“HINDI ako pamilyar sa karamihan ng mga bulaklak,” komento ni Michelle sa mga bulaklak ng Heaven’s Garden. The flowers were magnificent, breathtaking. Iyong kahit hindi ka mahilig sa mga bulaklak ay ma-a-appreciate mo pa rin ang kariktang iyon.
Pinisil ni Oliver ang palad niyang hawak nito. “Ako man.”
“How did you find this place? This paradise? Tayo lang ang narito, so I guess, inarkila mo ang buong Heaven’s Garden? Gosh. Ayokong malula sa presyo nito pero kahit mahal dito sulit na sulit na sulit naman. And…” Pinaningkitan niya ng mga mata ang boyfriend. “And don’t tell me kung pang-ilan na ako sa mga babaeng dinala mo dito.”
Oliver laughs. Hinapit siya nito. “Ikaw pa lang ang nakasama ko dito, Michelle. Don’t worry. And you’re right, this place is… priceless.”
“I know. It’s like, it’s out of this world.” Nagpatuloy sila sa paglalakad. Sa unahan, sa banda roon, napansin niya ang isang kulay puting open chalet na ang mga haligi at bubong ay inakyat na ng mga namumulaklak na vines. “Wow. Isang open chalet sa gitna ng mga bulaklak? Ang lakas maka-fairy tale niyan ah,” komento niya.
“Wanna check that out?”
“Siyempre!” masiglang tugon ni Michelle.
“Race?” hamon sa kanya ni Ollie.
“Sure!” tugon niya sabay mabilis na tumakbo.
“Ang daya!” buska naman ni Oliver na agad ding nakasunod sa kanya. Dahil likas namang runner ang binata ay naabutan siya nito. Hanggang sa mapatili na lang siya ng hawakan nito ang braso niya para patigilin siya. At sa isang kisap-mata ay binuhat siya ng binata. “I love you,”anito. Gusto niyang maluha sa emosyong sumusungaw sa mga mata nito.
Itinaas niya ang isang palad at dinama ang kanang pisngi ng binata. “I love you, Ollie,” malumanay at buong pusong usal niya. “I love you so much.” Karga pa rin siya ng binata nang makapasok na sila sa open chalet. “Ibaba mo na ako,” utos niya.
Oliver chuckled. Ibinaba nga siya nito. Pero kababalanse pa lang niya sa sarili ng hapitin siya muli ng binata. Ipinalibot nito ang isang braso sa baiwang niya habang ang isang palad ay inapuhap ang isa niyang palad at bahagyang itinaas. It was as if they are about to dance. Nakangiting tinaasan niya ng kilay, sa aktong nagtatanong, ang binata. Oliver grinned and started to move. Umayon siya at sumunod sa paggalaw nito. They dance slow and nice. Sa musikang sila lamang ang nakakarinig. Magkaulayaw ang mga mata nila habang marahang umiindak. And then Michelle leaned closer. “Michelle…?”
“Hmm?”
“I never really hate you then, you know,” he said gently. Patuloy pa rin sila sa marahang pag-indak. “And then, as time goes by, I started noticing you… as a woman. And I don’t know what to do.”
Gumuhit ang maluwang na ngiti sa labi ng dalaga. Inihimlay niya ang kanyang ulo sa dibdib ng binata at ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi niya maiwasang hindi balikan ang alaala...
“INENG,” tawag sa kanya ni Tiya Marcela. Nasa greenhouse siya noon at nagdidilig ng mga orchids ni Ma’am Olivia. Sabado niyon at walang pasok. “May bisita ka.”
“Ho?” gulat niyang tugon. Kumunot ang kanyang noo. Sino naman ang maaari niyang maging bisita.
“Kaeskuwela mo daw. Ninyo ni Oliver. Wayne ang pangalan. Andoon sa may swing at kausap ni Ma'am Olivia.” Muntikan ng mapanganga si Michelle. Si Wayne bisita niya? Like, seriously, bakit ito pupunta sa teritoryo ni Oliver? “Ipinatawag ka ni Ma’am Olivia.”
“Eh ano daw ho ang sadya?”
Hindi nakaligtas sa kanya ang pagbahid ng manipis na ngiti sa labi nito. “Akina na iyang pang-spray at lumarga ka na roon ng malaman mo.” Hindi na siya nakatanggi ng kunin nito sa kanya ang pangdilig.
Nag-aalangan na tinungo ni Michelle ang kinaroroonan ng swing sa may garden area. And there she saw Wayne. Kausap ito ni Ma’am Olivia. And, oh boy, lumundag yata ang puso niyang may crush dito dahil sa kaguwapuhan nito. Bigla ay gusto niyang ma-conscious sa hitsura niya. Isang kulay puting t-shirt at khaki shorts ang suot niya. Her hair was tied in a pony tail. Tanging pulbos lamang ang umaadorno sa kanyang mukha. Napakasimple ng ayos niya pero presentable naman.
Namataan siya ni Ma’am Olivia. “Michelle,” anito. Lumapit siya. “May sasabihin daw sa ‘yo si Wayne. Hala, sige. Maiwan ko na kayo, ha?”
“Thank you po, Ma’am,” ani ni Wayne. Sinagot iyon ng matanda ng pagtango at pagngiti.
“A-anong… Anong ginagawa mo dito?” aniya. Napansin niyang nakatayo pa ang lalaki, habang siya ay nasa labas pa ng swing. “Maupo ka pala.”
“Thanks.”
Pumasok din siya at naupo sa kaibayo nito. “So…? Anong sasabihin mo daw?”
Natawa si Wayne. “Parang gusto mo na akong paalisin agad,” he teased her.
Nakaramdam naman siya ng pamumula ng pisngi. “S-sorry. Hindi lang ako sanay na pinupuntahan dito.”
“Okay lang,” maiksing tugon nito.
“Uhm. H-hindi ka naman magsasabi na manliligaw ka, ano? At nagawa mo pang umapak sa teritoryo ni Oliver. You know what I mean?”
Natawa si Wayne. Tinitigan siya nito. “You’re really something, Michelle. Gustong-gusto ko ang pagiging parangka mo. At pagiging totoo sa sarili. I mean, you never pretended to be someone you’re not. You’re proud of who you are.”
Michelle blushed. Hindi naman kasi talaga maipagkakaila ang paghanga at sinsiridad sa mga mata ni Wayne. “Sa mundo ninyong mayayaman, nakakapanibago ba talaga na makatagpo ng tulad ko?”
“Sinabi mo pa,” pagsang-ayon nito. “Anyway, tungkol sa panliligaw, we’ll get there. Soon. Sa ngayon ang gusto ko talagang sabihin—actually itanong, ay kung puwede ka bang maging date ko sa Seniors’ Prom? I mean kung wala pang ibang nagyayaya sa ‘yo.”
“Ako?” gulat na tanong niya. “Gusto mo akong makapartner sa Prom?”
“Yes,” amuse na tugon nito. “I’d like you to be my date.”
Hindi niya maapuhap ang tinig. Napalunok na lang siya. Hanggang sa gilid ng mga mata niya ay mapansin niya ang bulto ng katawan na nakatayo sa porch. It’s Oliver. Na mukhang biyernes santo na naman ang mukha. Dahil nakatalikod doon si Wayne ay hindi nito iyon napansin. “Actually, hiningi ko na rin ang permission ni Tita Olivia at ng Tiya mo, sabi nila ay ikaw daw ang bahalang magdesisyon. I mean no pressure, Michelle. You can always say ‘no’ and I won’t take it against you.”
Why me? gusto sana niyang itanong. Pero para ano pa? “Ano kasi…ang totoo ay wala naman akong balak dumalo sa Prom.” Alinman sa dalawa; manghihinayang siya sa ibibili ng tiya niya ng gown, o mahihiya siya kay Ma’am Olivia dahil ipipilit nito na ito ang gagastos. Bukod pa sa hindi naman talaga niya trip ang ganoong sosyalan o kahit na anong party. Mas gugustuhin pa niyang mag-review na lang ng mga aralin. Balak kasi niyang maging self supporting student pagtuntong niya sa kolehiyo. Mag-a-apply siya ng scholarship pagkatapos ay maghahanap siya ng trabaho na papasok sa oras niya. Sa palagay naman niya ay kaya niya.
“Well…” usal ni Wayne, tila hindi malaman kung paano magkokomento. “It’s okay,” he said with a gentle smile. “Baka hindi na rin lang ako um-attend.” Sa puntong iyon ay nakadama ng konsensiya si Michelle.
“Kinokonsensiya mo naman ako,” natatawang sabi niya. Tawang muntikan ng mabitin nang masulyapan niya uli si Oliver. “Maraming babae ang nagnanais na makasayaw ka sa prom. Baka kalbuhin nila ako kapag nalaman nilang ako ang dahilan kaya hindi ka dumalo.”
Wayne chuckled. “Does it mean may pag-asa pa na magbago ang isip mo?” puno ng pag-asam na tanong nito.
She rolled her eyes. “Okay. Ganito na lang. Pag-iisipan ko muna. Tapos sasabihan kita sa Lunes ng pasya ko.”
Lumiwanag ang mukha nito. “Cool. Thank you very much.”
NANG mawala sa paningin ni Michelle ang umalis na kotse ni Wayne, binitbit na niya patungo sa kusina ang tray na kinalalagyan ng juice at cake na idinulot niya rito. Michelle sighed. Ngayong inaalok siya ni Wayne na makapareha nito, aaminin niya na gumigitaw sa kanyang isipan ang Prom night. Excitement ba iyong nararamdaman niya? Marahil. Naiimagine na kasi niya ang sarili na nakasuot ng isang simple ngunit eleganteng gown. She would put light make up and—
“What is he doing here?”
“Ayy!” bulalas niya sa sobrang pagkagulat sa tila kulog na boses na iyon sa kanyang likuran. Kasabay niyon ay ang pagbagsak ng nabitiwang tray sa sahig. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang basag ang pitsel at baso. “Nakita mo na ang ginawa mo?” gigil na sita niya kay Oliver sabay upo at sinamsam ang mga nagkalat na piraso ng bubog.
“Ano ba ang ginawa ko? Ikaw ang nakabasag, hindi ako,” anito bago naupo rin at tinulungan siyang mamulot ng mga kalat.
“Nanggulat ka!”gigil niyang usal. Hanggang sa mapamura na lang siya nang maramdaman ang pagkahiwa ng isang daliri niya. Agad tumulo ang dugo mula roon.
“You’re bleeding,” ani ni Oliver bago hinablot ang kamay niya. Tumayo ito at halos puwersahan siyang hinala patungo sa lababo. “Hindi kasi nag-iingat,” nagngingitngit na usal nito habang binubuksan ang gripo at itinatapat roon ang palad niya.
Napatitig tuloy siya rito. Saglit siyang nawala sa sarili. Paano, kahit nakaangil sa kanya ang binatilyo ay hindi naman maipagkakaila ang pag-aalala roon. “Kasalanan mo ‘to!” singhal niya rito habang binabawi ang palad pero matigas ang binatilyo at nananatiling hinuhugasan iyon.
“Oo na,” angil nito, nakakunot ang noo. Hindi pa rin binibitiwan ang palad niya.
Napataas naman ang kilay niya. Inaako nito na kasalanan nga nito? Aba, himala! Siyang pagpasok ni Ma’am Olivia sa kusina. “What happened here?” Mula sa nakakalat sa sahig, lumipat ang paningin nito sa palad niyang nakatapat sa gripo habang hawak ni Oliver.
“Kasalanan ko daw, mom,” anito, sa wakas ay binitiwan na ang palad niya. Bagaman kunot pa rin ang noo. “Nagkabisita lang, nataranta na,” pabulong na usal nito bago nagwalk-out.
Hindi nakaligtas kay Michelle ang bahagyang pagtaas ang sulok ng labi ni Ma’am Olivia. As if she was amused. “Halika, Michelle, gamutin natin ang sugat mo.”
LUNES. Alas sais na ng gabi at katatapos pa lamang ng group study kung saan isa siya sa nagpa-facilitate.
“See you next week, guys,” aniya habang sinasamsam ang mga gamit niya. “Mauna na ako sa inyo.”
“Okay. ‘Til next week, Michelle.”
Dali-dali nang lumabas ng silid-aralan si Michelle. Magko-commute siya ngayon dahil siguradong nakauwi na si Oliv— natigilan siya nang mapansin ang binatilyo na nakaupo sa isang bench sa atrium. Mahirap na hindi ito mapansin dahil ang bench na kinauupuan nito ang unang bubugad sa kanya pag-apak niya ng atrium. Speaking of the devil. Bakit narito pa siya? Nakasandal ang likod nito sa isang poste. Ang mga paa ay nakataas pa sa bench. Nakapikit ito. Hindi sigurado si Michelle kung nakatulog na ba ito dahil may headset itong suot. Mukhang nakikinig ito ng musika sa cell phone nito.
Dahan-dahan niya itong nilapitan. Subalit umawang ang labi niya nang makita niya ang gasgas at bahagyang namumula na gilid ng labi nito. Hindi siya ipinanganak kahapon para hindi maunawaan kung saan galing iyon. Bunga iyon ng isang suntok.
Umupo siya sa dulo ng bench. “Oliver,” pagkuha niya sa atensiyon nito sabay tapik sa tuhod nito. Agad naman itong nagmulat ng mga mata at ipinukol sa kanya ang paningin. Ibinaba nito ang mga paa sa sahig at inalis ang headset. “Bakit may sugat ka?”hindi niya napigilang itanong. Aaminin niya, nakakadama siya ng pag-aalala. Oo, mayabang si Oliver pero ngayon lang ito nakipagpisikalan. Siguradong mag-aalala rin ang mommy nito.
He snorted. “Pakialam mo?”
Oo nga naman. Ano nga ba ang pakialam niya kung trip nitong makipag-away? Umingos siya. “Forget I asked. Bakit narito ka pa? Sinabi ko naman kanina na huwag mo na akong hintayin dahil gagabihin ako ah.”
“Sinabi ko bang hinihintay kita?” pabalang na tugon nito.
Ang sarap kutusan ng lalaking ito. Talo pa ako sa pagka-moody. “O, e, nag-aano ka pa dito?”
Hindi ito sumagot. Sa halip ay tumayo na ito at naglakad patungo sa parking lot. Sumunod siya rito. Nang marating ang kinaroroonan ng sasakyan, ini-unlock iyon ni Oliver. Binuksan at lumulan ito. Sumakay na rin si Michelle. Ilang sandali pa at binabaybay na nila ang high way. Tahimik silang bumiyahe. Napailing na lang si Michelle nang mapuna niya ang namumulang kamao nito. Walang duda na nakipagsuntukan nga ito.
“Did you say ‘yes’?” maya-maya ay wika ni Oliver. Hindi agad nakuha ni Michelle ang tanong nito kaya sa loob ng ilang sandali ay nakakunot ang kanyang noo sa pag-iisip. Did I say ‘yes’ saan? An idea struck her. Ang pagiging Prom date ba ni Wayne ang itinatanong nito? “Whatever,” wika uli nito bago pa siya makasagot. Iningusan na lang ito ni Michelle.
“GUSTO kong kumain sa labas. Samahan mo ako,” ani ni Oliver nang muli itong magsalita. At hindi iyon isang imbitasyon kundi isang utos dahil hayon at ipinaparada na nito ang sasakyan sa parking lot ng isang high way restaurant.
Huwag mo ng kontrahin, Michelle. Mukhang masama talaga ang mood niya, paalala niya sa sarili. Nang bumaba si Oliver ay bumaba na rin siya. He’s so conceited. Ni hindi manlang umaagapay sa kanya. Malalaki at tuloy-tuloy ang hakbang nito na animo wala itong kasama. Not very gentlemanly. Kunsabagay, kailan ba naman ito naging gentleman sa kanya?
“How’s your finger?” anito nang makaupo sila sa isang pandalawahang mesa.
Napasulyap siya sa daliri niyang nababalutan ng band aid. “Malayo sa bituka,” tugon niya. Agad umasiste ang isang waiter at kinuha ang order nila. Sinabi ni Oliver ang order nito matapos pasadahan ng basa ang menu. Sa kanya naman bumaling ang waiter. “Kape lang sa akin. Thanks.”
“Kung hindi siya oorder ng matinong pagkain, ibigay mo sa kanya ang lahat ng narito sa menu,” aroganteng utos ni Oliver sa waiter. Itinuro pa nito ang menu. Then he gave her a pointed look and then looks away.
“Oliver!” protesta niya. “Pakialam mo ba kung gusto ko lang magkape?”
Hindi siya sinagot ni Oliver. Sa halip ay ang waiter ang binalingan nito. “You hear me.”
“Fine!” nagdadabog na kinuha ni Michelle ang menu at pumili ng pagkain roon. Sinabi niya ang napiling pagkain sa waitress na agad ding nakaalis matapos ang transaksiyon. “Ano ba ang problema mo?” nakairap na tanong niya kay Oliver.
Wala lang. Tiningnan lang siya ng loko.
Tulad ng instruksiyon niya sa waiter, a bucket of ice was instantly served. Kinuha niya ang panyo niya. Pagkatapos ay kumuha siya ng ilang cubes ng yelo at ibinalot iyon sa panyo. Pagkuwa’y iniabot niya iyon sa binatilyo. “Idampi mo sa gilid ng labi mo.” Tiningnan lang ni Oliver ang iniaabot niya. Gustong-gusto na ni Michelle na itirik ang kanyang mga sa binata. Naku, malapit na talaga niya itong mabatukan. “Huwag kang mag-alala, Senyorito, malinis ang panyong ito,” nakairap niyang tugon.
Kinuha na rin ni Oliver mula sa kanya ang do-it-yourself ice pack. Idinampi nga nito iyon sa gilid ng bibig nito. “Thanks,” halos hindi nagkatunog ang inusal ng labi nito.
Umangat ang kilay ni Michelle. Nakarinigan lang ba niya si Oliver? Nagpasalamat ba talaga ito sa kanya?
“Yes, I said ‘Thanks’,” anito na tila nabasa ang iniisip niya. He smirked at her. “Sa ekspresyon ng mukha mo, hindi mahirap hulaan kung ano ang iniisip mo.”
Natawa siya. “Well, iyan ang unang beses nagpasalamat ka sa akin.” Ipinatong niya ang mga braso sa mesa at inasar pa ang binatilyo. “It doesn’t hurt to say ‘thanks’, right? Iyong i-appreciate mo ang mga maliliit na bagay na ginagawa ng mga nakapaligid sa ‘yo.” Nginisihan niya ito. “You’re welcome.”
Oliver stared at her arrogantly. Pagkatapos ay sinabi nitong, “May muta ka, Michelle. Kadiri ka.”
“Ha?” agad niyang idinampi ang hintuturo para sana linisin ang gilid ng mga mata kung saan naiipon ang muta. Nang tumawa si Oliver tsaka niya napagtanto na niloloko lang siya nito. Aba at—Pero hindi na na-entertain ni Michelle ang inis, sa halip ay mas napagtuunan niya ng pansin ang tumatawang hitsura nito. Bakit para yatang napakaguwapo nito? I mean, I know he’s handsome but… but… Hindi matagpuan ni Michelle ang tamang salita para isalarawan ang napapansin niya kay Oliver.