Chapter- 2

2155 Words
ANG akala ni JM ay naka-move on na siya kay Yza dahil nariyan na si Gianne sa kanyang buhay, ngunit isa pala itong pagkakamali. Nang makita niya ang kanyang ex-wife no’ng araw ng kanyang kasal ay bumalik sa kanya ang lahat. Bumalik ang araw kung paano niya ito ipinaubaya para mabuhay lang ang pinakamamahal niyang kapatid; ang araw na pumatay sa kanya, ang araw na wala na siyang mailuha pa sa sobrang sakit. Nang magkita sila ni Gianne sa resort, inakala niyang totally naka-move on na siya. Puro saya at kaligayahan ang naramdaman niya sa piling ni Gianne. Kaya naman nang mabuntis niya ito ay agad niya itong niyayang magpakasal. Ano ang kanyang gagawin ngayon kung sa bawat oras ay laman ng kanyang isipan ang dating asawa? Para siyang sinasakal sa isiping nasasaktan na sa mga nangyayari ang kanyang asawa. Papaano kapag nalaman ni Gianne na ang Yzabelle na pinakamamahal niya ay ang pinsan nito? Ano ang mangyayari sa kanila? Hindi na niya alam ang gagawin. Ang gulo-gulo na ng isipan niya at kung uuwi siya sa bahay ay mahihirapan siyang makita ang kanyang asawa na nasasaktan. Halos dalawang buwan na mula nang ikinasal sila at hindi pa rin niya natutupad sa asawa ang pangako. He promised her na dadalhin niya ito sa Paris at doon sila magsi-stay nang isang buwan para sa kanilang honeymoon. Ngunit hindi na niya kayang tuparin ang pangakong ’yon. Lasing na lasing na umuwi ng bahay si JM. Gano’n pa man ay palaging naghihintay si Gianne sa kanyang pagdating. Matiyaga ito na inaalalayan ang asawang halos hindi na makagulapay sa kalasingan. As usual, sa sofa ito hahantong at doon na niya ito huhubaran para bihisan ng pantulog. “I’m so sorry, Gianne. Hindi ko sinasadya na masaktan kita. Patawarin mo ako kung nangyari sa atin ang bagay na ito. Gulong-gulo na ang isipan ko at hindi ko alam kung ano pa ang tama at mali. Ang alam ko lang ay mahal na mahal ko pa rin siya.” Hilam sa luha si Gianne matapos mabihisan ang kanyang asawa. Nagmamadali siyang umakyat sa kanilang kuwarto at doon humagulgol. Anim na buwan na ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Miss na miss na niya ang asawa pero palagi naman siyang iniiwasan nito at uuwian na lasing. “Anak, kumapit kang mabuti. Sorry sa nangyayari sa amin ng daddy mo. Hayaan mo, anak, ngayon lang ’to. Pero promise, mahal na mahal ka ng daddy mo.” Habang hinahaplos ang sariling tiyan ay walang-tigil ang pagtangis niya. Gustong gusto na niyang umalis, pero hindi niya kayang iwan ang kanyang asawa. Mahal na mahal niya ito. Isa pa, sa kalagayan niyang ito ay hindi siya puwedeng basta umalis. Kailangan niyang magtiis muna hanggang sa makapanganak siya. *** SA paglipas ng mga araw ay walang nagbago sa kanilang pagsasama. Trabaho, office at pag-iinom ang kaulayaw ni JM. Sa umaga paggising nito ay balewalang kakain at maliligo then papasok sa trabaho. Gano’n na sila sa araw-araw. Idinadaan na lang din ni Gianne sa kaiiyak ang lahat ng sakit at hinanakit niya sa buhay. Isang text messages ang natanggap ni Gianne mula sa hindi kilalang numero. From: 0959******* Go to this place. Your husband has a surprise for you, don’t miss it. Nagdadalawang-isip siya kung pupuntahan niya ang lugar dahil anytime ay puwede na siyang manganak, pero baka maghintay ang kanyang asawa. Nagmamadali siyang naligo at nag-ayos ng sarili. Lately ay namumutla na siya sabi ng ilang kasambahay. Malaki rin ang ipinayat niya. Ngayon na magkikita sila ng kanyang asawa ay excited siyang nagpaganda at nagbihis nang maayos. “Manong, please pakibilisan ho, baka naiinip na ang asawa ko.” "Sige po, ma’am. Masaya ako na okay na kayo ni Sir JM.” Malapad ang kanyang ngiti habang binabaybay nila ang daan patungo sa lugar na ibinigay sa kanya ng kung sino. Duda nga siya na si JM ang nag-text sa kanya, baka gumamit lang ng ibang numero. “Ah, ma’am, diyan ba talaga ang ibinigay na address sa inyo?” “Oo, manong. Sige po, iwan na ninyo ako dito.” “Mag-iingat po kayo, ma’am.” “Sige po, salamat.” Inayos pa uli ni Gianne ang kanyang nagusot na damit saka maingat na humakbang papasok sa isang gusali. May nadaanan siyang guard, bumati at nagtanong pa sa kanya kung saan siyang floor papunta. “Ah, sa restaurant lang ako.” “Sige po, ma’am. Ingat kayo, ang laki pa naman ng tiyan n’yo.” “Salamat ho.” Sumakay siya ng elevator. Excited na talaga siyang makita at mayakap ang kanyang asawa. Magmula nang ikinasal sila ay ngayon na lang uli sila magkakausap at magkakasama. Pagkalabas ng elevator ay nagpalinga-linga siya sa mga pintuang naroon. Isa-isa niyang tiningnan ang mga numero sa pinto hanggang makita niya ang ibinigay sa kanyang instructions. Subalit hindi iyon isang restaurant dahil ang numero ng pintuan ay isang room. Agad siyang kumatok at inihanda ang malapad na ngiti. Nang bumukas iyon ay isang babaeng halos hubad na ang nabungaran niya. “Who are you?” “Honey, sino’ng dumating?” Parang nakakita ng multo si Gianne nang magsalubong ang kanilang tingin ni JM. “I think mali ka ng pintuang kinatok, misis?” Nangilid agad ang mga luha niya at gusto nang pumatak n’on pero pinipigilan niya itong malaglag sa harapan ng dalawa. “Ah, y-yeah. S-Sorry, miss.” Halos madapa siya sa pagmamadaling takbuhin ang elevator. Nang marating niya iyon ay muntik pa siyang mauntog dahil hilam na siya sa luha, kaya hindi na niya masyadong makita ang daan. Para siyang mamamatay sa sobrang sakit na nararamdaman. Nanginginig siya sa pagpindot ng ground floor button ng elevator para lang makalayo agad sa lugar. Wala nang sasakit pa sa lahat ng kanyang dinanas mula nang magkaisip siya. Para siyang pinupunit sa sakit ng nararamdaman, nagsisikip ang dibdib at halos hindi na makahinga. ‘Calm down, Gianne, calm down. Baka mapaanak ka nang wala sa oras,’ bulong ng kanyang isipan. Sinikap niyang magpakatatag pero sadyang tumitiklop ang kanyang mga binti. Tuluyan siyang napahandusay sa sahig habang may umaagos na dugo sa mga hita. Bumukas ang elevator at nagulat ang lalaking papasok sana sa loob. “Hurry! Tumawag kayo ng ambulansiya!” malakas na sigaw ng matangkad na lalaki sa guwardiyang naroroon. Agad niyang binuhat si Gianne na halos wala nang malay. Kasabay ng pagdating ng ambulansiya ay ang paglabas ng elevator ng humahangos na si JM. Kitang-kita niya ang duguang asawa na karga ng isang matangkad na lalaki. Halos liparin niya ito ng takbo pero naisakay na iyon sa loob ng ambulansiya. “Sandali nga, JM! Sino ba ang hinahabol mo at nagmamadali kang umalis? Hindi ba ngayon ang appointment natin sa OB-GYN ko? Mas inuuna mo pa ang walang-kuwentang bagay!” Nakaramdam ng galit si JM sa malakas na boses ng babaeng nakahawak sa kanyang braso. Tinanggal niya ang pagkakahawak nito at nagmamadaling tumakbo kung saan nakaparada ang kanyang kotse. Para siyang biglang natauhan nang makita sa ganoong sitwasyon ang kanyang asawa. Panay ang hampas niya sa manibela at sising-sisi siya sa kanyang sarili. Ilang beses niyang sinubukang i-dial ang number ni Gianne pero ’di na niya iyon ma-contact. *** SA ospital ay hindi mapalagay si Marcus dahil sa sitwasyon ng babaeng buntis. Hindi niya maintindihan ang sarili. Kanina nang makita niya ang babaeng nasa lapag ng elevator at nagbi-bleeding, pakiramdam niya ay may koneksiyon silang dalawa nito. “Mister, kaano-ano ho ninyo ang pasyente? Paki-fill up ho dito at pakipirmahan din.” Hinagilap ni Marcus ang bag ng babae sa kanyang gilid. Kanina ay iniabot ng staff ng ambulansiya ang bag na ’yon sa kanya. Nagmamadali niyang binuksan iyon at naghanap ng pagkakakilanlan ng babae. Agad niyang dinampot ang wallet ng babae at binuksan iyon. Ilang mga card ang naroon at agad niyang kinuha ang driver’s license na nakita. Gano’n na na lang ang pagkagulat niya nang mabasa ang buong pangalan ng babae. Malakas ang kaba niya habang nagpi-fill up. Nang matapos iyon ay agad niyang iniabot ang papel sa naghihintay na nurse. Tinawagan niya ang kanyang kaibigang detective. “Pare, ipapadala ko sa e-mail mo ang complete detail ng taong gusto kong imbestigahan mo. Kung maaari ay malaman ko within twenty-four hours. Mahalaga sa akin ito, pare.” “Sure, pare. Agad kong itatawag sa ’yo.” “Thanks, pare. Bye.” Tinawagan ni Marcus ang guard sa kanyang condominium building na pagmamay-ari niya para tanungin ang ilang detalye tungkol sa babae. “Ano’ng ginagawa ng babaeng buntis sa building natin?” “Hindi ko ho alam, boss. Unang beses ko lang siyang nakita dito.” “Call on the CCTV room and tell them na kailangan ko ng copy kung saang floor galing ang babaeng buntis at kung sino ang pinuntahan niya sa building.” “Yes, boss.” Bumalik siya sa pagkakaupo habang hinihintay ang paglabas ng doktor. “Are you her husband?” tanong ng doktor sa kanya nang lumabas ito. “No, but I’m the guardian,” sagot niya sa may-edad na doktor. “She needs a surgery. Delikado ang bata sa tiyan niya. Dahil sa lakas ng pagkabagsak niya ay pumutok ang tubig sa kanyang tiyan. Masyadong maraming nawalang dugo sa kanya at kailangang masalinan agad siya. We need blood immediately.” “I am willing to donate kung sakaling kadugo ko siya.” “Please go to the nurse station para ma-check ang dugo mo, Mr. Ortega. Type-AB ang dugo ng pasyente.” “Maupo na kayo, mister, para ma-test kung clear at walang magiging problema,” bungad ng nurse sa kanya nang magtungo siya sa nurse station. “Sure. Ah, miss, puwede ba akong mag-request ng DNA test ng pasyente at sa akin, please?” “Walang problema, mister. Pero one week pa bago ninyo makuha ang resulta.” “Okay lang, nurse. Salamat.” Nabuhayan siya ng loob nang malamang magkaparehas sila ng type ng dugo. Sa pagkakataong iyon ay lalong lumakas ang kanyang hinala. Halos tatlong oras ang hinintay ni Marcus bago natapos ang surgery. Nagmamadali niyang nilapitan ang dalawang doktor na kalalabas lang ng OR. “Doc, how’s the patient?” “She’s stable now. Pakihintay na lang ang pasyente at maya-maya lang ay dadalhin na siya sa recovery room. The baby is healthy. Naroon na siya sa nursery room, puntahan mo na lang doon.” Matapos magpasalamat ay agad siyang humakbang patungong nursery room. Excited siyang makita ang bata. *** SA mansiyon ay panay ang check ng mga magulang ni JM sa mga ospital na maaaring pagdalhan kay Gianne pero hindi nila ito mahanap. Nag-request na sila sa building ng CCTV footage para mapabilis ang paghahanap. Tinawagan na nila si Josh at ang iba pang connections nila para humingi ng assistance. “H’wag kang tumayo lang diyan, Jayden! Bumalik ka doon sa building at ikaw na mismo ang pumunta sa CCTV room doon para makita mo!” Halos masuntok ni Dave ang anak dahil sa ginawa nito. Tahimik siyang umalis at nangmamadaling binalikan ang lugar. Ngayon lang niya nakitang nagalit sa kanya ang ama. “I want to see the CCTV footage about sa nangyari kanina doon sa buntis sa elevator.” “Sorry, sir, pero mahigpit na ipinag-utos ng big boss namin na walang puwedeng makakita ng CCTV footage lalo na ang tungkol sa nangyari doon sa babae.” Nagpanting ang tainga ni JM at hinaklit nang malakas ang kuweyo ng guwardiya saka malakas itong sinuntok. “Asawa ko ang babaeng buntis kaya ako naririto! Now I want to see the CCTV footages! Bilis! O baka gusto mong patayin kita ngayon din?!” “Boss, sandali ho at tatawagan ko si Big Boss. Mas mabuting patayin n’yo na lang ako kaysa naman mawalan ako ng trabaho. Dito lang umaasa ang buong pamilya ko.” “Hurry, call him! I want to talk to your boss right now!” “Boss, may gustong kumausap sa inyo.” Agad na inagaw ni JM ang cell phone ng guard at kinausap ang nasa kabilang linya. “I don’t care kung Montemayor ka, assh*le! And about the CCTV footages, hindi mo iyon makikita, unless maghihintay ka sa pag-uwi ko diyan!” Gustong manuntok ni JM nang dial tone na lang ang narinig niya. Kinausap ni JM ang kanyang pinsang si Josh. Nakahinga siya nang maayos nang sabihing humingi na sila ng request sa mga awtoridad na makakuha ng CCTV copy roon. Hindi na nagtagal pa doon si JM at nagmamadaling sumakay ng kotse hanggang sa tumunog ang kanyang cell phone. “Yes, Dad?” “Nakita na ang asawa mo at papunta na kami doon ng mommy mo." “Sige, Dad. On the way na po ako, salamat.” Habang mabilis na nagmamaneho ay hindi maiwasang bumalik sa alaala niya ang nangyari noon kay Yza. Parang naulit lang uli iyon ngayon. Sana naman ay walang masamang nangyari sa kanyang asawa at anak, dahil ’pag nagkataon ay hindi niya mapapatawad ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD