Chapter 2

2005 Words
Third person's POV:   "NARINIG nyo na ba ang balita?"   "Na lipipat na dito si Mazer?" Tumango ang babae. "Oo naman. Kalat na kaya sa buong campus."   "Gosh! Excited na akong makita sya." Kinikilig na sabi ng isa.   "Ako din. Sayang lang at hindi sya naging idol katulad ng daddy nya."   "Oo nga eh. Pero ang swerte pa rin natin dahil dito sya lilipat."   Lihim na napailing si Kellis ng marinig ang tili ng isang grupo ng kababaihan na nakatambay sa isang bench na nadaanan nya. Hindi nya lubos maisip kung anong ikinatitili sa isang lalaki. Napailing na lang sya. Paano nga ba nya malalaman kung ni minsan ay hindi pa sya umibig? Paano din nga pala nya mararanasan kung ni isa man sa mga manliligaw nya ay hindi nya pinagbigyan.   Napa-tsk sya.   Sakit lang sa ulo ang mga lalaki.   Except sa papa at mga tito nya na ang babait sa kanya. Magga-graduate na sya ng college at wala syang balak na kumuha ng dahilan para pasakitin ang ulo nya. Nakalipas na ang tatlong taon ng may magtangka sa kanyang manligaw. Ang huling nagtaka ay pinilayan nya. That jerk deserve it. Gusto ba naman syang bugbugin dahil lang sa ginawa nyang pagpapahiya dito.   Dahil sa nangyari ay may na-realize sya. Ang mga lalaki talaga ay magaling lang sa umpisa. Pursigido kung manligaw, lahat ginagawa para lang mapasagot ng kababaihan, with a lot of sweet tongue. Kapag nakuha na ang gusto ay para na itong basurang iiwan.   Napatawa sya. Sasabihin pa sayo na ibibigay nya ang lahat mapasagot ka lang. Pati stress at sakit ng ulo ay ibinigay nya. Kaya ayaw nya sa love-love na iyan eh. Sasakit lang ang ulo nya. Napaisip sya. Her parents are not like that. Nakikita nya sa mga mata ng magulang nya ang pagmamahal nito para sa isa't-isa.   Maybe that's what they called true love. Only true love can prove forever. Kahit na mamatay ang mahal mo ay mamahalin mo pa rin sya kahit na alam mong wala na sya, na hindi mo na sya makikita at makakasama. Kahit wala na sya ay patuloy mo pa rin syang mamahalin at hindi ka na magmamahal ng iba. True love can love only one. Kaya nga may one and only eh, kasi sya lang at wala ng iba.   Gaya na lang ng nangyari sa tito Lexus at tita Allisa nya. After so many years, wala itong ibang minahal kundi ang tita nya, and he get the reward of his waiting. It's a worth.   Napahinto sya sa iniisip ng mabunggo sya ng isang babae.   "Sorry po, Sky. Hindi ko sinasadya." Nanginginig nitong sabi. Masasabi nyang nerd ito dahil sa makapal nitong salamin at sa nagkakapalan nitong libro na nahulog.   "Ang tanga naman nya. Sa dami-dami nang mabubungo nya ay si Sky pa." Bulong ng isang babae.   "Oo nga. Nako! Lagot sya kay Sky." Napabuntong-hininga nalang sya. Bakit ba takot na takot sa kanya ang mga estudyante? Dahil ba sa ginawa nya noon? Napailing na lang sya. Minsan talaga ang mga tao ay bumabasi sa nakikita at naririnig, ni hindi man lang nito inalam kung anong totoong nangyari.   Well, wala naman syang pakialam sa mga iniisip nito. Bahala sila kung anong iisipin nila. Hindi na nya pinansin ang nakabunggo sa kanya saka nagpatuloy sa paglalakad.    NAKAUPO si Kellis sa upuan habang ang dalawang paa ay nakapatong sa mesa. Nakasalampak sa tenga nya ang head phone at nakikinig ng Our Dawn Is Hotter Than Day ng Seventeen. Hindi sya mahilig sa K-pop pero nagustohan nya ang kantang ito kaya lagi nyang pinakikinggan.   Hindi sya lumingon ng maramdaman na bumukas ang pinto. Hindi na nya kailangan pa na lumingon dahil presensya pa lang ng mga ito ay alam na nya kung sino ang mga pumasok.   "You're all late." Sabi nya na may bored na boses.   "Hindi kami late, sadyang maaga ka lang." Napailing sya sa baluktot na katwiran ni Azulan.   "Luma na ang mga baluktod mong katwiran, Bughaw."   "Ang aga mo naman talaga kasi, Kell. Alam mo naman na five pa ang dismiss namin." Sabi ni Charey saka umupo sa katapat nitong upuan.   Iisa lang ang course nina Charey, Azulan at Xyron, business ad ang kinuha. Sya lang ang naiba, gusto kasi nya maging architect.   "Wala kaming prof sa last subject kaya dumiretso na ako dito." Sagot nya saka tinanggal ang head phone. "Nasaan nga pala si Xyron?"   Hindi na nakasagot ang dalawa ng biglang bumukas ang pinto at bumungad si Xyron na magulo ang buhok at bukas pa ang dalawang butones. Napabuga silang tatlo ng hangin. Alam nila kung saan ito galing. Nagkatinginan silang tatlo at sabay-sabay na nagsabi ng...   "Nambabae."   Napatawa naman si Xyron. "Grabe naman kayo. Nambabae agad?"   "Eh, anong tawag mo dyan?" Turo ni Charey sa kwelyo nito na may lipstick pa.   "Ketchup?" Patanong nitong sagot.   "Ketchup? Sinong niloko mo?" Asik ni Charey saka umirap.   Lumapit ito kay Charey saka naglalambing na yumakap. "Asus, 'wag ka ng magselos, babe. Alam mo naman na mas mahal kita eh-- aray."   Napahawak ito sa ilong ng suntokin ito ni Charey. "Wag ka ngang lumapit sa akin. Baka mahawaan pa ako ng sakit mo. Nakakadiri ka!"   Napailing na lang sya sa inasta ng dalawa. Kung hindi nya lang kilala ang mga ito ay iisipin nya talaga na may something ang dalawa.   Sasagot na sana si Xyron ng humirit si Azulan. "Tama na nga iyan. Baka saan pa mapunta iyang away nyo." Bumaling ito sa kanya. "Bakit ka nga pala nagpatawag ng meeting, Kell?"   Sasagot na sana sya ng bumukas ulit ang pinto at pumasok sina Allexus at Allexa.   "Ate," lumapit si Charey kay Allexa saka yumakap. "Gosh, ang tagal nating hindi nagkita."   Ngumiti ito saka ginulo ang buhok. "Oo nga eh. Medyo busy sa trabaho."   Isang journalist si Allexa. Dahil sa propisyon nito ay pumupunta ito sa iba't-ibang lugar at minsan lang kung umuwi ng mansyon.   "Kumusta?" Tanong naman ni Allexus sa kanila.   "Okay lang, dude. Ikaw?" Balik tanong ni Xyron.   Lumapit kay Allexus si Xyron at Azulan saka nakipag-fist bump. Dude ang tawag ng mga ito kay Allexus, ayaw din kasi magpatawag ng kuya nito. Feeling kasi nito ang tanda na nya.   "Ito medyo busy sa trabaho." Ito na kasi ang nag-take over sa kompanya ng ama nito. Hindi na sya nag-abala pa na tumayo para batiin ang dalawang bagong dating. Kusa itong lumapit sa kanya at niyakap sya. Hinalikan naman sya ni Allexus sa ulo.   "Ano nga pa lang ginagawa nyo dito, dude?" Tanong ni Azulan.   "Oo nga. May misyon ba tayo?" Tanong naman ni Charey. Ang tinutukoy nitong misyon ay ang transakyon sa underworld.   Tumayo sya saka umupo sa mesa. "Pinatawag ko kayo para sabihin na aalis na tayo sa underworld."   "Ha?" Sabay-sabay na tanong ng tatlo at napatayo pa dahil sa sobrang gulat.   "Iyon din ang dahilan kaya nandito kami ni Allexa." Sagot ni Allexus. "Napagkasunduan na nina tito Lelouch at mommy Allison na umalis na ng underworld."   Mommy pa din ang tawag ni Allexus sa ina nya dahil ito na ang nakasanayan nito. Okay lang naman sa kanya iyon dahil para na din nya itong kuya.   "Naisip nila na okay na ang lahat at hindi na natin kailangan pa pumasok sa underworld. May kanya-kanya na tayong buhay at may mga negosyo na tayo na dapat pamahalaan." Paliwanag ni Allexa.   "Ibig sabihin puputolin na natin ang kuneksyon sa underworld?" Tanong ni Xyron.   "No more misyon na?" Sabay na tumango sila ni Allexus at Allexa sa tanong ni Charey.   "No more guns na din?" Parang pinagsakluban ng langit at lupa na tanong ni Azulan.   "Well, pwede pa naman kayong magdala pero hindi pwedeng gamitin kung hindi kailangan." Sagot ni Allexa.   "Dinelete na namin ni Allexus ang mga data na may tungkol sa atin sa underworld. Hindi naman nila alam ang tunay na identity natin patungkol sa underworld kaya ligtas tayo."   "Kailangan na nating ibaon sa limot ang patungkol dito." Sabi ni Allexus na sinang-ayonan nya at ni Allexa.   "Gusto nila daddy na mamuhay tayo ng tahimik at normal dahil alam nila kung gaano kadelikado ang ginagawa nila at ayaw na nilang umabot pa sa punto na mangyari ang nangyari noon." Ang tinutukoy ni Allexa ay ang nagyari noon patungkol sa pag-kidnap sa kanila ni Lotus Prince.   Matagal bago nakaimik ang tatlo. "Wala na kaming magagawa di ba?"   Tumango sya. "Buo na ang desisyon nila na sinang-ayonan namin ni Allexus at Allexa."   Napabuntong-hininga nalang ang tatlo. Naiintindihan nya na nalulungkot ang mga ito sa naging desisyong ng tito Lelouch at mommy nya pero ito ang mas nakakabuti sa kanilang lahat.   Bata palang sya ay na-train na sya kaya alam nya ang hirap na pagdadaanan nila kapag nagpatuloy pa sila. Kaya hanggang maaga pa ay kailangan na nilang lumayo sa gulo.   "Naiintindihan namin." Sabay na sagot ng tatlo.       NATAPOS ang pagpupulong nila at nagkanya-kanya na ng uwi.  Gusto nyang maglakad-lakad kaya imbis na sumakay pauwi ay napagdesisyonan nyang maglakad. Napahinto sya sa isang cake shop at napatingin sa tarpaulin na may picture ng cookies.   Napalunok sya sa nakita. She love cookies and she's gonna taste their cookies, right now. Umingay ang bell ng mabuksan nya ang pintuan ng cake shop. Lihim nyang na-appreciate ang ganda ng shop. Nakakagaan sa pakiramdam ang ambiance ng shop.   Agad syang pumunta sa counter at sinilip ang mga naka-display na masasarap na mga cakes. Pero ang mas nakaagaw ng pansin nya ang ang cookies na nasa supot na kulay purple at may pink na ribbon pa.   Tumayo sya ng tuwid saka tiningnan ang nakangiting cashier.   "Good evening ma'am. What's your order?" Magiliw nitong tanong.   "Can I have that cookies?" Turo nya sa nakitang cookies.   "Okay ma'am."   "Here's the payment." Napatingin sya sa nagmamay-ari ng baritonong boses.   Hindi nya maipagkakailang gwapo ito. Nakatingin ito sa cashier at inilapag ang limang daang piso sa counter. Bumaling sya sa cashier na nagtataka pero hindi natatago ang malagkit nitong tingin.   "Para saan po sir?"   Napakunot-noo sya ng tinuro nito ang cookies na gusto nya.   "For that cookies." Ngumiti ito dahilan para mamula ang mukha ng babae saka tumango.   Bigla syang nainis sa inasal ng cashier. "Wait!" Pagpapatigil nya sa akmang pag-type nito. "Ako ang nauna di ba, kaya bakit mo ibibigay sa kanya ang cookies?"   Kung ang iba ay iisipin na ang babaw ng ikinanagalit nya but she really love cookies. She's craving for it every time she saw cookies. Isa pa, talagang maiinis sya dahil nauna naman talaga sya at nag-iisa nalang ang cookies kaya talagang ipaglalaban nya.   "Kasi ma'am..." Hindi na natapos ang sasabihin nito ng sumingit ang lalaki.   Bumaling sya dito habang nakataas ang isang kilay nya at tiningnan ng walang buhay ang lalaki.   "Pero ako ang naunang nagbayad, kaya sa akin ang cookies."   "Naunang nagbayad? Pero ako ang naunang um-order non. At ako," turo nya sa sarili nya. "Dapat ang magbabayad."   Kahit na naiinis na sya ay pinatili parin nya ang malamig nyang boses. Ganon sya, galit man sya o hindi ay mananatiling malamig ang boses nya sa ibang tao.   "Sorry but," napakunot-noo sya ng hawak na nito ang cookies. "Nakuha ko na eh."   Hindi nya namalayan na nakuha na pala nito ang cookies habang nag-uusap sila. Sinamaan nya ito ng tingin. Kumulo ang dugo nya sa inis ng makitang nginitian lang sya ng lalaki.   "Kung gusto mo share nalang tayo. Hindi naman ako maramot eh."   Tiningnan nya ang cookies na nilahad nito. Kahit gusto nyang kumain non ay ayaw nya, kung nanggaling din naman ito sa isang antipatikong lalaki.   Inirapan nya ito saka tinalikoran at patuloy na naglakad hanggang sa makalabas ng shop. Nang may makitang taxi ay agad nya itong pinara saka sumakay pauwi.     LUMABAS sya mula sa shop habang kinakain ang cookies na nabili nya. Nakatingin lang sya sa taxi'ng sinakyan ng dalaga paalis.   Bigla syang napangiti dahil sa ang cute nitong mainis. Kahit walang emosyon at malamig ang boses nito ay nakikita nya sa mga mata nito ang inis. Kaya nga mas ininis nya ito kanina sa pamamagitan ng pagkuha ng cookies na gusto nito.   Magkikita din tayo sa susunod binibini. At kapag nangyari 'yon, kukunin ko ang pangalan mo.   Iniisip nya tuloy kung anong pangalan nito. Basta sigurado sya na maganda ang pangalan nito, gaya ng maganda nitong mukha.   Napailing nalang sya saka naglakad papunta sa kotse nya habang kumakain parin ng cookies. Nang makapasok sya ay nilagay nya ang cookies sa dashboard.   Bago nya paandarin ang makina ng sasakyan ay napatitig sya sa cookies. Nakikita nya sa mga mata ng dalaga na gustong-gusto talaga nito ang cookies, pero gusto din nya ito. Bibigyan naman sana nya ito pero hindi nito tinanggap.   Napakibit-balikat nalang sya saka tuloyang pinaandar ang kotse saka nagmaneho pauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD