CHAPTER 6

1296 Words
Ilang minuto na sila sa biyahe ngunit tahimik lamang si Suade sa tabi ni Raffa na tila 'ba ay may iniisip itong kung ano.Nakapatay rin ang radyo sa kotse kaya naman tila nakabibingi ang katahimikang bumalot sa kanila sa mga oras na iyon. Tinignan ni Raffaella ang wristwatch at halos alas-singko lamang ng hapon.Gusto sana niyang may daanan muna ngunit hindi naman pu-puwede dahil nga may kasama s'ya at pakiramdam n'ya ay hindi naman komportable na nasa tabi n'ya ito habang nakiki-jamming s'ya kay Marisol sa pad nito. Miyerkules lang kasi ngayon at alam niya na day-off nito.'Pag ganoon kasi ay kadalasan ay nagsi-siesta silang dalawa at iinom lang ng kaunti.Binawasan na kasi nila ang paglabas-labas magmula nang umatake na naman ang agresibo niyang stalker.Nakaramdam s'ya ng ginaw na hindi maipaliwanag sa pagka-alala n'ya rito maging sa boses nitong tila nakadikit na sa tainga n'ya dahil sa mas madalas nitong pagtawag sa kan'ya mula pa noon. Tumikhim si Suade nang makita nito sa side mirror ang ginawa niyang pag-ilig ng kaniyang ulo.May pagtataka sa guwapo nitong mukha ngunit hindi nito isinatinig ang nasa isip nito kaya naman ipinikit na lamang n'ya ang mga mata habang nasa biyahe sila.Ayaw na niya itong kausapin pa dahil alam niyang aasarin lang s'ya nito dahil mas madalas itong sarkastiko kaysa matinong kausap pagdating sa kan'ya. Suade: Kanina pa nakatigil ang kotse ngunit nanatili lamang na nasa loob niyon si Suade at Raffa.Mahimbing ang tulog nito at wala siyang puso para gisingin ito.Ngayon higit kailanman,ay malaya niyang pinagmasdan ang kagandahan nito sa harapan n'ya at hindi n'ya maikakaila na ito ang pangarap niya mula noon hanggang ngayon.Ang dahilan sa mga pagsisikap n'ya na umunlad pa ang sarili n'ya upang maabot lang n'ya ito. Hindi naging madali ang buhay n'ya lalo pa at alam naman ng lahat na isa lang siyang adopted son ng isang multi-millionaire business tycoon.Wala itong anak kahit pa ilang taon na ang mga itong nagsasama ng Mommy n'ya.Kung paano at ano ang istorya kung paano s'ya naging bahagi ng pamilya ng mga Ocampo ay masyadong mahaba pa upang balikan n'ya iyon ngayon. Sa ngayon ay namagnet ni Raffa ang kaniyang atensyon at hindi na n'ya kaya pang pigilan ang kaniyang sarili.Dahan-dahan niyang inangat ang palad upang idampi iyon sa makinis nitong mga pisnge at tila napaso pa s'ya sa paghawak sa balat nito.Tila 'ba isang kuryente ang dumaloy sa katawan n'ya at nagtapos ang init niyon doon sa dako pa roon ng p*********i niya. "Sabik na sabik na ako sa'yo mahal ko,"mahina niyang anas at hindi n'ya na nga napigilan pa ang sarili n'ya at idinikit n'ya ang mukha sa leeg nito at inamoy iyon papunta sa punong tainga nito. Langhap n'ya ang pinagsamang pabango nito at feminine scent nito na mula't sapul ay talaga namang nagpapainit sa katawan n'ya ngunit hindi pa ito ang tamang panahon.Paalala n'ya sa sarili n'ya. Ikinuyom n'ya ang mga palad upang pigilan ang mga nais pa sana niyang gawin na alam niyang hindi dapat.Dahil alam niyang makakahadlang lamang sa mga plano niyang mapalapit ito sa kan'ya at mapa-ibig n'ya ito. Humugot s'ya ng malalim na buntong hininga at saglit na ipinikit ang mga mata bago n'ya ito pinag pasiyahang gisingin. "R-raffs,gising na.kanina pa tayo nandito,"malumanay ang tinig n'ya at tinapik n'ya ito nang mahina sa braso nito. Umungol lamang ito at bumaling paharap sa kan'ya kaya naman nagdikit ang mga mukha nila at napasinghap s'ya nang malanghap n'ya ang mabango nitong hininga.Lalake lamang s'ya,bukod sa ang babaeng kaharap ay talaga namang mahal na mahal n'ya kaya naman ang kanina pa niya pinipigilan na damdamin ay kusa nang kumawala at tila may sariling isip ang kaniyang mga labi na sinakop ang manipis at mapupula nitong mga labi. Sa ginawa niyang iyon ay tila doon naman ito natauhan at kitang-kita n'ya ang panlalaki ng mga mata nito.Hindi ito kaagad nakapalag at ewan n'ya kung imahinasyon lang 'ba n'ya o ano ngunit tila naramdaman n'ya ang pagbuka ng mga labi nito na naging dahilan upang makapasok ang mga dila n'ya sa loob niyon. Nagsimula na siyang malunod sa sensasyong bumabalot sa buo niyang pagkatao at tulad ng mga labi nilang naging malikot sa paghahanap ng kung ano sa isa't isa ay nagsimula naman'g lumikot ang mga palad n'ya patungo sa dibdib nito at binuksan nga n'ya ang butones ng suot nitong polo shirt at hinanap ang pakay roon. Napaungol ito sa sensasyong bumalot rito sa paghawak niya at pagpisil sa punong dibdib nito at nang tignan n'ya ito ay nakita niyang nakapikit pa ito.Ayaw man niyang gawin ay binitawan na n'ya ang mga labi nito at tinapos ang sinimulang halik sa pagitan nilang dalawa. Doon ito nagmulat ng mga mata at kitang-kita n'ya ang kakaibang emosyon doon.Isang emosyong hindi n'ya mawari ngunit mainit sa pakiramdam n'ya at tila may paro-parong nagligalig sa sikmura n'ya kaya naman napapaso niya itong iniwasan ng tingin.Ganoon din ang ginawa nito at pasimple nitong isinara ang apat na butones na mabilis n'yang natanggal kanina lang. "I'm sorry,"mahina n'yang bulong dito ngunit tila walang nangyari na tinanggal lang nito ang seatbelt at bumaba na. Nagtataka n'ya itong tinignan habang palabas ito ng kotse.Hindi man lang ito nagalit o 'di kaya ay sinampal man lang sana s'ya nito.Natigilan s'ya sandali at isang kakaiba at isang misteryo ang iniwan nitong pakiramdam sa pagkatao n'ya.Higit sa lahat ay naiwan siyang bitin na bitin. Raffaella: Mabilis ang mga paa na tinahak n'ya ang daan patungo sa elevator at nang makita nga niyang bumukas iyon ay hindi na n'ya ito hinintay pa na makasabay n'ya paakyat sa unit n'ya.Labis-labis ang kabang nararamdaman n'ya at hanggang ngayon ay nahihiya s'ya sa naging reaksyon n'ya kanina. "Bakit 'ba hindi ka man lang nagalit?Ang bobo mo talaga tanga!Ano'ng iisipin n'ya sa'yo?Na easy ka gano'n?"tila wala sa sarili na pinagalitan n'ya ang sarili. Takang napalingon sa kan'ya ang dalawa niyang kasabay sa elevator at tinitigan s'ya ng mga ito mula ulo hanggang paa na tila 'ba inuusisa kung naloloka 'ba siyang naligaw nang napasukan. Ngumiti na lamang s'ya sa mga ito at nag-peace sign. "Pasensya na po.Mine-memorise ko lang 'yong line ko po sa speech ko bukas,"nakangiwi niyang paliwanag sa mga ito. Tumawa lang ang isa na tila hindi naniniwala.Sino ba'ng tanga ang magkakaroon ng gayong speech?Ang isa naman na kasabay n'ya ay patay malisya lamang na may ka-text.Nagtaka s'ya kung bakit may signal ito sa loob ng elevator.Natawa s'ya sa naisip at lihim na binatukan na n'ya ang sarili. Sa wakas ay nasa 28th floor na ang elevator at naghanda na s'ya upang lumabas doon at balak na muna niya sana'ng magkulong sa kuwarto n'ya ngunit sa pagbukas niyon ay tila tinakasan s'ya ng dugo n'ya sa katawan sa pagka putla dahil naroon si Suade at nauna pa sa kan'ya na tila alam talaga nito at inaasahan na naroon pa s'ya.Naunahan pa s'ya nito. Ngumiti na lamang s'ya rito ngunit nagtaka s'ya.Bakit ang bilis nito? "Ano ka 'ba naman.Bakit mo ako iniwan sa babà?Ang bigat kaya ng bag mo tapos palagi mo pang dala 'yong attached case mo,"nakasimangot nitong reklamo.ang tinutukoy nito ay iyong mga gamit n'ya sa pagpipinta. "Akin na nga 'yan!Ang laki-laki ng muscles mo tapos sasabihin mo nabibigatan ka rito?"kinuha n'ya iyon at saglit niyang nakalimutan ang namagitan sa kanila kanina lang sa kotse n'ya. Nang tignan n'ya ito ay nakangiti na ang guwapo nitong mukha.Tila tinutudyo s'ya nito sa paraan nang pagkakangiti nito.Nag-iwas na lamang s'ya ng tingin rito at namula ang mga pisnge n'ya.Kinikilig s'ya sa unang pagkakataon. Ano kaya ang mangyayari kung hindi nito itinigil iyon kanina?Aakyat 'ba sila sa unit n'ya at itutuloy nila iyon?Lihim niyang tanong sa sarili. Sa naisip ay ipinilig n'ya ang ulo at Lihim na kinurot ang sarili n'ya.Nahahawa na s'ya sa kaibigan n'ya sa kasasama n'ya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD