CHAPTER 2

1201 Words
Sunod-sunod na pag doorbell ang pumukaw sa natutulog na si Raffa. Napasimangot s'ya nang makita na alas diyes na ng gabi. Napahaba na pala ang tulog ko! Dali- dali siyang tumayo para matigilan lang ulit nang maalala niya na may banta nga pala sa seguridad niya. Lumapit muna siya sa pinto at sinilip ang Isang mata sa peephole. Pasadyang butas iyon para masilip kung sino ang nasa labas. Hindi niya maaninag 'yon kaya inilapit pa niya lalo sa mata niya kung sino iyon. Hindi na nakapunta si Marisol dahil may biglaang ganap daw sa bahay nito, kung ano man iyon ay hindi na n'ya pinag-abalahan na itanong dahil alam n'yang tulog na rin ito. Next time talaga ay magpapakabit na s'ya ng camera sa peephole. Isang nakatayo at nakaitim na jacket at naka-maong pants ang nakita n'ya sa tapat ng front door n'ya. Malakas ang kutob n'ya na ito ang matagal ng sumusunod sa kan'ya kaya hindi na s'ya nag-aksaya ng oras at dali-daling tumakbo s'ya sa kusina at kinuha sa gilid ang baseball bat. Hindi s'ya nag be-baseball pero ibinigay sa kan'ya iyon ng kaibigan in case of emergency ay may magamit s'ya pang self defense. Hinawakan n'ya ang doorknob at dahan-dahan iyong binuksan. Sakto na nakatalikod pa rin ito kaya inangat n'ya na ang baseball bat para paluin ito nang ubod lakas sa likod nang humarap ito sa kan'ya. Kitang- kita n'ya ang panlalaki ng mga mata nito at mabilis ang mga pagkilos nito. Mabilis s'ya nitong nahawakan sa siko at walang kahirap-hirap na naagaw nito ang hawak-hawak na bat sa kan'ya at Ipinaikot nito sa kan'ya ang mga braso kaya naman nakatalikod s'ya rito at nakayakap ngayon sa kan'ya ang matitigas nitong mga bisig. Amoy na amoy n'ya ang masculine scent nito at pinaghalong mamahaling pabango. Alam na alam niya ang scent na iyon dahil ito ang paborito n'yang pabango. Hindi n'ya nakita ang mukha nito sa sobrang bilis ng mga galaw nito. Siniko n'ya ito at tinapakan ang sapatos nito nang magsalita ito. "Calm down! Miss! I'm Suade, tumawag na ako sa'yo kanina right?" halata rito ang pagka irita dahil sa ginawa niyang pag tapak sa bagong-bago pa man din nitong sapatos. Napataas ang kilay n'ya pagkarinig sa tinig nito, Inaarok n'ya sa mga mata nito ang sinseridad at nakita naman n'ya iyon dito. Humalukipkip s'ya at nakaramdam ng kaunting hiya. Sa itsura nito at pananamit at tikas, mas mukha itong isang mayaman na bachelor na naligaw ng unit na papasukan. Naglakbay ang mga mata n'ya sa kabuuan nito at nakita n'ya ang pagkailang dito. In fairness guwapo ito. "What are you looking at?" "Wala naman...pero are you sure ikaw ang binigay na bodyguard sa'kin ni Dad? Wait let me check it first,"puno ng pagdududang tugon n'ya rito at saglit na sinara ang pinto. Iniwan n'ya ito sa labas at hinagilap ang phone ny'a. Nakita n'ya ang five missed calls ng Dad n'ya at 3 messages. Galing sa Dad n'ya. Raffa, binigay ko na ang address ng condo at room number mo..Tumawag sa akin si Marisol she can't come to you. Bukas pa sana ang dating ng bodyguard mo pero ngayon ko na pinapunta diyan. Treat him better professional 'yan. 8:00 p.m pa ang text ng Dad n'ya. Does it mean na two hours na itong nasa laba's ng unit n'ya? Binuksan n'ya na ang pinto at maluwag ang ngiti kasabay nang pag luwag din sa bukas n'ya ng pinto. "I'm sorry I didn't know. So you're Suade right? Come in. Dito ka raw ba mag-i stay or uuwi-uwi ka rin?" nakita n'ya ang baseball bat sa sahig at pasimpleng dinampot iyon at ngumiti s'ya sa pagka pahiya. "You see, palagi akong meron nito, in case of any danger you know," ewan ba at kahit 'di naman ito nagsasalita ay kinailangan n'ya pa ang magpaliwanag dito. Syempre naman kamuntik na kaya n'ya itong pilayan or worst balian ng buto! tahimik s'yang napangiti sa naisip. Pumasok lang ito at walang sabi-sabi ay umupo sa sofa. Nilibot nito ng paningin ang loob ng unit n'ya at nakita n'ya ang pagkunot ng noo nito pagkakita sa nakakalat na basyo ng Coke at cup noodles at mga snacks sa lamesa. Nilapitan n'ya iyon at pasimpleng iniligpit. "You see, mag-isa lang ako rito that's why I don't cook," "Kailangan ba may kasama ka pa para magluto ka? Now I'm here so now you can cook a decent meal,"arogante nitong sagot sa kanya. The nerve. Ito ba ang bodyguard n'ya? Hindi s'ya mamatay sa takot sa stalker n'ya kung sakali siguro sa inis sa lalaking 'to. Napasimangot s'ya. "I'm not your maid. Ako ang amo mo rito so now ikaw ang magluluto sa akin starting tomorrow," hindi rin s'ya nagpatalo rito. Naglakad s'ya at kumuha ng kumot at unan sa nakabukas na kwarto n'ya. Inilapag n'ya ang mga iyon sa sofa. "Here, gamitin mo at dito ka matulog.You see, isa lang ang kuwarto ko rito," Sinimangutan n'ya ito nang 'di pa rin ito kumikilos ay nagsalita ulit s'ya. "And one more thing, maaga akong nagigising so be sure na may breakfast na rin okay? Hindi ako nakakain ng decent meal eh,"sarkastiko niyang nginitian ito at natuwa s'ya sa pag-arko ng mga labi nito. "I wasn't inform na bodyguard s***h yaya pala ako rito but it's fine.Goodnight to you," Inayos na nito ang hihigaang sofa at nilatagan ng kumot at humiga ito roon nang walang kagatol gatol. Hindi man lang nahiya sa akin. Nakataaas pa ang mga paa ng mokong! Ewan n'ya at kumulo agad ang dugo n'ya rito kanina nang unang beses na marinig n'ya ito sa cellphone at may pagka-arogante ito. Malaking tao ito at sa ayos at itsura nito ay nagmukha itong malaking tao na nakahiga sa maliit n'yang sofa. Tatalikod na sana s'ya nang muling magsalita ito. "What are you staring at? Gusto mo tumabi sa'kin?"pambubuska nito at ikinapula ng mukha n'ya iyon. Bumangon pa ito para sabihin sa kan'ya iyon. "Pervert! Isusumbong kita sa agency mo umayos ka rito," pagbabanta n'ya bagamat ramdam na ramdam n'ya ang pag init ng mga pisnge n'ya sa sinabi nito. Bukod kasi sa malaki ang katawan ay guwapo ito. 'Di lang basta guwapo pero ayaw man niyang aminin, sobrang guwapo nito para maging bodyguard n'ya! Pero mayabang at bastos! Tutol ng isip n'ya at isinara n'ya na ang pinto. dinig na dinig n'ya ang pagtawa nito sa labas .Bwiset na 'to ah! Alas dose 'y media na ay hindi pa rin s'ya dinadalaw ng antok. Iniisip n'ya kung kailan ba magiging normal ang buhay niya. 'Pag magka-asawa o bf ba s'ya titigilan na s'ya ng stalker n'ya? Napailing iling s'ya sa naisip.She can't forced it lalo na kung para lang matakasan ito. Subalit ano ba ang dapat n'yang gawin sobra na s'yang nagagambala at tinatakot ng kung sino mang baliw na taong may obsession sa kan'ya? Matagal-tagal na rin siyang nag-iisip nang 'di niya namamalayan ang pagtulo ng mga luha sa pisnge niya. Naninikip ang dibdib n'ya isipin na hindi katulad ng iba, abnormal ang buhay n'ya. Hindi ito ang pangarap n'yang buhay. She wanted to be free. Nakatulugan n'ya na ang pag-iisip at dinalaw siya ng Isang panaginip. Isang nakakatakot na panaginip!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD