Prologue

465 Words
PROLOGUE Nakakadama ng nerbiyos si Oliver. He can’t help it. Ang mga palad niyang nasa manibela ay bahagya pa ngang nanlalamig. He had a big, big plan to execute later and he was so nervous about it. Sinulyapan niya ang babaeng nakaupo sa passenger’s seat. Natutulog pa rin ito. Binagalan niya ang takbo ng sasakyan hanggang sa tuluyang ihinto iyon sa tabi ng kalsada. Oliver took his time and stared at her. Ang babae ay si Michelle, Maria Michelle Fortun. He loves how sweetly that name rolled in his tongue. Michelle…Masarap iyong bigkasin. Malambing sa pandinig. And Michelle is his girlfriend. She’s the love of his life. Oliver took a deep breath. Hindi mapayapa ang dibdib niya. Kinakabahan talaga siya, ninenerbiyos. Paano ay ilang oras pa mula ngayon ay hindi na niya ito girlfriend. Oh, no, hindi siya makikipag-break sa dalaga. Sa halip ay magpo-propose siya! That was a big leap he was so excited to take. Magiging fiancé na niya ito at sa loob ng ilang buwan ay magiging asawa. Well, iyon ay kung tatanggapin ni Michelle ang proposal niya. Oh, he was confident she will. Mahal siya ng dalaga. Pareho sila ng nararamdaman. Walang dahilan para tumanggi si Michelle. He will propose to her later. In a place that was so magical, so perfect. Sigurado siya na magugustuhan ni Michelle ang lugar na pagdadalhan niya rito dahil mahilig ito sa Nature. Ah, walang ideya ang dalaga na magpo-propose na siya mamaya. Pagkatapos niyon ay paplanuhin na nila ang future nila. Kung saan sila titira, kung ilang anak ang bubuuin nila. Napangiti siya sa isiping iyon. Ah! Hindi na siya makapaghintay na maikasal sila. Na maging kanya ito sa mata ng tao at sa mata ng diyos. He will love her faithfully, forever and always. He will provide for her. He will always be there for her. Sa tuwina ay uusalin at ipadadama niya ang pagmamahal niya. Si Michelle ang babaeng ititibok ng puso niya hanggang sa pagputi ng buhok niya, hanggang sa huling t***k ng puso niya, hanggang sa paghugot ng kanyang huling hininga… Tinanggal niya ang suot na seatbelt at umabante siya sa upuan ng natutulog na si Michelle. Nangingiti at maingat na pinalis niya ang mga hibla ng buhok sa mukha ng dalaga. He stared at her. He stared at her so lovingly. “Michelle, love…” halos walang tinig na usal niya. Ayaw niya itong magising pero hindi naman niya mapigilan ang sarili na magsalita. “I will propose to you later and you would say ‘yes’, right? Matagal na akong naghihintay sa oras na ito kaya don’t break my heart later, eh? Magiging asawa na kita, Michelle. Malapit na, malapit na malapit na.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD