Chapter 1

1916 Words
BUMUKA ang mga labi ni Michelle sa tanawing bumulaga sa kanyang paningin. Baka nga nanlalaki pa ang kanyang mga mata sa paghanga. “Wow!” bulalas niya. Sa bugso ng damdamin ay binalingan niya ang lalaking nakatayo sa likuran niya, si Oliver de Castro—ang kanyang boyfriend, at niyakap ito.             Oliver chuckled. Ipinalibot nito ang mga braso sa katawan niya. Ang dalawang palad ay bahagyang humaplos sa kanyang likod. “Ang ganda, ano.”             Tiningala niya ang binata. “This is… this is paradise, Ollie!” she exclaimed.             “This is paradise,” mahinang sang-ayon ng binata, tumatango-tango.             Tumawa siya. “I know, I know…” Isang matunog at mabilis na halik ang iginawad niya sa binata. Pagkuwa’y kumalas siya sa yakap nito at muling itinuon ang atensiyon sa kapaligiran. This is paradise, really. Napakalawak ng garden na iyon. Hanggang sa naaabot ng paningin niya ay may mga bulaklak siyang nakikita. May mga malalaki at mayayabong na puno na siyang nagbibigay ng lilim sa mga turistang gaya nila. Bagaman sa oras na iyon ay sila lamang ang tao roon. Napakaraming paru-paro at mga ibong humuhuni. Nakamamangha na tila hindi mailap ang mga paru-paro at mga ibon. The place was so magical, so serene.             Ginagap ni Oliver ang palad niya, pinagsalikop ang mga daliri nila. And as if on cue, they started walking. Patuloy niyang binubusog ang kanyang paningin sa tanawing akala niya ay sa imahinasyon lamang nag-e-exist.             “Naaalala mo pa ba ang unang pagkakataon na nagkita tayo?” tanong ng binata.             Sumulyap siya rito, na nakatitig pala sa kanya. Pabirong pinaningkitan niya ito ng mga mata. “How can I forget? Paano ko ba malilimutan ang unang pagkakataon na nagtagpo ang mga landas natin? You’re a jerk back then. A little devil,” akusa niya. Napakamot ng ulo si Oliver. And she couldn’t help but walk down memory lane. Tandang-tanda pa niya kung saan nagsimula ang lahat…             Fifteen years ago             Pinahid ng sampung taong gulang na si Michelle ang luhang namaybay sa kanyang pisngi. Ulila na siya. Namatay ang nanay niya sa pagsisilang sa kanya. Habang ang tatay naman niya ay kahahatid lamang nila sa huling hantungan nito noong isang araw. Nagluluksa siya sa pagkawala ng isang kapamilya. Pero batid niyang higit sa ano mang dahilan, ang patuloy niyang iniiyakan ay ang katotohanang kailanman ay hindi siya minahal ng kanyang ama. Hindi niya naramdaman ang kalinga at pagmamahal nito minsan man. May hinala siya kung bakit. Marahil siya ang sinisisi nito sa maagang pagkawala ng asawa.             “Naririto na tayo, hija…”             Ang malamyos na tinig ng kanyang Tiya Marcela ang pumutol sa pagmumuni-muni ni Michelle. Napakalayo rin ng nilakabay ng isipan niya, ni hindi man lang niya namalayan na nakahinto na pala ang taksing sinasakyan nilang magtiya. Si Tiya Marcela na ang pamilya niya. Kapatid ito ng tatay niya, nag-iisang kamag-anak na alam niya. Kung hindi dumating ang tiyahin niya ay hindi na niya alam kung saan pa siya pupulutin.             Siniguro ni Michelle na tuyo na sa luha ang mga pisngi niya. Kapagkuwa’y nahihiyang bumaba na siya sa taxi. Gusto niyang manliit ng ang mga paa niyang nasasapinan ng isang lumang sipit na tsenelas ay halos bumaon sa makapal na Bermuda grass na nagsisilbing carpet sa napakalawak na bakuran na kinaroroonan niya. Nagtaas siya ng ulo at bumulaga sa paningin niya ang mansiyon na animo nagyayabang sa pagkakatayo at naghuhumiyaw sa karangyaan. Iyon na marahil ang mansiyon ng pamilya de Castro kung saan nagsisilbi ang kanyang tiyahin bilang cook.             “I-iyan… Iyan po ang mansiyon ng mga de Castro, Tiyang?” Inusal niya ang tanong bago sinulyapan ang tiyahin. Tumango ito sa kanya.             “Wala ng iba, Ineng.”               Napalunok si Michelle sa paghanga at pagkamangha. “Ang laki. Ang gara!” Pagkatapos ay napalitan ng panliliit ang nararamdaman niya. Animo isa siyang basura na ipinadpad ng hangin at dinala sa bakuran ng mga de Castro.             “Tayo na, Ineng.” Bitbit ng tiyahin ang katamtamang laki ng bag na kinalalagyan ng mga gamit niya, alanganing sumunod siya rito. Ang mga mata niya ay hindi niya mapigilan na hindi igala sa kapaligiran. Hanggang sa magtaka siya kung bakit sa front door sila pumasok gayong ang alam niya ang front door ay para lamang sa may-ari ng bahay at sa mga bisita ng mga ito. Ang alam pa niya, ang mga tagasilbi ay dapat na pumasok at lumabas sa tinatawag na backdoor o iyong pinto na nasa may dirty kitchen. Iyon ang madalas niyang napapanood sa telebisyon. Gayunpaman ay hindi na siya nagkomento. Ang sabi naman ng tiya niya ay sobrang mababait ang mga de Castro. At hindi umano ito tulad ng ibang mayayaman na mapangmata ng kapwa. Marahil nga ay totoo ang sinasabi ng tiya niya dahil pumayag ang mga ito na pumisan siya sa tiyahin niya. Alam naman niya na hindi talaga sa malaking bahay siya titira kundi sa maid’s quarter kasama ng tiya niya.             Wow! Halos manlaki ang mga mata ni Michelle sa karangyaang namalas ng makapasok sa loob ng bahay. Bawat sulok, bawat kasangkapan ay naghuhumiyaw ng karangyaan. Ngayon lamang nakapasok sa ganito kalaking bahay si Michelle at parang nalulunod siya sa karangyaang iyon. “Simula ngayon ay magiging bahagi na rin ng buhay mo ang mga de Castro,” anito bago itinuro ang isang sofa. “Maupo ka muna. Ibinilin ni Ma’am Olivia na makilala ka niya pagkadating na pagkadating natin.”             Kiming tumango siya bagamat nagdadalawang isip siya kung susundin ang sinabi nitong maupo siya sa sofa. Natatakot kasi siya na mailipat niya roon ang mga dumi at alikabok na nakakapit sa kasuutan niya.             “Ipalagay mo ang loob mo, Ineng. Sabi ko naman sa iyo mababait ang mga de Castro,” wika pa nito ng marahil ay mapansing namumutla na siya sa nerbiyos. “O, siya, dadalhin ko muna sa quarter itong mga gamit mo. Babalikan agad kita, hane?”             “S-sige po.” Pero pakibilisan po, Tiyang. Balikan n’yo po agad ako dito, gusto sana niyang idagdag pero hindi na niya mausal ang mga salitang iyon hanggang sa makaalis na ang tiyahin niya.             Kiming iginala ni Michelle ang paningin sa loob ng bahay ng makaalis ang tiya niya. Wala yatang lugar ang mga alikabok sa bawat sulok ng bahay na iyon. Lahat ay nangingintab sa kalinisan. Karamihan sa mga kasangkapan ay makabago. Subalit kapansin pansin din naman ang mga antigong kasangkapan na tila nagbilang na ng daang taon sa katandaan. Alam niyang hindi matatawaran ang halaga ng mga iyon habang lumilipas ang panahon.             Walls were done in soft mellow colors, offset by rich woods and impressionist paintings. Sa likod ng dalawang malaking pintuan ay may estante ng mga libro. Floor to ceiling iyon. Ang sahig ay nalalatagan ng carpet habang sa kisame ay may nakabitin na tila kristal na chandelier. At may hagdan na…ano ba ang tawag doon? Grand staircase? Oo, iyon nga yata ang tawag sa magarang hagdan na iyon. Halos umawang ang mga labi nya sa paghanga, napakaganda ng bahay na kinatatayuan niya ng mga sandaling iyon. Kagandahang sa mga makukulay at makintab na magazine lamang niya nakikita.             “Here, take this. And leave ASAP.”             Muntikang mapatalon sa gulat si Michelle sa tinig na iyon. Ang boses na iyon sa likuran niya ay biglang nagbigay sa kanya ng hindi matatawarang kaba. Parang masisira ang rib cage niya sa malakas na pagdagundong ng kanyang dibdib. Kung sinuman ito, hindi niya maitatangging nasaksihan nito kung paanong halos lumuwa ang mga mata niya sa karangyaraang namalas.             Pigil ang hiningang nilingon niya ito. Tumambad sa mga mata niya ang isang batang sa tingin niya ay kaedad lamang niya. Ang isang palad nito ay may hawak na ilang hundred peso bills na iniaabot sa kanya. Ang mga mata ay mariing nakatitig sa kanya.             Tila naeestatwang hindi niya maunawaan kung para saan ang perang iyon. Gusto kasi niyang magyuko ng ulo ngunit ayaw namang sumunod ng katawan niya. Hindi niya maunawaan kung bakit hindi niya maialis sa mukha nito ang mga mata niya. Oo, gwapo ito. Pero mukhang masungit. Mukhang tarantado. Ito ba ang nag-iisang anak ng mga de Castro? Sa porma at bihis palang malamang nga ay ito nga ang anak—             “Nagsu-solicit ka hindi ba? Here,” anito at muling iniabot sa kanya ang pera. “Kunin mo na tapos umalis ka na.”             Nakagat ni Michelle ang kanyang labi nang maunawaan na niya kung para saan ang perang iyon. Ora mismo ay gusto niyang bumuka ang lupa at buong buo siyang lamunin niyon. Halos maramdaman na niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya sa pagkapahiya. Ganoon ba talaga siya kabasurang tingnan para isipin nito na namamalimos siya? Pinaganda lang ang salitang solicit pero para sa kanya ay pareho lang ang kahulugan niyon.             “What? Kulang pa ba?” muling wika nito, nakataas na ang isang sulok ng kilay nito habang ang boses ay kababakasan ng pagkairita. “How much do you want ba?”             Gusto niyang magsalita, ngunit walang lumalabas na tinig sa bibig niya na halos kumikibot kibot lamang. Hindi na tuloy niya napigilan ang sarili at tuluyan na siyang napaiyak sa awa sa sarili.             “H-hey—”             “Oliver!” Ang humahangos na ginang ang nakita niyang papalapit na sa kinatatayuan ng batang lalaki. “What are you doing?” Binalingan siya nito ng paningin. “Ikaw ba si Michelle?”             Kiming tumango siya bago nagyuko ng ulo at pinunasan ang luhang tumakas sa kanyang mga mata. Kung bakit naman kasi napakababaw ng mga luha niya.             “Ollie, she’s not what you think she is, okay? Siya si Michelle, siya ang pamangkin ni Marcela. I think you owe her an apology. At hindi matatapos sa apology ang nangyari. We will talk later.”             Hindi niya naiwasang mataas ng mukha ng marinig niya ang sinabi ng ginang. Kitang-kita niya ang pamumula ng mukha ng lalaki.             “M-ma’am hindi na po kailang—” pagtutol sana niya ngunit nautal siya nang makita niyang masama ang tingin sa kanya ng lalaki.              “Sorry,” anito pagkatapos ay tikom na ang mga labing tiningnan siya ng mariin mula ulo hanggang paa. Nang ibinalik nito ang tingin sa mga mata niya, nabasa niya ang mensaheng nakapaloob roon. Sa sandaling iyon alam niyang hindi na magiging madali ang buhay niya sa mansiyon. Mukhang nakahanap siya ng kaaway sa katauhan ng batang de Castro. Pagkatapos ay walang salita na tumalikod ito at umalis.             “Ollie,” pagtawag ng ginang pero hindi bumalik ang bata hanggang sa tuluyang pumasok ito sa isang pinto. “Pasensiya ka na, ha.”             “N-naku, w-wala po iyon ma’am.” Mabait ang babae, iyon ang sigurado niya. Sa batang de Castro naman… ewan niya pero tila hindi magiging madali ang buhay niya rito dahil roon. “Siya nga pala si Oliver. Medyo pilyo lang talaga ‘yon pero mabait na bata. Sana’y magkasundo kayo. Ako naman si Olivia.” Dumating ang Tiya Marcela niya at agad nakalapit sa kanila. “Nakilala n’yo na po pala si Michelle, Ma’am Olivia.” “Oo.” Binigyan siya nito ng malumanay na ngiti. “O, siya, dalhin mo na muna si Michelle sa quarters n’yo at nang makapagpahinga. Let her rest first. Teka, kumain na ba kayo? Kumain muna kayo, ha. Mamaya na lang natin pag-usapan ang iba pang bagay tulad ng pag-aaral niya.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD