CHAPTER 8

294 Words
Nang magmulat ng mga mata si Raffa ay nakabihis na s'ya at may kumot na nakatakip sa baywang pababa n'ya. Kumurap-kurap s'ya upang sandalimg isipin ang mga huling tagpong naaalala n'ya bago sila nakauwi sa unit n'ya at ganoon na lang ang pagsakit ng ulo niya nang maalala n'ya ang huling tagpong iyon sa sofa na mismong kinahihigaan n'ya ngayon. Kaagad siyang bumangon doon upang mapahiga lamang muli dahil sa sakit at kirot na kaagad na dumaloy paakyat sa katawan n'ya mula sa p********e n'ya at doon lang n'ya tila naramdaman muli ang tila pamamasa niyon na tila ba ay may buwanang dalaw s'ya. Ngayon nga ay malinaw na sa kan'ya na ibinigay n'ya lang ng ganoon kabilis ang pagkabirhen n'ya sa lalaking estranghero na bigla na lamang sumulpot sa buhay n'ya. Kaagad siyang napatakip ng palad sa ngayon nga ay namumula niyang mukha dulot ng kahihiyan sa sarili. Hindi s'ya ganoong uri ng babae alam n'ya. Hindi s'ya easy to get. Pero talaga nga bang ganoon s'ya? Tila isang himig na may pagdududa maging sa sarili n'ya ang tila kumakastigo sa sulok ng utak n'ya ang hindi n'ya mapigilan na nagsusumigaw sa isipan n'ya ngayon. Sandali niyang inilibot ang mga mata sa paligid upang masiguromg wala ito sa tabi-tabi at nang makasiguro s'ya ay kaagad niyang dinampot ang shoulder bag n'ya sa lamesa at nahihirapan mang lumakad, ay mabilis niyang tinungo ang pintuan upang lumabas na sa lugar na iyon-na tila biglang naging estranghero sa paningin n'ya. Ang sarili n'yang lugar kung saan s'ya nakatira na napasok na kasabay ng buhay at puso n'ya nang ganoon lang kadali, ng lalaking puno ng misteryo sa isip at puso n'ya- na walang iba kung hindi si Suade, ang bodyguard n'yang guwapo na puno na kaarogantehan!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD