Chapter 2

2405 Words
“SA PUNTONG iyon, alam ko na hindi magiging tinik ka sa lalamunan ko,” tumatawang sabi ni Michelle. All though nalaman niya na kaya allergic ang batang si Oliver sa mga nagso-solicit ay dahil ilang beses na umano itong nawalan ng laruan. Hindi naman sa nambibintang lang ito dahil minsan ay si Ma’am Olivia pa daw ang nakakita ng pasimpleng ilagay ang isang laruang kotse sa bag ng nagso-solicit. “At tama ako. Wala kang ibang ginawa kundi ang kunsumihin ako. Lagi mo akong pinagkakatuwaan!” Naging mainit nga siya sa paningin ng batang de Castro. Hindi siya required na magtrabaho sa mansiyon dahil ang gusto ni Ma’am Olivia ay ibuhos niya ang kanyang buong atensiyon sa pag-aaral. Pero dahil alam niyang ito ang gumagastos sa pag-aaral niya, nahiya naman siyang hindi tumulong-tulong sa mga gawaing bahay. And there, sa tuwing may makikitang pagkakataon si Oliver ay pinagkakatuwaan siya nito, inuutusan ng kung ano-ano lamang. Lagi na ay nang-aasar, o kaya ay masama ang tingin nito sa kanya. Ang lahat ng iyon ay pinalalampas na lamang ni Michelle. Well, noong una. Nang dumaan pa ang ilang taon ay natuto na siyang lumaban.             Napakamot ng ulo si Oliver.  He grinned sheepishly at her. “But you’ve learned to fight back, huh? Sinasabi mong ampon lang ako ni mommy. And I hate that line. Lagi mo akong napipikon kapag binebelatan mo ako sabay sabing, ‘Ayusin mo nga ang ugali mo. Nakakahiya sa umampon sa ‘yo. Baka pagsisihan ni Ma’am Olivia na inampon ka niya. Hala ka.’ At ako namang paranoid ay ilang beses na tinanong si mommy kung ampon nga lang ba ako.”             Bumungisngis siya. “Papaanong hindi ko sasabihin iyon? North Pole at South Pole kaya ang layo ng mga ugali ninyong mag-ina. You’re a typical spoiled brat rich kid. Feel na feel mo na mas mataas ang antas ng buhay mo kesa sa amin. Kanino ka kaya nagmana? Ang kuwento naman ni Tiyang at ng iba n’yo pang tauhan ay mabait din naman daw ang yumaong ama mo.” Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa binata. Nginisihan niya ito. “Pero alam mo kung bakit hindi ako nangiming labanan ka? Kung bakit malakas ang loob ko na kontrahin ka?” “Dahil matapang ka naman talaga at—wait…” kumunot ang noo ni Oliver. “May kinalaman si mommy?” Tatawa-tawang tumango siya. “Kinausap niya ako, sabi niya huwag daw akong magpapaapi sa ‘yo. Kung alam ko daw na tama ako eh lumaban ako. Huwag daw akong magpa-intimidate sa ‘yo. She won’t mind daw if I fight back. So there. Tutal siya lang naman ang isinasaalang-alang ko kaya pinagpapasensiyahan kita…” Pumalatak si Oliver. He raised his hands in exaggeration. “I can’t believe my mother did that to me.” “Hindi lang kunsitidor sa mga kalokohan mo ang mommy mo,” depensa niya. Napakabait ni Ma’am Olivia. Pakiramdam nga niya ay biglang naging dalawa ang nanay niya, si Tiya Marcela at ito. “My mother adored you the first time she laid her eyes on you,” umaalalang wika ni Oliver. “Magaan agad ang loob niya sa ‘yo. Well, hindi naman lingid sa akin na gusto talaga niyang magkaanak ng babae. Unfortunately, hindi na siya nagbuntis. Hindi na ako nasundan. Until dad died.” “Kaya asar na asar ka naman sa akin. Feeling mo inaaagaw ko sa ‘yo ang mommy mo.” “Well, yeah, nagseselos ako sa atensiyong ibinibigay niya sa ‘yo.” “Sa kasamaang palad, lalo yatang lumala ang ugali mo habang nagiging teenager tayo…”             MAGSISIMULA pa lang ang araw ni Michelle pero mukhang masisira na kaagad iyon. Nakita na kasi agad niya ang nakangising mukha ni Oliver habang nakatayo ito pasandal sa kotse nito. Kung hindi nang-aasar ay nakangisi ito sa kanya. Five years had passed. Nasa ikalawang taon na siya sa high school. Maayos na sana ang buhay niya kung wala lang sa landas niya ang kontra-bidang si Oliver de Castro. Sa malas, noong tumuntong siya sa high school ay hindi pumayag si Ma’am Olivia na hindi siya doon mag-aral sa St. Paul Academy—ang eskuwelahan kung saan din nag-aaral si Oliver. Inirapan muna niya ito bago siya dali-daling sumakay sa backseat ng sasakyan. Bumukas na rin ang pintuan ng driver’s seat at lumulan si Oliver. Pero sa halip na paandarin na ang sasakyan ay nilingon siya nito. “Balak mo akong pagmukhaing driver mo? Hindi bagay, Senyorita,” nakataas ang sulok ng labi sa pang-uyam na wika nito. Naguluhan si Michelle. Ibig bang sabihin ay ito ang magmamaneho? Nasaan si Mang Ben na siyang naghahatid at sumusundo sa kanila? “Si Mang Ben? Hindi ba siya makakapasok ngayon?” “Ako na ang magda-drive nitong kotse simula ngayon,” supladong sabi nito. Ni hindi sinagot ang tanong niya tungkol sa driver. “This is mine after all.” “Pero bakit?” “Because I want to. Hindi na ako bata para ihatid-sundo pa. Para ano pa at marunong akong magmaneho at kumuha ako ng student’s license kung hindi ko iyon gagamitin? Pwede ba? Lumipat ka na nga dito sa harap,” aroganteng utos nito. Bumaba siya. Pero hindi para lumipat sa harap. Sa halip ay kipkip ang mga libro na nilakad niya ang pathway na maghahatid sa kanya sa gate. Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng sasakyan. “What are you doing?” anang malakas na tinig ni Oliver. Hindi niya ito pinansin at tuloy-tuloy siyang naglakad palabas. The next thing she knew hawak na ni Oliver ang siko niya at sa isang mabilis na kilos ay nasa harap na niya ito. Inalis nito ang pagkakahawak sa siko niya bago namaywang sa harap niya. Tila hiningal pa nga ito sa mabilis na paghabol sa kanya. “Hindi puwede ang iniisip mo, Michelle,” naiiritang wika nito. Nagtaas siya ng noo. “Bakit hindi? Magko-commute na lang ako kesa makasama ang high-and-mightly na tulad mo. Lumarga ka na. Ako na ang bahala sa sarili ko.” “Kung puwede nga lang ba, eh,” agad na sagot nito. “Kaya lang, papayagan lang daw ako ni mommy sa gusto kong mangyari kung isasabay pa rin kita sa pagpasok at pag-uwi.” Tumaas ang isang kilay ni Michelle. “Sabihin mong ayaw kong sumabay sa ‘yo,” kibit-balikat niyang tugon. “Michelle,” may warning na wika nito. She snorted. Pagkuwa’y may naisip siyang kapilyahan. “Gusto mong sumabay ako sa ‘yo?” “Hello. I don’t have a choice,” anito na tila gusto na siyang kutusan. Oh, well, sa limang taon niya sa mansiyon ng mga de Castro ay hindi pa naman siya sinasaktan ng pisikal ni Oliver. He’s just a bully. Ngumisi siya. “Say ‘please’.” “What?” halos umusok ang ilong nito sa sinabi niya. Nagtaas siya ng noo. “Gusto mong sumabay ako sa ‘yo, ‘di ba? Say ‘please.’” Tinitigan siya nito ng matalim. “Ayaw mo? Fine.” Akmang lalampasan na niya ito nang magsalita ito. “Please.” Bumalik si Michelle sa harap ni Oliver at bumunghalit ng tawa. “Sana ay nakikita mo ang hitsura mo sa salamin. Mukha kang constipated,” pang-aasar niya bago iniwan ito at tinungo ang sasakyan. Ang passenger’s seat na ang inukopa niya. Halos hindi maipinta ang mukha ni Oliver nang lumulan ito at magmaneho.              Kinuha niya ang isang libro niya at binuklat buklat iyon. Hanggat maaari ay iiwasan niyang makipag-usap rito ng sa gayon ay tumahimik naman ang mundo niya. Pero ito yata ang walang balak na tigilan siya sa pang-aasar. Nagpatugtog ito ng hard metal rock na halos bumingi sa kanya. Babalewain nalang sana niya iyon dahil alam naman niyang nang-iinis lang ito ay hindi niya magawa. Kahit kailan kasi ay hindi niya nagustuhan ang mga tugtuging napaka-iingay. Hindi nga niya maintindihan kung bakit tinatawag pa iyong music gayong puro sigawan at ingay lang naman ang naririnig niya.             Hindi makatiis na hininaan niya ang volume niyon, kung bakit naman kasi tila sinasadya pa nitong gawing usad pagong ang takbo ng sasakyan nito. Ah, mamamatay talaga siya sa kunsumisyon sa lalaking ito.              “This. Is. My. Car,” anito. May diin ang bawat bigkas ng salita. Pagkatapos ay muling itinodo ang lakas ng tugtugin. And then he gave her a don’t-forget-who-you-are look.             Nakadama ng pagkahiya si Michelle. Oo nga naman. Pag-aari nito ang sasakyan at gagawin nito ang gusto nitong gawin doon. Isinara niya ang nakabukas na libro bago itinuon ang paningin sa kalsada. Pamangkin lang siya ng cook ng mga ito na kinagigiliwan ng mommy nito. Hindi niya dapat kalimutan kung ano at sino siya. Ah, pagbubutihin niya ang pag-aaral niya. Makakagraduate siya at makakahanap ng isang trabaho. Trabahong magbibigay sa kanila ng tiya niya ng marangyang buhay. O kahit hindi marangya, kahit maalwan lamang. Basta ba hindi na kailangang magtrabaho ng tiya niya para mabuhay siya. Someday mababayaran din niya ang utang na loob sa mga de Castro pagkatapos sisiguruhin niya na hindi na uli magsasalubong ang landas nila ni Oliver. Patutunayan niya ang sarili dito. She’ll make it.   NAGNGINGITNGIT na muling sinulyapan ni Michelle ang kanyang wristwatch. Pasado alas singko na pero wala pa si Oliver. Halos dalawang oras na siyang naghihintay rito. Naroon siya, nakaupo sa isang bench kung saan kita niya ang kinapaparadahan ng kotse nito. At wala pa ito. More or less, nahihinuha ni Michelle na sinasadya ni Oliver na paghintayin siya roon. O baka naman sadyang abala pa ito sa pakikipaghuntahan sa mga kaibigan at walang pakialam kung ano na ang nangyayari sa kanya.             Umuwi ka na kaya, Michelle, aniya sa sarili, asar na asar na. Kaya lang kapag umuwi siyang mag-isa baka pagalitan ni Ma’am Olivia ang anak at ibalik nito ang driver nila. Kapag nagkataon ay lalo siyang pag-iinitan ni Oliver.             “Hi, Michelle,” anang tinig ni Wayne galing sa kanan niya.             Nilinga ni Michelle ang pinangalingan ng tinig. Tiningala ito. “Hi,” tugon niya na may matipid na ngiti. Wayne Alcantara—ito ang leader ng grupong rival ng grupo ni Oliver. Wayne is rich and handsome, too. Kapantay ito ni Oliver sa lahat ng bagay. Oh, well, Wayne is kinder. Masasabi niyang mas hambog si Oliver.             Naupo si Wayne sa kaibayong bench. Ipinatong nito ang katamtamang laki ng bag na nahihinuha niyang ang laman ay sports wear. Basa pa ang buhok nito at mabango ang amoy. Galing siguro ito sa basketball court, nagpractice. And then he took a quick shower afterwards. “Bakit nag-iisa ka dito? Malapit ng kumalat ang dilim, ah.” If truth be told, she likes Wayne. She had a crush on him. Siguro ay dahil alam nitong ilugar ang pagiging formidable nito. Girls were going gaga over him. Sino nga ba naman ang hindi magkakagusto sa tipo nito?             “I…uhm… wala pa kasi si Oliver.”             “Ohh.” Tumango-tango ito. Hindi naman lingid sa eskuwelahan kung ano ang ‘meron’ sa kanila ni Oliver. Mahirap na hindi iyon malaman, lalo na ng mga babaeng interesado kay Oliver. Sinulyapan ni Wayne ang diver’s watch na suot. “Ihatid na kita. Hindi safe sa tulad mo na mag-isa kahit na narito ka pa sa vicinity ng school.”             Tipid siyang napangiti. “Salamat sa offer pero—”             “Michelle!” anang tinig ni Oliver. Nakita niya itong papalapit sa kanila ni Wayne. “I see. Someone keeps you entertained, huh?” bagaman para sa kanya ang sinabi, kay Wayne naman ito nakatingin. “Nakaistorbo ba ako?”             Wayne didn’t back out. Sinalubong nito ang tingin ni Oliver. With equal intimidation and threats. “Careful, de Castro. You’re standing on a treacherous ground.”             Tumayo na si Michelle at sinamsam ang mga libro niya. “Mauuna na kami, Wayne. Salamat uli,” aniya.             Tumango si Wayne. “See you around, Michelle.”   SA HALIP na awayin at tanungin si Oliver kung bakit ngayon lang ito, pinili na lang ni Michelle na manahimik. Sigurado naman siya na sinadya iyon nito para asarin siya. Puwes, hindi nito makukuha ang reaksiyong gusto itong makuha sa kanya.             “Hindi ikatutuwa ni mommy na malamang nakikipagharutan ka sa lalaki, Michelle. At ang Alcantara na iyon pa!” anito.             Siya nakikipagharutan? Ang sarap hambalusin ng lalaking ito. Binalingan niya si Oliver. “Gusto mo samahan kita sa pagsasabi kay Ma’am Olivia?” bagaman malumanay ang kanyang tinig ay nakataas naman ang isang kilay niya. Gusto niyang mapabunghalit ng tawa nang makita niyang hindi na maipinta ang mukha ni Oliver. He looks so annoyed. Alam naman kasi nito na magmumukha lang itong tanga dahil mas kakampihan pa siya ng matanda.             “Ano’ng pinag-usapan ninyo ni Alcantara?”             “None of your business,” aniya sabay kibit ng balikat.             “I’m asking you nicely, Michelle,” asar nitong sabi.             “Talaga?” gagad niya. “Asan doon ang pagiging nice?”             “Michelle,” banta nito.             She sighed. “Bakit ba gusto mong malaman kung ano ang pinag-usapan namin ni Wayne? Masyado ka yatang intresado?”             “Whatever,” bulong nito bago nanahimik na. Ang katahimikang dumaan ay binasag ng pagri-ring ng cell phone nito. Nagmenor ito sa pagmamaneho bago sinagot iyon. “Mom,” anito. Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang tinapunan siya nito ng sulyap habang nakikinig ito sa sinasabi ng ina. “Nagpractice pa ang team, Mom. Si Michelle naman ay may ginawa din sa library. We’re on our way home na.”             Gustong umangat ng kilay ni Michelle sa narinig. Marahil ay nagtatanong si Ma’am Olivia kung bakit wala pa sila. “No… Yes, yes… See you in a bit. ‘Love you.” Ibinaba na nito ang telepono. Binalingan siya. “Narinig mo naman siguro ‘yong sinabi ko, may ginawa ka sa library kaya ngayon lang tayo.”             Ngumisi siya. “Hindi ako sinungaling. At kung hindi ako nagkakamali ay sina Wayne ang gumamit ng basketball court. So…”             Matalim ang tinging ipinukol sa kanya ni Oliver.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD