Chapter 3

1675 Words
Third person's POV:   NAPANGITI si Kellis ng bumungad sa kanya ang kanyang mga magulang na naglalambingan nang makapasok sya sa kusina. Nagluluto ang daddy nya habang nagti-timpla naman ng kape ang mommy nya.   Ito ang nagpapangiti sa kanya araw-araw. Ang mga magulang nya na makikita naman talaga nya ang pagmamahalan ng mga ito.   Tumikhim sya para mapalingon ito sa kanya. Nang makita sya ay ngumiti ang mga ito.   "Good morning honey." Bati sa kanya ng mommy nya.   Humalik ito sa pisngi nya. "Good morning mom." Lumapit sya sa daddy nya saka ito hinalikan sa pisngi. "Good morning dad."   "Good morning din."   Sinilip nya ang niluto nito saka napangiti. "Ang bango nyan dad ah."   Pinisil ng daddy nya ang pisngi nya. "Bolera. Maupo ka na don, malapit na 'to."   Ngumiti sya saka umupo. Hindi nagtagal ay naghain na din ang daddy nya. Napapangiti sya habang pinagmamasdan ang mga magulang nya. Ang daddy nya na pinagsisilbihan ang mommy nya. She's so lucky to have a parents like them. Tingin palang alam muna na mahal na mahal nila ang isa't-isa.   "Bakit ka nakangiti dyan baby?" Tanong ng mommy nya.   Nakatingin na sa kanya ang mga magulang nya na may nagtatanong na tingin. Ngumiti sya dito. Only her parents, family and close friends can see her smile.   "Nothing mom. Nakakatuwa lang kayong tingnan ni dad."   "Bakit?" Napangiti sya ng sya naman ang pinagsilbihan ng daddy nya.   "The way you look at each other I can see the spark that they said. I can see love in your eyes. You really actually love each other."   Hinawakan ni Blake ang kamay ni Allison saka ngumiti dito.   "We are baby. We are."     NANG makapasok si Kellis sa campus ay kanya-kanyang bulongan agad ang bumungad sa kanya. Sanay na sya na sa tuwing dadating sya ay sari-saring bulongan agad ang maririnig nya pero ang ipinagtaka nya ay hindi tungkol sa kanya ang bulongan. Kundi tungkol sa isang transferee.   Hindi nalang nya ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Wala din naman syang pakialam sa pinag-uusapan ng mga ito.   Nang makapasok sya sa room ay maingay ang mga kaklse nyang babae. Sa likod sya dumaan kaya hindi sya napansin ng mga kaklase nya sa subject na 'yon.   "God, ang gwapo nya talaga."   "Oo nga eh. Lalo na kapag ngumiti sya. Nagiging singkit ang mga mata nya."   "Lumalabas pa ang dimple."   Nilagay nya sa tenga ang head phone nya ng marinig ang tili ng mga kaklase nya. Mas gusto pa nyang makinig ng musika kaysa makinig sa tili ng mga babae. Nakakabasag eardrums eh.   Hindi nagtagal ay dumating na din ang prof nila at nagsimula ng mag-lecture.   Nang matapos ang klasi nya sa umaga ay agad syang dumiretso sa tambayan nya. Sa likod ng isang building. May nag-iisang puno ng acacia doon. Sa ilalim ng punong 'yon sya tumatambay dahil maliban sa hindi mainit, mahangin pa doon.   Nang makarating sya doon ay umupo sya sa damuhan saka sumandal sa malapad na katawan ng puno. Kinuha ang phone nya saka inilagay ang head phone sa tenga at pinikit ang mga mata.   Hmm... This is relaxing.   Napahinga sya ng malalim saka ninamnam ang simoy ng hangin. Sa lugar na 'yon sya nagpapahinga dahil walang taong pumupunta doon. Alam ng buong campus na sa kanya ang teritoryong ito.   Napamulat sya ng may nahulog sa ulo nya. Kinuha nya ito para tingnan. Pumikit ulit sya ng makita na isa lang pala 'yong dahon. Nang may mahulog ulit sa ulo nya ay hindi nya ulit iyon pinansin dahil alam nyang dahon lang ulit 'yon.   Nang may mahulog ulit sa ulo nya ay napamulat sya dahil alam nyang hindi na 'yon dahon dahil may kabigatan na ito. Napakunot noo sya ng makita ang isang nakalukot na papel.   Dahil sa curious sya ay kinuha nya ito at binuksan. Napakunot sya sa nabasa.   Hi Miss Sungit :)   Napatingin sya sa taas ng puno para tingnan kung sino ang nagtapon ng papel na 'yon. Mas lumalim ang gatla sa noo nya ng makita ang isang lalaki na nakaupo sa sanga at nakadukwang sa kanya.   Ipinilig ang ulo. Parang familiar sa kanya ang lalaki, hindi nya lang matandaan kung saan nya ito nakita. Kumaway ito sa kanya na may ngiti sa labi. Hindi nya ito pinansin saka bumalik sa pagkakasandal sa puno.   Segundo lang ang lumipas ay tumalon pababa ang lalaki na ngayon ay naka-indian seat na sa harap nya habang nakangiti parin. Napaiwas sya ng tingin dahil naiilang sya sa ngiti nito. Hindi naman sya naaasiwa, talagang naiilang lang sya. Siguro dahil ito ang unang beses na may ngumiti sa kanya sa loob ng campus.   "Ang sungit mo naman."   Sa hindi nya malaman na kadahilan ay napatingin sya sa binata at doon nakita ang pagnguso nito. Napalunok sya.   Bakit parang ang cute nyang mag-pout?   Napabuga nalang sya ng hangin sa naisip. Bakit ba naiisip nya 'yon? Dati naman ayaw nyang nakakakita ng lalaking nakanguso, para kasi itong patu sa paningin nya. Pero bakit pagdating sa lalaking nasa harap nya ay hindi nya maisip na para itong patu, imbis nacu-cutan pa sya dito.   "Ako nga pala si Mazer Sandoval at your service ma lady." Napataas sya ng kilay ng bahagya itong yumuko na para bang isang prinsipe na nagpapakilala sa isang prinsesa. "And you are?"   Ilang minuto nyang tinitigan ito. Ilang minuto na nyang tinitigan ang binata pero nakangiti parin ito. Napapaisip tuloy sya.   "Hindi ka ba nangangawit sa kakangiti?" Imbis na sabihin nya ang pangalan nya ay 'yon ang nasabi nya.   Napapailing sya sa sarili. Ngayon lang sya nakipag-usap na hindi malamig o masungit. Pero nandon parin ang pagiging kalmado ng boses nya.   Mas lumapad pa ang ngiti nito. "Hindi. Lalo na kung kasing ganda mo ang kaharap ko."   Inirapan nya ito at hindi na ulit nagsalita. Nang minuto naman ang lumipas na hindi nagsalita ang binata ay bumaling sya dito. Hindi na ito nakatingin sa kanya. May hinahanap ito sa bag.   "Ayon oh!"   Napatulala sya sa ngiti nito. Bakit parang ang ganda ng ngiti nito para sa kanya?   "Hoy!"   "Ha?" Napakurap-kurap sya.   "Para naman akong walang kausap eh." Nakanguso nitong sabi.   Inirapan nya ito saka hindi pinansin ang binata. Nakatingin lang sya sa mga ibon na malayang lumilipad sa himpapawid.   "Here." Napalingon sya sa binata saka bahagyang napaatras ang ulo ng bumungad sa kanya ang isang lunch box na puno ng cookies.   Biglang nanubig ang bagang nya sa cookies na nasa harap nya. Tingin palang nya ay alam nyang masarap na 'yon. Tumingin sya sa binata. Kahit gusto nya ng cookies at nate-temp syang kumuha at kumain ay ayaw parin nya.   Baka may lason pa 'yon saka bakit naman sya bibigyan nito. Hindi sya madaling mauto.   "What's that?"   Natawa ito ng mahina. "Hindi mo alam kung ano 'to? Akala ko ba paborito mo 'to?" Napakunot-noo sya sa sinabi nito.   Paborito ko? Paano nya alam?   "Anyway, cookies ang tawag nito."   Napairap sya sa kapilisopo nito. "Alam ko kung ano 'yan." Inirapan nya ulit ito. "Ang ibig kong sabihin, bakit mo ako binibigyan nyan?"   "Ahh." Natawa ulit ito. "Hindi mo naman kasi nililinaw." Napairap ulit sya. Hindi na nya mabilang kung ilang beses na syang napairap ngayong araw na 'to. "Anyway, bayad ko at pambawi na din."   Tumaas ang kilay nya. "Para saan? Sa pagkakaalam ko ay wala ka namang utang sa akin."   Napakurap-kurap ito. Para bang may sinabi sya na hindi makapaniwala.   "What?" Masungit nyang tanong na may kasama pang taas na kilay.   "Really?" Natawa ito ng hindi makapaniwala. "You don't remember me?" Umiling sya. "Ow." Tumikhim ito saka nilahad ang kamay. "I'm Mazer Sandoval, the one who stole your cookies yesterday."   Unti-unting nawala ang pagkakunot ng noo nya saka tinuro ang binata.   "Ikaw nga!" She exclaimed. Tumikhim sya bago nagsalita ulit. "Kaya pala familiar ka sa akin. Ikaw pala ang umagaw ng cookies ko, sana."   Ngumiti si Mazer saka pinakita ang lunch box na may naglalaman na cookies. "Kaya nga babayaran ko nalang. Hmm."   "No need." Umiwas sya ng tingin dahil nate-temp talaga sya na kumuha ng cookies.   Gosh! Maliban sa pamilya nya at mga malalapit nyang kaibigan ay wala ng nakakaalam na paborito nya ang cookies.   "Asus, 'wag ka ng mahiya. Alam ko naman na paborito mo 'to eh."   Kunot-noo nyang tiningnan si Mazer na nakangiti ng malapad. "Paano mo naman nasabi na paborito ko 'yan?"   "Hmm, paano nga ba?" Hinimas-himas nito ang baba habang nakatingin sa taas na animo'y nag-iisip. "Kasi nababasa ko sa mga mata mo."   Tumitig ito sa kanya at sa hindi nya malaman na kadahilanan ay hindi nya maiwasan na tumitig din dito. Ni kumurap ay hindi nya magawa.   "At nakikita ko sa mga mata mo ngayon na gustong-gusto mo talagang kumuha ng cookies." Kumuha ito ng isang cookies saka binigay sa kanya. "Sige na. And don't worry, wala 'yang lason. Promise." Gusto nyang matawa ng itaas pa nito ang kanang kamay.   Napahinga sya ng malalim saka kinuha ang cookies. Wala naman siguro itong lason. Nakatingin parin sya kay Mazer habang kumukuha ng cookies. Nang makakuha ay kumagat sya saka napalunok.   This is f*****g delicious.   "Masarap ba?" Tanong nito ng kumagat ulit sya.   "Yeah." Wala namang masama kung sasabihin nya ang totoo.   Masarap naman talaga ang cookies na bigay nito. Ito ang ikalawa sa pinakamasarap na cookies na natikman nya. Syempre ang pinakamasarap na cookies na natikman nya ay ang bake ng mommy nya.   "Yes!" Nagulat sya ng bigla itong sumigaw na may kasama pang-pagtaas ng kamay nito sa ere.   "Bakit?" Pakurap-kurap nyang tanong.   "Sorry." Ngumiti ito ng mapansin nito na nagulat sya. "Masaya lang ako." Tiningnan nya ito ng nagtatanong. "Kasi," kumuha ito ng cookies saka isinubo sa kanya.   Masama ang tingin nya dito ng kinuha nya ang cookie. Ngumiti lang ito sa inasta nya.   "Kasi nasarapan ka sa cookies." Tiningnan nya ito ng 'So-look'. Mas lumapad ang ngiti nito. "Means, nasarapan ka sa luto ko."   Nagulat sya pero agad na nawala 'yon. Kinain nya ang cookie na bigay nito saka tumayo. Agad din na tumayo si Mazer.   "Teka, saan ka pupunta?" Tinakpan nito ang lunch box.   "Aalis na ako." Pinagpagan nya ang pwetan. "Pumunta ako dito para magpahinga pero dahil may asungot, hindi ko na magagawa 'yon."   Napanguso naman ito. "Ang sungit mo naman." Bumuntong-hininga ito. "Here." Inilahad nito ang lunch box na may cookies. "Sayo na 'to."   "No thanks." Tumalikod na sya saka naglakad.   "Please." Napahinto sya pero hindi sya lumingon. "I baked this just for you."   Hindi nya ito pinansin saka taas noong naglakad. Pero habang naglalakad ay hindi nya mapigilan ang mapangiti. Hindi dahil sa binata kundi dahil sa effort na maipag-bake sya at in fairness ang sarap ng cookies nito.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD