bc

Ang dalawang mukha ng pag-ibig (R-18 matured scene)

book_age18+
519
FOLLOW
1.6K
READ
badboy
dare to love and hate
bxg
kicking
city
childhood crush
first love
addiction
office lady
victim
like
intro-logo
Blurb

Nagulo ang mundo ni Raffa dahil sa stalker na kung saan saan s'ya sinusundan at kung ano ano ang ipinapadala sa kaniya.

Hindi n'ya malaman kung paano s'ya nahahanap nito gayong napaka private ng buhay ny'a.

Until she met Suade Ocampo, her bodyguard that eventually turned her lover..The most handsome guy she ever met.

Ito ang naging protector n'ya sa tuwing makakaranas s'ya ng matinding trauma , sa tuwing makakatanggap s'ya ng prank call at mga misteryosong regalo mula sa misteryoso n'yang stalker.

Madaling nahulog ang loob n'ya rito dahil sa mga ipinapakita nitong pag aalaga sa kan'ya kaya naman Isang bagay ang naisip n'ya para tumigil na ang nakakatakot at obsess n'yang stalker mula pa noong highschool s'ya..Magbago kaya ang pagtingin n'ya rito 'pag natuklasan n'ya ang maitim nitong lihim na nagdulot sa pagkatao niya ng matinding trauma at naging dahilan ng takot n'ya mabuhay mag-isa?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Nanginginig ang buong katawan ni Rafaela Sarsuela o mas kilala sa tawag na Raffa. Hawak n'ya ang maliit na kahon na nakabalot sa isang pulang wrapper to my loves from secret admirer. Pang apat na regalo na ito na inilagay sa harap mismo ng condo unit n'ya. Ilang beses n'ya ng ipina-review ang CCTV na nasa tapat ng hallway ng front door n'ya.Inis na inis s'ya kung bakit napakatuso at talino ang kung sino mang nakapag- pupuslit dito sa building ng condo n'ya. Nasa ika- 28th floor ang unit n'ya at imposible naman na maka-exit ito nang ganoon kabilis.Agad-agad na ini-review ng mga security personnel's ang CCTV sa labas at mismong sa front door ng building subalit wala silang nakitang kakaiba o kahinahinala na tao na maaaring stalker n'ya. Nanginginig ang mga tuhod n'ya dahil sa kaisipan na waring nasa tabi- tabi lang ang maaaring stalker n'ya.Pero ang sabi naman ng mga security personnels na nakausap n'ya ay wala namang guests sa building at pawang mga occupants ang mga naroroon. Posible kayang isa itong makapangyarihang tao at kayang paikutin ang lahat sa palad n'ya? o kya sino nga 'ba ito talaga? Isang tango na lang ang itinugon n'ya sa mga sinasabi sa kanya ng mga security guards na sinamahan pa s'ya mismo sa harap ng unit n'ya. "Huwag na lang po kayong basta magbubukas ng pinto n'yo ma'am silipin n'yo muna sa peephole or kung may ine- expect po kayong bisita ay itatawag muna namin sa inyo. Iniim-bestigahan na po ng buong team ng building ang pangyayari kaya wag na po kayo mag alala," pag -aassure nito at hinintay pa nito na tuluyan n'yang maisara ang pinto bago umalis. Kagyat n'yang ini lock ang metal bar ng pinto n'ya. So far safe naman s'ya sa unit n'ya.Napatingin s'ya sa katapat na building mula sa malaking glass window n'ya sa sala. Mabilis n'ya itong isinara at nagsumiksik sa gilid na takot na takot. Hindi ny'a na binuksan ang regalo ngunit sabi ng mga guards na pinagbigyan n'ya ay isa lamang iyong sing-sing at hindi ito basta bastang sing-sing. May nakapagsabi sa kan'ya l na isa itong fancy ring dahil sa anyo nito at taglay na may kalakihang bato.Diamond ring daw ito. Kung hindi ito galing sa Isang stalker at ibinigay sa maayos na paraan maaari kaya n'ya itong tanggapin? she shook her head off in disgust.She can afford it anyway at baka magkaroon lang ng lakas ng loob ang kung sino man na nangugulo sa kanya na lumapit 'pag ipinakita n'yang nasilaw s'ya sa mga ibinibigay nito. Dahil sa labis na takot ay nagkasya na lamang s'ya sa cup noodles at Coke bilang hapunan. Wala na din s'yang ganang kumain sa labas dahil alam n'yang sa mga oras na ito ay nakamasid lamang mula sa kung saan ang stalker n'ya. She's just an ordinary office girl at wala naman espesyal sa kan'ya para magkaroon s'ya ng stalker. Yeah,stalker at hindi admirer. Dahil highschool pa lamang s'ya nang mag umpisa itong magpadala-dala sa room nila ng chocolates, flowers at minsan ay mga cards. Naisip n'yang Isang simpleng tagahanga lamang ito dahil sikat s'ya sa school nila dahil na rin siguro sa pagiging matalino n'ya at isa s'ya sa mga Supreme students counsil's ng school nila kaya ipinagkibit lamang n'ya iyon ng balikat. Subalit nang nakarating na s'ya ng college at hanggang sa makagraduate na ng college sa magkakaibang lugar ay patuloy pa rin ang mga pagpapadala sa kanya ng kung ano ano. Gusto n'yang maawa rito dahil sa di-birong nagastos na nito sa kanya at ginagastos pa. Ni minsan naman sa loob ng sampung taon na pagiging stalker nito ay walang nagtangkang lumapit sa kanya o nagpakilala man lang. Kaya Isang kaisipan ang naisip n'ya rito. Pangit siguro ito. Sukat sa naisip ay pumakla ang mukha n'ya at tila nakainom ng suka. Bukod sa pandidiri na nararamdaman n'ya rito ay takot. Ilang taon na din ang blotter n'ya pero binabalewala lamang ang reklamo n'ya dahil sa kakulangan ng ebidensya . Tuloy ay pinag-iisipan na rin n'ya na tanggapin ang inaalok na bodyguard ng Daddy n'ya. Mula raw ito sa kilalang security agency at kilala nito ang may ari niyon kaya naman safe s'ya sa mga kamay nito. Natatakot lang talaga s'ya dahil mag isa lamang s'ya sa condo n'ya. MWF ay dito naman nakikitulog si Marisol ang bestfriend n'ya at katrabaho sa kompanyang pinapasuka Ayon na din sa kahilingan n'ya rito kaya lubos ang pasasalamat n'ya rito. "Whattt?"halos mabingi s'ya sa tili ng kaibigan sa kabilang linya kaya inilayo n'ya ang cellphone sa tainga. "What?are you nuts?! Bakit mo ibinigay?It's all yours. 'Di mo ba naisip gaano kalaki ang halaga non? Ako nga engaged kay Noli pero silver lang nakayanan ibigay sa'kin non. Sana ibinigay mo na lang sa'kin at saka isipin mo nalang bayad n'ya na iyon sa'yo kung sino man sy'a. Ilang taon ka na kaya n'ya ginagambala girl!" mahabang sentimyento nito tuloy ay nagsisi lang s'ya na naikwento pa n'ya rito ang nangyari. "Yeah, 'pag tinanggap ko yon ano sa palagay mo girl ang kapalit? Ako? Eeww! 'dibale na lang Marisol, ikaw talaga mukha kang pera," Palatak n'ya rito wala sa isip ay inilapat ang mga daliri na tila tinitignan kung bagay ang sing-sing gayong ibinalik n'ya na ito at ibinigay sa mga guards kaya todo asikaso sa kanya ang mga ito. Malamang sa laki ng halaga nyo'n. Nagtataka nga ang mga ito dahil ibinigay n'ya lang iyon. Takot ang nararamdaman n'ya sa taong nagbigay n'yon. He must be an obsess psychopath at nakakatakot iyon. Ten years is long f*****g years to be just a stalker. He must introduced to her long ago, maybe makikilala n'ya pa ito kaysa ang tinatakot s'ya nito . "Maris, Can you come over?please?"nasa tinig n'ya ang pagsusumamo. Nilambingan pa n'ya ang tono. Tahimik lamang ito sa kabilang linya.Tila nagtatampo pa rin sa kanya. "Okay, okay. I'll give you a ring okay? but please tantanan mo na ang panghihinayang don okay?matulog ka muna dito natatakot ako mag isa," bahagyang humina ang boses n'ya pagksabi niyon ,na tila takot na baka may makarinig gayong sound proof ang walls ng unit n'ya. Ewan but lately ay nagiging agresibo ang mga galaw ng stalker n'ya. Minsan nga ay ayaw ny'a nang pumasok sa trabaho kundi lang kailangan talaga s'ya doon. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan n'ya kasabay ng pamamasa ng mga mata n'ya.kailan magiging normal ang buhay n'ya? "Please," Pumiyok ang boses n'ya at gumaralgal kaya naman napilitan na itong tumugon sa kanya bagamat nagtatampo pa rin ito. Ewan ba n'ya pero nasanay na ata ito na sa kan'ya ibinibigay ang mga galing sa stalker n'ya. Mula highschool sila ang mga flowers at chocolates na nanghihinayang ito 'pag itatapon n'ya ay dito n'ya ibinibigay. But not this time. Nakakatakot ang maaaring kapalit 'pag sakaling tanggapin n'ya iyon. Napapailing s'ya. Napaka talos ng utak kung sino man ito. Makikilala rin kita. Naputol ang pagmumuni muni n'ya nang sa wakas ay sumagot din ito sa wakas. "Okay,wait for me I'll be there in an hour," bagamat napilitan ito alam naman n'ya na gustong gusto rin nito tumambay sa unit n'ya dahil mag-isa lang naman din ito sa apartment nito pag hindi umuuwi ang "boyfriend"nitong may asawa na. O mas tamang sabihing kabit nito. Ewan ba n'ya rito hindi naman sa kinukunsinti n'ya ito sa maling ginagawa nito ,pero ayaw ny'a lang pakialaman ito. Dahil alam naman n'yang may sarili itong isip at alam n'yang balang araw matatauhan din ito o mas tamang sabihing makakarma rin ito. Siguro pag nangyari iyon baka sakali pa at magbago ito. "Okay manood muna ako take care and thanks," "Assuss! Sige na maglock ka ha?" "Oo na.Sige na," Pinindot n'ya na ang end button at inilapag ang cellphone sa katabing lamesa. Nakaupo s'ya sa sala at ewan ba n'ya, ayaw niyang pumasok sa kuwarto at gusto lamang n'ya na abot tanaw ang pintuan. Sobrang phobia na talaga ang inaabot n'ya sa kung sino mang baliw na stalker n'ya. Kung advance lang s'ya mag-isip ay baka isipin n'ya na isa itong secret agent o detective. Akalain mo ba naman na nahanap s'ya nito kahit makailang ulit na s'ya nagpalipat-lipat ng tirahan . Eto na siguro ang pinaka safe na tinirahan n'ya dahil sa mahigpit na security nito pero 'di pa rin nakaligtas sa bagsik ng stalker n'ya. Isang tunog ang pumukaw sa pag-iisip n'ya tungkol sa taong possible ay nasa likod ng matagal ng pagsunod-sunod sa kan'ya. Agad niyang dinampot ito sa pag-aakalang si Marisol na ito subalit unregistered number. Kumunot ang noo n'ya at nagdalawang isip na sagutin iyon. Paano kung ito na naman iyon? Bandang huli ay nanaig sa kan'ya ang lakas ng loob na matapos na ang pagpapahirap sa loob n'ya kung ito man ang baliw na stalker n'ya malalaman nito na galit na galit na s'ya at pagod na pagod na dito! "Hello, please kung sino ka man tapusin na natin ito at lumabas ka na kung sino ka -" "Excuse me? Is this Rafaela?"buo ang tinig nito at sa boses nito tila may nahalata s'ya o naalala sa paraan nang pagtawag nito sa pangalan ny'a. Here she go again. Nagiging paranoid na naman s'ya sa mga tao sa paligid n'ya kung kaya't hindi pa man ay itinanggi na ny'a ang kung ano mang iisipin pa sana n'ya. "A-Ako nga..bakit sino I-Ito-?"paano ba s'ya magiging matapang? Kung sa cellphone pa lang nag I -stammer na s'ya. "Yeah, I'm Suade. I'm from Geely Security agency," professional ang pananalita nito at tila pri-naktis na o sanay na palagi ang pagbanggit nito sa bagay na iyon. Well, nag o-overthink na talaga s'ya. Ito na marahil ang sinasabi ng Dad n'ya. Anyway hinayaan pa rin n'ya itong magpaliwanag. "Okay, then?"mataray niyang duktong sa sasabihin pa sana nito. She is trying to use her natural intimidating voice para umpisa pa lang ay mag back-out na ito dahil pinaka ayaw ny'a ay ang may susunod sunod sa kanya. Mas gusto n'ya na paminsan-minsan ay nakiki-sleep over si Marisol sa place n'ya kaysa may kasamang estranghero sa bahay n'ya. Yes,may phobia s'ya sa mga lalake at lalo na 'pag mag-i stay pa ito sa tabi n'ya. A big No. "Well in that case Miss alam kong alam mo na ano ang sadya ko sa pagtawag sa'yo. I'm just here to say na bukas na bukas din ay lilipat na po ako sa place n'yo, so be ready," iyon lang at pinatay na nito ang tawag. She can't believe her ears! How come he'd talked to her that way! At ang last words nito. May laman ang mga salita nito. Napapailing iling s'ya.Nagpa panic attack na siguro s'ya dahil sa mga magkakasunod na masasamang bagay na nangyayari sa kanya nitong mga nakaraang araw. Walang nagawa kundi titigan ang phone ny'a.Nais man n'ya na tawagan ang parents n'ya specifically ang Daddy n'ya na alam n'yang may plano nang lahat ay ipinagkibit na lamang n'ya iyon ng balikat . Maybe she really need a bodyguard. Sinulyapan n'ya ang wristwatch at nakita na past 7 pm na. lokong babaeng 'yon ah, sabi half an hour? iiling- iling na umidlip muna siya sa sofa at hinayaang bukas ang T.V. That way ay makakalma n'ya ang sarili na may maingay sa paligid at makakampante siya'ng makatulog kahit saglit. Ilang araw na s'yang puyat dahil tinadtad s'ya ng prank call ng stalker n'ya. Nang maisip n'ya ang boses nito na tila inipit o dumaan sa kung ano mang aparato ay nanghilakbot s'ya sa takot. Isipin pa lamang ang itsura nito ay malamang nakakatakot ito sa kapangitan at may pagkamanyak rin ito. Dahil may mga gabi na tinatawag s'ya nito na tila may ginagawa itong kung ano man at sinasabi ang salitang I'm coming. 'Di naman s'ya inosente para 'di malaman ang ginagawa nito. Sukat sa naiisip na itsura nito na naka- hoodlum mask at malamang ay pinapaligaya nito ang sarili nito. Well hindi niya masabi pero nandidiri na s'ya. Hindi n'ya namalayan na nakatulog na pala s'ya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook