believe binatukan mo ako. Amasona!” Michelle laughs aloud. Hindi niya mapigilan ang sarili na malaya at buong siglang tumawa. “OA ka. Hindi naman malakas eh. Hindi mo ba alam na pangit sa lalaki ang magkomento tungkol sa timbang ng isang babae? Kunsabagay, hindi ka naman talaga gentleman,” ganti niya. “Ah, ganoon? Gusto mong bitiwan kita?” “Sige nga,” natatawang hamon niya bago hinigpitan ang pangungunyapit rito. Ang mga brasong nakasampay sa mga balikat nito ay ipinalibot niya ng mahigpit sa may leeg nito. “Are you trying to kill me? Nasasakal ako,” exaggerated na reklamo nito. To Michelle’s shock, she felt his teeth on her arm. “Huwag na huwag mong susubukang kagatin ako!” she shrieked laughing. “Malilintikan ka sa akin.” Maging si Oliver ay tawa rin ng tawa. Pero marahil ay nasa mood ito para makipagbiruan, bahagya nitong idiniin ang ngipin sa balat niya. “Ollie!” she shouted. Nawala ang pagtawa ni Oliver. Kaya naman bahagya niyang iniabante ang mukha niya sa may balikat nito. Nakita niya ang side view ng mukha nito. He was smiling. “Well, that’s a first time… Ang tawagin ako sa aking palayaw. And I like it. Like the sound of it. Say it again please.” Nakangiting sumunod siya. “Ollie.” “Again.” “Ollie.” “Again.” “Ollie, Ollie, Ollie, Ol—lie!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD