Chapter 4

1783 Words
NAGBABASA ng makapal na libro si Kellis sa veranda ng bahay nila. Hapon na pero hindi naman mainit sa pwesto nya. Sa katunayan ay 'yun ang pinakapaborito nyang lugar sa bahay nila.   Maliban kasi sa kita nya ang garden na may magagandang bulaklak ay mahangin pa doon. Mas nakakapag-fucos sya sa pag-aaral. Linggo ngayon kaya wala syang pasok. Gaya ng dati nyang nakagawian, ay magbasa ng libro sa veranda ang lagi nyang ginagawa kapag walang pasok.   Mas makakapagpahinga sya ngayon dahil walang manggugulo sa kanya. Walang Mazer na mangungulit sa kanya. Dapat matuwa sya dahil walang maingay sa paligid nya pero bakit ganon? Bakit ngayon na wala ang binata para gulohin sya ay hinahanap nya ito. Hinahanap nya ang pangungulit nito, lalo na ang cookies na ito mismo ang nagba-bake para sa kanya.   Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit nararamdaman nya ang tinatawag nilang pangungulila sa isang tao? Bakit parang nami-miss nya ito? Napatingin sya sa langit saka napahinga ng malalim at marahan itong pinakawalan.   What just the hell is happening to me?   "Ang lalim non baby ah." Napalingon sya sa pinanggalingan ng boses saka ngumiti ng makita ang ina. Lumapit ito saka inilapag ang tray na may pagkain. "Merienda ka muna."   Mas napangiti sya ng isang plato ng cookies at orange juice ang dala nito. "Thanks mom." Kumuha sya ng isang piraso ng cookie saka kinagat.   "Problema?" Tanong ng ina nya.   Napasandal sya sa kinauupuan. "Wala naman mom." Tumingin sya dito saka ngumiti. "I'm fine."   Sumandal din si Allison sa kinauupuan saka tumingin sa langit.   "Eh bakit ang lalim ng buntong-hininga mo kanina?" Umayos ito ng upo saka humarap sa kanya. "Tell me. What is it?"   "I'm..." Huminga ulit sya ng malalim saka nagpatuloy sa pagsasalita. "I'm just confuse."   "Confuse about what?"   Umayos na din sya ng upo saka humarap sa ina.   "Mom, I meet this most talkative and annoying guy. Naiinis ako kapag nandyan sya at mas naiinis ako sa twing sinusungitan ko sya ay nginingitian nya lang ako na para bang iniinis nya ako lalo. Kahit anong gawin o sabihin ko sa kanyang masama ay ayaw nya parin akong tigilan."   Napahinto sya sa pagku-kwento saka napatingin sa ina. Mainam itong nakatingin sa kanya at nakikinig ng mabuti sa sinasabi nya.   "And?" Nakataas ang dalawa nitong kilay na tanong.   Huminga ulit sya ng malalim saka pinagpatuloy ang pagku-kwento.   "He baked cookies for me. Araw-araw naglalagay sya ng cookies sa locker ko. Kahit gusto kong itapon ang cookies ay hindi ko magawa. I don't know why, maybe because I love cookie." Kibit balikat nyang sabi. "And I'm confuse mom, why is my face heat when he smiled at me?"   Napakunot-noo sya ng tumawa ang ina nya. "That’s what you called blushing sweetie."   "Blushing?" She knows the meaning of it pero hindi naman sya naniniwala na nangyayari nga 'yun sa mga tao.   Kung baga para sa kanya, sa libro o telenovela lang 'yun nangyayari. Nagba-blush on lang para matawag na nag-blush nga ang isang tao.     "Yes sweetie." Her mom nodded. "So what else do you feel?"   Nakaramdam tuloy sya ng awkward sa ina nya. Hindi kasi sya sanay na nag-uusap sila ng ina tungkol sa lalaki. This is the first time.   "Hindi ko sya matingnan sa mga mata kapag ngumingiti sya at minsan bumibilis ang t***k ng puso ko kapag nakikita ko sya. Lalo na ng…” Napaiwas sya ng tingin sa ina. Nahihiya syang sabihin dito ang sinabi ni Mazer sa kanya dahilan para bumilis ang t***k ng puso nya. Hinawakan ni Allison ang baba nya saka pinaharap dito. "Nang?"   Napakagat-labi sya. "Nang sabihin nyang maganda ako."   "Oh my God." Mahinang sabi ng ina nya na tinakpan pa ang bibig nito. "My baby are starting to like a man."   "Like?" Gulat nyang tanong na tinanguan ni Allison. Napailing-iling sya. "Imposible 'yan mom." Pagtutol nya sa sinasabi ng ina.   She's starting to like someone? Sya? Magkakagusto kaagad sa lalaking bago nya palang nakilala. Imposible. Napakalaking imposible.   Umiling-iling ulit sya. "Impossible mom. Impossible." "Bakit?"   Napatayo sya. "Dahil kakikilala ko lang sa kanya." Lumapit sya sa railing ng veranda. "Hindi ako pwedeng magkagusto sa isang kakilala ko pa lang. It's..." hindi nya matuloy-tuloy ang gusto nyang sabihin. Napailing ulit sya. "It can't. I just can't."   Lumapit si Allison sa kanya at hinawakan ang kamay nya saka sya pinaharap dito. "It possible sweetie. Nothing is impossible in love."   Sinamaan nya ng tingin ang ina. "Mom!" Saway nya dito. "Kanina lang sinasabi mo I'm starting to like him and now your telling me about love. What just the heck mom?"   Natawa si Allison sa reaction nya. "Yeah, that's what I said. Pero saan ba papunta ang like? Sa love din naman di ba?" Napailing sya.   Hindi nya akalain na sasabihan sya ng mommy nya ng mga ganitong klasing bagay. Kung ang ibang magulang ay magagalit na dahil may nagugustohan na ang mga anak nila. But her mom is different, parang mas natutuwa pa ito ng malaman nito na may nagugustohan na syang lalaki. Kung gusto nga ba ang nararamdaman nya.   "I'm just telling the truth sweetie. And besides, ganyan din ako sa daddy mo noon." Napatingin sya sa ina nya na nakatingin sa malayo habang may magandang ngiti sa labi. "Noon, nalilito din ako gaya mo. Pinipigilan ko pa ang sarili ko na mahulog ang loob ko sa kanya dahil nga sa buhay na meron ako noon. Ayoko syang madamay at medyo napapabayaan ko na ang organisasyon noon dahil lang sa kakaisip sa kanya." Napangiti sya ng ngumiting lumingon sa kanya ang ina. "Ayokong-ayoko na mahulog ng tuloyan sa daddy mo noon dahil playboy sya. Araw-araw, iba-iba ang mga babae nya sa eskwelahan. Syempre nasasaktan ako, nagtataka nga ako kung bakit ako nasasaktan noon, hindi ko namalayan na nagkakagusto na pala ako sa kanya. At nong mga panahon na mapagdesisyonan ko na ayoko talaga na mahalin sya ay doon naman nya inamin sa akin na mahal nya din ako."   "And you give him a chance?" Tumango si Allison. "Hindi ka ba natakot mom? Na baka masaktan ka, na baka lokohin ka ni daddy."   "Natakot, syempre. Pero alam mo Kellis." Hinawakan nito ang kamay nya. "Hindi mo malalaman ang pakiramdam ng magmahal at hindi mo malalaman kung gaano kasarap ang mahalin kung hindi ka masasaktan. Tingnan mo kami ng daddy mo. Nasaktan man kami ng sobra-sobra noon, ito naman kami ngayon. May masaya at buo ang pamilya." Hinawakan ni Allison ang magkabila nyang pisngi saka sya taimtim na tiningnan. "You came into our life. Mas naging masaya kami ng daddy mo simula nang dumating ka."   Masaya nyang niyakap ang ina. "And I'm so lucky to have you both as my parents."   "Basta ito ang tatandaan mo Kellis, sa pagmamahal walang madali. Hindi pwedeng hindi ka masaktan, pero kahit masaktan ka sa pag-ibig, wag na wag mo itong susukoan. Andito lang kami ng daddy mo kapag nasaktan ka."   Tumango sya saka ngumiti. "Thank you mom." Natawa sya. "Lately, I feel awkward talking about this thing, but I learn something from you. Thank you for advising me."   "Your welcome sweetie. Gusto ko lang iparamdam sayo ang hindi ko naramdaman noon." Ngumiti ito. "Basta wag kang mahiyang magkwento sa akin. I’m always here for you, ready to listen and ready to give you advice."   Tumango sya. "Okay mom."   "But," napatitig sya dito. "Kailangan mong ipakilala sa amin ng daddy mo ang lalaking nagugustohan mo."   Bigla syang namula. "Mom!" Saway nya sa mommy nya, pero tinawanan lang sya nito. "Nagugustohan agad? Hindi pa nga ako sigurado eh."   Nagkibit-balikat lang ang ina nya. "But still, gusto ko parin malaman kung anong klasing lalaki ang nagpalambot sa malamig kong anak." Sinamaan nya ito ng tingin dahil sa sinabi nito pero kinindatan lang sya nito. “I bet his so lucky.”   Napailing sya. "Lucky nga ba sya mom? Loving a cold hearted like me is not easy."   "He is still lucky. Kasi alam ko na kapag minahal mo sya, sya at sya lang ang mamahalin mo." Napangiti nalang sya sa pag-comfort ng mommy nya sa kanya.   Nagugustohan? Nagugustohan na nga ba nya ang makulit na lalaking ‘yun? She still need to find out herself.     "IS ALLEXUS Lennon there?" Tanong nya sa secretary ni Allexus.   Umangat ito ng tingin saka ngumiti ng makita sya, but she didn't smile back.   "Yes Miss Reyes.” Tumango sya saka hindi kumakatok na pumasok sa opisina ng pinsan. Nakita nyang tutok na tutok ito sa pagbabasa ng mga dukomento. "Busy?"   Napaangat ng tingin sa kanya ang binata. Ngumiti ito ng makita sya saka tinanggal ang reading glass. Tinuro nito ang visitor chair.   "Napadalaw ka?" Tanong nito ng makaupo sya.   "Mom want to give you this." Ibinigay nya ang paper bag dito.   "Really?" Tiningnan nito ang laman saka napangiti. "Pakisabi kay mommy Allison salamat. Na miss ko na din ang luto nya."   Ngumiti saka tumango sya. "Anyway, kamusta ang organisasyon?"   Sumandal ito sa swivel chair. "Okay naman. Si tito Richard na ang namahala sa organisasyon. Sa kanya pinagkatiwala nina mommy Allison ang organisasyon, total matagal na syang nanilbihan sa mga Santillan."   Napakibit-balikat sya. Si Richard ang pinagkakatiwalaan ng mommy at tito nya pagdating sa organisasyon. Wala naman syang totol sa desisyon ng mga ito. Si Richard ang pinagkakatiwalaan na kanang kamay ni Allison.   "Kumusta na pala? Nahanap mo na ba ang babaeng sinasabi mo?" Tanong nya.   Ikunuwento kasi sa kanya nito na may nakilala syang maganda ngunit masungit na babae nong nagbakasyon ito sa ibang bansa. Allexus didn't have a chance to know the name of the girl dahil nagmamadali itong umalis.   Napangiti saka napailing si Allexus. "Hindi pa eh. Finding mysterious girl parin ang ganap ko."   Natawa sya. "Saan mo ba sya pinahahanap?"   "In US."   "Bakit don?" Kinuha nito ang ballpen saka pinukpok sa mesa. "Eh don ko sya nakita eh."     "Malay mo naman wala na don ang hinahanap mo kaya hindi mo makita-kita."   Napaayos ito ng upo. "What do you mean?"   "What's happening to the genius Allexus Lennon?" Napailing sya. "Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Nagagawang bobo ang matalino. Anyway, malay mo nagba-bakasyon lang ang babaeng hinahanap mo don. Malay mo taga-ibang bansa sya. Singapore, Italy, Japan or Philippines or so wherever she was."   Unti-unting napangiti si Allexus na nakapagpailing sa kanya. "Oo nga no. Bakit hindi ko naisip 'yun?"   Tuloyan na syang napailing. Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig. Sana nga lang hindi din sya maging bobo pagdating sa pag-ibig.   Sana.     ***   "HI BABY." Napalingon sya sa mommy nya na kakapasok lang ng kusina.   "Hi mom." Humalik sya sa pisngi nito saka nagpatuloy sa ginagawa.   Nakatingin lang si Ice sa ginagawa nya. Umupo ito sa isang stool saka nakalumbabang nakatingin sa kanya. Ngumiti sya dito.   "What's with that look mom?" Tanong nya dito.   Kinuha nya ang Hershey saka hinalo sa gagawin nyang cookies. Napangiti sya. Siguradong-sigurado syang magugustohan ito ni Kellis.   "I just love your smile. Just like your dad."   "Oh naman mom. Mana ata 'to sa inyo ni daddy." Bahagya syang umatras ng akmang gugulohin ng mommy nya ang buhok nya. "Mom naman eh, malaki na ako para gulohin mo pa ang buhok ko."   Natawa si Ice. "Asus! Nagbi-binata na ang anak ko." Bumalik ulit ito sa pagkakaupo sa stool. "Anyway, who's this lucky girl? Bina-bake mo pa talaga ng paborito mong cookies."   "You'll meet her soon mom. And you know what mom, katulad kami na paborito ang cookies." Naalala nya tuloy ang mukha nito ng una nitong matikman ang gawa nyang cookie. "Parang mean to be talaga kami mom."   "I can see that you really like her, Mazer."   "I really do mom." Sinimulan na nyang i-shape ng pabilog ang cookie saka nilagay sa oven.   "Ayaw mo talaga kay Railey?" Napabuntong-hininga sya sa tanong ng ina.   "Mom, kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya. And I'm sure magugustohan mo din ang babaeng gusto ko."   Hinaplos ni Ice ang pisngi nya. "Kahit sinong magustohan mo anak, magugustohan ko din." Nakangiting niyakap nya ang ina. He is such a lucky son to have a mother like Ice Miho Finn-Sandoval.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD