(WARNING: Explicit language, plot, scene, and drugs) Hindi ko alam kung matutuwa ako sa narinig o hindi. Tulala ako. Pero tahimik akong nanuod ng mga mangyayari kahit na hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Kilala ng lahat si Solar kahit ako na isang taon ng tumigil sa karera. Matagal ang kanyang reign sa ranking ng mga racers. Ilang taon din ang tinagal ng kanyang pagiging hari ng mga street racers. Kilala siya dahil siya lang ang nakakagawa ng mga special tricks at mahihirap na drifts sa race. At nasabing tumigil na daw siya sa pagrace last year. Kasabay ko. Kaya parehong nawala din kami sa rank ng racers dahil may mga pumalit. Pero ayokong maniwala na si South ay si Solar. Dahil malaki ang kasalanan sa akin ng racer na iyon. Buhay ang kasalanan niya. At di ko alam kung a

