KINABUKASAN ay nagulat ulit ako ng makita syang nasa harap ng room ko at naghihintay. Kinalabit ako ni Savanna at nakita ko syang malapad ang ngiti na tila ba kinikilig. "Nandyan na 'yong prince charming mo kaya hindi mo na kailangan maging malungkot." Kinunotan ko sya ng noo. "Hindi naman ako malungkot ah." "Deny pa." Inirapan ako nito. "Mauna na ako, ayoko maging gulong." Natawa ako sa sinabi nito. "Ingatan mo 'yang kaibigan ko ha?" May pagbabantang sabi ni Savanna. "Oo naman." Natatawang sabi nito. "Akong bahala sa mahal ko." "Nako, nako." Iiling-iling nitong sabi. "Maging sweet pa kayo. Inggitin nyo ang mga single. Walang poreber!" Sigaw nito habang naglalakad papalayo. Sabay kaming napailing at natawa ni Mazer sa sinabi nito saka naglalakad na ito papalayo habang kumakaway patal

