CHAPTER 3

1121 Words
Isang mabangong amoy na nagmula sa kusina ang nakapag pagising sa inaantok pa sanang diwa ni Raffa. Bumangon siya at kunot ang noo nang maisip na napakaaga ata nagising ni Marisol. Tumingin siya saglit sa kisame at naalala na hindi nga pala ito nakapunta kagabi. Shucks, Oo nga pala may ibang tao na siyang kasama sa condo unit niya. "Huh? So sineryoso talaga nito ang sinabi ko rito kagabi?"Umupo na siya at hinanap sa higaan ang tali ng buhok na mahaba. Kulot iyon at alon-alon na kulay rosas, dahil iyon ang paborito niyang kulay. Hindi na siya nagsayang ng oras at bumangon sa higaan. Sinilip niya ito mula sa maliit na awang ng pintuan ng kuwarto n'ya at nakita n'ya itong nagluluto. Nakatalikod ito kaya napagmasdan n'ya mabuti ang kabuuan ng pangangatawan nito. Nakasuot ito ng khackie short at maluwang na white T-shirt. Base sa anyo nito at mga galaw, sanay na sanay ito magluto. Mabilis ang mga kamay na naghiwa ito ng Sibuyas Bawang at luya habang panaka-naka ay sinisilip nito ang naka salang na pritong isda sa kawali. Nagtaka s'ya dahil wala naman siyang isda sa ref. Namalengke ba ito? Kung gano'n maaga pala ito gumising. Aba't magpapa-impress ang loko! Nakalabas na siya at pinagmamasdan ito nang magsalita ito habang nakatalikod pa rin ito at patuloy sa pagluluto ng sa palagay n'ya ay fish fillet. "Nakatulog ka 'ba ng mahimbing kamahalan?"Nakapaskil sa mga labi nito ang ngiti na sa wari n'ya ay pinaka nagpaganda sa umaga n'ya. Paano nito nalaman na nandito ako sa likod n'ya? Takang napaisip s'ya.Samantalang dahan -dahan naman siyang lumabas mula sa kuwarto. Bigla ay nakaramdam sy'a nang pamumula at pag-iinit ng mga pisnge. Nahuli s'ya nitong tinititigan ito! Nakakahiya! Sigaw ng isip n'ya at inirapan n'ya ito.Naka-krus ang mga kamay sa dibdib ay nilapitan n'ya ito at sinipat ang niluluto nito. "What are you preparing for breakfast? Hindi ako kumakain ng kanin sa umaga,"nang-iinis na untag n'ya na ikinasimangot naman nito. Hindi ny'a alam ngunit parang nais n'ya itong makitang naiinis ulit.Hindi naman s'ya nagkamali dahil tama nga siya. Umarko patatas ang sulok ng mga labi nito bagay na nahalata n'yang manerism nito kapag naiinis. "Kumakain o hindi, you shouldn't be so inconsiderate at saka kagabi sabi mo maaga kang gumigising dahil kumakain ka ng breakfast? One more thing, ang aga ko kaya bumili sa kabilang kanto para lang makapag luto ako ni wala ngang kalaman-laman ang ref mo. And please pay me, hindi ito libre dahil sagot mo ako ikaw ang employer ko,"mahaba nitong litanya at napaarko ang kilay niya. Hindi n'ya napigilan ang pagngiti kaya tumalikod s'ya upang kumuha ng mug at magtimpla ng kape n'ya. Ngunit makailang taob na s'ya sa hawak na garapon ay walang kape na lumabas dito. "Where's my coffee?" asik n'ya rito habang nakangisi ang maganda nitong mukha. "I throw it. I don't drink coffee pina-palpitate ako.May supot d'yan may gatas do'n 'yon na lang ang inumin mo,"parang walang anuman ay sagot nito sa kan'ya. Umusok ang ilong n'ya sukat sa narinig dito.Abat?! Ang kapal ha! What?! itinapon lang nito ang kape n'ya? "Hell what? Bakit mo itinapon? And who gave you the right to meddle my things? Sa'n mo tinapon?" Sigaw n'ya rito dahil hindi s'ya makaumpisa ng araw n'ya 'pag walang kape.Coffee is life pa naman para sa kanya na mahilig sa kape. "Alam mo ba saan ko 'pa binili 'yon?Maryosep sa Japan 'pa galing 'yon,"halos naiiyak n'yang tugon.Ikinibit lamang nito ang balikat. "Diyan, sa trash bin kunin mo na lang," itinuloy lang nito ang ginagawa at muling humarap sa niluluto. Aaminin n'ya nagugutom s'ya sa amoy ng niluluto nito.Nilusot n'ya ang Isang kamay sa loob ng trash bin at nagulat sa nakita.Nandoon nga ang kape n'ya.Kinuha n'ya iyon at hinugasan sa lababo. Ngiwi ang mukha nito habang magkadikit sila ng mga braso at hinuhugasan n'ya ang garapon. "Next time please 'wag mo naman pakialaman ang gamit ko. I hate you for that," asar niyang wika ngunit ngumiwi lang ito sa kan'ya at sukat doon ay lumabas ang mga biloy nito sa pisnge. Feeling n'ya nagpapa cute ito at aaminin n'ya, na-turn- on s'ya. Ipinilig n'ya ang ulo sa bagay na naisip n'ya. Kailangan niyang mag-focus sa Isang bagay at iyon ay walang iba kung hindi tuluyan na niyang maiwasan at ma-discourage ang stalker niyang baliw. 'Di n'ya napansin na naka hain na pala ito sa lamesa at nakataas ang kilay nitong nakamasid sa kan'ya. Bakit ba kailangan na tingnan pa s'ya nito sa ganoong paraan? Tila naman napansin nito ang pagka ilang n'ya at binasa pa lalo nito ang mga labi. Nag focus na lamang s'ya sa pagkain. In fairness, good cook ito! "Masarap 'ba?" ewan at bakit tila iba ang dating sa kan'ya ng pagkaka tanong nito. Nasamid s'ya at nabulunan. Tumayo naman ito agad at mabilis na iniabot sa kan'ya ang baso ng tubig. "Hey, ayos ka lang 'ba?" "Okay salamat..nasamid lang ako," "Sigurado ka huh?" Ibinagsak n'ya ang kutsara sa plato at sumigaw. "Sabi ng oo! Ang Kulit mo!" Pabigla siyang sumigaw na ikina bigla nito. "S-Sorry..ayaw ko lang muna kausapin mo ako. You're not my friend. I'm your boss," mataray niyang tugon na napansin naman niyang ikinatahimik nito. Tahimik nilang tinapos ang agahan nang walang imikan pagkatapos ng araw na iyon. She suddenly need the urge to slap her own face. Hindi n'ya ito dapat tinatarayan. 'Pag nag sawa ito sa kan'ya at iniwan s'ya yari s'ya sa baliw niyang stalker. Tahimik niyang pinagmasdan ang pangangatawan nito. Malapad ang mga bisig nito na tila kay sarap sandalan at matulog dito. Flat ang stomach nito at kahit na hindi nito iyon ipakita sa kan'ya alam niyang mayroon itong 6 pack abs na tila pandesal sa umaga na kay sarap isawsaw sa kape. Sa naisip niya ay tila baliw na tumawa s'ya sa harapan nito. kunot ang noo, ngunit hindi na ito nag abala pa na magtanong sa kan'ya. Marahil ay natakot na itong muli ay matarayan n'ya. Napaka weird n'ya yata simula nang dumating ito sa buhay n'ya? Well, siguro ay naninibago lamang s'ya dahil hindi nga pala s'ya sanay sa opposite s*x. Buong buhay n'ya kasi ay iniiwasan n'ya ang mga lalake. Dahil na rin siguro sa kaisipang na maaaring isa sa mga ito ang stalker n'ya. Muli pagka alala sa stalker n'ya ay lumukob muli sa pagkatao n'ya ang Isang malamig na pakiramdam. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan n'ya at naikuyom ang mga palad sa ibabaw ng lamesa na hindi naman nakaligtas sa paningin ng kaharap. Isang kakaibang reaksyon ang nkita n'ya mula rito at hindi ny'a iyon maipaliwanag kung ano. There must be something odd to this Man, Kung ano 'yon ay handa niyang alamin mula ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD