Chapter- 1

2456 Words
DUMATING sa El Montemayor Private Resorts si JM galing sa ilang buwan niyang pagliliwaliw sa iba’t ibang bansa. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang nangyari sa kanila ni Yza pero kailangan niyang tanggapin na wala na ito sa buhay niya. Isa pa ay annulled na silang dalawa ni Yza kaya dapat na talaga niya itong kalimutan. Ilang bansa na ang napuntahan ni JM pero hindi pa rin siya makawala sa sistema ni Yza, ang babaeng minahal niya mula pa nang unang araw na makita niya ito. Pero dahil sa kapatid niya ay sinikap niyang kalimutan ito. Dito muna siya sa isla, dahil kung nasa Maynila siya ay hindi niya maiiwasang makita ang dating asawa sa mansiyon. Isa pa, ang gumugulo sa isipan niya ay si Gianne Cassandra Lopez, ang babaeng inabutan niya sa mansiyon nila noong panahong ipinaubaya niya ang asawang si Yza sa kanyang kapatid na si Charles. Hinalikan niya ang dalagang iyon. Siguro dahil sa sobrang frustration niya sa nangyayari sa pagitan nila ng kapatid, pati ang dalaga ay napagbalingan niya. Naglalakad-lakad siya sa dalampasigan nang makuha ang kanyang atensiyon ng isang babaeng sa tingin niya ay binabastos ng mga kalalakihan. Nagmamadali niya itong nilapitan at agad na tinulungan. Hinarap niya ang mga kalalakihang nagpipilit na hawakan ang babae. Mabuti na lang at may mga guwardiyang nakakita sa nangyayari at agad hinabol ang mga lalaking agad nagtakbuhan. Pagbaling ni JM sa dalaga ay nagkagulatan pa sila nito. “You?” “Ikaw?” Sabay pa nilang tanong sa isa’t isa. “Kailan ka pa rito?” “Kararating ko lang. Ayaw ko nga sana pero gusto ni Tita Trisha na dito muna ako para daw makalanghap ako ng sariwang hangin at makapagpahinga.” “I see. Let’s ride a boat, mamasyal tayo.” Natilihan si Gianne. Bigla niyang naisip ang eksenang nangyari sa pagitan nilang dalawa two months ago. Agad siyang hinila ni JM, ayaw bigyan ng pagkakataong tanggihan siya nito. Isang may kalakihang speedboat ang tinungo nila. Mabilis niyang binuhat ang dalaga. Napahigpit ang pagkakayapos ni Gianne sa leeg ni JM sa takot na baka malaglag siya sa tubig. Nang maisakay siya ni JM ay mabilis din siyang umakyat doon. May pagmamadali ang kilos na pinaandar ni JM ang makina ng speedboat at mabilis silang sumibad palayo sa pampang. “Come here, baby. Try this, tuturuan kita.” “No, I can’t! Sorry, takot ako, baka tumaob pa tayo. I-Ikaw na muna at dito lang ako.” “Halika na, bilis. Sige ka, ’pag hindi ka lumapit, bibitiwan ko ang manibela,” pananakot ni JM. Napatayo si Gianne at agad na lumapit sa binata. Mahigpit na niyakap ni JM ang dalaga na nanginginig sa takot. “Relax, baby. Hindi ko hahayaang mahulog ka dahil poprotektahan kita.” Nakaramdam ng kakaibang init ang dalaga sa pagkakadaiti ng katawan nila ng binata. Gusto niyang lumayo rito pero mahigpit ang pagkakayapos ng isang braso nito sa kanyang katawan. Habang tumatagal ay unti-unting binuhay ni Gianne ang natutulog na harapan ni JM. Ramdam ng binata ang pagkagising ng ibang parte ng kanyang kalamnan. Ang mainit na katawan ng dalaga ang nagpabuhay sa kanyang mga ugat, lalo na ang matambok nitong puwitan na nakadikit mismo sa kanyang harapan. Nang masiguro ni JM na malayo na sila sa dalampasigan ay nagmenor sila. Sa kinalalagyan nila ay halos hindi na makikita o makikilala ang mga tao roon. Walang inaksayang sandali si JM at agad na nilamukos ng halik ang nakaawang na labi ng dalaga. Minsan na niyang natikman ito noong bago sila nagkahiwalay ni Yza. Aminado siyang kakaibang init ang hatid ng mga halik na iyon, dangan lang at nang mga panahong iyon ay sa asawa umiikot ang mundo niya. “I missed you, baby. Ang tagal kong pinanabikan ang labing ito. Alam mo bang kahit nasa malayo ako ay paulit-ulit bumabalik sa alaala ko ang isang beses sa halik na iyon?” “J-JM, hmm . . . B-Baka may makakita sa atin d-dito.” “Wala, baby. Walang ibang tao dito, tayong dalawa lang.” Walang nagawa si Gianne nang sakupin uli ni JM ang kanyang mga labi. Ang mga halik na banayad at napakatamis ay tuluyan nang nagpawala ng kanyang natitirang pagtutol. Nagpaubaya na siya dahil kahit siya ay nilukob na ng kakaibang init ng pagnanasa. Hindi lang iyon ang gusto niya, may gusto pa siyang gawin ang binata sa kanya na mas higit pa. Unti-unting hinubaran ni JM ang walang-kibong dalaga. Halos lumuwa ang kanyang mga mata sa bawat bahagi ng katawan nito. Morena si Gianne, pero napakakinis nito, may malalaking dibdib, maliit ang baywang, at mamula-mula ang kaangkinan na lalong nagpataas ng kanyang libido. “Baby, can I take all of these?” “Y-Yeah, I’m y-yours. Take me.” Ang salitang iyon ang kanyang hinihintay. Sinimulan niya agad ang gusto niyang gawin. Nang wala na silang suot na kahit ano ay agad niyang binuhat ito. “Hold me, baby.” “Please, JM . . .” Hindi siya sigurado kung para saan ng please nito. Basta ang alam niya ay gusto na niya itong maangkin. Nakaramdam ng sobrang kirot si Gianne nang tuluyan siyang angkinin ng binata. May karanasan na siya noon pero dahil hindi ordinaryo ang sukat ng harapan ng katalik ay hindi niya mapigilang dumaing sa sakit. Tumigil sa paggalaw si JM nang maramdamang sumagad na siya sa kaloob-looban ng dalaga. Alam niyang isang beses nang nagalaw ito ng kanyang Kuya Charles ngunit matagal na iyon. Pakiramdam nga niya ay siya ang unang lalaki sa buhay nito. “Okay ka na ba?” “Y-Yeah. You can move now.” “Sorry, baby. Hindi ko mapigilan kaya nabigla kita.” “O-Okay lang, baka nanibago lang ako kaya medyo masakit.” “Sshh. Ang gusto ko lang na isipin mo ngayon ay ako at wala nang iba.” Napatango na lang si Gianne sa binata. Paulit-ulit na inangkin ni JM ang dalaga. Gusto niyang burahin sa isipan nito ang unang lalaki sa buhay nito. Sisiguraduhin niyang makalilimutan nito ang kanyang kapatid na si Charles. Dahil sa pagkakaalam niya ay si Gianne Cassandra ang babaeng iniregalo sa Kuya Charles niya noong gabi ng stag party nito. At kamakailan lang niya nalaman na ang ina niya na si Trisha ang tumatayong guardian nito dahil ang ina ni Gianne at mommy niya ay mag-best friend noong panahong nasa modeling agency pa ito. “J-JM, bumalik na tayo sa resort dahil nagsisimula nang dumilim at saka parang lumalaki na ang tubig.” May takot nang nararamdaman si Gianne. “Yes, baby. Halika dito sa tabi ko at babalik na tayo.” Hindi alam ni JM ang tunay niyang damdamin para sa dalaga. Ngunit isa lang ang alam niya ngayon: kailangan ng katawan niya ang init na naibibigay nito. Sa ngayon ay hindi na muna niya iisipin ang makapagpapagulo sa kanila. Ang gusto lang niya ngayon ay maging masaya at tuluyang makawala sa alaala ni Yza. Tahimik lang si Gianne habang pabalik sila ng resort. Wala siyang lakas ng loob na magtanong pa ng ibang personal na bagay sa binata. “Ano’ng inisip mo at kanina ka pa tahimik? Trust me, Gianne. Kung anuman ang gumugulo sa isipan mo ay sabihin mo sa akin. Handa akong makinig at gusto kong sabihin sa ’yo na ang nangyari sa atin ay mahalaga sa akin.” “Wala naman, JM. Ayos lang ako. Nag-aalala lang ako sa maaaring maging reaksiyon ng mommy mo ’pag nalaman ang tungkol sa atin.” “Wala tayong magiging problema sa kanila. Kilala ko sila kaya don’t stress yourself, dahil sakaling malaman nila ang tungol sa atin ay nakakasiguro ako na hindi sila tututol.” “O-Okay,” sang-ayon na lang niya sa binata. Maingat siyang inalalayan ni JM nang makababa sila ng speedboat. Habang naglalakad sila pabalik ng resort ay nakapulupot ang braso nito sa baywang niya. Hindi siya pinakawalan nito kahit gustuhin man niyang kumawala sa matigas na bisig nito, lalo na nang sa kuwarto siya dalhin nito. “Stay with me. Ipapalipat ko na lang dito ang mga gamit mo.” Hindi iyon pakiusap pero isa iyong utos mula sa isang JM Montemayor. Wala siyang lakas ng loob na magreklamo kaya naging sunod-sunuran siya sa bawat naisin nito. Pakiramdam niya ay napasailalim siya sa awtoridad ng binata. *** MABILIS ang paglipas ng mga araw at linggo. Almost a month na silang magkasama. Sa mga araw na kasama ni JM si Gianne ay napakaligaya niya. Walang araw o gabi na hindi niya ito inaangkin. Lalo pa siyang naging agresibo sa kama mula nang makasama niya ito. Kung mabilis siyang magsawa noon sa babae ay hindi na ngayon. Dati, walang pangalawang beses na dinadala niya sa kama ang babae. Subalit magmula nang dumating si Gianne sa buhay niya ay hindi na siya tumikim pa ng iba. Sa halip na magsawa siya rito ay lalo yata siyang nababaliw sa dalaga. Isang umaga ay nagising si Gianne na bumabaliktad ang kanyang sikmura. Takot agad ang rumehistro sa kanyang isipan. Siguradong hindi niya maililihim iyon sa mga magulang ni JM. Ano na lang ang sasabihin sa kanya ng itinuturing na niyang pangalawang ina na si Trisha? Nagulat siya nang bigla siyang yakapin ni JM mula sa likuran. “Are you sick, babe?” “JM, I-I think I’m p-pregnant,” nauutal na pagtatapat niya rito. “Oh, really? So, magiging daddy na pala ako ngayon, babe? Ang saya-saya ko! Sa wakas, magkakaanak na ako!” *** MULA nang makompirma ng doktor na three-weeks pregnant siya ay wala silang pagsidlan ng tuwa. Kahit hindi pa rin maiwasan ni Gianne ang takot. “Come here, babe, may sorpresa ako sa ’yo.” “Saan mo ako dadalhin, JM? Baka madapa ako. Bakit kailangan na may takip pa ang aking mga mata?” “Sshh, babe. May sorpresa nga ako sa iyo. Saglit lang ito, okay? One more step at malapit na tayo.” Huminto sila sa pinakagitna malapit sa isang table at mabilis na inalis ni JM ang piring sa mga mata ni Gianne. Lumuhod siya sa harapan ng babaeng nagbigay ng pangalawang ligaya sa buhay niya. Nahindik si Gianne nang bumungad sa paningin niya ang isang romantic table with candle light. May tatlong malalaking red roses at isang bote ng white wine at ilang putahe ng pagkain sa lamesa. “Marry me, Gianne Cassandra.” Naluluha siya sa saya habang tumatango sa nagsusumamong mga mata ng binata. “Yes, I’ll marry you, JM.” Isinuot ni JM ang engagement ring sa kanya at hinalikan pa iyon ng binata bago ito tumayo. Pumulupot ang braso nito sa kanyang katawan at iginiya siyang sumayaw. Napalingon siya sa pinanggagalingan ng musika at doon ay nakatayo ang tatlong lalaki habang tumutugtog. “Babe, are you happy now?” “Yeah. Sobrang masaya ako, JM. Thank you.” “I love you, babe.” Bahagya pang sinalat ni JM ang impis pa niyang tiyan. “Hey, son, I already proposed to your mom and I am so happy dahil she said yes, anak.” “Hindi ka pa sigurado na lalaki ang magiging anak natin.” “I know, babe. Lalaki siya at mana sa akin.” “Okay, as you wish.” Sabay yakap niya kay JM. “I love you too, handsome.” *** AGAD silang umuwi ng Maynila. Wala silang sinayang na panahon at naikasal agad sila. “Congrats to both of you. I’m so happy for you.” Boses iyon ni Yza. “Thank you, Ate Yza. Thank you, Kuya Charles.” Kahit naiilang ay malapad pa rin ang ngiti ni Gianne sa mga ito. Si JM ay tahimik lang na umiwas sa presensiya ni Yza. Aminin man niya o hindi, until now ay affected pa rin siya rito. Si Trisha ay walang pagsidlan ng tuwa. Natupad na ang promise nilang magkaibigan na ipakasal ang kanilang mga anak. Nakalulungkot lang dahil maagang binawian ng buhay ang best friend niya. “Masaya ako, Gianne. Kung buhay ang mommy mo, sigurado akong masayang-masaya rin siya para sa ’yo.” “Salamat po, m-mommy.” Naramdaman ni Gianne ang pananahimik ng asawa. “JM, okay ka lang ba? Gusto mo bang mauna na tayo sa kanila?” “O-Okay lang ako, babe. Medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko.” Naninibago man si Gianne kay JM ay ayaw naman niyang magtanong kaya nanahimik na lang siya. “O, bakit naririto pa kayo, brother? Dapat nasa honeymoon na kayo!” “Ah, eh, Kuya, medyo hindi maganda ang pakiramdam ko. Baka ipagpabukas na lang namin ang pag-alis.” “Ah, gano’n ba? Gusto mong magpatawag ako ng doktor?” “Naku hindi na, Kuya Charles. Napagod lang talaga siguro ako, ipapahinga ko lang ito.” “Congrats uli, brother. ’Yong regalo ko sa ’yo, nasa kuwarto ninyo. Sige, maiwan ko na muna kayong dalawa at ihahatid ko pa ang asawa ko sa bahay bago ako bumalik sa opisina. Sorry, bro, may emergency meeting ako.” “Ano ka ba, Kuya? Okay lang ’yon.” “Okay, bye.” *** ILANG araw na sila sa mansiyon ng mga magulang ni JM ay hindi pa rin sila umaalis. Nagtataka na si Gianne sa ikinikilos ng kanyang asawa. Dapat nasa honeymoon na sila, pero bakit wala na yatang plano si JM? “Can we talk, JM?” “Yeah, babe. Ano’ng sasabihin mo?” “H-Hindi na ba tayo matutuloy?” “Ah, y-yeah, babe. Sorry, medyo busy lang ako. But promise, once na okay na ang schedule ko ay aalis tayo.” Gustong maiyak ni Gianne. Mula nang araw na ikasal sila ay nagkaganito na ito. Alam niyang may something na nangyayari sa asawa ngunit wala siyang lakas ng loob na magtanong. Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan, nakalimutan na yata ni JM ang kanilang honeymoon. Malaki na rin ang kanyang tiyan. Kahit nasasaktan ay tiniis na lang niya ang kalamigan ni JM. Gano’n pa man ay asikasong-asikaso pa rin niya ang kanyang mister. Araw-araw ay tinitiis niya ang sakit ng pangungulila sa kanyang asawa. Hindi na ito ang JM na minahal niya. Isang araw, umuwi ito nang lasing sa kalagitnaan ng gabi. “Y-Yzabelle, b-bakit hindi kita nakalimutan? A-Ang akala ko ’pag p-pinakasalan ko siya ay mababaling na sa kanya ang p-pagmamahal ko sa ’yo. I-I was wrong, m-mahal na mahal pa rin k-kita.” Tigagal si Gianne sa narinig. Sinong Yzabelle ang mahal ng kanyang asawa? Imposible naman na ang pinsan niyang si Yza iyon, samantalang asawa iyon ng kapatid nitong si Charles? Parang pinapatay sa sakit ang puso niya. Kaya naman pala ganito na ang kanyang asawa ay may mahal pala itong iba. Hilam sa luha na iniwan niya ang lasing na asawa at umakyat sa kanilang kuwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD