Chapter 13

1227 Words

NINANAMNAM ni Kellis ang pagkakape nya sa isang coffee shop. Gabi na at nasa labas parin sya kasama ang pinsan nyang mukhang binagsakan ng langit dahil sa nakabusangot nitong mukha. "Kailan ko kaya sya mahahanap?" Wala sa sariling tanong nito habang nakatingin sa malayo. Alam nya kung sino ang tinutukoy nito at kilala nya din ito, pero wala syang balak na sabihin dito kung saan ito matatagpuan. Gusto nyang ito mismo ang makatagpo sa hinahanap nito. Napasandal sya saka napatingin sa labas. Napakunot-noo sya ng makitang may babaeng binubulabog ng tatlong lalaki. Hindi na sana nya ito papansinin ng makita ang pamilyar na bulto ng babae. Wala sa sariling napatayo sya saka lumabas ng coffee shop. Tinatawag sya ni Allexus pero hindi nya ito pinansin, alam nya din naman na susunod ito. "Sige

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD