Kellis's POV: Dumaan ang ilang linggo at halos hindi na kami magkita ni Mazer sa sobrang busy nya sa work nya. Okay naman kami, nagte-text sya o tumatawag pero minsanan na lang. Naiintindihan ko naman kung bakit minsanan na lang pero hindi ko maiwasan ang ma-miss sya. Ang kakulitan nya, ang cookies nyang may halong specialty nyang pagmamahal--- natawa ako ng maalala ang mukha nya habang sinasabi 'yon---, ang kaingayan nya, lahat sa kanya nami-miss ko. Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Nakalagay ang baba ko sa palad kong nakapatong sa arm chair. Kailan ko kaya ulit makakasama ang makulit na 'yon? "Kellis," napalingon ako kay Savanna ng tawagin nya ako. "Mauna na ako ha? May pupuntahan pa kasi ako. Pakisabi na lang kay tita na mamaya pa ako makakauwi." Tumang

